Chapter 35 : "What can I get for you?"
[ A/N : timeskip to monday >>> ]
-
Jimin's Point of View.
Ngayon ang unang araw ko bilang part-time worker dito sa Kopi Parlor, cashier to be exact. At hindi ko alam kung bakit ang haba ng pila.
"Bago ka rito?" tanong sa 'kin ng babaeng costumer na nakapila sa counter ko.
Tumango ako, "Yes po."
She smiles, "You're cute."
I chuckle, "Thank you. So, ano pong order ninyo, Ma'am?" I gave her a flat smile.
"Oh. Uhm, one large coffee latte with extra 4 shots. And uhm," Tumingala siya para tignan ang menu. "Also, can I have one slice of oreo cake?"
"Sure po." Pinindot ko na sa monitor 'yung order niya.
Kahapon ay tumawag si Teresa kay Mom na papuntahin daw ako rito sa coffee shop para maturuan nila ako kung paano gamitin 'tong monitor at cash register. Saglit lang at natuto ako agad, fast learner ako eh. At isa pa, kahapon din ay binigay sa 'kin ang uniform ko.
"Anything else po?" tanong ko sa kaniya pagkatapos kong magpindot-pindot sa monitor.
"Libre 'yung tubig niyo 'di ba?" Tumango na lang ako. "Isang baso, walang yelo."
Tumango akong muli at nagpindot na naman sa monitor. "All in all, 190 pesos po. And your name po, Ma'am?"
"Alice." Ngumiti siya at nagbayad nang eksakto. "Gusto mo rin bang kunin ang number ko?"
Hindi ko pinansin ang huli niyang sinabi at kunwari ay hindi ko narinig. "I received 190 pesos." sabi ko at nilagay ang pera sa cash register. "Please wait for 10-20 minutes. Thank you."
"Jimin." pagtawag niya. Napatingin ako sa name tag ko. Oo nga pala, may ganito. "Pati pangalan ay cute." She fucking giggles before leaving the counter.
What the fuck!
"Yes, Sir, what can I get for your order today?" sabi ko do'n sa sumunod na costumer.
+++
"Nice job, Jimin!" tinapik ako ni Therese sa balikat habang inaayos ko ang bag ko.
"Thanks." sabi ko na lang at ngumiti. If you're wondering, sa morning shift lang ako kaya ngayon ay uuwi na ako.
"I noticed everyone's checking you out. Unang araw mo pa lang dito pero ang dami nang may gusto sa 'yo. Halos walang pumila sa counter nina Andy at Bianca, kung hindi ko pa sabihan 'yung mga costumer ay hindi sila pipila sa kanila." she chuckles. "Pwede bang monday to friday ka na lang?"
Tumigil ako saglit. "Originally, I didn't want to take this job but because I want to buy a camera to pursue being a photographer and my mom wants me to work, so I accept this offer." Isinukbit ko ang bag ko sa kanang balikat ko. "What can I get if I work here from mondays to fridays instead of MWFs?"
"Hmm, dobleng sweldo?" patanong na sabi niya. "Sige na, Jimin, please?"
Umiling ako, "No." Lumungkot ang ekspresyon ng mukha niya. "See you on wednesday." Nginitian ko siya nang bahagya bago lumabas ng kusina.
"Wait, Jimin!" Tumigil ako at lumingon sa likod. Kinunot ko ang noo ko. "What if I'll buy you a camera, will you be working here 5 days a week?"
"Even if you buy me a camera, I'd still work here every mondays, wednesdays and fridays. I want to buy it by myself."
Hindi na ako naghintay ng kahit anong sagot niya at tuluyan nang lumabas ng coffee shop. Sari-sari pa ngang bulungan ng mga costumer ang narinig ko.
"Ang cute niya 'no?"
"Ang gwapo!"
"Pupunta ako dito every MWF."
"Ano kayang pangalan ni kuyang cashier? Ang gwapo!"
"Nakita ko, Jimin yata."
Naglakad na lang ako pauwi since walking distance lang naman.
