Chapter 41 : Spoiler - They Almost Kissed

Taehyung's Point of View.

"Yeri, nandito na si Jungkook!" sigaw ko sa tapat ng hagdanan kasi nasa kwarto niya siya.

"Wait lang!" sigaw niya pabalik.

"Wait lang daw, Gguk." Umupo ako sa tabi niya na nakaupo sa sofa. "Bati na kayo?"

Ngumiti siya at tumango, "Oo, hyung. Nag-call kami kagabi tapos sorry siya nang sorry habang umiiyak."

"Ah. Kapag 'yon sinaktan mo pa, sasapakin na talaga kita. Atsaka kapag inaya ka pa ulit ni Therese o kahit sinong babae na hindi si Yeri, 'wag ka nang pumayag, okay? Ikaw talaga!" Akmang babatukan ko siya pero hindi ko na tinuloy.

"Okay." Iilag dapat siya pero na-realize niya na hindi ko tinuloy 'yung pagbatok sa kaniya kaya umayos siya ng upo. "Ay, oo nga pala, game ka ba sa sabado?"

Tinignan ko siya nang nagtataka, "Anong meron sa sabado?"

"Wala lang, outing daw, swimming. Since ang tagal na rin noong huli. Libre nina Yoongi hyung." Aba, ayos 'yan ah.

"Sure, game ako! Isama na rin natin si Yeri."

Tumango siya, "Ayos 'yan, para hindi ako ma-out of place. Baka magmukha akong seventhwheel do'n kung wala si Yeri."

Tumawa ako nang napakalakas, "Sira!" Tinuluyan ko na siyang batukan pero mahina lang. "Si Jihyun din, isama natin."

"Jihyun?" Ay, hindi niya pa nga pala alam na umuwi na 'yung kapatid ni Jimin.

"Si Jihyun, 'yung kapatid ni Jimin. Kakauwi niya lang noong nakaraang araw."

Nag-hum siya at tumango-tango, "Sige, sige. Pero kung papayag siya. Atsaka sabihan mo na rin si Jimin hyung mamaya, ha."

Tumango ako, "Sige, tapos tatanungin ko na rin si Jihyun kung gusto niyang sumama." Tumango na lang siya pabalik.

"Hey! Anong meron?" Aba, buti natapos na rin sa pag-aayos si Yeri.

"May swimming daw kami sa sabado, sama ka ba?" tanong ko sa kaniya at tumango-tango naman siya.

"Oo naman, sama ako!" masayang sabi niya. "Teka, ako lang babae?"

Tumawa si Jungkook sa tabi ko, "Gano'n na nga."

"Okay lang, at least may pito akong kuya na magbabantay sa 'kin." she grins widely.

"Kuya? Kasama ako sa kuya? Seryoso ka ba, Yeri?" parang nanggigil na sabi ni Jungkook. Triggered po siya.

Tumawa si Yeri nang pagkalakas-lakas, "Ay, anim lang pala, kasi 'yung isa ay boyfriend ko." tapos ngumiti siya.

Halos sabay kami ni Jungkook na nanlaki ang mga mata. Boyfriend? Sila na ba?

"H-hoy, anong boyfriend?" gulat na gulat na tanong ni Jungkook.

"Kayo na ba?" tanong ko naman.

She giggles, "Akala ko ba sinagot na kita kagabi?" sabi niya kay Jungkook.

What?

Nag-blush naman ang mokong. "Ah, oo nga pala." he laughs, "Taehyung hyung, mag-jowa na nga pala kami."

"Naknampucha!" Umalis ako mula sa sofa at inilagay ang mga kamay ko sa magkabilang bewang ko. "Ma, si Yeri, may boyfriend na—ay, umalis nga pala sila ni Papa." Tinawanan naman nila ako. "At bakit wala kang sinasabi sa 'min kanina?" tanong ko sa kapatid ko.

She grins, "Surprise!"

"Tangina, lumayas na nga kayo! Baka ma-late ka pa, Yeri." Hahampasin ko sana 'yung kapatid ko pero hindi ko na tinuloy.

Tumayo na si Jungkook mula sa kinauupuan niya, "Sige, brother-in-law, aalis na kami. Bye!"

"Brother-in-law mo mukha mo, bwiset ka. Layas na!" sinigaw ko 'yung huli at tumawa naman sila.

Lumabas na sila ng bahay at isinara naman ni Yeri ang pinto. Umiling-iling akong umupo sa sofa. Mga batang 'yon talaga.

Kinuha ko ang cellphone ko mula sa center table para ipamalita kay Jimin ang magandang balita.

