Chapter 47 : Kisses On The Cheeks
A/N: Enjoy, hihi <3
-
Hoseok's Point of View.
Pagkahatid ko kina Jimin at Taehyung ng mga banana cue at milktea nila ay bumalik agad ako sa kung nasaan kami, malapit sa 5-feet pool.
"Hobi-ah!" Lumingon ako kay Yoongi at tinaas ang dalawang kilay ko bilang sagot. "Kapag tinulak ba kita d'yan, malulunod ka ba?" turo niya sa pool.
"Malulunod ako sa pagmamahal mo." tumawa ako. Napaka-random naman ng tanong. "Anong klaseng tanong 'yon?"
"Gusto mo try natin?" seryosong tanong niya na may seryosong mukha rin.
Tumawa ako at hinampas siya sa binti dahil naka-indian seat kami at magkatapat. "Baliw!"
"Joke lang!" tumawa rin siya. "Gusto ko na lumusob ulit."
"Lusob ka na." sabi ko sa kaniya at kumagat sa banana cue na hawak ko.
"Hindi ka pa tapos kumain eh." Tapos na kasi siya. Oo, naubos na niya agad 'yung banana cue at milktea niya.
"Mauna ka na, susunod ako. Dito lang naman ako, makikita mo 'ko agad." nginitian ko siya.
"Hindi, hihintayin kita." he winks.
Tumawa ako nang marahan at ngumiti, "Ang corny mo!"
"Yoongi-ah! Hoseok-ah!" Napalingon kami kina Jin hyung na nasa kabilang parte ng pool. May sinigaw pa siya pero hindi ko masyadong marinig.
"Ano kamo?" sigaw ko pabalik.
"Ang sabi ko kung hindi pa ba kayo babalik sa apartment?" Ah!
"Hindi pa, hyung, mamaya pa!" Para kaming tangang nagsisigawan dito pero hindi naman kami pinapansin ng ibang mga tao rito.
Tumayo sila si Namjoon mula sa pagkakaupo at naglakad papunta sa 'min. Pwede naman palang gano'n. "Balik lang kami sa apartment, nagugutom ako eh." sabi ni Jin hyung.
Kinunot ko ang noo ko. "Kakakain mo lang ng banana cue, 'di ba?" nagtatakang tanong ko.
"Bitin eh." he laughs, "Sige na, babalik naman kami rito." Tinapik niya ang balikat ko. "Atsaka tignan mo 'yung dalawang 'yon, kanina pa 'yan dito, parang hindi yata nilalamig." turo niya kina Jungkook at Yerim na nasa pinakadulong parte ng pool.
Narinig kong tumawa si Yoongi at natawa rin ako. "Hayaan mo na." pabiro kong hinampas ang binti ni Jin hyung. "Sige na, hyung, balik na kayo roon. Eatwell!" Tumango na sila at naglakad na palayo.
Inubos ko na ang banana cue na kinakain ko at pati ang milktea bago ito itapon sa basurahan.
"Tara na, Syubie!" tawag ko kay Yoongi at hinila siya patayo. "Hurry up, hurry up!"
"Wait, wait." Tumayo na siya at naglakad kami papunta sa hagdanan pababa ng pool. "Hoseok, I love you." he randomly says.
Nginitian ko siya nang malapad, "I love you too, Yoongi!" Hinila ko na siya pababa ng pool at sinama sa pag-submerge ng buong katawan.
Namjoon's Point of View.
Kumatok muna ako sa pinto bago ko ito buksan. Pagkabukas ko nito ay tumambad sa 'min sina Taehyung at Jimin na magkapatong, Taehyung is on top of Jimin. Napanganga ako nang literal.
"Oh my God, anong ginagawa niyo?" sigaw ni Jin hyung. Hindi ako nakapagsalita sa gulat.