Nang makapasok ako sa subdivision namin, nakasalubong ko si Taehyung. Saan pupunta 'to?
"Taehyung-ah!"
"OMG, Jimin!" Tumakbo siya papunta sa 'kin. "Pupuntahan sana kita do'n at kakain na rin." hinawakan niya ako sa balikat. "Morning shift ka lang ba?"
I nod, "From 7:00 in the morning to 1:00 in the afternoon."
"Ah." tumango-tango siya. "Tara, punta tayo. Papunta rin daw si Jungkook, kaso hindi kasama si Yeri kasi nga may pasok."
Sa pagkakaalam ko, ala una ng hapon ang umpisa ng klase ng kapatid niya tapos umaalis siya ng bahay nila ng 11:00 ng tanghali.
"Sige, pero pagpalitin mo muna ako ng damit, naka-uniform pa ako oh." sabi ko at tumawa.
"Sige!" masayang sabi niya.
Taehyung's Point of View.
Nandito na naman kami sa Kopi Parlor. Pagpasok namin ni Jimin sa loob ay meron akong narinig sa bandang gilid ko na, "Siya 'yung cashier kanina, 'di ba? Bakit siya bumalik? Akala ko tapos na shift niya." I think they're referring to Jimin.
Naghanap kami ng bakanteng pwesto at salamat naman dahil meron pa. Umupo ako sa tabi niya kasi ayokong tumabi sa kaniya si Jungkook kapag dumating na siya.
No, I'm not jealous.
"Hintayin ba natin si Jungkook or mag-order na tayo?" tanong ni Jimin at nagkibit-balikat lang ako habang naka-pout.
At sakto namang tumunog ang bell na nasa taas ng pinto, hudyat na may pumapasok, at dumating na nga si Jungkook. Parang tanga pang hinahanap kami.
"Shh." sabi ko kay Jimin habang nakalapat ang index finger ko sa labi ko, "Hayaan muna natin siya." Tumawa siya at tumango.
Ilang segundo ang lumipas bago kami nahagip ng paningin niya. Lumapit siya sa 'min habang tumatawa. "Jusko, nandito lang pala kayo, kung saan-saan ako nakatingin."
Nasa bandang gilid kasi kami at kapag may pumasok ay hindi agad kami mapapansin.
"Ako na mag-oorder. Anong gusto niyo?" sabi niya.
"Libre mo?" tanong ko. And it was supposed to be a joke.
"Oo na, sige." tapos tumawa siya, "Kakakuha ko lang kasi ng sweldo ko galing kay Jin hyung." Yes naman!
"Aba! Feeling galante ang bata." pagbibiro ko. "Lemon tea na lang sa 'kin atsaka carbonara."
"Medium caffuccino sa 'kin atsaka carbonara din." sabi naman ni Jimin.
(A/N: Lachimolala~)
"Isang lemon tea, isang medium caffuccino at dalawang carbonara. Okay, coming right up!" nagkunwari pa siyang waiter bago umalis at pumuntang counter.
Napailing na lang ako. Siraulo talaga 'yon.
Tumingin ako kay Jimin at nakasalumbaba siya sa lamesa habang nakatingin sa 'kin. 'Wag ka namang gan'yan, baka matunaw ako.
"Bakit?" tanong ko at umiling naman siya.
"Alam mo ba, Taehyung—"
"Hindi pa."
Tumawa ako nang umirap siya. "Alam mo ba..." ngumiti siya nang napakatamis. He's so cute!
"Ano? Anong alam ko?"
Umiling siya, "W-wala, nevermind."
Nag-pout ako, "Ang daya mo! Ano nga 'yon?"
"Wala nga." Sumalumbaba ulit siya at tumingin lang sa baba.
Jungkook's Point of View.
"Oh, hello Jungkook!" sabi nung babae sa cashier habang nakangiti nang malapad. Si Teresa.
"Oh! Hi." kumaway ako at ngumiti pabalik.
"What can I get for you?"
"Uhm, one medium caffuccino, one lemon tea, three carbonaras and one mocha frappe." sabi ko at tumango naman siya bago mag-tap do'n sa monitor.
