Chapter 28 : Curious Questions

Third Person's Point of View.

"So the one to answer the next question is..." announce ng substitute professor ni Yerim sa English at nagsimulang bumunot ng index card. Nagdarasal na siya sa lahat ng santo na sana'y 'wag siyang tawagin. "Kim Yerim."

Muntik na siyang mapamura dahil do'n. Kung minalas-malas nga naman. "Sir?" Dahan-dahan siyang tumayo at tumingin sa kahit saan maliban sa professor niya.

"Kayo na ba ni Jeon Jungkook?" At nagsigawan naman ang classmates niya.

"Sir Namjoon, wala naman po yata tayong tinalakayan na gan'yan." Tinago niya ang kaba niya sa pagtawa.

Today, Namjoon substitutes their English Professor dahil may lagnat ito. Since wala namang klase ngayong oras si Namjoon, siya na ang nag-sub sa English class nina Yerim.

Namjoon laughs, "I'm just kidding, Ms. Kim. Hindi ikaw ang nabunot ko, you can now take your seat." Pinag-tripan na naman siya ng tropa ng kapatid niya. "Ito na talaga, class. The one to answer the next question is Mark Lee."

"What the! Bakit ako?" reklamo pa ng classmate niyang si Mark.

Bumuntong hiningang umupo si Yerim at umiling-iling.

+++

Uwian na nila at naghihintay siya ngayon sa waiting area. Lagi siyang hinahatid-sundo ni Jungkook sa school. Para silang mag-jowa pero hindi talaga.

Well, hindi pa.

Pagkatapos kasing umamin ni Jungkook ay umamin na rin si Yerim. Kaya ngayon ay nililigawan na ni Jungkook ang dalaga. Yes naman!

Ilang saglit lang ay dumating na si Jungkook. Ngumiti naman si Yerim sa kaniya.

"Hala! Nandito na naman si Jungkook." sabi ng mga babaeng estudyanteng malapit sa waiting room. "Ang gwapo talaga."

"Hi. Late ba ako?" tanong ni Jungkook at umiling naman si Yerim. "Daan muna tayo sa karinderya, may kukunin lang ako then hatid na kita sa inyo."

"Okay." pagtango ni Yerim at ngumiti.

Lumabas na sila ng school at nakasabay pa nila ni Namjoon. Nag-tricycle sila papunta sa palengke at nilibre pa sila ni Namjoon ng pamasahe.

Taehyung's Point of View.

Tahimik lang akong kumakain dito sa photography studio habang nakatulala. Iniisip ko pa rin 'yung mga nalaman ko kahapon. If I'm Emilia, how come na wala akong maalala from the past? Wala rin akong napapanaginipan na kahit ano.

Oo, kamukha ko si Emilia. But it's just so weird. Emilia is a female, and I'm a male. Hindi mo maiisip na pwede palang lalaki ang reincarnation ng isang babae, and vise versa.

I never knew reincarnation is real until yesterday. I don't know how it works. Bigla na lang ba akong mahihimatay nang wala sa oras at magkakaroon ng vision from the past, gano'n?

"Taehyung, are you all right?"

At 'yung Teresa na sinasabi ni Jimin, gusto ko na siyang makilala nang masabunutan. Hindi, joke lang.

Teka, may na-realize ako. 'Yung Teresa na 'yon ay reincarnation ng great-great-grandmother ko. OMG! Ang weird lang isipin.

"Taehyung? Ayos ka lang ba?" Nabalik ako sa ulirat nang may kumalabit sa 'kin. Si Minsung.

Napalingon ako sa kaniya, "Huh?"

"Ayos ka lang ba? Kanina ka pa kasi nakatulala d'yan. Hindi mo ginagalaw 'yang burger mo." sabi niya.

Tumingin ako sa hawak kong cheeseburger bago lumingon ulit sa kaniya, "Ay, sorry. May iniisip lang."

"Pansin ko nga, mukha malalim eh. Mind sharing it with me?" he chuckles.

Umiling ako, "Wala 'to."

"Taehyung, if you're not feeling well, tell me, okay?" Tumango na lang ako. "Sige na, tapusin mo na 'yan tapos balik na tayo sa photoshoot."

"Okay." Tumango na siya at bumalik do'n sa pwesto niya kanina.

Bumuntong ako nang pagkalalim-lalim bago kumagat ng cheeseburger. Ang sarap kumain.

+++

Pagkauwi ko ay nadatnan ko si Jimin sa labas ng bahay namin. Nang makita niya ako ay tumakbo siya sa 'kin at niyakap ako. Hala! Anong meron?

