Chapter 30 : Panic Attack

Taehyung's Point of View.

"Jimin!" pagkatok ko sa gate ng bahay nila. "Jimin, bilisan mo!"

"Oo, sandali!" rinig kong sigaw niya mula sa loob ng bahay nila. Tumawa na lang ako nang bahagya.

"Huwag ka nang magpagwapo d'yan, gwapo ka na talaga." I said and I just hope he didn't hear that.

Hindi na ako pumasok sa loob at baka magtagal pa kami lalo.

Maya-maya'y lumabas na siya. Napangiti ako at nagkatinginan kami nang mga ilang segundo. 'Yung parang sa mga k-drama na nagkakatitigan 'yung dalawang main characters tapos parang bumabagal ang oras. Gano'n, except, we're not really in a k-drama.

Kinikilig ako.

"Anong sabi mo? Gwapo na talaga ako?" Shit, narinig niya nga.

"Hoy! Magtititigan lang ba kayo d'yan o ano?" Nabalik kami sa ulirat dahil sa pagsingit ni Tita Park.

"Ay, sorry po, Tita. Heto na nga po, aalis na." sabi ko at tumawa pa. Umiling-iling naman siya.

"Sige na, ingat!"

Binuksan ni Jimin ang gate at lumabas na siya nang tuluyan sa bahay nila. "Alis na po kami." sabi niya at naglakad na kami palayo.

Mag-aalas dose (12:00) na ng tanghali at late akong papasok sa trabaho kasi late din akong nagising. 8:00 ang usual na pasok ko, pero pwedeng ma-late hanggang 10:00. Grabe 'yung pagka-late ko ngayong araw.

At heto, naisipan ni Jimin na sumama sa 'kin ngayon kasi trip niya lang daw. Sana trip niya rin ako.

Nakalabas na kami ng subdivision at nag-tricycle na lang kami papunta sa building na pinagtatrabahuan ko.

"Jimin." Nag-hum naman siya biglang sagot. "What if mag-freelance photographer ka tapos i-recruit kita sa company namin to photograph me?"

Lumingon na siya sa 'kin, "Naisipan ko na rin ang mag-freelance photographer pero wala akong camera at wala akong pambili. Kaya nga tinanggap ko 'yung trabaho sa coffee shop eh." ngumiti siya nang bahagya.

"Gano'n? I can buy you a camera." I smile.

"Hala? 'Wag na." nag-tsk pa siya. "Palibhasa kasi mayaman ka." Hinampas niya ako sa braso pagkatapos.

Hinampas ko rin siya pabalik. "Ikaw rin naman ah. Parehas lang na seaman ang tatay natin so mayaman ka rin." Biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. Shit, sorry. "Oh shit, Jimin, I'm sorry."

"It's okay." he sighs. "Feeling ko nga hindi na magpapadala pa si Dad kahit na sinabi ni Mom na magpapadala siya. He'll be so much busy with his other family." he sighs once again.

Tinignan ko siya nang nag-aalala, "You and your mom don't deserve this."

Ngumiti siya nang bahagya, "Well, that's life."

"That's life? Gano'n-gano'n lang? No, Jimin, you deserve a better life." A better life with me.

"Thank you, Taehyung. Hindi ko alam ang gagawin ko sa buhay kapag nawala ka." he smiles. Hala! Ano bang pinagsasabi niya?

Pinigilan ko ang pamumula ko. "Ano ka ba? I think it's the other way around." I chuckle.

"Edi let's just say na hindi natin kayang mabuhay nang wala ang isa't isa." Ano ba, Jimin, kinikilig ako.

Tumawa na lang ako para maitago ang pamumula ko, "Ano ba 'yang pinagsasabi mo?" Tumawa na lang din siya.

Mga ilang saglit pa ay nakarating na kami sa tapat ng building. Nagbayad na si Jimin ng pamasahe namin saka kami lumabas ng tricycle.

"Ihahatid na kita sa taas." sabi niya at tumango na lang ako. Tatanggi pa ba ako sa grasya?

Pumasok kami sa loob at binati naman ako ng mga staff dito. Binati ko na lang din sila pabalik at ngumiti pa nang bahagya.

Pumunta kami sa elevator at nakasabay pa namin ang ibang models sa pagpasok.

"Hi, V~" binati nila ako at ngumiti naman ako. V is my pen name as model.

"Hello!"

Isa na lang sa amin ang nagpindot ng floor number since sa iisang palapag lang naman ang pupuntahan namin.

"Sino siya, Taehyung? He's so handsome." tanong sa 'kin ni Sooyoung (or Joy as her model name) at parang kinikilig pa na ewan 'yung kasama niyang si Minkyeong or Roa.

