Chapter 25 : Is There Something?

Taehyung's Point of View.

"Kayong dalawa, dito nga kayo sa baba. Baka iba na ginagawa niyo sa taas." sabi ni Mama nang pahakbang pa lang kami ng hagdanan. Hala! Si Mama, malisosya.

"Ma, ano bang pinagsasabi mo d'yan?" tanong ko nang nakakunot ang noo.

"Malay ko, baka kasi iba na ginagawa niyo sa taas." Malinis ang utak ko, promise.

"Sige, Taehyung, dito na lang tayo sa sala." sabi ni Jimin at tumango na lang ako.

Pumunta kami sa dulong sofa at umupo. Binuklat ko na ang diary ni Emilia sa huling page na binasa namin saka ito binuklat pa sa susunod na page.

"Do you wanna cuddle?" bulong niya na ikinagulat ko. Hindi ko naiwasang mamula.

Lumingon ako sa kaniya at nahihiyang umiling, "N-not here." bulong ko pabalik. Bakit ako nautal?

"Why not here?" tanong niya habang nakakiling ang ulo niya.

Puta, nag-iinit ang mukha ko dahil sa kilig. "Magbasa na lang tayo."

He pouted, "Okay." Shet, ang cute.

Marso 10, 1917

Habang nagbabantay ako ng panaderya ay binisita ako ni Adrian. Dinalhan niya pa ako ng paborito kong bulaklak na pulang rosas. Hindi ko mapigilang mamula kanina.

At dahil na rin sa pagkamausisa, naitanong ko sa kaniya kung bakit gamay siya sa pananalita ng Ingles. Ang sabi niya ay pinanganak at lumaki raw siya sa Amerika ngunit nang maglabinlimang taong gulang siya ay lumipat sila rito sa Pilipinas. Kasalukuyang nasa Amerika ang kaniyang mga magulang.

Gusto kong makilala ang kaniyang mga magulang balang-araw.

- Emily.

"Kinikilig ako sa kanila, Jimin!" Nahampas ko siya pero agad din akong nag-sorry.

"Ibig sabihin parang kinikilig ka na rin sa 'tin?" sabi niya.

"Huh?" nagtatakang tanong ko. Anong pinagsasabi nito?

"Wala, wala." bumuntong hininga. "Paborito mo rin ang rosas, 'di ba?"

"Oo. Bakit, bibilhan mo 'ko?" biro ko at ngumiti nang malapad.

"Pwede rin. Gusto mo magpa-deliver na ako kay Yoongi hyung, ngayon na?" biro niya at kunwaring ilalabas niya pa ang cellphone niya mula sa bulsa niya.

"Baliw." Ako sa 'yo, Jimin. "Next page na nga, hilig mong mang-asar." Tumawa lang siya.

Marso 11, 1917

Wala akong kwento ngayon ngunit nais ko lamang ipabatid na sobrang mahal ko si Adrian.

- Emily.

"Putangina, ayoko na!" Naihagis ko 'yung notebook sa sobrang kilig.

"Gago, bakit mo hinagis?" sabi niya at tumayo para kunin ang notebook.

"Kinikilig ako!" sigaw ko.

Umiling-iling pa siya at hinagis sa 'kin ang notebook, "Siraulo."

"Hindi ka ba kinikilig? Nakakakilig kaya sila."

May binulong siya pero hindi ko marinig. "Kinikilig din naman ako pero- grabe ka naman kasi, bakit kailangan mong ihagis 'yung diary?"

"Ah Eh..."

"Ih Oh Uh?"

"Kuya, ang sweet niyo!" pagsingit ng kapatid ko. Hindi na lang namin siya pinansin.

"Oy, 'yung sinabi mo kanina. Totoo bang kamukha ni Jungkook si Antonio?" Kung kamukha ni Jungkook si Antonio, kamukha rin kaya ni Yeri si Teresa?

Nagkibit-balikat si Jimin, "Ewan, 'yon 'yung nakita ko eh."

"Si Teresa, sinong kamukha?" tanong ko.

Nagkibit-balikat ulit siya, "Hindi ko alam. Hindi pa siya lumalabas sa panaginip ko. Malay mo si Yerim." Sabay kaming tumawa.

It will make sense naman kung si Yeri ang kamukha ni lola Teresa since great-great-grandmother naman namin siya.

Bakit ba si Jimin lang ang nagkakaroon ng panaginip galing sa nakaraan?

"Ano pang nakikita mo sa panaginip mo?" tanong ko sa kaniya.

"Wala na. 'Yon palang 'yung nakikita ko eh." Tumango na lang ako.

"Let's read some more?" tanong ko at tumango naman siya.

Marso 13, 1917

Nakakainis talaga. Hinamon ba naman ni Antonio si Adrian ng duelo? Kung ano-ano na lang ang pumapasok sa isipan ng lalaking 'yon. Tignan na lang natin kung anong magaganap bukas sa duelo nila. Hindi ako handa.