"Anything else?"
Umiling ako, "Wala na."
"Five hundred fifty five pesos lahat, pero 500 na lang para sa 'yo."
Nanlaki ang mga mata ko, "Seryoso ba?"
She nods, "Seryoso." Tapos inilapat niya ang hintuturo niya sa labi niya, "Just don't tell anyone."
I chuckle and nod, "Okay." Nagbayad na ako ng eksaktong 500 para wala nang sukli.
"Thank you. Please wait for 10-20 minutes."
Tumango na ako at tumalikod na. Maglalakad na sana ako nang tawagin niya ako kaya lumingin ako ulit. "Bakit?"
"Sorry nga pala noong nakaraan." nagkamot pa siya ng batok niya, "Nakakahiya kasi sinabi kong namimiss kita, eh unang pagkikita pa lang natin 'yon. My God, sorry talaga. You probably think I'm weird."
Bigla akong umiling. "No, you're not. I was actually intrigued. Magtatanong pa nga sana ako kaso—"
"Y-yeah. Kung libre ka, we can, uhm... you know, talk about it."
Tumango ako, "Sure. Kahit kailan, okay lang."
She smiles a bit, "So, are we friends now?" nahihiyang sabi niya at panay ang tingin sa monitor.
"Oo naman, let's be friends." masayang sabi ko, "Mukha namang masaya at masarap ka kausap eh."
Tumingin siya sa 'kin at ngumiti nang malapad, "Really? Thank you." hinawakan niya pa ako sa magkabilang balikat ko pero agad din siyang bumitaw. "Sorry." she bites onto her lower lip, "Kakapalan ko na'ng mukha ko. Uhm, can I get your number?"
Nakakabigla naman 'tong babaeng 'to. Speed lang, gano'n?
"Yeah, sure." I nod.
Lumiwanag ang mukha niya at kumuha ng papel at ballpen mula sa ilalim ng counter. "J-just write it here."
I playfully shake my head my chuckling before writing my phone number on the paper. "Here. Magpakilala ka, ha? I don't entertain prank calls or text." Binalik ko na sa kaniya 'yung papel at ballpen saka kinuha naman niya ang mga ito.
Ngumiti siya at masayang tumango, "Of course. Hindi naman ako gano'n."
Nginitian ko siya pabalik. "Sige, balik na ako. I'll see you later to get my order." Tumango na siya kaya umalis na ako at bumalik do'n sa pwesto namin kanina.
Pagkabalik ko ay nakatitig 'yung mag-bestfriend sa 'kin. "Oh, bakit? Alam kong gwapo ako pero 'wag niyo naman akong titigan." biro ko at tumawa.
"Tigas ng mukha mo!" sabi ni Taehyung hyung at tumawa naman sa tabi niya si Jimin hyung. "Ikaw ha, nakikipaglandian ka do'n sa cashier. 'Di ba nililigawan mo na si Yeri? Two timer ka!"
Ipinatong ko ang palad ko sa dibdib ko at nagkunwaring na-offend, "Grabe ka naman, hyung! Hindi ako two timer, nakipagkaibigan lang sa 'kin si Teresa."
Nagkatingin sila ni Jimin hyung saka ulit lumingon sa 'kin. "Sumbong kita kay Yeri." pagbabanta ni Taehyung hyung pero tumawa lang ako.
"Grabe naman." sabi ko at umupo na sa tapat nila.
Tumawa si Taehyung hyung at tinapik ako sa balikat, "Biro lang." he chuckles, "Nakita mo na pala 'yung asawa mo."
Kumunot ang noo ko. "Ano kamo?"
Umiling lang si Taehyung hyung habang tumatawa sila ni Jimin hyung.
I get it. Ako 'yung reincarnation ng asawa ng past life ni Teresa. Pero na-weirduhan lang ako nang marinig ko 'yon. Bigla akong nag-alala. Baka hindi si Yeri ang makatuluyan ko? Oh no, hindi ako papayag.
-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top