Chapter 36 : "Let's date."

Hoseok's Point of View.

"Yoongi, wake up." malumanay na sabi ko at tinapik-tapik nang mahina ang braso niya para magising siya. "Yoongi-ah." Kailangang malumanay lang kasi kapag binigla ko ang paggising o masyadong malakas ang boses ko, magagalit siya.

At sa wakas ay nagising na rin siya. Pinanood ko siyang ikusot ang mga mata niya, luminga-linga sa paligid, titigan akong saglit, kunin ang phone niya para tignan ang oras at bumangon mula sa kama.

"Are you done?" I ask him, chuckling and he just nods. "Kain na tayo ng breakfast."

Lumabas na kami ng kwarto namin at dumiretso ako sa dining area habang siya naman ay pumunta sa banyo.

"Babe, hurry up!" I yell as I sit down on the chair.

"Kakapasok ko pa nga lang eh." he yells back and I just laugh loudly.

Nilagyan ko na ng kanin at ulam ang plato niya para nakahanda na at kakain na lang siya. Sumunod ay nilagyan ko na rin ang sarili kong plato.

Hindi muna ako kumain at hinintay siyang makarating dito. Dinasalan ko na lang muna ang hapag habang naghihintay.

Maya-maya lang ay lumabas na siya ng banyo at dumiretso na siya rito sa dining area at umupo sa tapat ko.

"Kain ka na." sabi ko sa kaniya at nginitian siya.

He smiles back. Ah, so cute. "Hobi, stop treating me like a baby, I'm literally older than you."

"But you are my baby." sabi ko at kinindatan siya. Nirolyo niya lang ang mga mata niya.

"Ewan ko sa 'yo."

"What do you think of marriage?" biglang tanong ko at biglang napatawa dahil pasubo pa lang siya at nabitawan niya 'yung kutsara.

"The fuck, Hoseok!"

I laugh, "What do you think of marriage?" inulit ko ang tanong ko.

Hindi siya sumagot agad. "I think marriage requires a lot of commitment. You have to be sure of your partner kasi 'yung kasal, it's sacred. Hindi pwedeng basta-basta lang. When you decided to be together, dapat sigurado na kayo sa isa't isa at aabot kayo sa kasalan. Because marriage is a huge responsibility." sabi niya at bumuntong hininga. "What do you think of marriage?" tanong niya pabalik.

"I want to get married and have my own family, a happy family," I smile, "kasi Yoongi, siguradong-sigurado na ako sa 'yo. Sigurado ka na rin ba sa 'kin?"

He chuckles and holds my hand, "Of course, I am. But be patient, baby. We'll get there soon." he smiles fondly and let go of my hand. "Kumain ka na, malamig na 'yan."

Tumawa ako at nagsimula nang kumain. Napansin kong nakatitig lang siya sa 'kin. "Oh, kain ka na rin."

Tumango siya at ngumiti nang bahagya, "Okay."

+++

"Mag-boyfriend po kayo?" nagulat ako do'n sa tanong ng isang costumer na babae.

Ngumiti ako at tumango, "Bakit?"

Nakangiti siyang umiling, "Wala po, ang cute niyo lang." she giggles.

"You heard that? We're cute daw, Yoongi." sabi ko at tumawa.

Narinig ko rin siyang tumawa, "I heard it, Hobi." Lumapit siya habang dala-dala 'yung bouquet ng carnation na order nung costumer. "Here you go. That would be 3,500 pesos."

(A/N: nanghuhula lang po ako ng presyo, okay, sorry na HAHAHA)

Nagbayad na 'yung costumer at kinuha 'yung inorder niyang bulaklak saka umalis.

"I'm so bored now." sabi ko at umupo sa upuan saka bumuntong hininga.

"What do you wanna do then?" tanong niya at napaisip ako.

Namimiss ko nang mag-date kami ni Yoongi. Araw-araw kaming nandito sa flower shop kasi araw-araw ding may bumibili. Wala pa kasi kaming delivery service dahil nga dalawa lang kaming nagbebenta rito. But it's okay though, kasi maliit lang naman 'tong shop, hindi kalakihan 'yung pwesto namin dito.

And if you're wondering, malapit lang ang apartment namin dito sa flower shop. One tricycle away lang, gano'n. And yes, we live together. That's originally his apartment but 3 years ago, I started to move in.

"Date tayo." biglang sabi ko sa kaniya makalipas ang ilang minuto.

Hindi siya sumagot at tinitigan lang ako. "Well, I miss having dates with you. Lalo na sa Amusement Park, 'yung sasakay tayo sa mga deadly rides at papasok sa mirror house to make fun of ourselves." I smile at his reminiscence. "Tapos papasok din tayo sa horror house kahit alam kong ayaw mo do'n. Alam mo kung bakit? I love it when you cling to me."

"Really?" I ask, smiling fondly at him. He's the prettiest person I've ever seen.

