Chapter 31 : Flirting

[ A/N: another boring chapter, sorry. ]
-

Taehyung's Point of View.

Nandito kami sa Mcdo at kumakain. Oo, dito kami nagla-lunch ngayon. Kesa naman sa pumunta pa kami sa karinderya ni Jin hyung, mas malapit 'to.

"Jimin!" Humarap naman siya sa 'kin at ngumiti. Shet, ang cute. "Salamat."

Tinignan niya ako nang nagtataka, "Para saan?"

"Dito, salamat sa libre." tumawa ako. "Hindi, biro lang. Bukod dito, salamat kanina. Alam mo, ikaw lang talaga ang nakapagpapakalma sa 'kin. Siguro kung hindi kita kasama ngayon, baka hanggang ngayon ay inaatake pa rin ako."

Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko na nakapatong sa lamesa, "No problem. Bestfriends, right?" Bestfriends. "Alam mo, buti na lang at naisipan kong samahan ka ngayon. Kung hindi, ay nako, ewan ko!"

I chuckle, "Soulmate tingling?"

"Gut-feeling ang tawag do'n. Pero pwede na ring soulmate tingling." Sabay kaming tumawa.

"Kumain na nga lang tayo."

Tumango siya, "Okay, tapos uwi na."

Habang kumakain, may napansin akong nakatuping papel sa tabi ng tray. Na-curious ako at kinuha ito. "Ano 'to?"

Napatingin din naman si Jimin, "Ano 'yan?" tanong niya pabalik.

Binuklat ko ito at may nakasulat na, "The guy wearing a red hairclip is so cute." Napakunot ang noo ko. I am the guy wearing a red hairclip.

"Cute ka raw." sabi ni Jimin kaya napatingin ako sa kaniya. Bakit nang manggaling sa kaniya ay kinilig ako?

I smile, "Hindi ah." Hindi ko maitago ang kilig ko, ano ba 'yan!

"You're blushing." he laughs. "Cute ka nga, Taetae."

"H-hindi nga." I can't believe I just stuttered.

He playfully rolls his eyes, "Whatever you say."

+++

Nandito kami sa Agust D Flower Shop para bumili ng sunflowers para kay abuela. Naisipan ko kasi na bumisita muna do'n bago umuwi.

"Oh, Taehyung, isang bouquet ng sunflower for your abuela. Discounted na 'yan, so 800 na lang." Hoy, ayos 'yon ah.

Depende kasi sa bilang ng stems sa bawat bouquet ang presyo. Since 100 pesos ang isang stem ng sunflower at 10 stems sa isang bouquet ang binili ko, so 1,000 pesos lahat. Nagpapasalamat naman ako at binawasan ni Yoongi hyung ng 200 pesos ang presyo.

"Para pa lang 'yan sa lola niya, gan'yan kalaking pera na ang nagagastos niya, what more kung sa future jowa niya na?" biglang sabi ni Hoseok hyung at tumawa.

For Jimin, I would do anything.

"Kung magkaka-jowa. Ang dami-daming nagkakagusto at nanliligaw d'yan pero ni isa ay walang tinatanggap. Paano magkaka-jowa 'yan?" sabi naman ni Yoongi hyung.

Grabe naman 'yung atake, tagos na tagos sa buto.

Narinig kong tumawa si Jimin na nasa likuran ko. "Sa tuwing may magko-confess sa kaniya, nagkaka-panic attack. Paano nga naman magkaka-jowa?" Isa pa 'to eh. Jimin, ikaw nga lang ang gusto ko.

"Tama na nga 'yan, ito na bayad." Nagbigay ako ng sanlibo at sinuklian naman ako ni Yoongi hyung ng 200 pesos. "Alis na kami, bye!" pagpapaalam ko.

"Bye! Balik kayo, ha. Ingat!"

Nag-tricycle na lang kami papunta sa bahay ni abuela. Nando'n na kaya ni abuelo? Minsan kasi nakikitira si abuelo sa bahay ng kapatid ni Mama kaya mag-isa lang si abuela d'yan. Kung pwede nga lang na sa amin na lang siya makitira kaso ayaw niya raw.

"Jimin, what if mag-resign na ako?" bigla kong tanong at lumingon siya sa 'kin.

"Just because of what happened earlier? No. Akala ko ba gusto mong mag-model? Future Gucci Ambassador?" he smirks.

Tumawa ako, "Ang taas pala ng pangarap ko, 'no?"

"Okay lang 'yan. Pangarap ko ngang maabot ka eh."

Parang may dumaan na anghel. Hala! Ano raw? "Liit mo kasi." sabi ko na lang para maitago ang kilig ko.

Is he flirting?

Nirolyo niya ang mga mata niya, "Whatever."

+++

Sa wakas at nakauwi na kami. Ayoko nang bumalik do'n, gusto ko na lang mag-resign. Everytime na papasok kasi ako sa building na 'yon, kinakabahan ako.

"Oh, Taehyung? Parang ang aga mo naman umuwi. Mabilis lang ang photoshoot?" tanong ni Papa at tumango na lang ako. Ayokong ikwento 'yung nangyari kanina. "Kumain ka na ba ng lunch?"

