Chapter 26 : Red Tulip Means Love Declaration
Hoseok's Point of View.
"Oh, Jungkook! Kumusta?" tanong ko kay Jungkook nang pumasok siya ng flower shop habang nag-aayos ako ng bouquet na in-order ng isang costumer.
He sighs, "Okay lang. Supposed to have a date today, pero hindi siya pinayagan last minute." he pouts.
"Aww, ang saklap. Sino ba 'yang ka-date mo dapat, kapatid ni Taehyung?" I smiled widely.
Namula siya nang konti at nahihiyang tumango, "Yes."
"Oh, bakit hindi ka na lang pumunta sa karinderya ni Seokjin hyung? At least, may sweldo ka." tumawa ako nang bahagya.
Umiling siya, "Every weekdays lang ako do'n." sagot niya.
"Gano'n? Oh, ano bang gagawin mo rito? Bibili ka ba?"
Nang maayos ko na ang bouquet ay binigay ko na ito sa costumer. Nagbayad naman siya at nag-thank you saka umalis.
"I need advice." biglang sabi niya. Nakakabigla naman ang mga sinasabi ng batang ito. Manghihingi ng advice sa 'min?
"Anong advice naman ang gusto mo?" nagsalita naman si Yoongi.
"Paano ko sasabihin sa crush ko na crush ko siya?" What?
"Hindi pa ba niya alam? Akala ko nagliligawan na kayo, hindi pa ba?" gulat na gulat na tanong ko. Akala ko nililigawan na niya 'yung kapatid ni Taehyung.
"Hindi pa. Isa ka rin eh, akala rin ni Taehyung hyung na nililigawan ko na si Yerim. Close lang talaga kami pero ayon nga, I wanna tell her I like her but I don't know how." Akala ko pa naman.
Noon ay takot 'to sa mga babae. Kaya takang-taka ako na close sila ng kapatid ni Taehyung.
"If you like someone, tell them immediately. You don't wanna waste your life without doing the things you really want to do. Mahirap magsisi, Gguk." Nagulat kami sa sinabi ni Yoongi.
Hindi talaga halata sa kaniya na romantic siya. Mukha siyang bad boy type pero he's really soft inside.
Tumunog ang cellphone ni Jungkook at mukhang may nag-text yata. Pinanood ko siyang kunin at tignan ang cellphone niya.
"Oh my god!" reaksyon niya pagkatapos magbasa do'n sa cellphone niya.
"What?" I ask, tilting my head to the side.
"Pinayagan na siya at paalis na raw. What do I do?" nagpa-panic na sabi niya.
"Why don't you buy flowers for her? I suggest red tulips. When telling someone you love them, ang red roses ang pinaka-common na ibigay sa partner or nililigawan. But since aamin ka pa lang, you can give her red tulips because it also considered as declaration of love."
Nakanganga lang ako habang nagsasalita si Yoongi. Well, he's not a florist for nothing.
"Gano'n? I like it. Magkano ang isang bouquet, hyung?" tanong ni Jungkook at naglabas ng wallet. Ay, handa si mokong.
"Hm, three thousand five hundred pesos. Pero two thousand na lang para sa 'yo." Yoongi winks.
"Ang mahal naman!" halos sigaw ni Jungkook. "Wala bang mas mura?"
"Aba, saan ka nakakita ng murang bulaklak? Well, pwede namang per stem. Seventy five pesos per stem." Sumakit ang ulo ko.
"Anong pinakamura niyong bulaklak?" tanong niya habang nakakunot ang noo.
"Smeraldo. Fifty pesos per stem, five hundred pesos per bouquet." sagot ni Yoongi.
Napatingin ako do'n sa stock namin ng Smeraldo flowers. Napangiti ako. Ilang araw kaming gumawa ni Yoongi ng Smeraldo kasi hindi namin inasahan noong isang araw na maraming gustong bumili. Kaya ayan.
"Smeraldo? Never heard of that." nagtatakang sabi ni Jungkook.
"Well, let me tell you a story about this non-existent flower." Tapos kinuwento niya kay Jungkook ang tungkol sa bulaklak na 'yan.
Habang nagkukwento sila, ako na muna ang nag-asikaso sa mga costumers.
"Esmeralda died? What the heck!" rinig kong sabi ni Jungkook.
"Well, that's the story. Sad tragic love story." I can hear him talking in pout. "Napagdesisyunan namin ni Hoseok na magbenta na rin ng Smeraldo flowers kasi may mga costumer na gustong bumili. Mga ilang araw din kaming gumawa, marami-rami rin ang nagawa namin. Hindi nabubulok ang Smeraldo, papel lang kasi. Pero good for decoration."
Nakita kong tumango-tango si Jungkook habang naglalagay ako ng bulaklak sa plastic.
