Chapter 40 : "You are my home."

Taehyung's Point of View.

"Yeri, please?"

"Ano ba, Jungkook!"

Narinig ko ang mga boses nina Yeri at Jungkook na nagsisigawan sa labas. Itinigil ko ang ginagawa ko at lumabas para sumilip sa kanila.

"I swear, Yeri, wala kaming ginagawang masama. She's a friend, nilibre niya lang ako." sabi ni Jungkook at hinila ang braso ni Yeri pero binawi ito ng kapatid ko.

"At bakit sa tingin mo maniniwala ako?" Sinamaan ni Yeri ng tingin si Jungkook. "Tinitigil mo na bang panliligaw mo sa 'kin, Jungkook?"

Bumuntong hininga si Jungkook, "No, I'm not. Yeri, maniwala ka naman. She's only a friend." Nahahalata kong nahihirapan nang magpaliwanag si Jungkook. I think he's telling the truth. "Wala akong gusto kay Teresa, I swear. Inaya niya lang akong lumabas atsaka—"

"Ayoko nang marinig 'yang mga paliwanag mo! Jungkook, kung ayaw mo na sa 'kin, sabihin mo."

"Fuck!" pagmura ni Jungkook at niyukom ang mga palad. "Ano bang pinagsasabi mo? I like you, Yeri. I still like you. Gusto kita at hindi ako tumitigil sa panliligaw sa 'yo. Maniwala ka naman, Kim!"

"Ah, tawagan na tayo ng apelyido ngayon, Jeon?" Humakbang siya malapit sa pintuan.

"Yerim—" lalapit sana si Jungkook kaso pinigilan siya ni Yeri.

"Wag kang lalapit! Umuwi ka na at 'wag mo na akong ihatid-sundo pa." Nasa may pintuan ako at kumapit sa 'kin si Yeri.

"Please, I'm sorry. Hindi ako makakatulog nang maayos nito knowing na hindi tayo ayos. Yeri, I'm so sorry."

Yeri laughs bitterly, "Sana naisip mo 'yan bago ka nakipag-date kay Teresa—"

"Hindi 'yon date." Halata kong pinipigilang itaas ni Jungkook ang boses niya.

"Lumabas pa rin kayo, it's a date." Mas lalong humigpit, ang kapit ni Yeri sa braso ko. Masakit na.

"It's not!"

"Wag mo 'kong sigawan!" Parehas kaming nagulat ni Jungkook nang biglang umiyak si Yeri. Niyakap niya ako at inub-ob ang mukha sa tagiliran ko. "Umalis ka na, Jeon!"

"Yeri, I'm really sorry." Ang malumanay ng ekspresyon ng mukha ni Jungkook.

"Sige na, Gguk, uwi ka na. I'll talk to her." kalmadong sabi ko at bumuntong naman siya.

He purses his lips, "O-okay. I-I'm sorry."

Tumango ako at pumasok na kami ni Yeri sa loob ng bahay. Nakayakap pa rin siya sa 'kin kaya pinaupo ko siya sa sofa at kumalas na siya sa yakap.

"It's okay, tahan na." Pinunasan ko ang mga luha niya gamit ang mga daliri ko.

"Oh, my baby, nandito ka na pala." Napalingon ako kay Mama na bumababa ng hagdan kasama si Papa.

"Wait, umiiyak ba siya?" tanong naman ni Papa at tumango lang ako.

Lumapit sila sa 'min at umupo sa tabi ni Yeri. "Bakit ka umiiyak? Tell us what happened." tanong ni Mama at hinagod ang likod ni Yeri.

"Pagkalabas ko kasi ng school, n-nakita ko silang magkasama. Hinabol niya ako hanggang sa terminal ng tricycle. Nang makasakay kami, hindi ko siya pinansin hanggang makarating kami sa gate ng subdivision." sagot ni Yeri at suminghot ng sipon.

"Sino 'yung kasama niya?" tanong ni Papa.

"Si Teresa." Pinunasan niya ang sipon niya gamit ang likod ng palad niya.

"Teresa? Aba'y kapangalan pa ng lola ko, ang great-great-grandmother niyo." Napangiti ako sa sinabi ni Papa. "Kaso hindi ko na rin siya naabutan pero madalas kasi siyang ikwento sa 'kin ng lola Kim niyo."

"Osiya, tahan na. Mag-usap kayo mamaya, ha. Ito namang si Jungkook, dala-dalawa ang nililigawan." sabi ni Mama at natawa naman ako..

"Grabe naman, Ma. Loyal kaya si Jungkook kay Yeri." I chuckle.

Tumingon sa 'kin si Mama, "Eh bakit daw may kasamang ibang babae?"

"Kaibigan lang namin si Teresa." Lumingon ako kay Yeri, "Promise, Yeri, loyal 'yon sa 'yo. Kaya sana magkaayos na kayo mamaya, okay? Kausap mo siya mamaya."

