Chapter 32 : Jungkook and Teresa's 1st Meeting

Jungkook's Point of View.

Nakarating na kami sa Kopi Parlor na halos limang minuto lang naming nilakad ni Yeri. Halos katabi lang kasi ng subdivision nila.

Pumasok kami sa loob at may tumunog na bell sa bandang taas ng pinto. Ang laki ng loob at ang aliwalas tignan, sobrang ganda. Tapos airconditioned pa, amoy na amoy 'yung mga kape.

Pumunta kami sa counter na walang pila para mabilis kaming maka-order.

"Ang ganda naman dito," biglang sabi ni Yeri. "Sabi ni kuya Taehyung, magpa-part-time daw dito si kuya Jimin."

"Talaga? That's nice!" sabi ko at ngumiti. Kaso kawawa naman 'yung mama niya, maiiwan sa bahay nila.

"Good afternoon, Sir, Ma'am. Ano po sa inyo?" Napalingon ako do'n sa babaeng kahera. Ay wait, hindi siya mukhang cashier pero nasa tapat siya ng cash register.

"Uh,"

"Antonio?" rinig kong sabi niya. Ano raw? "Oh my God!"

"Uhm, excuse me?" Tinignan ko siya nang nagtataka. Ano 'yung tinawag niya sa akin?

"Oh! I-I'm sorry. Uh, ano pong order niyo?" she blinks.

"Anong gusto mo, Yeri?" tanong ko rito sa kasama ko at kunwaring nag-isip pa siya.

"Hmm, ikaw." seryosong sagot niya.

"Huh?" Ano raw?

"I mean, kung anong gusto mo, 'yun na lang din order ko." sabi niya at tumawa. "Utak mo, Jeon!"

"Utak pa rin." tumawa ako bago lumingon ulit sa cashier. "Uhm, dalawang medium espresso, 'yung isa, 4 shots."

Tumango naman 'yung babae sa cashier at nag-tap do'n sa monitor, "Anything else?"

"Hm, two clubhouse sandwiches and two glasses of water. Thank you."

Tumango siya ulit, "Name, sir?"

"For what?" tanong ko habang nakakunot ang noo. Type yata ako nito at kinukuha ang pangalan ko.

Nagulat ako sa hampas ni Yeri. "Kailangan 'yon kasi tatawagin ka kapag nand'yan na order mo." sabi niya. Ah!

"Ah, sorry. It's Jungkook, Jeon Jungkook." sabi ko at ngumiti nang bahagya. Medyo nakakahiya pero okay lang kasi gwapo pa rin naman ako.

Nag-type naman siya do'n sa monitor. "Three hundred ninety pesos po." Sabi niya habang nakatingin pa rin sa monitor. Ang mahal naman. Pero mas mahal pa rin sa starbucks.

Nagbayad ako ng 400 pesos at sinuklian naman niya 'ko ng 10 pesos kasama 'yung resibo.

"Okay, Mr. Jeon, just wait for 10-20 minutes and then we'll call you. Thank you!" sabi niya at nginitian ako.

Umalis na kami sa counter para maghanap ng pwesto.

Nang makahanap kami ng pwesto ay umupo na kami agad nang magkatapat. Ang mahal naman ng merienda namin.

"Hoy, Gguk!" Lumingon ako kay Yeri nang tawagin niya ako. Nag-hum naman ako bilang sagot. "Hindi ko gusto 'yung mga tingin sa 'yo ng babae 'yon."

Lumingon ako do'n sa babae bago tumingin ulit kay Yeri, "Sino? 'Yung cashier?" Tumango naman siya. "Nagseselos ka ba?" I smirk.

Ngumuso naman siya at ipinagpatong ang mga braso niya sa harap ng dibdib niya, "Hindi."

Mas lalo akong ngumisi, "But your body language says otherwise."

Sinamaan niya ako ng tingin, "Hindi nga ako nagseselos. Naiinis ako."

Nawala ang ngisi ko. "Bakit ka naman naiinis?"

"Kasi nga hindi ko gusto 'yung tingin sa 'yo nung babaeng 'yon. Parang hinuhubaran ka na ewan eh." Grabe naman 'yon. Mga babae talaga, kung ano-anong iniisip.

"Edi nagseselos ka nga."

"Hindi nga!" Hinampas niya pa 'yung lamesa. Hala?