"Tara sa coffee shop? Dali, I want coffee." excited niyang sabi pagkakalas niya sa yakap.

Kinunot ko ang noo ko, "Gusto mo ba talaga ng kape o gusto mo lang makita si Teresa? And Jimin, you know I don't drink coffee." Hindi ko pa nakikita 'yang Teresa na 'yan pero kumukulo na ang dugo ko sa kaniya.

"No. Why would I want to see her? I really want coffee right now."

Tinitigan ko lang siya. "Are you sure?"

"I'm sure. Well, I don't wanna see her but I have so many questions about Adrian and Emilia, seriously." he pouts. "Bakit ayaw mong maniwala sa akin?"

Siguraduhin mo lang, Jimin, dahil baka mapasabak ako ng sabunutan nang wala sa oras.

"Sige, tara na. Saan ba 'yang Kopi Parlor na 'yan? And what an ugly name."

"Basher 'to!" tumawa pa siya. "Basta malapit lang, konting lakad lang."

Tumango na lang ako, "Okay." Nagsimula na kaming maglakad palabas ng subdivision.

"Alam mo ba, Taehyung, nanaginip na naman ako. Nasa parke sina Emilia at Adrian tapos kasama nila si Teresa. And then dumating si Antonio. Actually, pangalawang beses ko nang napanaginipan 'yung scene na 'yon and this time, malinaw na sa paningin ko si Teresa. And she looks like Teresa from the coffee shop, well, hindi masyado."

Simula pa kahapon kong naririnig ang pangalang Teresa. Naiinis na ako. Lola Teresa, hindi po ako naiinis sa inyo, kay Jimin po.

Nag-hum lang ako bilang sagot.

Tumigil kami sa paglalakad. "Ay, nandito na pala tayo. Sorry, ang daldal ko ngayong araw." he giggles.

I smile a bit, "Okay lang. I like it when you talk."

Pumasok na kami sa loob ng coffee shop at namangha ako sa hitsura ng loob. In fairness, ang ganda at maaliwalas tignan. Tapos airconditioned pa. Wow!

"Hey, Jimin!" May bumati sa kaniyang babae. Tinitigan ko siya. Ito ba si Teresa?

"Hi, Teresa. This is Taehyung, my bestfriend." sabi ni Jimin at kumapit pa sa braso ko.

Bestfriend.

Tinitigan ako ni Teresa at ngumiti sa 'kin, "Hello! My name is Maria Therese, but just call me Teresa. Nice to meet you!" Sobrang laki ng ngiti niya.

"Hi." Pinilit kong ngumiti para naman hindi ako magmukhang bastos.

"Have a seat." Sinundan namin siya sa isang lamesa at umupo naman kami ni Jimin sa upuan nang magkatapat. "What can I take for your order today?" she says, smiling. She keeps looking at me.

"I'll have coffee latte. How about you, Taetae?" sabi ni Jimin at ngumiti sa 'kin. I really like it when he smiles.

"I don't drink coffee. Do you have tea?" tanong ko kay Teresa.

"Yes, you drink coffee. But only without sugar. And yes, we have tea." ngumiti siya pagkatapos niyang sabihin 'yon. Heck! Paano niya nalaman 'yon?

Actually, umiinom lang talaga ako ng kape kapag walang asukal. That's why I prefer tea.

I raise an eyebrow, "I would like some tea, please? Lemon tea."

Tumango siya, "Okay. Anything else?"

"Wala na. Okay na." sagot ko. Nagulat ako nang hampasin ako ni Jimin sa braso kaya napalingon ako sa kaniya.

"Are you sure? Libre ko naman eh." sabi niya. Fuck. Must resist.

"Sigurado ako."

"Talaga? Meron sila ritong carbonara, paborito mo 'yon, 'di ba?" Taehyung, must resist.

"Uh... no, okay lang." ngumiti pa ako. Pakatatag ka, self.

He pouts, "Okay." Lumingon siya kay Teresa, "One carbonara, please. Atsaka 2 glasses of water."

Tumango si Teresa at nagsulat do'n sa maliit na notebook niya. "It would be 230 pesos, kahit mamaya niyo na bayaran. Willing to wait for 20 minutes?"

Jimin nods, "Yes."

"Thank you." Umalis na si Teresa para pumunta do'n sa counter.

Na-realize ko na may cashier pala sila. Napangisi ako. I kinda feel special.

"Taehyung, you're not yourself today." biglang sabi niya sa 'kin.

"Neither do you." sagot ko naman. "You seems enthusiast when talking to her."