Actually, I don't consider Therese as a friend. Sa totoo lang, pinagseselosan ko rin ang babaeng 'yon kasi grabe kung makipag-usap kay Jimin. Tapos ngayon, kay Jungkook naman. Tsk.

I heard her sigh, "I'll try."

+++

Nandito ako sa kwarto ko pero hindi pa ako inaantok. Tinignan ko ang cellphone ko at nakitang may text si Jimin.

Jiminnie 💖:

patulog ka naaa?

Me:

hindi pa, ang aga pa. alas otso pa lang atsaka di pa ako inaantok hehe

Jiminnie 💖:

same hahshshaha let's call?

Me:

sure. ikaw na lang tumawag, naka-regular lang ako ih

Jiminnie 💖:

ah okay lang. pa-expire na kasi tong unlicalls ko so sulitin na natin. i'll call na!

Incoming Call from Jiminnie 💖

ACCEPT | DECLINE

"Hello, Taehyungie!"

"Hi, Jiminnie!"

"Nakakatawa, magkatapat lang naman bahay natin pero magkatawagan pa tayo." narinig ko siyang tumawa.

Tumawa rin ako at sumandal sa pader, "Nakakatamad na lumabas."

"Pero kapag sinabi kong mag-7-11 tayo, lalabas ka?"

"Kung libre mo, oo naman." pagbibiro ko. May naririnig akong nagko-Korean sa background. Baka si Jihyun 'yon.

"Sira!" he chuckles. Naririnig kong humahakbang siya. Baka umaakyat sa kwarto niya.

"Hoy, Jimin!"

"Oh?" Narinig ko ang pagsara ng pinto. Siguro'y pumasok na siya sa kwarto niya. "Anong sasabihin mo?"

"I-I've known you since...forever. I can't imagine m-my life without you." I bite my lower lip.

Jimin's Point of View.

Umayos ako ng upo sa kama habang nakasandal sa pader.

"I-I've known you since...forever. I can't imagine m-my life without you." Hindi ako nagsalita at pinakinggan ko lang ang puso kong parang tumatakbong kabayo sa bilis ng tibok.

Why are you like this, Taehyung?

"H-huh?"

"The one who wins your heart will be so lucky." Well, it's you, Taehyung. You're lucky.

"Taehyung, ano ba 'yang mga sinasabi mo?"

I heard him chuckle, "I've said this more than once but I'm going to say this again, Jimin. You're my savior and I can't live without you. You are my home."

Hindi ako ulit nagsalita. I feel like crying. Bakit mo ba 'yan sinasabi, Taehyung? Pinapaasa ako n'yang mga salita mo.

"Taehyung... you're my home, too." I smile.

I heard him shuffle on his bed. Naramdaman kong umalis siya ng kama at sumunod ay nagbukas ang pinto. Ginaya ko ang ginawa niya at bumaba ng hagdan.

Lumabas ako hanggang sa terrace at nakita ko siyang lumabas ng bahay nila. Binaba ko ang cellphone ko at binuksan ang gate. "Taehyung."

"Jimin-ah."

Nakatayo lang ako sa tapat ng gate namin habang papalapit siya. "I-I like... I like you, Jimin."

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Kung panaginip lang 'to, ayoko nang magising.

Tama ba 'yung narinig ko? He likes me? Taehyung likes me? Don't tell me nag-i-imagine lang ako.

"Jimin? Hoy, Jimin! Tulog ka na ba?"

"Huh?" Luminga-linga ako sa paligid ko. Nasa kwarto ako ulit at hindi nagbago ang pwesto kong nakasandal sa pader.

Fuck. Imagination ko nga lang 'yon. I hate it when I imagine things. Inalog ko ang ulo ko at bumuntong hininga.

"Taehyung, did you just say I'm your home?"

He hums, "Y-yeah. Sinabi mo I'm your home too." Okay, 'yung part na 'yon ay hindi kasama sa imagination ko. "Bakit?"

"W-wala. Inaantok na yata ako." I said softly.

I can feel he pouts, "Ang aga naman."

"Sorry, napagod lang siguro ako. Kanina pa ako walang tulog simula noong nagising ako kaninang alas sais ng umaga."

"Aww. Okay, you sleep na. We'll talk na lang ulit tomorrow." Natawa ako sa ka-conyo-han niya.

"Okay. Ikaw din, sleep na. See you na lang tomorrow." I smile.

"Hm, okay. Goodnight, Jiminnie!"

"Goodnight, Taehyungie!"

Binaba ko na ang tawag at bumuntong hininga. Jimin, stop imagining things about Taehyung. He doesn't like you.
-

A/N

푸탕인나 니요 타라강 다라와 GRR 😤

anyways, happy 1k reads! YAAAAY 🎉💞

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top