Me:

Jiminnie, may swimming daw tayo sa sabado, libre daw nina Yoongi hyung hehe tanong mo si Jihyun kung gusto niya sumama

Jiminnie 💖:

aba ayos ah. sige sige wait lang

Me:

okieee

Tinatamad kasi akong lumabas para pumunta sa bahay nila atsaka walang magbabantay nitong bahay namin dahil umalis sina Mama at Papa, nag-date na naman siguro.

Maya-maya lang ay nag-vibrate ang phone ko at nakita kong nag-reply na siya.

Jiminnie 💖:

ayaw daw niya kasi walang kasama si mama dito

Me:

aww :(( sige, okay lang

nga pala putangina ni Jungkook HAHAHAHA

Jiminnie 💖:

HAHSHSHAHHA baket?

Me:

sila na pala ng kapatid ko, sinagot na siya kagabi. HAHSHSHAHA naknampucha ng kapatid ko, walang sinasabi kanina

Jiminnie 💖:

hays love birds. kelan kaya tayo?

Oo nga, Jimin, kailan kaya magiging tayo? Kapag ako nainis, liligawan ko na 'tong bestfriend ko.

Me:

oo nga eh HAHAHA single forever

Kung nililigawan mo na ako, edi sinagot na kita agad. Ang bagal-bagal mo naman!

Jiminnie 💖:

pero may nagugustuhan ako, Taehyung.

Me:

haha sino?

Tangina, ang swerte naman niyan.

Jiminnie 💖:

secret,, pero maganda siyaaa. SOBRA.

Me:

hula ko lang to ah pero si Therese ba?

Ako na lang kasi, Jimin.

Jiminnie 💖:

secret ngaaa

Nilapag ko ang cellphone ko sa center table saka bumuntong hininga at nilagay ang mga braso ko sa tapat ng dibdib ko.

Napatingin ako sa ilalim ng center table at nakita ko 'yung diary. Magbabasa na lang ako ulit, it's been a while.

Kinuha ko ito at binuklat sa pahinang may bookmark. It's been a while, Emilia.

Abril 08, 1917

Wala akong kwento ngayon dahil nanatili lang ako sa bahay at nagbantay ng panaderya. Si Adrian ay lumuwas ng Amerika dahil may aasikasuhin siya, hindi ko alam kung kailan siya babalik.

- Emily.

Abril 10, 1917

Dumaan si Teresa kanina sa bahay at may pinaabot na bulaklak at tsokolate, galing daw kay Antonio. Malungkot niyang binigay sa akin ang mga ito. Ngunit sa halip na tanggapin ko ito ay binigay ko na lamang sa kaniya. Ayaw kong nalulungkot ang aking kaibigan.

- Emily.

Abril 12, 1917

Bumalik nang muli si Adrian dito sa Pilipinas at sinamahan pa akong magbantay ng panaderya. Sa presensya niya pa lamang ay masaya na ako, paano pa kapag naging kami na talaga?

- Emily.

Abril 14, 1917

Kinantahan ako ni Adrian kanina habang nasa panderya kami. Sobrang ganda ng kaniyang boses at hindi nakakasawang pakinggan. Pagsasalita niya pa nga lamang ay parang musika na sa aking tainga, lalo na ang kaniyang boses pagkanta.

- Emily.

Abril 15, 1917

Dinala niya ako sa bahay na tinutuluyan niya rito sa Pilipinas. Napakaaliwalas at ang gandang pagmasdan ng loob ng kaniyang bahay, malapalasyo ang ganda kahit hindi ito kalakihan. Wala siyang kasama dahil nasa Amerika ang kaniyang mga magulang.

Ang sabi ko nga pala'y mag-i-Ingles ako. Ngunit ang hirap talaga, pakiramdam ko'y magdudugo ang ilong ko kahit anong oras.

- Emily.

Nagulat ako at napatingin sa pinto nang may kumatok dito. Sino kaya 'yon?

Kumatok ulit siya kaya tumayo na ako mula sa sofa. "Sandali lang!" Naglakad ako papunta sa pintuan at binuksan ang pinto. "Jimin?"

Naka-pout siya nang bumungad siya sa 'kin. Ang cute! "Hindi ka na nag-reply. Anong ginawa mo?"

"Oh." I smile awkwardly. "Nakita ko kasi 'yung diary ni Emilia kaya nagbasa ako ulit. Sorry na." Hinagis ko sa sofa 'yung diary kahit wala itong bookmark.

Pumasok siya sa loob at sinundan ko naman siya. Sabay kaming umupo sa sofa at sabay ring bumuntong hininga.

"Jimin." Lumingon naman siya sa 'kin kaagad. "Kantahan mo nga ako."

Tinignan niya naman ako ng parang what-the-heck look. "Ang random naman."

Tumawa ako nang marahan, "Please? I wanna hear you sing."

