Chapter 46 : Those Red Lips

Jimin's Point of View.

Nakabalik na kami sa nirentang apartment sa loob ng resort. Kaming dalawa lang ni Taehyung ang nandito dahil lumusob na 'yung iba sa pool.

Kasalukuyang nakabalot kami ng tuwalya habang nakaupo ako sa sofa (oo nga, may sofa nga kasi rito) at siya naman ay kumukuha ng pagkain mula sa lamesa.

"Taetae," Nag-hum lang siya kasi busy siya sa pagkuha ng pagkain. "labas ka kaya tapos i-flex mo 'yang Gucci towel mo." tumawa ako.

Hindi siya lumingon sa 'kin pero tumawa rin siya, "Siraulo!"

Nang makapaglagay na siya ng pagkain sa plato niya ay umupo siya sa tabi ko. "You want?" pag-offer niya pero umiling ako.

"Makita lang kitang busog ay busog na rin ako." sabi ko sa kaniya at binigyan niya 'ko ng isang 'what-the-fuck' look.

"Lalangoy ka pa ba mamaya?" kumagat siya ng lumpia na inabot ng kalahati. Ang laki ng bunganga nito.

"Oo, mamayang gabi. Hindi ko na feel ngayon, sobrang init." Alas tres na kasi ng hapon at sobrang init na talaga, tirik na tirik ang araw.

"Kaya nga may sunscreen eh." sumubo naman siya ngayon ng kanin.

"Ayoko nga. Ikaw, lalangoy ka pa— ay, hindi ka nga pala marunong— I mean, pupunta ka pa ba sa pool mamaya?" tumawa ako nang konti.

"Aba!" hinampas niya ako sa braso. "Mamayang gabi na lang din, samahan kita."

"How sweet." Tumingala siya sa 'kin at ngumiti nang malapad kahit puno ng pagkain ang bunganga niya. "Eatwell, baby." Biglang siyang nag-pout.

"I said, don't call me baby." sabi niya habang may laman pa rin ng pagkain ang bibig niya.

"But you are." Tatawagin ko siya nang tatawaging gano'n hanggang sa masanay siya.

"No, I'm not. Jimin hyung, stop!" Tinawanan ko lang siya. Ang cute!

"Sige na, sige na, kumain ka na d'yan." I ruffled his wet hair.

"Hindi ka ba kakain? Breakfast pa lang ang kinakain mo." he worriedly said while pouting. He's so fucking cute, I can't.

"Will you feed me, please?" I jokingly said pero hindi ko inasahan na susubuan niya nga ako ng kain. "Hmm," nginuya ko 'yung pagkain sa bibig ko.

"Kukuha pa ako tapos susubuan kita, okay?" Tatayo na dapat siya pero pinigilan ko.

"Hoy! Nagbibiro lang naman ako. I can feed myself." I pinch his cheeks and he pouts even more.

"Edi ikukuha na lang kita ng pagkain, same with mine." Inilapag niya sa sofa ang plato niya at tumayo na.

"Yes, please. Thank you!" I give him a wide smile and he smiles back, showing his teeth.

Tinitigan ko lang siya habang kumukuha siya ng pagkain. Napansin kong nalaglag ang tuwalya niya at napatingin ako do'n sa— oh no.

"Taehyung, tuwalya mo nalaglag." Hindi siya sumagot kaya kinuha ko 'yung tuwalya. "Madudumihan ang Gucci." Ibinalot ko sa kaniya ang tuwalya tapos nag-stay ako kaya parang nakayakap ako sa kaniya.

"Jimin." I hug him tighter. "Jimin, kapag may nakakita sa 'tin dito—"

"Para kang ewan! Mag-bestfriend naman tayo." Hinila ko siya at inikot para mapaharap siya sa 'kin. "I have to tell you something."

"Ito na pagkain mo." Iniabot niya sa 'kin ang platong hawak niya. Kinuha ko ito at inilapag sa lamesa.

"I..." Nilapit ko nang konti ang mukha ko sa mukha niya at tumitig sa mga mapupula niyang labi. I wonder what would those red lips taste like?

"J-Jimin?" he's breathing slowly and he's looking straight at me.

"I, uhm... I'm hungry." Kinuha ko ulit ang plato na iniabot niya sa 'kin kanina at mabilis na umupo sa sofa.

"What the fuck, Jimin!" he almost raised his voice. "Stop doing things that make me go insane," mahina lang 'yon pero narinig ko. Napansin kong niyukom niya ang palad niya at lumabas ng apartment.

Nilapag ko ang platong hawak ko sa sofa at sinundan siya sa labas. "Taehyung, what do you mean?"

He stares at me and I could swear I just melt. "N-nothing." Nakasandal siya sa pader at lumapit ako sa kaniya.

"Taehyung, what's wrong?" I'm standing in front of him and I really hate it that he's taller than me now. Noong mga bata kami, mas maliit pa siya sa 'kin.

"Nothing." he sighs.

"What do you mean nothing? Paano ko malalaman kung ang palaging mong sagot ay nothing? I know there's something bothering you and I want to help you." I put my arms on both of his side, leaning them on the wall.

"Kapag sinabi kong nothing, it's really nothing." Tinulak niya ako nang bahagya at pumasok sa loob ng apartment.

Sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa loob ng kwarto namin. "No! I know there's something. Pwede ba namang wala, Kim Taehyung?" Ni-lock ko ang pinto.

