Chapter 48 : Officially Baby

Taehyung's Point of View.

"Taehyungie!" Niyakap ako ni Jimin at kaagad ding kumalas. "How's your sleep?"

"Great." Naglakad kami papunta sa sofa. Lahat sila ay kumakain na.

Kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa ng shorts ko at tumingin sa orasan. It's almost 10:00 in the morning.

May kinuha siyang plato na may lamang pagkain mula sa lamesa at binigay sa 'kin. "Here, Taetae. Eatwell!"

Tinanggap ko ito at ngumiti, "Thank you."

Sa sahig na kami kumain ni Jimin kasi occupied 'yung sofa nung tatlong kupal— couple pala.

Ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ko kaya napalingon ako sa kaniya. What's going on?

"Jimin." Bumangon siya at tumingin sa 'kin habang nakangiti, and he makes this cute humming sound. "Wala lang." Kinunot niya ang noo niya at ngumuso.

What is he cute for?

Pagkatapos naming kumain ay niligpit na nila ang buong lamesa.

"Tara, laro tayo spin the bottle." sabi ni Hoseok hyung habang may hawak na ubos na bote ng softdrink.

"Game!" masiglang sagot ni Jungkook.

"Hindi ako sasali." Lahat sila napatingin sa 'kin. Tumayo ako mula sa sofa.

"Bakit? Hindi na rin ako sasali." Tumayo si Jimin mula sa sofa at lumapit sa 'kin.

Lumabas ako ng apartment at sinundan naman ako ni Jimin.

"Baby, what's wrong?" Ayan na naman siya.

Naglakad ako hanggang sa pinakamalapit na bench at umupo rito. Umupo rin naman sa tabi ko si Jimin.

"How many times do I have to say—"

"Akala ko ba okay na sa 'yo na tawagin kitang gano'n?" What?

"Pumayag ako?" nagtatakang tanong ko.

"Yeah, kagabi. Wala ka bang naaalala?" Mas lalo akong nagtaka. Anong pinagsasabi niya?

Meron ba akong dapat alalahanin? "May nangyari sa 'tin kagabi— ay, ang pangit pakinggan— anong nangyari kagabi?"

"Seriously, you don't remember? Nabagok ba 'yang ulo mo kagabi kaya wala kang maalala?" Pumikit-pikit ako at sinubukang alalahanin ang mga nangyari kagabi.

Flashback ¬

"Kuya— Oh my God!"  Napabalikwas kami at muntik pa akong mahulog sa pool kung hindi ako hinila ni Jimin.

"What the fuck, Yeri?" halos sigaw ko sa kaniya.  Ayon na 'yon eh, paepal naman 'tong kapatid ko. "Ano?" naiinis na tanong ko.

"N-nevermind. Sorry." Nag-peace sign pa siya bago umalis.

Nagkatingin kami ni Jimin at sabay na tumawa. Pagkatapos ay bumuntong hininga. "So, now what?" he asks.

Nagkibit-balikat ako at nag-pout, "I-I don't know."

"Uhm, can I officially call you baby now?" Lumunok ako at hindi sumagot. The butterflies in my stomach really go crazy with that pet name.

"Sure." I smile as he leans closer to me.

"Yes!" Sa sobrang excitement niya, naitulak niya 'ko kaya nahulog ako sa pool. "Shit, baby, I'm sorry!" Iyon ang huli kong narinig bago mawindang ang utak ko at malunod ako sa pool.

End of flashback ¬

Bigla na lang akong napamura. "Nilunod mo 'ko, Jimin!" Ibig sabihin hindi 'yon panaginip? Gusto rin ako ni Jimin? For real?

Tumawa siya, "Hindi ko sinasadya. I was too happy, can you blame me? I can now officially call you baby."

I roll my eyes, "Pero hindi tayo official." Nasaktan ako sa sarili kong sinabi. Okay lang, at least nasabi na namin sa isa't isa ang feelings namin, 'yon muna ang mahalaga sa ngayon.

"Darating din tayo d'yan." he winks. He entertwined his hand into mine. "I love you." he says softly. Now, that hits differently.

"I love you too." Ipinatong ko ang ulo ko sa balikat niya at pumikit. Para akong natanggalan ng tinik sa lalamunan na matagal nang nakabara. Sobrang sarap sa pakiramdam.

+++

Alas dos na ng hapon at nasa parking lot kami ngayon dahil uuwi na kami. I can't wait to tell my family about me and Jimin.

"Ano ba 'yan, kanina pa kayo magka-holding hands." sabi ni Jin hyung. "Mula do'n sa sumali kayo sa spin the bottle, sa pag-aayos ng gamit at hanggang dito. Oh my God! Aminin niyo nga, kayo na ba?" Sana nga.

