Chapter 33 : Untitled

Taehyung's Point of View.

"Ginoo, maaari ko bang makita ang mga larawan?" sabi ng isang babaeng kamukha ko. Emilia?

Gan'yan siguro ang itsura ko kapag may wig. Bigla akong natawa sa naisip ko.

"Sure. Here you go." Iniabot naman sa kaniya ng kasama niyang lalaki, na kamukha ni Jimin, 'yung camerang hawak niya. "You look beautiful."

Namula naman si Emilia. "Ang gaganda ng mga ito," sabi niya habang tinitignan 'yung picture do'n sa camera.

"If you like to see more, just click here." Tapos may pinindot si Adrian do'n sa camera. Natawa ako kasi parang Youtube.

"Napakahusay mong kumuha ng larawan, Ginoo." sabi ni Emilia at ngumiti naman si Adrian. Wow, he even smiles like Jimin.

"Syempre. I put my emotions into them." sagot ni Adrian.

"Syempre? Ang ibig mo bang sabihin ay 'of course' o 'always'?" tanong ni Emilia at tinignan naman siyang nagtataka ni Adrian.

"Of course. Bakit always?"

"Sa Espanyol, ang ibig sabihin ng syempre ay always." sagot ni Emilia.

Tumango naman si Adrian. "Oh, then, te amo siempre." Namula na naman si Emilia.

Ano ba 'yan! Ang haharot naman. Respeto naman sa mga single na kagaya ko.

Hindi ko ma-imagine na naghaharutan kami nang gan'yan ni Jimin. Tumataas ang balahibo ko.

"Nais mo na bang kumain? Halika't may alam akong kainan." aya ni Emilia habang ibinabalik kay Adrian 'yung camera. Napakaganda nung camera kaso mukhang wala nang gan'yan ngayong modern times.

"Tila ang dami mong alam na kainan." sabi ni Adrian at isinukbit sa leeg niya 'yung tali ng camera.

"Syempre, sapagkat dito ako naninirahan."

"Is that an 'of course' or 'always'?"

Tumawa naman nang bahagya si Emilia, "Of course."

"Okay then, let's go."

Kasabay ng pag-alis nila ay ang paggising ko mula sa panaginip na 'yon.

Nagkusot ako ng mga mata nang bahagya. Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bedside table para sana tignan ang oras but I ended up looking at the wallpaper. It was a picture of me and Jimin together.

Binuksan ko ulit ang cellphone ko and this time, tumingin na ako sa oras. It's freaking 6:00 in the morning.

Ang aga ko namang nagising. Usually, nagigising ako nang 8:00 or 9:00, pero kapag may pasok ay 7:00.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at bumuntong hininga.

Lumabas ako ng kwarto at bumaba sa sala. Wala pa sila rito. Mukhang mga tulog pa.

Pumunta ako sa CR para maghilamos. I usually take 20-30 minutes to finish, minsan isang oras. Kasi kapag sa umaga, nag-i-skin care ako. Pati sa gabi. Pero minsan nakakaligtaan ko kapag pagod ako.

Si Jimin, sabon at tubig lang ang skincare pero ang kinis ng balat. Naknampucha! Sana lahat. Matanong nga kung anong sabon ang gamit niya.

Pagkatapos kong maghilamos ay lumabas na ako ng CR at bumungad naman sa 'kin si Yeri.

"Kuya, anong araw ngayon?" tanong niya sa matamlay na boses at medyo paos pa.

"Sabado. Bakit?" sagot ko at pinatay ang ilaw ng banyo.

Tila para siyang nabuhayan at nanlaki ang mga mata niya, "Huh? Akala ko friday pa lang."

Tumawa ako nang malakas, "Bakit? Anong meron?"

"May pupuntahan kasi kami ni Jungkook. Akala ko bukas pa 'yon, ngayon na pala."

"Hindi ba kayo nagsasawa sa mukha ng isa't isa? Halos araw-araw kayong nagkikita at magkasama." sabi ko at pumunta sa kusina.

"Hala! Makasabi naman 'to, kayo rin naman ni kuya Jimin." sabi niya bago ko marinig ang pagsara ng pinto ng CR.

Magkaiba naman kasi kami. Sila ni Jungkook, magkalayo ng bahay. Tagakabilang baranggay pa 'yung lalaking 'yon. Kaming dalawa naman ni Jimin ay magkapitbahay, or to be exact, magkatapat ng bahay.

Okay, bakit defensive ako?

Tumitig ako do'n sa kalan nang ilang segundo at inisip kung anong ginagawa ko rito sa kusina.

Hindi ako marunong magluto. Well, itlog at hotdog lang ang kaya kong lutuin, minsan sunog pa at dumidikit sa kawali ang balat.

Ano ba 'yan!