- Emily.

Marso 14, 1917

Hindi natuloy ang duelo nina Adrian at Antonio kanina dahil nagalit ako sa kanila. Nais ni Antonio na kung sino ang mananalo sa kanila ay siyang pakakasalan ko. Kaya ayon, iniwan ko sila roon.

Ayaw ko nang dinidiktahan ako ng kung ano ang nararapat kong gawin. May sarili akong desisyon. Hindi ako laruan o makina na inuutos-utusan lamang ako. Hindi ako ganoon.

Kung may pakakasalan ako sa kanilang dalawa, nakasisiguro akong hindi si Antonio iyon. Si Adrian ang nais kong pakasalan.

- Emily.

"Ang cute." nakangusong sabi ko. Ang cute nila kahit hindi ko sila kilala personally, but reading this diary, kinikilig talaga ako sa kanila.

Sayang lang dahil namatay si Emilia. Curious ako kung anong nangyari kay Adrian pagkatapos no'n. Bumalik ba kaya siya sa Amerika? Sino kayang nakatuluyan niya?

"I feel like I'm related to one of them." biglang sabi ni Jimin.

Lumingon ako sa kaniya na may nagtatakang ekspresyon sa mukha, "Paano mo naman nasabi?"

Nagkibit-balikat siya, "Ewan ko, pakiramdam ko lang."

Tinitigan ko lang siya. Maybe he's related to Adrian kasi gaya nga ng sabi niya, kamukha niya 'yon.

Sobra akong naku-curious sa dalawang 'to. Are we related to these two? May koneksyon ba kami sa dalawang 'to? Tinadhana ba na matagpuan ko ang diary ni Emilia kasi may kailangan akong malaman? Or trip lang ng panahon?

"Taehyung, uwi muna ako, baka palayasin na ako ng nanay ko eh." sabi niya at tumawa. "Keep reading, baka may makita kang interesting."

Tumango ako, "Okay. See you soon."

"See you." Ngumiti siya at umalis na ng bahay namin.

"Taehyung, my son."

Lumingon ako kay Mama, "Bakit po?"

"Is there something between the two of you?"

I blushed. Ano bang pinagsasabi ni Mama? "No, Ma."

"There is something at the way he looks at you. And vise versa. Do you like him?"

"I thought I told you about that already?" Umamin ako sa kanila na gusto ko si Jimin when I was 23 years old.

"Oo nga 'no? But, do you like, like him?"

Bumuntong hininga ako, "Yes po, I like him, so much. Pero Ma, I don't want to ruin our 19 years of friendship." Tumingin ako sa sahig.

Baka kasi kapag nalaman niyang gusto ko siya ay layuan niya ako. I don't want that to happen.

"Pero wala namang masama kung sabihin mo sa kaniya 'yung nararamdaman mo. If you love someone, then tell them. Don't waste your time, baka maunahan ka."

May mga times na hindi sila supportive, may mga times din na supportive sila. Naguguluhan na ako.

"What if he doesn't like me back?"

"I can feel he does. The way he looks at you, the way his eyes smile whenever he looks at you, I know there's something. He likes you too." Si Mama, masyadong paasa.

"Masakit umasa, Ma, 'wag gan'yan." tumawa ako.

"Nag-a-advice lang naman ako. Aba! You're almost 25, wala ka pa ring jowa? Baka mauna pa si Yeri sa 'yo." Wow. Grabe 'yung atake, tagos sa buto.

"Grabe naman 'yon. Mag-iipon muna ako ng lakas ng loob para ready ako kapag ni-reject niya ako." tumawa ako ulit. Tatawanan ko na lang ang sarili ko because that's what I am. A clown.

"I'm rooting for you, son. Kapag may kailangan o problema ka, I'm always here." she held my hands.

"Thank you po, Ma. I love you."

"I love you too, anak."

Sobrang sarap sa feeling na tanggap ako ng mga magulang ko at ng mga tao sa paligid ko. Let it be like this all the time.

"Hoy, Yeri, saan ka pupunta?" Nagulat ako nang magsalita si Papa. Galing sa taas si Yeri at nakabihis na pang-alis.

"I- may project lang po sa bahay ng classmate ko." Napangisi akong nakatingin sa kaniya. She's lying.

"Nag-text sa 'kin si Jungkook kanina, may date daw kayo. Kaya 'wag ka nang magsinungaling d'yan, okay lang naman. Enjoy sa date!" sabi ko at tumawa.

"Kuya!" Hinagisan niya ako ng unan.

"Gano'n? Bakit hindi ka nagsasabi, ha? Walang aalis!" nakapamewang na sabi ni Mama.

Makaakyat nga, baka madamay pa ako.
-

A/N:

another boring chapter, sorry :<

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top