Chapter 44 : Unbelievable

Jimin's Point of View.

Hindi ko alam kung bakit niya sinasabing gusto ko si Therese kahit hindi naman talaga, like, I don't even like her a single bit.

Napabuntong hininga ako habang nakakapit sa counter. Sumulyap ako sa pwesto kung nasaan siya at nakita kong may lumapit sa kaniyang lalaki. May sinabi ito sa kaniya na tinanguan niya saka tumayo mula sa upuan. Nakatingin siya sa sahig habang naglalakad papuntang pintuan.

Kapag nag-aaway o nagkakatampuhan kami, he's usually the first one to approach me and apologize, kasalanan man niya o hindi. Sa totoo lang, mataas kasi ang pride ko kaya hindi ko kayang maunang mag-sorry.

Fuck! What am I gonna do? Kasalanan ko rin naman kasi hindi pa ako umaamin sa kaniya kaya nag-a-assume siya na gusto ko si Therese. So stupid, Jimin.

"Jimin, I'm sorry." nagulat ako sa nagsalita sa tabi ko. Si Therese. Muntik nang maparolyo ang mga mata ko.

"For what?" nagtatakang tanong ko.

"Kanina. Dahil sa 'kin, nag-away kayo." Hindi kami nag-away. "Atsaka ano... dahil din pala sa 'kin ay nag-away sina Jungkook atsaka 'yung nililigawan niya. I feel really, really bad." she looks at the floor and sighs. As you should.

"Huwag mo nang alalahanin 'yon, okay na sila. And besides, girlfriend na niya si Yeri." he lightly smirks.

Bigla siyang napatingin sa 'kin at mukhang gulat na gulat, "Sila na? A-ang bilis naman." lumungkot ang ekspresyon ng mukha niya. "Guess I don't have chance with him anymore."

"Do you like him?" tanong ko sa kaniya.

She bites her lips and shrugs her shoulder, "I-I don't know. I mean, I find him attractive and besides, he's the past life of Antonio. I always had a dream of him, I always wanted to find him and now that I finally found him, e-ewan ko, I feel happy whenever I see him pero..."

I furrow my forehead, "Pero?"

"Pero may iba akong gusto." She looks at my eyes and I have never felt weird and awkward around girls.

Iniwas ko ang tingin ko at tumingin sa monitor. Bigla akong nangilabot. Ganito 'yung mga moment na nare-realize ko talagang ayaw ko sa babae. Simula bata pa lang ako, never akong nagkagusto sa babae. I'm gay since birth.

"Do you know who I like?" I don't wanna know and I didn't ask for it. "You. I-I like you, Jimin."

I look at her and chuckle, "Naririnig mo ba 'yang mga sinasabi mo? How can you possibly like me?"

"I like you not only because you're handsome, but you're nice, understanding and caring. And... and you have gentle hands. Noong unang araw mo as worker dito, I watched you working and the way you move your hands into the monitor, it gives me tingles and makes me relax into it. And the way you talk to people, you're so polite and that makes you even more handsome."

Wow. Unbelievable. I had received so many confessions from girls before and hers was the most detailed one. Like, 'yung iba, pare-parehas lang ng sinasabi, kesyo ang galing-galing ko raw sumayaw at kumanta, gwapo at cute daw ako. That's 'kinda' obvious at naoobserbahan din ng marami. But hers, kakaiba, she observes me very well.

I feel really weird right now. Ito ba 'yung nararamdaman ni Taehyung sa tuwing may aamin sa kaniya ng feelings? I'm scared. I'm not usually like this when someone confesses their feelings to me. Pakiramdam ko rin ay kinakabahan ako.

"Wow. I-I... I don't know what to say. T-thank you, I guess." Hindi ako tumingin sa kaniya. "But Therese, sometimes things don't work the way you like it. I'm sorry, but I don't feel the same way."

I heard her chuckled, "Thanks for trying the best you can not to hurt me. I totally understand. I-I can see the way you look at your bestfriend, it's full of fondness. Just like how Adrian looks at Emilia."