Lumingon ako kay Jimin bago ulit lumingon sa kanila, "This is Jimin, my bestfriend."

"Ah, akala ko boyfriend." bulong naman ni Roa.

Hinampas naman siya nang bahagya ni Joy, "Shh. Baka magalit si Minsung."

Tumingin ako kay Jimin at nakakunot ang noo niya. Bumuntong hininga ako at umiling-iling.

May kumakalat kasing balita rito sa company na nililigawan ako ni Minsung. Hindi naman ako nagpapaligaw at never ko siyang sasagutin.

"Work is work, dapat walang ligawan." narinig kong bulong ni Jimin at tumawa naman ako nang mahina.

"Jimin, 'wag mo na lang pansinin." bulong ko sa kaniya. Bumuntong hininga at umiling-iling naman siya.

Is he jealous?

Nagbukas ang elevator at napagtanto kong nakarating na pala kami sa 3rd floor kung saan ako nagpho-photoshoot.

Naglakad na kami papunta sa photography studio o photoshoot room. At pagdating namin do'n ay madilim ang loob. Transparent glass kasi ang pinto kaya kitang-kita.

"Bakit madilim?" takang tanong ni Jimin at nagkibit-balikat lang ako.

Binuksan ko ang pinto at kinapa sa gilid ang switch. Nasaan na ba 'yon?

Nang mapindot ko ito ay nagbukas na ang ilaw at nagulat naman ako sa sigawan at mga confetti na hinagis sa 'kin. What the heck! Anong meron?

Tumingin ako sa harap ko at may hawak silang malaking banner na may nakalagay na, "Will you be my boyfriend?"

What the actual fuck is going on?

"What?" tanging sabi ko at takang-takang nakatingin sa kanila.

Lumabas si Minsung out of nowhere habang nakangiti at may hawak na bouquet ng red roses. "Hi, Taehyung! Hindi ko alam kung anong gayuma ang ginawa mo at nagkakaganito ako dahil sa 'yo." Gayuma? Anong pinagsasabi nito? "Today, I want you to know that you are the most beautiful person I've ever seen in my life. Aside from that, pinahanga mo rin ako sa mabuting asal mo. For me, you're literally the definition of perfect. You make me realize that gender does not matter when it comes to love. I know it ridiculous but Taehyung, will you be my model forever and be my boyfriend?"

I feel speechless right now. Nanginginig ako at pinagpapawisan. Bumibilis ang tibok ng puso ko sa takot. Nagpa-panic ang utak ko at hindi ako makahinga nang maayos. Inaatake na naman ako ng panic attack. I don't want things like this.

"Taehyung?"

Bumuntong hininga ako nang malalim. Fuck, I can't breathe. "M-minsung, I'm so sorry, but I-I'm not the one for you. I like y-you as a person, b-but I don't like to be your b-boyfriend. I-I'm really s-sorry." Sobrang nanginginig ang boses ko. Tumulo ang mga luha ko at tumakbo ako palabas.

"Taehyung-ah!" Napansin kong sinundan ako ni Jimin.

Gumamit ako ng escalator dahil hindi ako pwedeng gumamit ng elevator kapag inaatake ng panic attack.

"Taehyung!" I can't breathe properly and I can't see clearly.

Nang makababa ako ay napatigil ako nang may yumakap sa 'kin mula sa likod, "Taehyung, it's me, Jimin."

Humarap ako sa kaniya at niyakap siya nang maayos at mahigpit, "Jimin hyung!" I sob.

He hugged me back. "Shh, it's okay. I'm here." When I feel like the things around me don't go well, inaatake ako ng panic attack at si Jimin lang ang tanging nakapagpapakalma sa 'kin. "Shh, I'm here now." bulong niya habang hinihimas ang likod ko.

Tumigil na ako sa pag-iyak at umayos na rin ang paghinga ko. Bumalik na rin sa normal ang heartbeat ko. "Jimin." Kumalas na ako sa yakap.

Pinunasan niya ang mga luha ko gamit ang mga daliri niya, "It's okay, you're safe now." He gently blows air to me. "Okay ka na?" tanong niya at tumango na lang ako. "Let's eat lunch first and then we'll go home, okay?"

"O-okay."

Tumingkayad siya at inabot ang buhok ko para ayusin ito. "Pawis na pawis ka, buti na lang may dala akong damit na pamalit. Let's go to the restroom."

Hindi ko kayang mabuhay nang wala si Jimin.
-

A/N

hulaan niyo kung anong petsa na nitong chapter na 'to hihi. CHAPTER 30 PA LANG?

also, let's be friends? 👉👈

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top