"Sige na nga, pabili ako ng tatlong stem para 'I love you' hehe." Natawa ako sa sinabi ni Jungkook.
"Cumpute-in mo muna kung magkano lahat." sabi ni Yoongi at bakas sa mukha ni Jungkook ang pagkadismaya.
"I- I hate math. Sabihin mo na lang sa 'kin, magbabayad naman eh."
Tumawa si Yoongi, "Teka, hindi ko rin alam eh. Tanungin natin si calculator."
Umiling-iling na lang ako. Ang lakas ng trip ngayon ni Yoongi.
"Salamat po. Come again next time." sabi ko sa costumer nang maiabot ko sa kaniya ang binili niyang mga bulaklak. Nagbayad naman siya at umalis na.
"Oh, 150 daw."
"Ang mahal naman magmahal." Natawa kami ni Yoongi dahil sa sinabi ni Jungkook. Siraulo 'to, ang sarap batukan.
"Baliw!" Akmang babatukan niya si Jungkook pero hindi na niya tinuloy.
Tumunog na naman ang cellphone ni Jungkook. "Hala! Wait lang, tumatawag si Yeri."
Ngumisi na lang kami bago tumango. Sinimulan na ni Yoongi ang paglalagay ng tatlong tangkay ng Smeraldo flowers sa isang plastic.
Pagkatapos ng ilang minutong pag-uusap nila sa phone ay binaba niya na ito.
"Oh, ito na." pag-abot ni Yoongi kay Jungkook ng bulaklak.
"Salamat, hyung. Ito ang bayad, keep the change." Nag-abot siya ng 200 pesos. "Aalis na ako, see you next time."
"Enjoy sa date!" sabay naming sabi ni Yoongi.
"Thank you." huling sabi niya bago siya umalis ng flower shop.
Jimin's Point of View.
Pagkauwi ko galing kina Taehyung ay natulog ako dahil sobrang sakit pa rin ng ulo ko. Grabe naman 'tong hangover na 'to. Baka umabot pa 'to bukas, ayoko na.
Kakagising ko lang at napagtanto kong alas sais (6:00) na pala ng gabi.
May napanaginipan akong scenario from the past. Kasama nina Emilia at Adrian si Teresa tapos biglang dumating si Jungkook- este, Antonio.
Hindi pa malinaw sa panaginip ko ang mukha ni Teresa. As in, blurred siya. Ang weird nga eh. Pero sigurado akong hindi kamukha ni Yerim ni Teresa.
(A/N: 'Yung chapter 10 ang tinutukoy ni Jimin dito)
Napalingon ako sa pinto nang may kumatok. "Anak, kakain na." Pagkatapos ay nagbukas ito.
"Sige po, Mom, susunod ako." Tumango siya at umalis na.
Bumangon ako at inayos ang higaan ko bago lumabas. Mukhang wala yata akong maitutulog nito mamaya.
"Anak, bakit hindi ka kaya mag-condo?" pambungad ni Mom sa 'kin nang makababa ako sa sala. Ano raw, condom?
"Ano po 'yon, Mom?" tanong ko habang nakakunot ang noo. Bingi na yata ako.
"Ang sabi ko, bakit hindi ka mag-condo? Condominium." Ah, condo. Ang pagkakarinig ko ay condom. Napakabastos ko talaga, hehe.
"Tayong dalawa na nga lang dito eh. Edi kapag umalis ako, wala kang kasama. Iniwan na nga tayo ni Jihyun, paaalisin mo pa ako."
"Wala, naisip ko lang naman. Ayaw mo bang maging independent?" What kind of question-
"Mom, of course, I want. Pero ayoko namang iwan kita rito. Ayaw mo na ba akong kasama kaya pinapaalis mo na ako?" Ngumuso pa ako. Grabe naman pala.
"Hindi sa gano'n. Kasi naman, Jimin, wala ka pang trabaho. Ayaw mo naman nang mag-accounting. Mag-part time ka na lang din kaya do'n sa karinderya ni Seokjin sa palengke? O kaya d'yan sa Kopi Parlor? Kaibigan ko 'yung may-ari no'n. What do you think?" she grins.
Hindi ako agad sumagot. She wants me to work.
"Mom, 'di ba ayos lang naman sa 'yo na hindi ako nagta-trabaho? Ang sabi mo 'wag na, kasi nagpapadala naman si Dad at gusto mong tumulong na lang ako sa 'yo rito sa bahay."
Nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. "Kasi, anak-"
"What?"
"W-wala, anak. Sige na, kain na lang tayo, niluto ko 'yung paborito mo." Tahimik kaming pumunta sa dining area.
Mom has something to tell me and I think it involves Dad. I need to know.
-
A/N
fun fact: apat na araw pa lang ang nakalilipas. HAHAHAHA
anyway, do you want a JungRim moment?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top