Chapter 29 : "Always."

Taehyung's Point of View.

"I'm back!" pambungad ni Yeri pagkapasok niya ng bahay.

"Hello, back. I'm Taehyung." biro ko at tumawa. Sinamaan naman niya ako ng tingin.

"Siraulo ka talaga, kuya." Nagtanggal siya ng sapatos at nilagay ito sa shoe rack. Ibinagsak niya rin ang bag niya sa lalagyanan nito. "Anong pagkain?"

"Wala pa. Maghintay ka d'yan." sagot ko. "Kumusta naman kayo ni Jungkook? Sinagot mo na ba siya?"

Namula naman ang gaga. Harot. "Grabe naman, kuya. Wala pa nga siyang isang linggong nanliligaw eh."

"Sorry, malay ko ba." tumawa ako. "Oh, kumusta nga kayo?"

"Ayos lang naman kami." ngumiti siya. "Bakit interesado ka?"

"Sana all may lovelife." sabi ko tapos bigla siyang tumawa. Tumawa rin ako kasi natawa ako sa pagtawa niya.

"Umamin ka na kasi kay kuya Jimin."

Napatigil ako sa pagtawa, "Hell, no!" halos sigaw ko. "Hindi pa ako handa."

Umupo siya sa sofa, sa tabi ko, "Kailan ka pa magiging handa, kapag pumuti na ang buhok mo?"

Tumahimik ako saglit. "Well, pwede naman akong magpakulay."

Tumawa siya, "Siraulo ka talaga!" hinampas niya pa ako sa balikat.

"Aray! Puta, ang sakit."

"Siraulo ka kasi, kuya."

"Matagal na, ngayon ka lang ba na-inform?" tumawa ako at inirapan naman niya ako. Edi wow.

"Ano ba naman 'yan, kayong dalawa talaga." biglang dumating si Mama galing sa kusina. "Taehyung, maghain ka na, kakain na tayo. At Yeri, tawagin mo 'yung Papa mo do'n sa basketball court."

"Okay." sabi ng kapatid ko at lumabas na ng bahay.

Pumunta naman ako sa kusina para kumuha ng mga plato.

+++

Jimin's Point of View.

Nag-i-scroll lang ako sa facebook nang may nakita akong post na naka-tag si Dad.

May kasama siyang batang babaeng may hawak na Gucci bag tapos ang caption, "Thank you for the gift, Dad." in Korean.

Dad? Tinawag no'ng bata 'yung tatay ko ng Dad? What the heck!

"Mom!" sigaw ko pero walang response. "Mom! Come here."

Maya-maya ay bumababa na siya mula sa hagdan, "Ano 'yon?" Pagkatapos ay tumabi siya sa 'kin sa sofa.

"Look at this." Pinakita ko siya 'yung post. "Do you know about this?"

Nang makita niya ay tumahimik lang siya. "Jimin, I-"

Niyukom ko ang kamao ko at kinunot ang noo, "Kaya ba gusto mong magtrabaho na ako? So we can still earn money, huh? Mom!"

"Yes. Putangina, oo!" Nabigla ako nang magmura siya. "Magpapadala pa rin daw ang tatay mo ng pera pero hindi na siya uuwi rito."

Nakakunot pa rin ang noo ko, "What?"

"He found someone else, matagal na. He doesn't want to be with us anymore." bigla na lang siyang umiyak. "Ikaw na lang ang meron ako, anak. Ayaw rin sa atin ni Jihyun."

I purse my lips, "Mom-" Nanlambot ang ekspresyon ng mukha ko at binuka ko ang palad ko.

"Don't leave me, okay?"

I suddenly hug her, "I won't."

I'll work hard for my mom and my bestfriend. I will make them proud of me. I promise that.

+++

Taetae 💖:

ooooy i felt something is wrong. are you okay?

Napangiti ako nang makita kong nag-text si Taehyung.

Me:

not really. i'm just a bit sad

Taetae 💖:

tell me what happened?

Me:

my dad is cheating on my mom. may nakita akong post kanina na naka-tag si dad, tas ang caption ay "thanks for the gift, dad" in korean. i was really confused and furious at the same time, i called mom to tell her about the post. she knew about it and said he doesn't want to be with us anymore.

i was hurt. we were hurt. bakit ganun si dad? iniwan na nga kami ni jihyun, pati ba naman siya? i can't anymore, taehyung.

Taetae 💖:

hala jimin, sorryyyy :((
i'm sending you a virtual hug rn 🥰❤️

Me:

thank you. but it would be better if it's a real hug 👀

Taetae 💖:

do you want my hug? :>

Me:

always.

Are we flirting? I don't know anymore. Probably, para sa kaniya ay simpleng bestfriend conversation lang 'to. But for me, it means a lot.

Taetae 💖:

bukas, may isa kang napakahigpit na yakap mula saken ahihi

but for now, i need to sleep na bc i have sched tomorrow :(( i just checked on you

Me:

it's okay :)) you sleepwell. goodnight ♡

Taetae 💖:

goodnightttt ♡ don't be sad na, okay?

Me:

i won't ^^

At least he cares about me. Sa ngayon, 'yon muna ang mahalaga. Kapag nagkalakas ako ng loob, I will confess. I just hope he likes me back.

Taehyung's Point of View.

Inilapag ko ang cellphone ko sa bed sidetable nang dahan-dahan saka sumigaw. Kinikilig ako!

"Hoy, bakit sumisigaw ka pa d'yan? Akala ko ba matutulog ka na?" sigaw ni Mama mula sa kabilang kwarto.

Tumigil ako sa pagsigaw at nginitian ang sarili ko. Kinikilig pa rin ako.

But kalandian aside, I feel sorry for Jimin. Ayaw na nga silang makasama ng little brother niya, pati ba naman 'yung tatay niya? Bakit naman gano'n sila?

I just wanna protect Jimin at all cost. He protects me so I want to protect him, too. That's what bestfriends do, right?

Teka, ang sakit no'ng bestfriend.

If you're wondering, when did I start having a crush on Jimin? It's when I was 10 years old. Dine-deny ko pa noong una kasi feeling ko weird 'yon. Lalaki ako tapos magkakagusto ako sa lalaki rin? Hindi ko maintindihan ang sarili ko noon. Until I was 12, that's when I realized na gusto ko nga talaga si Jimin. I realized I have fallen in love with my bestfriend. And then, after few months, inamin ko sa parents ko and kay Yeri na I'm gay. Surprisingly, they accepted me and supported me.

Bata pa lang ako, ang landi ko na, 'di ba? Joke lang!

Fifteen years old yata ako noong inamin ko naman sa kanila na gusto ko si Jimin. Inaasar-asar pa nila ako noon kay Jimin sa tuwing papasok siya sa bahay namin. Well, hanggang ngayon pa rin naman pero hindi na masyado.

Napasigaw na naman ako.

"Taehyung, ano ba 'yan! Ka-text mo si Jimin, 'no?" Si Papa naman ang sumigaw mula sa kabilang kwarto.

"Sorry po!" sigaw ko pabalik.

Bumuntong hininga ako pagkatapos. Makatulog na nga lang, maaga pa nga pala ako bukas. Hays.
-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top