"No, I don't. I'm sorry for being extroverted." he rolls his eyes. Oh my god.

"What the heck, Jimin!"

"Kung may problema ka, 'wag mo 'kong idamay." Niyukom niya ang mga kamao niya.

Napalunok ako. Pakiramdam ko ay may nakabarang tinik sa lalamunan ko. I hate it when he's mad or upset.

"I—uhm... Jimin, wala akong problema. Napansin ko lang na parang ang saya mo simula noong nakita mo si Teresa. If you like her, tell me." No, Jimin, don't tell me.

He laughs bitterly, "I don't like her, Taehyung. Ano bang pinagsasabi mo d'yan? Alam mo, na-amaze lang ako kasi kamukha niya si great-great-grandma mo and the fact that she's her reincarnation amazes me more. Hindi ka ba naa-amaze do'n?"

"Hindi." I shake my head.

"Wow, Taehyung. You're weird today."

"Lagi akong weird."

Tumahimik kami saglit bago siya ulit magsalita, "Let's not fight anymore. Walang kwenta mga pinagsasabi natin kapag nag-aaway tayo."

Bumuntong hininga ako, "Okay."

Lumipas na ang 20 minutes at dumating na rin ang orders namin. "Enjoy!" sabi no'ng barista nang mailapag ang mga order namin.

"Thank you." sabi ni Jimin at tumango lang 'yung barista bago umalis.

Hihigop pa lang ako ng tsaa nang may lumapit sa amin. Si Teresa. "Hi. Sorry kung narinig ko 'yung mini quarrel niyo kanina but," Tumangin siya sa 'kin, "hey, Taehyung, it's amazing that I'm your great-great-grandma's reincarnation." sabi niya habang umuupo sa bakanteng upuan sa tabi namin.

Ngumiti ako, "Yeah." sabi ko na lang at humigop na ako ng tsaa. In fairness, ang sarap nito.

"So, you wanna know more about Adrian and Emilia, right? Ask me anything. Pero hindi lahat masasagot ko." sabi niya at napatigil ako.

Ano nga bang gusto kong malaman?

Ah, alam ko na. "Si Antonio ba ang nakatuluyan ni lola Teresa?" Matagal ko nang gustong malaman 'yan pero since hindi na ako nakakabisita kay abuela ay hindi ko matanong.

Hindi siya sumagot agad. "Uhm...yes."

Nanlaki ang mga mata ko. Sabi ko na nga ba eh.

"Sinubukan mo na bang hanapin 'yung reincarnation niya?" tanong ko.

She nods, "Yes. Simula noong nagkaalala ako from the past, sinimulan ko siyang hanapin. But I give up. Ang laki ng mundo."

Nagkatinginan kami ni Jimin at ngumisi naman siya. "Paano kung mahanap mo na siya, anong gagawin mo?" tanong naman ni Jimin.

Tumingin siya sa baba at bumuntong hininga, "H-hindi ko alam. I would probably break down. Gusto ko talaga siyang makita at mayakap. Simula noong nagkaisip ako, feeling ko may kulang sa buhay ko. I just... I just wanna see him and tell him how much I miss him."

I suddenly feel bad for her. Jungkook already has Yeri and they like each other.

Hinimas ko ang likod niya para ma-comfort siya." You'll find him soon." Ngumiti ako at tumingin naman siya sa 'kin.

"Thank you." she smiles. "Nga pala, bakit kilala niyo sina Emilia at Adrian?"

Nagkatinginan kami ni Jimin. "Uh, nahanap ko kasi 'yung diary ni Emilia sa mini baul ni abuela."

Tumango lang siya, "Okay, okay.

"Sige, salamat. Magtatanong na lang ulit kami kapag meron pa kaming gustong malaman." sabi ko at humigop ulit ng tsaa.

"Okay, enjoy. 'Wag niyong kalimutang magbayad, baka sipain ko kayo." tumawa pa siya. "Joke lang. Pero tawagin niyo na lang ako kapag may kailangan pa kayo at kapag magbabayad na kayo, okay?"

Tumango na lang kami at umalis na siya.

Medyo kalmado na ako. Hindi na ako masyadong nagseselos.

"Taehyung, carbonara oh." kalabit sa 'kin ni Jimin.

Bumuntong hininga ako at hindi na nag-alangang kumuha. I can't resist. I love carbonara.

"Sabi na hindi mo matitiis eh. Eatwell, it's all yours." sabi niya at ngumiti. Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko. Bakit ka ba gan'yan, Jimin?
-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top