Chapter 3 : Esmeralda

Kinabukasan ng gabi, muli ay naghintay si Dongmin sa kaniyang hardin at nagtago sa lugar kung saan hindi siya makikita ng babae.

At ilang saglit pa ay dumating na nga ang babae. Hindi siya nakabalot ng kumot ngayon kaya mas nakikita ni Dongmin nang malinaw ang kaniyang mukha. She's so beautiful.

Luminga-linga muna ang babae bago pitasin ang mga rosas at lavender na madalas niyang kunin. Pinanood niya lang ang babae na kunin ang mga bulaklak niya. Wala siyang naramdamang kahit anong galit o inis dahil ninanakaw ang mga bulaklak niya sa harapan niya, bagkus ay naaawa siya. Naiisip niya na baka nga may dahilan ang babae kaya niya ito ginagawa.

Nang makaalis na ang babae ay sinundan niya ito. Sinugurado niyang nakabalot siya ng jacket at natatakpan ang mukha niya, mata lamang ang nakikita.

Malayo rin ang inabot niya bago makarating sa paroroonan ng babae. Pinanood niya ang babae na masayang tumakbo sa isang matandang lalaki, "Itay, may nakuha po ulit akong mga bulaklak. Magsisimula na po ulit akong magbenta."

Ngumiti sa kaniya ang lalaking tinawag niyang 'Itay,' "Sige, anak, basta't umuwi ka agad, ha."

Papunta sa direksyon niya ang babae kaya nama'y nagtago siya. Nang mawala sa paningin niya ang babae, naglakad siya papunta sa lalaking kausap ng babae kanina.

"Uh, excuse me?" Lumingon naman sa kaniya ang lalaki.

Kumunot ang noo nito at ngumiti rin naman pagkatapos, "Ano ang aking maipaglilingkod?"

"I'm just wondering if you could tell me the name of the girl you're talking to earlier?"

"Pasensya na po, hindi ko po kayo maintindihan." Nahihiyang sabi ng lalaki.

Bumuntong hininga si Dongmin, "Nagbabakasali ako kung maaari ko bang malaman ang pangalan ng babaeng kausap mo kanina. She intrigues me so much- I mean, gusto ko siyang makilala. Gusto ko kayong matulungan."

"B-bakit po?"

"Pakiusap?"

Hinila ng lalaki si Dongmin papunta sa malapit na upuan, "Ang pangalan niya ay Esmeralda." Esmeralda. Such a beautiful name for a beautiful girl. "Ano pa po ang nais niyong malaman?"

Si Esmeralda ay labinsiyam na taong gulang pa lamang. Nalaman din niyang nagbebenta ng bulaklak ang dalaga para may maipagamot sa kaniyang inang may sakit. Tuwing gabi lamang nagbebenta ang babae at kung minsan ay umaga na nakakauwi.

Bakas sa mukhang ng lalaki ang kalungkutan habang nagkukwento tungkol sa asawang may sakit.

"Maraming salamat po sa pagbahagi ninyo. Nalulungkot po ako para sa sitwasyon niyo pero sana'y 'wag kayong mawalan ng pag-asa."

"Salamat din naman at kahit papaano ay napagaan mo ang loob ko. Ano ang 'yong pangalan?"

Nagdalawang-isip muna siya bago magsalita, "Min."

"Maraming salamat, Min." Ngumiti na lamang siya nang bahagya kahit alam niyang hindi ito makikita ng lalaki dahil nakabalot ang mukha niya maliban sa mata.
-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top