Chapter 34 : Overwhelmed

Taehyung's Point of View.

Alas dose na ng hapon at mag-isa lang ako rito sa bahay, iniwan nila ako. Umalis si Yeri kasama si Jungkook, ayon nag-date na naman. Sina Mama at Papa naman ay pumunta sa mall para daw mag-grocery. Jusko, sigurado naman akong hindi lang grocery ang gagawin nila.

Bumuntong hininga ako habang nakaupo sa sofa. Ano nang gagawin ko?

Punta na lang kaya ako kina Jimin? Oo, sige, punta na lang sa kanila.

Tumayo na ako mula sa sofa at naglakad papunta sa pintuan.

Binuksan ko ang pinto at nagulat ako nang bumungad sa 'kin si Minsung. Anong ginagawa niya rito?

"Anong ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong ko at humakbang paatras.

Humakbang naman siya paabante, "I just wanted to apologize for what happened yesterday. Alam kong nabigla ka kaya pasensya na. But I want to give this to you." May inabot siyang maliit na box at isang tangkay ng pulang rosas.

"I can't accept that, I'm sorry." Umatras ako ulit at lumapit naman siya.

"Please, just accept this. Peace offering?" ngumiti siya nang mapait. "Hindi ako aalis hangga't hindi mo tinatanggap ito. Please?"

Bumuntong hininga ako at tumingin do'n sa iniaabot niya bago ito kunin. "Sige na, alis ka na."

"Taehyung, I like you," he bites onto his lower lip,"I really do. Let me court you, please!"

Nanlaki ang mga mata ko at bigla na lang akong nanginig. Hindi na naman ako makahinga. "Akala ko ba aalis ka na?"

"I'm so sorry, Taehyung. I've been obessessing over you for the past few months and I don't know what to do about it. I know you're absolutely freaking out but it's just... I really, really like you."

Lumunok ako ng laway at huminga nang malalim. "Minsung, umalis ka na, please?"

I need Jimin right now.

"Taehyung—"

"I'm resigning." sabi ko sa kaniya at napasinghap naman siya. Tinulak ko siya nang bahagya, "I don't want to work with you anymore."

Saglit siyang tumahimik. "I'm really, really sorry. Don't resign, please?"

"Alam mo bang some of your models are judging me just because they thought you're courting me. And yes, you're freaking me out. Sa tuwing papasok ako sa building na 'yon, parang gusto ko na lang umuwi ulit at 'wag nang magpatuloy. My anxiety is acting up and it's really hard to deal with."

"Taehyung." Sinubukan niyang hawak ang kamay ko pero pinigilan ko siya. "Sorry."

"Ano ba! Umalis ka na lang, please?"

Napabalikwas ako nang may sumuntok sa kaniya. Si Jimin. "Stop bothering him, you punk!" mariin niyang sabi, or should I say, sigaw. Nakatitig lang ako sa kaniya. Parang gusto kong umiyak. "Ayoko nang makita 'yang pagmumukha mo, ha! Kapag lumapit ka pa ulit kay Taehyung, hindi lang suntok ang aabutin mo." Ang lalim ng boses ni Jimin at nakakatakot. Nakaupo sa sahig si Minsung dahil siguro sa impact ng suntok ni Jimin, at may pasa siya malapit sa labi. "Pasalamat ka't hindi pumutok 'yang bibig mo."

"Sinabi ko na kasing umalis ka na." sabi ko kay Minsung at nilapitan naman ako ni Jimin.

Tumayo si Minsung at ikiniling ang ulo habang nakatingin nang masama kay Jimin. Kinapa niya ang parte ng bibig niya na may pasa saka siya umalis. Thank goodness!

"Are you okay, Taehyung?" Jimin asks worriedly, at bakas din sa mukha niya ang pag-aalala.

Bigla ko siyang niyakap, "Thank you so much, Jimin! Halos paiyak na ako kanina at hindi ako makahinga." Pagkatapos ay bigla na lang tumulo ang mga luha ko dahil hindi ko na mapigilan. "I was overwhelmed."

Niyakap niya ako pabalik, "It's okay, I'm here now." hinaplos-haplos niya ang likod ko. He's so warm.

Kumalas na ako sa yakap at pinunasan ang mga luha ko. "I can't imagine how my life would be without you, Jiminnie."

Ngumiti siya nang napakatamis, ngiti na sa 'kin niya lang pinakita, ngiting may liwanag sa mata. "Me too, Taehyungie." Bigla siyang napatingin sa kamay ko. "Ano 'yan?"

Nilingunan ko ang kamay ko at napansin kong kanina ko pa pala hawak 'yung binigay sa akin ni Minsung. Medyo nabali 'yung tangkay ng rosas at nakayupi naman nang bahagya 'yung maliit na box. "Ah, bigay niya."

Kinuha niya ang box at binuksan ito. Kinuha niya ang laman at isa itong bracelet na may design na puso. "Do you want to wear this?"

