Chapter 23 : Drunk Jimin

[ A/N: Boring 'tong chapter na 'to huhu. ]
-

Taehyung's Point of View.

"Nandito na sina Taehyung hyung, laro na tayo ng Never Have I Ever." sabi ni Jungkook pagkapasok namin ni Jimin ng apartment nina Namjoon hyung.

"Huh?" takang sabi ko.

"Upo na dito, dali." sabi ni Hoseok hyung habang tinatapik-tapik ang sahig.

Umupo na lang kami ni Jimin sa sahig, sa tabi ni Jungkook.

(pabilog: Hoseok, Yoongi, Jungkook, Jimin, Taehyung, Namjoon, Seokjin)

"Paano ba 'yung Never Have I Ever?" tanong ni Jimin.

Pinaliwanag ni Hoseok hyung kung paano 'yon laruin, "Mag-iisip ka ng bagay na hindi mo pa nagagawa pero nagawa na namin. Kapag nagawa na nila, magbababa sila ng isang daliri. Kung sinong maunang maubusan ng sampung daliri, may punishment."

"Hindi ko alam kung ano 'yung mga nagawa niyo na, na hindi ko pa nagagawa." sabi ko.

"That's the point." sabi naman ni Yoongi.

"Ah, okay, okay. Kalma lang, hyung." sabi ko sa kaniya at tumawa.

"Okay, isa-isa tayo, paikot. Mauna na ako." sabi ni Hoseok at umayos ng upo. "Hmm, never have I ever... had climb a tree."

Walang nagbaba ng daliri, maliban kay Seokjin hyung. Tumawa kaming lahat.

"Kumusta naman ang pag-akyat sa puno?" natatawang tanong ni Hoseok hyung.

"Nahulog ako, pakshet. Kukuha kasi sana ako ng mangga kaso ayon, nahulog ako."

"Sa 'kin?" singit ni Namjoon hyung at sabay-sabay kaming nag-cringe, including Seokjin hyung.

"Tumigil ka nga d'yan!" hinampas pa ni Seokjin hyung si Namjoon hyung. "Next na."

Si Yoongi hyung na ang sumunod. "Never have I ever... had a plastic surgery." Walang nagbaba. Yes naman, natural lahat.

Sumunod naman ay si Jungkook. "Never have I ever... had a first kiss." Kaming tatlo lang nina Jungkook at Jimin ang hindi nagbaba ng daliri. "Ew, hindi na virgin ang lips." sabi ni Jungkook do'n sa apat.

"Aminado naman kami." sabi ni Yoongi hyung at tumawa naman si Hoseok hyung sa tabi niya. Okay, sana all.

Si Jimin na ang sumunod. "Never have I ever... hmm." nag-isip siya nang ilang minuto. "Never have I ever had a failing grades. Wala na akong maisip." tapos tumawa.

"Ay, mayabang! Porket matalino." sabi ni Hoseok hyung at umirap, kasi nagbaba siya ng isang daliri.

Bukod sa kaniya, ang mga nagbaba pa ay sina Seokjin hyung at Jungkook.

Never akong bumagsak. Siguro, pasang-awa lang, 'yung tipong sumabit.

"Ako na, ako na." nagtaas pa ako ng kamay na parang sasagot sa recitation. "Never have I ever... had a romantic relationship with anyone."

Kami lang nina Jimin at Jungkook ang hindi nagbaba. Okay, single forever.

"Oh, edi kayo na lang ni Jimin." sabi ni Namjoon hyung at lahat sila tumawa maliban kay Jimin.

"Hala? Bestfriends only." sabi ni Jimin. Aray, ang sakit.

"Ikaw na sunod, hyung." pagtapik ko kay Namjoon hyung. Na-badtrip ako bigla.

"Okay. Never have I ever... got drunk." Kami lang ni Namjoon hyung ang hindi nagbaba ng daliri. Paanong malalasing 'yan, tinutulugan lang 'yung mga kainuman niya. The ironic thing is, siya pa minsan ang nang-aaya.

"Ang daya nito ni Taehyung, never pa nagbaba." biglang sabi ni Jin hyung.

"Bakit? Honest ako, okay?" I rolled my eyes. "Ikaw na sunod."

"Okay, never have I ever... got into a fist fight." Kami lang ni Jin hyung ang hindi nagbaba ng daliri.

"Taehyung, ang daya! Magbaba ka naman." sabi ni Hoseok hyung sa 'kin.

