Chapter 49 : Back At Modelling

Jimin's Point of View.

Nagising ako nang 7:00 ng umaga dahil naalala kong may pasok nga pala ako. Muntik ko nang makalimutan na may trabaho nga pala ako sa coffee shop.

After kong mag-morning routine sa CR ay pumunta ako sa kusina para sana magluto ng breakfast kaso nakita ko rito si Aria, anak ng kinakasama ni Dad sa Korea.

"Uhm, what are you doing?" She's a year older than me but I don't wanna call her noona.

Napalingon siya sa 'kin at ngumiti, "Hey, Jimin! Uhm, I woke up early and thought of cooking breakfast for all of us. Why are you awake this early?"

"I have part-time job." maikling sagot ko at pumunta sa kung nasaan ang fridge. Binuksan ang freezer at kinuha 'yung ham. "Can you cook this?" inabot ko sa kaniya ang ham, "I want it cooked before I finish taking a bath, okay?"

Kinuha niya ang ham at tumango, "Okay. Uhm, I'll also cook instant noodles for all of us. Is that okay?"

Tinanguan ko lang siya bago umalis ng kusina. Umakyat ako sa kwarto ko para kumuha ng damit saka bumaba ulit at pumunta sa CR para maligo.

Mga ilang minuto ang lumipas bago ako matapos. Nagbihis na rin ako sa loob saka lumabas na. Pinatuyo ko ng tuwalya ang buhok ko at nagtungo sa salaminan malapit sa pintuan para magsuklay, nakasabit sa leeg ko ang tuwalya.

"Jimin-ssi, I already cooked the ham but the instant noodles isn't ready yet. Can you wait a little bit?" sigaw niya mula sa kusina.

"Yeah, of course." Ang tagal kong hindi nagsalita ng Korean, feeling ko hindi na ako masyadong marunong.

I was born in Busan, South Korea at madali akong natutong mag-Korean at mag-English since English teacher si Mom dati sa isang Elementary School sa Korea. Pero tumigil siya at hindi ko alam kung bakit. When I was 3 years old, lumuwas kami rito sa Pilipinas. Umiyak pa ako noon kasi wala akong maintindihan sa wika ng mga tao rito.

Dahil do'n, tinuruan nila akong mag-Tagalog hanggang sa magsimula na akong mag-aral sa pre-school. Doon ay nagpatuloy akong mag-aral ng Tagalog. Kaso limited pa lang ang mga alam ko noon kaya madalas akong mag-English o kaya Korean.

So, I grew up learning three languages, I'm a fast learner. And if you're wondering, Mom is Filipina and Dad is Korean.

Si Taehyung, 1/4 Korean lang siya. His mom is pure Filipina while his dad is half-Filipino, half-Korean. So that makes him 1/4 Korean.

Anyway, pagkatapos kong magsuklay at mag-ayos ng buhok ay binalik ko sa kwarto ko ang aking tuwalya saka bumaba ulit.

Pumunta ako sa kusina para kumuha ng mga plato, kutsara at tinidor. Lalabas na sana ako nang tawagin ako si Aria.

"Jimin-ssi, why is this instant noodles called Lucky Me?" napatawa ako nang konti. "What a unique brand name!"

I chuckle, "I don't know."

Lumabas na ako ng kusina at naghain na sa lamesa. Habang ginagawa ko 'yon, napansin kong isa-isang bumababa sina Mom, Dad at Jihyun.

"Good morning, hyung!"

"Good morning, my baby Jiminnie!"

"Jimin-ah, good morning."

That was Jihyun, Mom and Dad in that order. "Good morning." I coldly said.

So, kahapon umuwi si Dad kasama si Aria. Her mom is a single parent of two, may little sister pa kasi si Aria, sa palagay ko 'yon yata 'yung nakita kong batang kasama ni Dad sa picture.

(A/N: Chapter 29 ^^)

Umuwi lang si Dad dito para ipakita at papirmahan ang divorce papers kay Mom para makapagpakasal na sila nung girlfriend niya. Even Jihyun knew about this. Nagalit ako kahapon kasi ako lang ang walang alam tungkol do'n, umalis ako ng bahay saglit para magpalamig ng ulo.

Pero naisip ko, hindi naman masyadong naging tatay sa 'kin si Dad. Well, he calls me his son but he barely treats me like one. When I came out as a gay to them, hindi niya tanggap at nagalit pa siya sa 'kin.