"Opo, kumain na po."

Tumango naman si Papa, "Okay, that's good." Bumalik na 'yung focus niya do'n sa pinapanood niya.

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at nakita ko sa ilalim ng center table 'yung diary ni Emilia. Kinuha ko ito at binuklat sa page na may bookmark.

"Nakakalat 'yan do'n sa kwarto mo kaya nilagay ko d'yan." biglang sabi ni Papa at lumingon naman ako sa kaniya.

"Nagbasa ka po?"

Umiling siya, "Unang page lang. Si Emilia ba 'yung kinuwento ni Nanay Kim na bestfriend ni Lola Teresa?"

Tumango ako, "Yes, Pa."

Hindi na siya sumagot kaya bumalik na ang tuon ko sa diary.

Abril 02, 1917

Nagtungo kaming muli sa Art Museum kanina. Kaming dalawa lamang ni Adrian. Kinuhaan niya ako ng ilang larawan sa tabi ng bawat nakapaskil na obra doon.

"Maaari ba kitang maging muse?" tanong niya sa akin. Ngunit tanong ko pabalik, "Ano ang muse?" Sagot naman niya ay, "It's like a source of an artist's inspiration. So, do you want to be my muse?" Ngumiti ako at tumango.

"You're very special to me, Emily." Nakakaakit talaga kapag nagsasalita siya ng Ingles. Nais kong maging gamay sa pananalita ng Ingles para sa kaniya.

- Emily.

"Hala! Ang cute." I want Jimin to call me his muse, too.

Abril 03, 1917

Simula ngayon ay susubukan ko nang haluan ng Ingles ang bawat pagsulat ko rito sa aking talaarawan o diary.

Conyo raw ang tawag sa pinaghalong Tagalog at English, sabi sa akin ni Adrian. Natawa pa nga ako kasi ang kahulugan ng conyo o coño sa Espanyol ay pribadong parte ng mga babae.

Hanggang dito na lamang dahil wala naman talaga akong maikukwento ngayon. Sapagkat kasalukuyan akong nagbabantay ng panaderya habang nagsusulat dito sa aking talaarawan.

- Emily.

Tama siya. Coño is a Spanish slang word for the female genitalia. Bakit ko alam? Hindi ko rin alam.

Simula nang magkaisip ako (meron pala ako no'n), nakakaintindi at nakakapagsalita na ako ng Spanish. Kahit sina Mama ay nagtataka. It's so weird, 'di ba? I speak 3 languages: Filipino, English and Spanish.

"Hello! I'm home!" Napalingon ako sa pintuan. Nandito na agad si Yeri?

Tumingin ako sa digital clock namin at sabi ay 4:30 pa lang ng hapon. Alas sais (6:00) pa ang uwian nila at usually nakakauwi siya ng 6:30 to 7:00.

"Ang aga mo naman?" nagtatakang tanong ko.

"Wala na kaming klase hanggang uwian eh. Absent mga professor ngayon, tinatamad na yatang pumasok." sagot niya at tumawa. "May merienda na ba?"

"Wala, bumili ka na lang sa labas." sabi ko sa kaniya. Binalik ko na ang bookmark sa huling page na binasa ko saka isinara ang diary ni Emilia bago ito ibalik sa ilalim ng center table.

"Hello po! Good afternoon." Biglang may lumitaw na lalaki sa pintuan. Si Jungkook lang pala. "Pwede po bang makikain?" sabi niya at hinampas naman siya ni Yeri sa braso.

Ayan, buti nga.

"Ang kapal talaga ng mukha mo! Akala ko ba ihahatid mo lang ako? Ano pang ginagawa mo rito?"

"Just making sure you're home safely." kumindat pa ang loko.

"I'm home safely, thank you very much." umirap naman si Yeri.

"Grabe ka naman!" he pouts. "Tara, kain na lang tayo do'n sa Kopi Parlor na malapit sa subdivision niyo. Hindi pa ako nakakapunta do'n eh, pero sabi ni Namjoon hyung, maganda raw do'n." aya ni Jungkook.

"Libre mo?" tanong ni Yeri habang nakataas ang isang kilay.

"Oo naman, basta ikaw." sagot ni Jungkook at ngumiti.

"Pwede ba kung maglalandian kayo, 'wag sa harapan ko, please lang. Respeto naman oh." sabi ko sa kanila at tumawa naman sila. I just rolled my eyes.

"Mag-merienda lang po kami. Kung gusto niyo pong sumunod, sunod na lang po kayo." Binagsak ni Yeri ang bag niya sa sahig at umalis na sila ni Jungkook.

"Wow! Mga walanghiya!" Natawa ako sa sinabi ni Mama.

"Hayaan mo na, masaya sa lovelife eh." sabi naman ni Papa. "Eh 'yung isa kaya d'yan, kailan kaya magkaka-jowa?" Ako ba 'yung tinutukoy ni Papa?

Oo, ako nga.

"Grabe naman po 'yung atake, tagos sa buto." sabi ko at tumawa naman silang dalawa.

I love my family.
-

A/N

it's getting boring and boring, sorry :((
feedback, please?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top