He gasps and stares at me. Napaupo siya sa kama saka napatingin sa sahig at nilapitan ko naman siya. "Jimin."

I turn him to make him look at me then I lean in closer to him, "Do you wanna say something?"

"I-I thought you have something to tell me. Sabi mo 'yon kanina. I was kinda expecting something else." his voice is so soft, I could melt into it.

"Anong ine-expect mong sasabihin ko kanina?" I hold his hand and rub my thumb over the back of his palm.

"I d-don't know, maybe other than 'I'm hungry' or something." Nakatingin lang siya sa baba.

Iniangat ko ang ulo niya para mapatingin siya sa 'kin, "I really wanna tell you something but... I'm too scared."

"Why would you be scared?" We look at each other's eyes and I swear I could my future in his. "At bakit bigla mo 'kong ni-Korean?"

I chuckle, "Taehyung, I—"

Naputol 'yung sasabihin ko dapat nang may kumatok sa pinto.

"Jimin, what is it—" Another knock.

"Punyeta! Sino ba 'yan?" Binitawan ko ang kamay niya at umalis sa kama saka naglakad sa pintuan. "Ano?" Pagbukas ko ng pinto ay tumambad sa 'kin si Hoseok hyung.

"Hala! Sorry, Jimin. Itatanong ko lang kasi sana kung gusto niyo ba ng banana cue atsaka milktea? Pinapatanong kasi ni Namjoon." he smiles awkwardly after.

"Oh. Yeah, sure. Libre ba?" Lumingom ako saglit kay Taehyung bago lumingom ulit kay Hoseok hyung.

He nods, "Yeah, libre daw ni Namjoon. Anong flavor ng milktea?"

"Cookies and cream!" sigaw ni Taehyung at natawa ako nang marahan.

"Dalawang cookies and cream." sabi ko at tumango naman si Hoseok hyung.

"Sige, sige. I-continue niyo na 'yung ginagawa niyo kanina, hehe. Sorry ulit." Umalis na siya at pinanood ko siyang lumabas ng apartment.

Sinara ko na ulit ang pinto at bumalik sa pagkakaupo sa kama. "Next time ko na lang sasabihin. Magbibihis na ako."

Tumango na lang siya at umalis mula sa kama, "Okay. Ililigpit ko lang 'yung pagkain do'n. Sayang nga pala 'yung pagkain mo, kakain ka pa ba?"

"Oo, itago mo lang do'n at kakainin ko mamaya pagkatapos kong magbihis." Inihagis ko ang tuwalya ko sa kama.

Nakita kong ngumiti siya at medyo namumula. "S-sige, lalabas na ako. S-sunod ka na lang." Kinagat niya ang ibabang labi niya bago lumabas ng kwarto at hindi kinalimutang isara ang pinto.

Humiga ako sa kama at bumuntong hininga. Napakaduwag mo, Jimin, sobrang duwag.

Taehyung's Point of View.

I was so closed to confessing to him earlier when he asked me what's wrong. No, hindi ko pa kaya.

Nang ni-backhug niya ako kanina, I swear, sobrang bilis ng tibok ng puso ko at halos hindi ako makahinga. Tapos iniharap niya pa ako sa kaniya at sinabing may kailangan daw siyang sabihin. Pero hindi naman niya masabi.

Konting-konti na lang at mag-a-assume na akong may gusto rin siya sa 'kin. Well, sana nga. Pero ayokong masyadong umasa kasi masakit 'yon, sobrang sakit.

Pagkatapos kong magligpit, nailagay ko na rin sa lamesa 'yung plato ni Jimin kanina, ay umupo ako sa sofa at pinagpatuloy ang naudlot kong pagkain.

Maya-maya ay lumabas na siya mula sa kwarto namin. Nginitian ko lang siya habang may lamang pagkain ang bibig ko. Pinanood ko siyang pumunta sa lamesa, kunin ang plato niya at umupo sa tabi ko.

"Hindi ka pa ba magpapalit ng damit? Baka magkasakit ka n'yan." Nagsimula na siyang sumubo ng pagkain.

Umiling ako, "Mamaya na, tapusin ko lang 'tong pagkain ko."

"Oh sige, bilisan mo d'yan nang makapagpalit ka na." Why is he so sweet?

"Opo, Jimin hyung!" Tumawa ako at sumubo ulit ng pagkain.

Parang walang dramang nangyari kanina kung makapag-usap kami ngayon. Well, kapag hindi naman masyadong malaki ang pinag-aawayan, pinagtatalunan o pinagkatatampuhan namin ay nagbabati rin naman kami agad.

"Taehyung." Lumingon ako sa kaniya at nagkatitigan kami nang ilang segundo. "M-may dumi ka."

"Oh. Saan?" Kinapa-kapa ko pa ang mukha ko.

Lumapit siya sa 'kin at pinunasan ang gilid ng bibig ko, "Dito." Sinubo niya 'yung daliri niyang pinampunas sa bibig ko saka ito tinanggal agad.

Napalunok ako dahil do'n, "Th-thanks." Heto na naman 'yung puso ko, ayaw kumalma.

"You're welcome." he smiles and continues to eat.

I hate that I love you, Jimin.
-

A/N

this is mostly crack kasi sabog na utak ko. HAHAHAHA anw, feedback, pls?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top