I sigh and shake my head, "No. Ibibigay ko na lang sa kapatid ko."

Tumango siya at binalik sa loob ng box 'yung bracelet saka ito sinara. "Good. We don't accept gifts from creeps." Pagkatapos ay hinagis niya ito sa sofa kasama 'yung isang tangkay ng rosas.

"By the way, Taehyung," he sighs, "uuwi na si Jihyun sa makalawa."

Jihyun? Ah, 'yung kapatid niya na nag-decide na iwan sila 7 years ago. "That's good. I'm sure you miss him, and of course, he misses you too."

Tumango siya, "I do."

May naisip ako bigla.

Hinila ko siya papunta sa sofa, "Alam mo, magbasa na lang tayo ng diary ni Emilia. I miss myself." sabi ko at tumawa naman siya.

"Sige." Siya na ang kumuha nung diary mula sa ilalim ng center table saka ito binuklat sa pahinang may bookmark.

Kung sina Adrian at Emilia ay nagkatuluyan, magkakatuluyan din kaya kami ni Jimin? Hindi ko nga alam kung gusto niya rin ako eh. Maybe he likes Therese? Hindi ako papayag.

"Tara, magbasa na tayo." Napalingon ako kay Jimin. Nakatulala pala ako?

"Sige, sige."

Abril 05, 1917

Teresa told me she confessed to Antonio today. He was shocked, of course, but he said it was fine with him. He said that he can't promise to like her back and that they should just stay friends for a while.

Natutuwa naman ako na makalipas ang ilang taong pagsisikreto niya kay Antonio ay umamin na siya. Sabi niya'y masaya pa rin siya dahil kahit papaano ay magkaibigan pa rin sila.

Dios mio! Nakakadugo talaga ng ilong ang Ingles, pero para kay Adrian ay sisikapin kong maging gamay sa wikang ito. Sabi nga ni Adrian, "You would do anything for the ones you love."

- Emily.

* I'm really proud of you. - Ian

"Para sa hindi masyadong fluent sa English, she's actually good." sabi ko pagkatapos magbasa.

"I agree with Adrian. For the ones you love, you would do literally anything." sabi ni Jimin at naka-emphasize pa 'yung salitang literally.

Tumango-tango ako. Well, I'd literally do anything for Jimin.

"Nga pala, Taehyung, bakit ikaw lang mag-isa rito?" bigla niyang tanong. Ngayon niya lang ba napansin?

"Ayon, nag-date kasi sina Yeri at Jungkook, tapos 'yung parents ko naman ay pumuntang mall para daw mag-grocery, pero feeling ko nag-date din 'yon." sabi ko at nag-pout.

"Kawawa ka naman." he laughs. "Tara, mag-date din tayo."

Napaiwas ako nang tingin dahil pakiramdam ko ay namumula na ako. "D-date?"

He laughs awkwardly, "Yeah, date. Friendly date." Wow, friendly date.

"Kailan, ngayon na?" biro ko at tumango naman siya kaya nanlaki ang mga mata niya. Nakakagulat naman 'to.

"Oo, gusto mo ngayon na ba?" Hala! Ano ba 'yan.

"Weh?" tanging sabi ko kasi I'm totally speechless. Sure, we go on a friendly date sometimes, pero hindi ko kasi iniisip na date 'yon, for me, and probably for him too, isang simpleng bonding with bestfriend lang 'yon.

Imagine us being on a real date? Oh my God!

"Joke lang!" tumawa na naman siya, "Kung ayaw mo, okay lang."

"Hindi, Jimin, gusto ko." hinawakan ko 'yung kamay niya, "Seryoso, kailan ba?"

"H-huh?" Hindi ko alam kung anong dahilan ng pamumula niya at umiiwas siya ng tingin sa 'kin. "May part-time ako sa monday." Binawi na niya ang kamay niya.

Tumawa na lang ako nang bahagya, "Bibisita ako do'n then we can date there." Ano bang pinagsasabi ko? Ah, whatever!

"Baliw! Magtatrabaho ako tapos date?" nirolyo niya ang mga mata niya pabiro saka tumawa pagkatapos.

"Sinimulan mo kasi eh. Dali na, willing ako do'n sa friendly date, kahit libre ko pa." Naknampuchang friendly date. "Sabi nga ni Adrian, you'd do anything for the ones you love."

Ano ba, Taehyung, konting self-control naman d'yan, baka madulas ang dila mo.

"Do you love me?" Shit. Anong klaseng tanong 'yan? Oo naman, syempre!

"Of course, because we're bestfriends." Saktan mo lang ang sarili mo, self, okay lang 'yan.

Ngumiti siya nang bahagya, "Me too."

Bumuntong hininga ako at kinamot ang batok ko. "Alam mo, magbasa na lang tayo ulit."

"Mabuti pa nga."
-

A/N

comments, juseyo?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top