"Uhm... w-wala. Ano kasi, hyung..." tumayo si Taehyung mula sa pagkakadagan kay Jimin, "Natumba kasi siya tapos nahila niya ako k-kaya nang bumagsak siya ay n-napasama ako. S-sorry." he's stuttering and shaking. Si Jimin ay nakahiga pa rin sa sahig.
"Taehyung, kalma!" biglang sabi ko at suminghap naman siya.
"May tatlong kwarto oh, pwede kayong mamili, pero 'wag naman dito sa sala. Nakakaloka kayo!" Umupo si Jin hyung sa sofa at hinagod ko naman ang likod niya.
"P-promise, Jin hyung, Namjoon hyung, w-wala talaga k-kaming ginagawa. P-please, maniwala kayo." Taehyung is breathing heavily. Mukhang napansin din 'yon ni Jimin kaya bumangon siya at niyakap ang bestfriend niya.
"Shh, Taehyung, calm down. You're shivering." Jimin rubs Taehyung's back to calm him down. When he's sure the younger's already calmed, he pulls away and puts his forehead on top of Taehyung's.
Nanlambot ako sa nawi-witness ko ngayon. This is the cutest thing I've seen today. I'm not gonna lie, they're so cute together.
"Are you okay now, Taehyung?" Jimin asks and Taehyung only nods. "It's okay, baby. You don't have to explain, wala naman talaga tayong ginawa eh." He comforts.
"Okay na ba talaga siya? Sorry, nagulat kasi ako." marahang sabi ni Jin hyung na tinanguan naman ni Jimin.
"He's okay. Sorry too if you have to see that. Pero totoo 'yon, natumba ako tapos nahila ko siya kaya napasama siya sa pagbagsak ko sa sahig. Sumasayaw kasi ako. Sorry." he scratches his head. "Bakit pala bumalik kayo agad?"
"We're going— no, Jin hyung's going to eat, he's hungry kahit kakakain lang namin ng banana cue." Hinampas naman ako ni Jin hyung sa braso.
Tumawa nang bahagya si Jimin, "Ah! Sige, pakabusog kayo. Sa kwarto lang kami."
"Baka may gawin na kayo—"
"Wala!" pinutol ni Jimin ang sasabihin ni Jin hyung at tumawa naman kami.
"Sige na, sige na." He gestured Jimin to continue dragging Taehyung into their room.
Tumayo siya para pumunta sa lamesa at kumuha na ng plato saka nagsimula nang kumuha ng pagkain. Napailing na lang ako at sinundan siya. Kukuha na rin ako dahil gusto ko ring kumain.
Taehyung's Point of View.
Pinaupo ako ni Jimin sa kama bago siya umupo sa tabi ko. "Taehyung, when you feel like you don't need to explain, don't do it, okay?" he told me and I just nodded.
Feeling ko namumula ang buong mukha ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa init o sa kilig. I don't know, maybe both.
Hinawakan ko ang kamay ni Jimin at pinisil ito nang malumanay. "I'm always thankful you're always here for me when I need you." sabi ko at tumingin sa kaniya.
Ngumiti siya at tumawa nang marahan. "Even if you don't need me, I'm always here for you." I sigh at his soft and gentle voice. "Because I love you."
My eyes widen and I blink several times, "Y-you love me?"
He nods, "Of course, you're my bestfriend and soulmate, that's why I love you." Ah. Akala ko may iba pang dahilan.
"I love you, too." So much. "Because you're my savior."
Tumawa siya nang malakas kaya napakunot ang noo ko. "Alam mo, Taehyung, humigit-kumulang, hindi ko na mabilang kung ilang beses tayong nag-drama ngayong araw."
"Hindi ko rin alam, Jimin." Hindi ko naman pinapansin 'yon. "Hindi ko nga alam kung bestfriend pa rin ba ang turing mo sa 'kin." Get the hint.