He nods. "Tapos pumupunta rin tayo sa Water Park kasi sabi mo paborito mo ang mga animals, especially whales and dolphins, which, you said, are apparently cousins of each other. O kaya naman kahit sa tabi-tabi lang, kakain lang tayo ng street foods at tatambay sa parke." he chuckles. "Pero ang pinakapaborito kong date natin ay... alam mo kung ano?"

We smile at each other. Oh, he's so pretty. "Ano?"

"When we're just at the apartment. Doing movie marathon, whether it be horror, romcom or action. Magpapa-deliver lang tayo ng pagkain kasi tinatamad tayong magluto. We're cuddling while watching movie, laughing, crying or being scared together, depende sa movie na pinapanood natin. I miss all of those moments. And most especially, I miss you kahit araw-araw na tayong magkasama."

I can feel my tears rolling down my cheeks. Bakit siya gan'yan? Sinabi ko lang na gusto ko ng date tapos andami na niyang sinabi. Nakakaiyak.

"Yoongi-ah, I love you!" Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya, "I love you so much."

He hugs me back, "I love you more." Kumalas na ako sa yakap at pinunasan naman niya ang mga luha ko. "Let's date?" he asks smiling cutely.

Kaagad naman akong tumango, "Yes, yes. Let's go!" He chuckles then kisses me on the forehead before standing up from his seat.

Taehyung's Point of View.

"Oh, anak, saan ka pupunta at nakabihis ka? May photoshoot ka ba ngayon?" tanong sa 'kin ni Mama nang makababa ako ng hagdan.

Hindi niya nga pala alam na nag-resign na ako.

"Hindi po, Ma. Kukunin ko lang po 'yung sweldo ko. Atsaka, Ma, ano..." Should I tell her?

"Ano?"

"Uhm... nag-resign na po ako as one of their models."

Tinignan niya ako nang nagtataka, "Oh, bakit? May nangyari ba? Sabihin mo sa akin."

"Wala naman, Ma." sabi ko na lang at ngumiti nang bahagya. "Sige po, alis na po ako. Nga pala, kasama ko po si Jimin."

"Ay sus, lagi naman kayong magkasama." tumawa siya. "Sige na, ingat kayo."

Tumango na ako at lumabas ng bahay. Pagkalabas ko ay nakita kong lumabas na rin ng bahay nila si Jimin.

"Hi." pagbati ko sa kaniya habang nakangiti.

"Hi." pagbati niya pabalik habang nakangiti rin. "Let's go?"

"Let's go!"

+++

"V~ Bakit ka nag-resign?" tanong ni Joy sa 'kin pagkapasok ko ng photography studio.

Ngumiti na lang ako nang bahagya, "I'm just... kinda tired. I might come back but I don't know." nagkibit-balikat ako.

Bahagya niya akong hinampas sa braso kaya nagulat ako. Aba! Close ba tayo, teh? "Sayang, ikaw pa naman ang pinakamagaling. Gustong-gusto ka nga ng mga photographer na kinukuha nila. Ang ganda kasi ng mukha mo, sa totoo lang. Pati ako naiingit." tumawa siya, "Balik ka, ha? Mamimiss ka namin."

Tumango na lang ako at ngumiti nang bahagya.

"Hey, Taehyung, here you go." sabi ng isang manager dito habang iniaabot sa 'kin ang isang envelope. Manager yata 'to ni Joy. "We'll miss you. And uhm... sorry for what happened-"

"It's okay." pagputol ko sinasabi niya. "Sige po, aalis na ako." nagpaalam na ako at maglalakad pa lang nang may tumawa sa 'kin.

"Taehyung-ssi." Si Minsung.

Hindi ko siya pinansin at lumabas na ng photography studio. Pumunta ako kay Jimin na nakaupo sa sahig, sa labas ng studio.

"Hoy, tumayo ka na d'yan. Tara na!" sabi ko at tumayo naman siya.

"Naks! Bagong sweldo, balato naman d'yan." tumawa pa siya. "Let's date."

Nanlaki ang mga mata ko, "D-date?"

Tumango naman siya, "Yeah. Friendly date. Naalala mo 'yung sinabi ko noong nakaraan? 'Di ba sabi mo tuesday?" he smiles.

Hinampas ko siya sa balikat at tumawa, "Gusto mo lang magpalibre eh."

He chuckles, "Well, do you wanna treat me? Or I'll treat you... right?" he smirks.

W-wait. "Are you hitting on me right now, Park Jimin?" Kunwari hindi ako kinikilig.

"No." he laughs. Yeah, sure, Jimin.

"Okay, let's date. My treat."

"Yes!" sigaw niya na kasamang pagtalon. "Tara na, dali!" hinila niya na ako paalis. Tumawa na lang ako at nagpadala sa hila niya.

-

A/N

road to 1k reads! ^^

comment, please?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top