"Malapit na." Jimin singsongs kaya nahampas ko siya. "Aray!"

"Bakit ba? Edi mag-holding hands din kayo." sabi ko naman at napansin kong nag-holding hands sina Jungkook at Yeri.

"Sakay na nga!" utos ni Jin hyung kaya sumakay na kami sa Van nina Yoongi hyung. Gano'n pa rin 'yung naging pwesto naming lahat.

"I'm so happy today, Taehyungie." he whispers and smiles.

"Me too." I giggle and put my head on top of his shoulder.

Hanggang ngayon, hindi pa rin nagpo-process sa 'kin. Hindi pa rin ako makapaniwala. Totoo ba talaga ito? Pakisampal nga ako. Charot.

Ilang saglit pa ay umandar na ang kotse kaya pumikit ako. Matutulog muna ako ulit.

Jimin's Point of View.

Sa isang araw lang ay maraming nangyari. Naalala ko si Jihyun, ang kapatid ko. Salamat sa kaniya dahil sa wakas ay nasabi ko na kay Taehyung ang nararamdaman ko para sa kaniya.

Ang akala ko uuwi akong sawi, pero hindi, uuwi akong masaya. Sobrang saya ko simula pa kagabi.

Naramdaman kong medyo bumigat ang balikat ko. Mukhang tulog na siya. Napatingin ako sa kamay naming magkahawak pa rin at napangiti. This is not the first time we hold hands like this but it feels different now knowing we both have feelings for each other. Ang sarap lang sa pakiramdam.

"Hoy, ngumingiti-ngiti ka d'yang parang baliw." kalabit sa 'kin ni Namjoon hyung kaya napalingon ako sa kaniya.

"Wala 'to." Tumawa lang ako at kinuha ang cellphone at earphones ko mula sa bulsa ng shorts ko.

I plug my earphones into my cellphone and plug the earbuds in my ears. I put my playlist in shuffle and close my eyes.

Now Playing - XOXO by EXO

+++

"Jimin! Taehyung!" Naalimpungatan ako nang may tumatapik sa balikat ko. "Nandito na kayo sa inyo." Si Hoseok hyung ang nanggigising sa 'min.

Bumangon kami ni Taehyung at nagkusot ng mata. Bumaba kami at kinuha ang gamit namin sa compartment. "See you soon." Isinukbit ko ang isang strap ng bag ko sa kanang balikat ko.

Napansin kong kakagising lang din ni Yeri at kumukusot-kusot din ng mata.

"See you next time, guys." sabi ni Yoongi nang isara ko ang pinto ng compartment.

Sumakay na ulit sila ni Hoseok hyung at umandar na paalis.

"Kuya, una na ako sa loob, inaantok pa ako eh." pagpapaalam ni Yeri sa kuya niya bago pumasok sa bahay nila.

Nagkatinginan kami ni Taehyung at ngumiti sa isa't isa. "Magkatapat lang naman tayo ng bahay pero, see you later, Taehyungie."

"See you later, Jiminnie!"

Nagpaalam na kami sa isa't isa bago ako pumasok sa bahay namin. Pero pagkapasok ko ay parang gusto kong umalis ulit. Bakit nandito si Dad?

Taehyung's Point of View.

"I'm home!" masayang sabi ko pagkapasok ko ng bahay namin.

"Welcome home din, anak!" halos sabay na sabi nina Mama at Papa. "Kumusta kayong dalawa? Nag-enjoy ba kayo?" tanong ni Mama.

"Sobra!" masiglang sagot ni Yeri, "Feeling ko mangingitim na kami ni Jungkook." then she laughs.

"Nag-enjoy ako at sobrang saya ko!" sigaw ko naman saka tumawa. "Alam niyo ba,"

"Hindi pa namin alam." pagsingit ni Papa.

"So, Jimin confessed to me that he likes me so I told him I like him too. I'm so happy!" nagsasayaw pa ako sa upuan.

"Kaya pala! Holding hands pa more." Tinawanan ko lang si Yeri.

"Aba! Congratulations, anak. Kayo na ba?" Napatahimik ako sa sinabi ni Mama.

"H-hindi pa. Pero okay lang kasi sabi niya nga, darating din naman kami roon." I giggles. "Teka, iakyat ko lang 'tong bag ko."

Umakyat ako sa taas para pumunta sa kwarto ko. Pagkapasok ko ay humiga ako sa kama at bumuntong hininga nang masaya. Para pa rin akong nananaginip.
-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top