"Ano?" nagtatakang tanong niya pero umiling lang ako. "Ayan ka na naman. Paano ko malalaman kung hindi mo sasabihin sa akin? Hindi ako manghuhula para basahin 'yang nasa isip mo, Taehyung."
"Wala nga, Jimin." Ngumuso siya kaya niyakap ko na lang siya at tumawa.
+++
Pasado alas syete na ng gabi at kakatapos lang naming maghapunan. Ang tatlong kupal— este, couple ay nasa kani-kanila nang kwarto. At oo, naiwan na naman kami ni Jimin dito sa sala.
Nakaupo kami sa sofa at naka-topless lang siya. Jusko, ang init. "Jimin, 'di ba sabi mo maliligo ka ngayong gabi?" Humarap siya sa 'kin at tumango.
"Yeah. Sama ka?" Hindi ako nagdalawang-isip at tumango na agad ako. "Hindi mo susuotin 'yung rashguard mo?"
"Hindi na." Tumayo ako mula sa kinauupuan ko, "Tara na, tara na." hinila ko siya patayo at tumayo naman siya habang tumatawa.
"Fine, fine. Let's go!" I got startled when he lifted me by the waist.
"Shit, Jimin!" Napakapit ako sa balikat niya pero tinawanan niya lang ako.
Lumabas na kami at sinara naman niya ang pinto habang buhat-buhat pa rin ako. Naglakad siya saglit tapos binaba niya na ako at mas ikinagulat ko nang halikan niya 'ko sa pisngi.
Nanlaki ang mga mata ko. Fuck. "W-what's that for?" Hinawakan ko ang pisngi ko na hinalikan niya. Shit.
"Nothing, you're just cute." he smiles at holds my hand.
"Do you kiss something or someone when you find them cute?" I bit my lower lip.
"No, only you." kumindat siya at hinila ako patakbo. Pakiramdam ko nahulog ang puso ko.
Ayan na naman siya. Taehyung, hindi pwedeng kiligin, okay? Bawal 'yon.
Nakarating na kami sa pool area at dumiretso kami sa 5-feet pool. Umupo kami sa taas ng pool habang nakalubog ang mga paa namin sa tubig.
"Feels nice." I heard him breathes slowly. "Walang masyadong tao kaya medyo tahimik. I like it. 'Di ba, Taehyung?" At tumingin siya sa kaniya at agad naman akong tumango.
"Y-yeah, this feels nice. We. Alone. Together." Fuck, why did I say that?
"Of course. It really feels nice when you're alone with your bestfriend in this soothing night." he chuckles.
Ah, bestfriend. "Jimin!" Tinulak ko siya sa tubig at tumawa nang malakas.
"What the— Kim Taehyung!" Nagulat ako nang hilain niya ang mga paa ko.
"Jimin hyung, no!" Sinusubukan ko siyang sipain pero nahila niya na ako sa pool. Sinamaan ko siya nang tingin habang naka-pout.
"Don't ever push me again in the pool. Tandaan mo, Taehyung, marunong ako lumangoy at ikaw hindi." Sobra naman 'yung atake, tagos sa buto.
I crossed my arms and put them on my chest and made an annoyed sound, "Fine."
He cooed and pinched my cheeks, "You're so cute, it makes me wanna—" Hindi niya na tinuloy ang sinabi niya at binitawan ang pisngi ko.
"It makes you wanna... what?" I curiously asked. He looks at me and I swear I can see he's staring at my lips. "Jimin?" I breathe.
"It makes me wanna... kiss you again." Tapos bigla niya akong hinalikan sa pisngi at mabilis na lumangoy palayo.
What did just happen?
+++
"Taehyung." Nakaupo ulit kami sa taas ng pool at nakalubog sa tubig ang mga paa namin. "Alam mo ba, kahapon..."
"Oh?"
"Kapag may nagko-confess sa 'yo, 'di ba parang kinakabahan ka?" he asks randomly.