"Bakit? Hindi na ako kumakanta."

Ngumuso ako at kumapit sa braso niya na parang clingy girlfriend, "Please? Sing for me, Jimin, please? Ako lang naman ang makakarinig eh."

He sighs, "Sige na, sige na." Inalis niya ang kamay ko sa braso niya. Bumuntong hininga niyang muli bago magsimula.

🎶 Naaalala mo pa ba
noong tayo'y mga bata pa
Nagtatampisaw sa ulan
habang ako'y dahan-dahang
nahuhulog sa 'yong mga
titig na kay lambing

Ang ganda ng boses niya at 'yung emosyon ng kanta ay kuhang-kuha. Napangiti ako habang nakatingin sa kaniya.

Ngunit ang puso ko'y
nalilito pa rin
Hindi ko maipaliwanag ang
nararamdaman sapagkat
ako'y bata pa

Nakatingin lang siya sa 'kin habang kumakanta at parang nangungusap ang mga mata niya.

Pero ngayon
'di na tulad noon
At sana naman,
pwede pa nating
maibalik ang~

Dati, dating alaala natin
Dati, dati, dadaradarati
Dati, dating alaala natin
Ang dati na tayong dalawa 🎶

(A/N: if you don't know, the song title is Dati by JRoa)

"It-it's beautiful. Your voice is beautiful, Jimin-ah." I said, smiling. He smiles back and lean in closer to me. "J-Jimin?"

"Thank you." I feel him looking at my lips so I press them together. He chews on his lower lip while still looking at my lips. Is he going to kiss me? Fuck.

"Jimin, a-ano bang ginagawa m—" Nanigas ang katawan ko nang nilapit ang mukha niya sa mukha ko, nararamdaman ko na ang hininga niya. Napalunok na lang ako.

Sana hindi niya naririnig 'yung tibok ng puso kong parang kabayong tumatakbo sa sobrang bilis.

Mas lalo niya pang nilapit ang mukha niya kaya napapikit ako. Juskolord, 'wag ngayon! I mean, I want him to be my first kiss but not today, please, hindi pa ako ready.

"Taehyung," Shit, ito na ba 'yon, Lord? Ito na ba? Ngunit naramdaman kong nilayo na niya ang mukha niya sa mukha ko kaya napamulat ako. "may dumi ka kasi sa ngipin."

Puta. "Are you fucking serious? You did all of that just to inform me na may dumi sa ngipin ko? Seryoso ka ba, Jimin?" halos sigaw ko sa kaniya. Bumuntong hininga ako nang malalim.

Nanlambot ang ekspresyon ng mukha niya at hinawakan ako sa hita. Pervert talaga. "S-sorry."

Pinadaan ko ang dila ko sa ngipin ko habang nakatingin nang masama sa kaniya. "Gago ka." Inalis ko ang kamay niya sa hita at tumakbo papunta sa CR.

Gusto kong umiyak. Sinasaktan na naman niya ako. Tangina, tama na nga, Taehyung.

Jimin's Point of View.

Sinundan ko siya ng tingin nang papunta siya sa CR. Nang mawala siya sa paningin ko ay tumingin ako sa sahig at bumuntong hininga.

What did I just do? Stupid, so stupid, Park Jimin.

What more if I really kiss him? Baka nasampal ako at hindi ako pansinin nang ilang araw. Tanga-tanga, self.

Napalingon ako do'n sa diary na nasa sofa. Kinuha ko ito at nagbuklat ng random page.

Abril 17, 1917

Today, Adrian and I had our first kiss. I still can't believe. His lips are so soft and I feel like I want to kiss them again. He said it was like magical that there are sparks everywhere as we kissed.

Napakasaya ko ngayong araw. Hindi ko malilimutan ang araw na ito.

- Emily.

Sa lahat ng pages, ito talaga ang nabuklat ko? Tch.

Maya-maya ay bumalik na si Taehyung mula sa CR kaya naglagay ako ng bookmark, na napulot ko sa sahig, sa pahinang kakabasa ko lang saka sinara ang diary.

"Uhm... Taehyung, uwi na ako."

Tumango na lang siya, "Ingat, baka ma-traffic ka." seryosong sabi niya pero ramdam ko 'yung sarkisto. Galit ba siya sa 'kin?

"A-are you mad at me?"

He raises an eyebrow, "No, I'm not. Why would I?"

I shrug my shoulders lightly, "I-I don't know, you seem mad."

"Jimin, I'm not mad. Sige na, uwi ka na."

Bumuntong hininga na lang ako, "O-okay. See you."

Tumango siya, "See you."

Alam mo, self, napakatanga mo. Isa kang napakalaking tanga.
-

A/N


here's a double update for y'all ! ^^

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top