I think Dad never loved us in the first place. Sa palagay ko lang 'yon ah. Nagalit nga ako kagabi, pero ngayon parang okay na lang sa 'kin na magkakaroon ng bagong pamilya si Dad. Ewan ko ba.

Nang maihanda na ni Aria ang instant noodles sa lamesa ay umupo na kami at tahimik na kumain. As in nakakabinging katahimikan.

Nauna akong matapos kumain at dumiretso ako sa CR para mag-toothbrush.

Ito na yata ang pinakatahimik at awkward na atmosphere ng bahay.

Taehyung's Point of View.

"Oh, Kuya, bakit nakabihis ka? Saan punta? Akala ko trip mo lang maligo nang maaga." tanong ni Yeri habang nanonood ng TV sa sala. Alas syete pa lang ng umaga.

"Babalik ako sa modelling." sagot ko at nagulat ako nang may sumigaw sa kusina.

"Aba! Very good 'yan!" Si Mama pala. Nakita kong lumabas siya ng kusina. "Hindi ka ba kakain muna? Malapit na ako matapos."

"Hindi na po, do'n na lang ako kakain." nakangiting sabi ko, "Do'n sa karinderya ni Jin hyung."

"Bakit pabigla-bigla ka yata? Hindi ka nagsabi sa akin kahapon."

"Kanina ko lang naisipan pagkagising ko, dahil sa panaginip ko." sagot ko at tumawa nang bahagya. "Sige, see you later!"

"Nagpaalam ka ba sa tatay mo?" tinaas niya ang spatula na hawak niya.

"Tulog pa eh, ayokong istorbuhin. Kayo na lang po magsabi na umalis ako. Sige na, bye." Kumaway ako sa kanila bago lumabas ng bahay.

Naglakad na ako palabas ng subdivision. At nang makalabas ako ay nag-tricycle na lang ako papunta sa building. Well, kinakabahan pa rin ako, pero kaya ko 'to.

Napanaginipan ko sina Adrian at Emilia. Nasa parang photography studio sila na makaluma ang itsura at kinukuhaan ng pictures ni Adrian si Emilia. Nag-kiss pa nga sila sa huli bago ako magising. So cringe.

Since na-miss ko ang modelling at gusto ko ulit magkapera kasi may gusto akong bilhin para kay Jimin, babalik ako. As part-time model pa rin, syempre. Hindi ko kaya ang full-time.

At tama kayo ng hula, camera nga ang ibibili ko kay Jimin. I know he doesn't like it when people give him gifts, pero sana tanggapin niya pa rin ang ibibigay ko sa kaniya. He's very special to me.

Hindi ko namalayan na nandito na pala ako sa tapat. Nagbayad na ako ng pamasahe sa driver saka lumabas ng tricycle. Bumuntong hininga muna ako bago maglakad papasok ng building.

"Good morning!" pagbati ko pagkapasok.

"Oh my God! Taehyung?"

"Taehyung-ah!"

"Hi, V~"

"Good morning, Taehyung-ssi. Welcome back!"

Nginitian ko lang sila saka sumakay ng elevator. Pinindot ko ang 3rd floor at nagsimula na itong umandar.

Nang magbukas ang pinto, huminga muna ako ng malalim bago lumabas. Naglakad na ako papunta sa usual photography studio na pinagshu-shooting-an ko at kumatok sa transparent na pinto.

Sabay-sabay silang napatingin dito at nagulat nang makita ako.

"Si Taehyung ba 'yan?"

"Taehyung?

"Hoy! Si Taehyung nga."

Dali-daling binuksan ng isang staff ang pinto at binati ako. "Welcome back, Taehyung-ssi. It's been a while." Ilang araw lang naman yata akong nawala.

Ngumiti ako at bumati ng, "Good morning. Did you miss me?"

"Of course, we miss our favorite model." sabi ni Mr. Han, isa sa mga stylist.

For your information, malaki itong photography studio tapos madalas apat na model ang nagpo-photoshoot nang sabay-sabay at iba-iba ang photographers. And we have at least 3 stylists here.

I chuckle, "Kung gano'n, I'd like to sign up as your part-time model again." I smile.

Maya-maya ay sumulpot si Minsung at gulat na gulat siya nang makita ako. "Taehyung? Taehyung, welcome back!"

Ngumiti lang ako at naglakad papunta sa photoshoot area. "When will I start?"

"Today." Minsung said. Okay, today it is.
-

A/N

just a short update, mostly crack :(( it's 3am at sa halip na matulog ay sinulat ko to HAHAHAHA so now, I'm going to sleep xD

feedback, pls?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top