I nod then hum, "More like natatakot. Bakit, may nag-confess sa 'yo?" Noong highschool kami, ang daming nagkakagusto sa kaniya, mapababae man o lalaki, tapos once or twice a week, may umaamin sa kaniya.
Paano nila 'yon nagagawa, 'yung humugot ng lakas ng loob at umamin na may gusto sila sa isang tao? Hindi ako nagseselos noon kasi alam kong ire-reject lang niya lahat. Ewan ko ba rito.
"Oo. Si Therese."
Nanlaki ang mga mata ko, "Ano?" halos sigaw ko at agad ko ring tinakpan ang bibig ko.
"Ewan ko, kakaiba ang babaeng 'yon. Parang kinabahan ako na ewan noong umamin siya sa 'kin. Ang akala ko nga si Jungkook ang gusto niya eh."
Hindi ko namalayan na napayukom pala ang mga palad ko. "And what did you do? Did you accept it?" Please say no.
"No. I rejected her." Ngumiti ako at nginitian siya pabalik. "Because I like someone else. And that someone is so pretty that when I look at them, I could literally melt."
I gulp and lick my lower lip, "Do I know them?" I ask nervously. I couldn't look him in the eyes.
"Maybe. Do you know yourself?" I gasp and look up at him. What? "I like you, Taehyung."
Fuck. "W-what?"
He suddenly fidgets on his fingers, "I-I'm sorry, you probably don't like me back but I totally understand because you know, we're bestfriends and it shouldn't be like this, so I'm really sor—"
I kissed him on the cheek to cut him off, "I like you, too." I smile. "Ito ba 'yung dapat sasabihin mo kanina na hindi mo matuloy?"
He chews on his lips and looks everywhere but me, "Y-yeah, because I'm too scared you might reject me. I've rejected everyone that confessed to me because I really like you, Taehyung."
I cup his face to make him look at me. I stare at his eyes and I swear I could feel my heart will jump out of my chest anytime. "Why would you think that? Alam mo bang matagal ko 'tong hinintay? The day— well, night— that you finally confess your feelings to me. B-because me too, natatakot akong i-reject mo kapag umamin ako sa 'yo, kasi nga 'di ba lahat ng umaamin sa 'yo ay nire-reject mo."
"But not you. Nire-reject ko sila kasi hinihintay din kita." he chuckles, "I can't believe na naghihintayan lang tayo. Dapat pala matagal na akong umamin sa 'yo."
Tumawa rin ako at binitawan ang mukha niya, "Dapat nga."
"Taehyung," Tumingin ako ulit sa kaniya at nag-hum bilang sagot. "Can I... k-kiss you?" he bit his lower lip.
Shit. Ito na ba 'yon, jusko?
"Y-yes." Sure na ba talaga?
Dahan-dahan niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko hanggang sa ilang sentrimetro na lang ang layo ng mukha namin. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at nararamdaman ko ang hininga niya.
Pumikit ako at hinintay na dumampi ang labi niya sa labi ko. I can feel his breath. Sobrang bango ng hininga niya.
"Kuya— Oh my God!" Napabalikwas kami at muntik pa akong mahulog sa pool kung hindi ako hinila ni Jimin.
"What the fuck, Yeri?"
+++
"Kuya, gising na!" Naalimpungatan ako dahil may umaalog ng balikat ko. Dumilat ako at nakita ko si Yeri sa harapan ko na masama ang tingin sa 'kin. "Kakain na raw tapos uuwi na tayo."
"Oo, sige, susunod na ako." Tumango siya at lumabas na ng kwarto.
Luminga-linga ako sa paligid. Wala na si Jimin sa tabi ko. Wait. Panaginip lang ba 'yon? It looks so real.
Bumuntong hininga ako nang malalim saka lumabas na ng kwarto. That was the best dream I've ever had.
-
A/N
hi :))
hoping to get at least 3k reads before this book finally comes to its end. so, please help me promote this book hehe xD
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top