Bumuntong hininga ako at naglakad papunta sa ref. Binuksan ko ito at kumuha ng pistel ng tubig. Kumuha na rin ako ng baso mula sa lalagyan at nilagyan ito ng tubig mula sa pitsel.

Hintayin ko na lang na magising sina Mama. Baka kapag nagluto ako, pagalitan pa ako kasi sunog ang kusina. Joke lang!

Jimin's Point of View.

Naalimpungatan ako dahil sa malakas na katok sa pinto ng kwarto ko. Grabe naman kumatok si Mom. "Anak, gising na!"

Bahagya kong kinusot ang mga mata ko saka nag-unat para mabuhayan ako ng dugo.

Umalis na ako mula sa kama at inayos ito. Naglakad ako papunta sa pintuan at binuksan ang pinto. "May sasabihin ako." pambungad ni Mom na may seryosong mukha.

"Ano po 'yon?" tanong ko ngunit hindi siya sumagot.

Naglakad na siya pababa at sinundan ko naman siya. Ano kaya 'yung sasabihin niya?

Nakarating na kami sa sala at sinabayan ko siyang umupo sa sofa. Ano ba 'yung sasabihin ni Mom? Naku-curious ako.

"Mom, ano ba 'yung sasabihin mo?" tanong ko ulit.

Bumuntong hininga siya nang napakalalim bago magsalita. "Uuwi na si Jihyun dito." What?

Tumitig lang ako sa kawalan.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Matutuwa ba ako kasi for the first time in years, uuwi siya rito? O maiinis kasi nga for years, hindi siya rito tumira kasama kami? Hindi ko alam.

Noong 15 years old siya, napagdesisyunan niyang mag-aaral na lang daw siya sa Busan at sasamahan niya 'yung grandparents namin do'n. At ang rason? Kasi raw ayaw niya sa 'min.

Tama ba naman 'yon? Sarili mong kadugo, ayaw sa 'yo? With no apparent reason. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote no'n at naisip niya 'yon.

"Okay." Ayon na lang ang nasabi ko.

"He decided to live here again kasi iniwan na siya ng lolo't lola niyo. Kinuha na sila ng mga kapatid ng dad mo. Sa makalawa ang dating niya rito." sabi ni Mom at narinig ko siyang bumuntong hininga. "I miss him. I miss your brother... so much."

Well, me too.

Bumuntong hininga ako at hindi na nagsalita. Tumayo ako at pumunta sa CR para gawin ang routine ko.

Pagkatapos ay pumunta ako sa dining area para tignan kung may pagkain na pero pagkatingin ko ay wala pa. As in, malinis ang lamesa at walang laman.

"Anong gusto mong breakfast?" tanong ni Mom at nagkibit-balikat naman ako.

"Anything is fine." seryosong sabi ko.

"Wanna go to Kopi Parlor?" she asks.

Teka, anong oras ba 'yon nagbubukas? "Masyado pa yatang maaga."

"Hindi, 7:00 sila nagbubukas. Tara na."

Tumingin ako sa digital clock namin at lagpas 7:00 na. Tumango-tango ako, "Okay, sige po."

+++

"Jimin!" pambungad sa 'kin ni Teresa—ay, Therese na nga lang, nang makapasok kami sa coffee shop nila. "Hindi ko alam pero I'm so happy to see you again."

Tinignan ko siya nang nagtataka. "Should I take that as a compliment?" I chuckle.

She smiles and nods happily, "Yeah, sure." Ang liwanag ng mukha niya habang nakatingin sa 'kin.

"Mabuti naman at nagkakamabutihan kayong dalawa." sabi ni Mom habang may ngiti sa labi.

Pumunta kami ni Mom sa pangalawang counter at umorder na. Nagulat ako nang lumundag si Therese sa tabi namin. Nakakagulat naman 'to.

After naming umorder ay naghanap kami ng bakanteng pwesto saka umupo. Magkatapat kami ni Mom.

"Hoy, Jimin!" Umupo siya sa tabi ko. "May kilala ka bang Jungkook?"

Tumango ako, "Oo, kaibigan ko 'yon eh. Bakit?"

"Siya si Antonio. OMG! Ang gwapo niya sa past life pero mas gwapo siya ngayon." sabi niya at umaktong kinikilig.

Wow. "Hm, yeah, alam niyang gwapo siya." sabi ko at tumawa.

"Teresa, nand'yan ba 'yung Mama mo?" biglang pagsingit ni Mom.

Lumingon naman si Therese kay Mom, "Ay, mamaya pa po siya darating." sagot niya. "Pasensya na po, na-excite lang. Kasi po may pumuntang gwapo rito kahapon, kaso may kasamang babae, girlfriend niya po yata."