"Bakit nagagalit ka? Kumalma ka lang. Hindi ko naman gusto 'yung babaeng 'yon. Ikaw lang sapat na." sabi ko at tumawa. Mukhang hindi siya na-impress kaya tumahimik na lang ako.

Ilang saglit pa ay tinawag na ang pangalan ko at kinuha ko na 'yung order namin mula sa counter.

Nang makuha ko na ay bumalik na ako sa pwesto namin. "Kumain na tayo, 'wag ka nang magalit." sabi ko habang nilalapag 'yung tray sa lamesa namin.

"Sandali, magsi-CR lang ako." Tumango na lang ako at umupo sa kinauupuan ko kanina.

"Hi, may I interrupt you for a moment?" biglang may nagsalitang babae. 'Yung babaeng hindi mukhang cashier kanina.

"Uhm, hello." Ang awkward ng atmosphere namin.

"Pasensya na, but I just wanna tell you something." sabi niya at umupo do'n sa upuan ni Yeri.

"Ano 'yon?"

"Alam kong hindi ka maniniwala kasi kakakilala lang natin, pero... pakiramdam ko reincarnation ka ng asawa ng past life ko."

Napakunot ang noo ko. Ano daw? "Teka, ano? Reincarnation?"

Malungkot ang ekspresyon ng mukha niya, "I-I'm so sorry." Tatayo na sana siya pero pinigilan ko.

"No, no! Uhm, pwedeng paki-explain 'yung sinabi mo kanina? About sa reincarnation." Sina Jimin hyung kasi ay may binabanggit din sila tungkol sa reincarnation pero hindi ko pinapansin.

"So, uhm... reincarnation ako ni Teresa Alvarez-Guevarra. Tapos kamukha mo 'yung asawa niyang si Antonio Guevarra, so feeling ko reincarnation ka niya."

Shocks! Ano daw? "Oh."

"I just wanna tell you that I really miss you." Shit, that feels weird.

"What's your name, by the way?" tanong ko sa kaniya.

"Maria Therese. But you can call me Teresa."

"Uhm, excuse me?" Hala! Nandito na pala si Yeri.

"Oh, sorry. Sige, babalik na ako sa trabaho. I hope to see you again next time." Ngumiti siya bago umalis.

Nang makaalis nang tuluyan si Teresa ay umirap si Yeri bago umupo. "Anong "hope to see you again next time," wala nang next time."

Tumawa ako at umiling, "Tara, kain na tayo."

Sinamaan na naman niya ako ng tingin bago humigop ng kape. Hays.

+++

"Jin hyung, may tanong ako," pambungad ko nang makabalik ako sa karinderya. "Naniniwala ka ba sa reincarnation?"

Nag-isip siya saglit, "Oo. Bakit?"

"Kasi kanina, may babaeng nagsabi sa 'kin na reincarnation daw ako ng asawa ng past life niya. Mukha naman siyang seryoso at hindi nagsisinungaling."

Binaba ni Jin hyung 'yung tinidor na hawak niya. "Sino raw 'yung reincarnation mo?"

"Uhm, Antonio yata 'yon?" Tama ba? "Oo, Antonio nga. Antonio Guevarra."

"OMG! Si Heneral Antonio Guevarra?" Ay, hindi ba Antonio Luna 'yon?

"Heneral?"

"Narinig ko lang 'tong kwento na 'to. Noong mamatay raw 'yung babaeng mahal niya, sumali siya sa grupo ng mga sundalong Filipinong makikipaglaban sa mga Amerikanong sundalo, tapos siya 'yung naging leader, that's why Heneral Antonio Guevarra ang tawag sa kaniya. Tapos makalipas ang ilang buwan, pinakasalan niya 'yung kaibigan ng babaeng mahal niya, si Teresa Alvarez na matagal na palang may gusto sa kaniya. And then... 'yun lang."

Bakit bitin? Gusto kong malaman 'yung buong istorya.

"What? 'Yun lang?"

"Sorry, 'yun lang naaalala ko eh." tumawa pa siya.

Bumuntong hininga ako. Now that I'm intrigued, gusto kong bumalik do'n sa coffee shop at tanungin si Teresa, baka sakaling may alam siya.
-

A/N

JungRese or JungRim? HAHAHAHA charot.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top