Tumango na lang ako kasi may tumawag sa 'king costumer na nakapila sa counter ko. If you're wondering kung nasaan 'yung iba, nasa kusina sila at kumakain pa.

"Good morning, Ma'am! What can I get for your order today?" I said, smiling at the costumer.

Taehyung's Point of View.

"Oh, bakit gan'yan itsura mo? Nag-away na naman ba kayo ni Jimin?" pambungad sa 'kin ni Mama nang makapasok ako sa bahay.

Umupo ako sa sofa at umiling, "Hindi naman." maikling sagot ko.

"Bakit parang binagsakan ka ng langit at lupa?" tanong naman ni Jungkook. Nandito pa pala 'to.

Hindi ko sinagot ang tanong niya. "Alam mo ba, Teresa asked us if she could join our outing. And I was like: 'What the heck!' I'm trying to be nice but, she really annoyed me."

"Same, Kuya." pagsingit ni Yeri.

"Sinabi niya 'yon?" gulat na tanong ni Jungkook at naiinis akong tumango. "I'm sorry— oh shit, she texted me!"

"Bakit may number ka pa rin niya? 'Di ba sabi ko burahin mo na!" hinampas siya ni Yeri sa braso.

"Aray! Opo, buburahin na." sabi niya habang hinihimas ang braso niyang hinampas ng girlfriend niya.

"Basahin mo muna 'yung text niya." sabi ni Yeri at sumilip sa cellphone ni Jungkook.

"Someone told me, sometimes things don't work the way I like it. I guess that's why although in the past life we ended up with each other, but in this lifetime, we aren't meant to be and I totally understand. My soul is always longing for you but it's happy that you found the one who feel the same way as yours. I hope to find mine too." he reads out loud.

Ano raw? Medyo na-nosebleed ako kasi pure English.

"Anong past life? Naging kayo sa past life? What?" takang-takang tanong ni Yeri.

Tumawa lang kami ni Jungkook. "Wala, gawa-gawa lang siguro 'yan ni Teresa." Ang sama ko.

Nag-pout siya at tumingin kay Jungkook, "Ggukie, 'yung totoo?"

"Wala nga. Saka na lang namin sasabihin kasi pati ako walang maintindihan eh." sagot naman ni Jungkook.

She huffs, "Tch. Makabihis na nga nang makapasok na sa school."

Tumingin ako sa orasan namin. Ah, lagpas alas onse na pala. "Bilisan mo, baka ma-late ka." sigaw ko kasi nakaakyat na ng hagdan.

Napagtanto kong wala na si Mama dito sa sala at sa palagay ko ay umakyat sa taas kasi nando'n si Papa.

Maya-maya ay umupo sa tabi ko si Jungkook. "Hyung, what if may mag-confess kay Jimin hyung, what would you do?" biglang tanong niya.

Napakunot ang noo ko. "Napaka-random naman, Jungkook."

Tumawa siya nang bahagya, "Ano nga?"

Nagkibit-balikat ako, "Ewan. Wala siguro. Since highschool, ang daming nagkakagusto at umaamin sa kaniya pero wala siyang ginagawa, nire-reject niya lang in a nice way. Bakit ka ba napatanong niyan?"

Bigla tuloy sumagi sa isipan ko si Jimin. What if Therese confesses to him? And he actually accepts it? Oh shit, no way! Hindi pwede.

"Wala lang." ngumiti siya. "Kapag umamin ka ba sa kaniya, sa palagay mo ba ire-reject ka rin niya?" What a question.

Buong tropa ay alam na gusto ko si Jimin maliban kay Jimin mismo.

"Oo, ire-reject ako no'n, positive ako do'n." Nasaktan ako sa sarili kong sinabi.

Tumawa siya nang napakalakas, "Grabe naman! Try mo kaya muna."

"Ayoko, I'm. scared."

"Bahala ka d'yan!"

Lahat sila sa tropa ay may boyfriend tapos kami ni Jimin ay wala. Tama ba 'yon? Hindi, mali 'yon.

Ano, Taehyung, hihintayin mo pa bang pumuti ang uwak bago umamin? Make up your mind!
-

A/N

it's crack xD

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top