"Ah, si Yeri? Kapatid 'yon ni Taehyung, 'yung bestfriend niya." sabi ni Mom at tinuro ako. "Hindi niya pa 'yon girlfriend."

Tumango-tango naman ni Therese, "Hindi pa." she smirks.

"Order for Park Jimin!" Hala! Tinawag na ang gwapo kong pangalan.

Tumayo na ako at pumunta sa counter para kunin 'yung order namin mula do'n sa babaeng cashier. Ngumiti pa siya at bahagyang kinagat ang ibabang labi niya.

Ngumiti na lang ako nang peke saka bumalik do'n sa pwesto namin.

Inilapag ko na ang tray sa lamesa. Kinuha ko 'yung isang kape at nagsimulang humigop.

"Tell me about Jungkook." Muntik na akong mabulunan dahil sa gulat. Bigla-bigla namang nagsasalita 'to si Therese.

"Can I just finish this first?" I ask, raising an eyebrow.

"Sure," she grins. "Sorry."

+++

"So, tell me about Jungkook?" tanong ni Therese habang nakangiti nang malapad.

"Anong gusto mong malaman tungkol sa kaniya?" tanong ko at inayos ang pag-upo.

Nilapit niya ang upuan niya sa akin, "You know, the basics. Like, birthday, name of parents, other friends, mga gano'n." sagot niya habang nakangiti pa rin. "Buti na lang kaibigan mo siya. Alam mo dapat maging close na rin tayo eh since you'll be working here 3 times a week, right?"

Bahagya kong nirolyo ang mga mata ko, "Can I just call you Therese? Kasi kapag Teresa, naiisip ko 'yung lola ni Taehyung."

Nakangiti pa rin siya. "Well, that's technically me but yeah, sure." Habang patagal-tagal, nagiging creepy sa paningin ko 'yung ngiti niya. "So, ano na?"

"Uhm..." Paano ba ako magsisimula? "Si Jungkook ang pinakabata sa aming pitong magkakaibigan. Pinanganak siya noong 1st September 1997—"

"Hala! Ilang araw lang ang agwat namin. September 27 ako." she fucking giggles.

"Nice!" sabi ko na lang. "So, uhm... nagpa-part-time siya ngayon sa palengke, sa karinderya ni Jin hyung, 'yung pinakamatanda sa 'ming magkakaibigan." Tumango naman siya.

"Bakit siya nagpa-part-time?"

"Well, nag-take kasi siya ng exam for Website Programming sa isang company last month. Habang hinihintay niya 'yung resulta kung pasado ba siya o hindi, naisipan niyang mag-part-time para naman daw may magawa siya sa buhay niya."

Tumango ulit siya, "Smart." she giggles again. What the heck! "So, hindi pa sila ni Yeri, 'di ba? Paano sila nagkakilala at kailan?"

"Ang alam ko ay nagkakilala sila noong 2nd year college si Jungkook at highschool pa lang noon si Yeri." sagot ko at huminga kasi tuloy-tuloy 'yung salita ko. "Si Jungkook na lang kaya ang tanungin mo? Ako ba si Jungkook?"

Ngumuso pa siya. Yikes. "Eh kasi... medyo nakakahiya 'yung una naming pagkikita kahapon." Bumuntong hininga siya pagkatapos at ngumuso na naman. Yikes ulit.

"Ano bang nangyari kahapon?" tanong ko at nagliwanag naman ang mukha niya.

"Glad you asked, kanina ko pang gustong magkwento." masayang sabi niya at mas lalong nilapit ang upuan niya kaya umatras ako nang konti. Kailangan ko bang ihanda ang tenga ko? "Kasi ganito 'yon..."

At nagkwento na siya tungkol sa pagkikita nila ni Jungkook kahapon. Paminsan-minsan ay kikiligin siya at titili tapos magkukwento ulit.

"Sinabi mo sa kaniya na siya si Antonio? At sinabi mo ring miss mo siya? What the heck!" gulat na sabi ko.

Tumawa siya nang mapait, "Oo. Pero mukhang naniwala naman siya eh. Parang gusto niya pa ngang magtanong kaso dumating si Yeri galing sa CR." sagot niya at nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.

"Anak, tara na, uwi na tayo." biglang lumapit si Mom. Nando'n kasi siya sa loob ng kusina at nakipag-chismisan sa nanay ni Therese.

"Okay po." Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko. "Sige, Therese, uwi na kami. I'll see you on monday, I guess?" ngumiti ako nang bahagya.

Ngumiti siya at tumango, "Okay, see you on monday. Ingat kayo!"

Nagpaalam na kami at lumabas na ng coffee shop. Well, at least, medyo close na kami. She seems extroverted, too.
-

A/N

this is soooo random,, hikhok

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top