Tumawa ako, "Bakit nga? Hindi ko pa naman nagagawa 'yang nagawa niyo na. Mabait ako, 'no?"

Ilang minuto bago kami natapos. Ang natalo ay si Hoseok hyung. Grabe, ang dami na niyang nagagawa sa buhay. At the end of the game, dalawang daliri lang ang naibaba ko.

"Ako'ng nagsabing may punishment tapos ako pala ang mapa-punish." buntong hininga niya.

"Mag-sit ups ka habang kumakanta ng 'Into the Unknown' ni Elsa, 'yung chorus lang mismo." sabi ni Yoongi hyung at lahat kami ay tumawa.

"Hindi ako marunong kumanta." sabi ni Hoseok hyung at nag-pout.

"Dali na, Hobi. Or else no cuddles and kisses for the rest of the week." pagbabanta ni Yoongi hyung.

"No!" At dahil do'n, dali-dala niyang ginawa 'yung punishment.

Okay, I desperately want a relationship. Jimin, baka naman. Tayo na lang single dito sa tropa. I mean, Jungkook is too, but he already has Yeri.

"Gusto niyo ng soju?" tanong ni Seokjin hyung.

"Ako, gusto ko!" nagtaas pa ng kamay si Jimin na parang sasagot ng recitation.

Umiling ako, "Root beer na lang sa 'kin."

"Wala kaming root beer dito. Tanduay na lang, gusto mo?" umiling ako.

"Sorry, may alcohol intolerance kasi siya, iniiwasan niya talagang uminom. Kaya nga never nalasing eh." sabi ni Jimin at tumawa nang bahagya.

+++

Mga ilang oras na yata kaming nag-iinom dito. Well, juice lang ang iniinom ko. Tapos si Jungkook ay tumigil na sa alcohol at bumili sa labas ng banana milk.

Kumakanta-kanta na ngayon si Hoseok hyung nang wala sa tono habang sumasayaw naman si Jin hyung na wala sa beat. Lasing na lasing na ang mga loko.

Si Namjoon hyung, ayon, tulog na. Si Yoongi hyung naman ay nakatulala lang.

Si Jungkook naman ay may ka-text, ngumiti-ngiti pa nga eh. Hindi na ako sumilip dahil alam ko namang si Yeri 'yon.

Pinanood ko si Jimin na maglagay ng whiskey sa baso niya- I mean, sumala 'yung whiskey at dumiretso sa sahig imbes na sa baso niya.

Tinawanan ko siya, "Lasing ka na. Tama na 'yan, Jimin."

"Hindi pa ako lasing." sabi niya pero 'yung tono ng boses niya ay parang lasing.

Napabalikwas ako sa gulat dahil nag-vibrate ang cellphone ko. Kinuha ko ito at binuksan.

Mama:

Anak, uwi na...

Anong oras na ba?

Tinignan ko ang oras sa bandang taas ng screen ko. 8:21 PM.

Hindi na ako nag-reply at ini-off ang phone ko.

"Jimin. Jimin, let's go home." Hindi siya sumagot. Nakatungo siya habang may hawak na baso. Tulog na ba 'to? "Jimin?" Ikinawit ko ang mga daliri ko sa baba niya para maiangat ang ulo niya. Tulog na nga.

"Mukhang tulog na 'yan, lasing na lasing." sabi ni Jungkook habang naka-focus pa rin sa cellphone niya.

"Jimin, gising! Uwi na tayo, hindi kita mabubuhat." Inalog-alog ko siya sa balikat. "Jimin!" hinampas ko ang balikat niya.

Bigla namang tumawa si Hoseok hyung. "Lasing na 'yan." sabi niya.

"Jimin!" hinampas ko ulit siya sa balikat. At sa wakas, nagising na siya. "Jimin, let's go home."

Hinila ko siya patayo at inakbayan para suportahan ang paglakad niya nang hindi siya pagewang-gewang. "Guys, uwi na kami." pagpapaalam ko sa kanila at nagba-bye naman sila.

Lumabas na kami at naglakad palabas ng compound. "Jimin, umayos ka ng lakad." Nag-pout lang siya.

Kapag talaga nalalasing siya, para siyang bata.

Naghintay ako ng titigil na tricycle. Kapag ganitong gabi, ang hirap naghanap ng tricycle. Punta na lang kaya kami sa terminal ng jeep? Kaso sobrang layo no'n.

"Taetae, Chiminie is hungry." Oh, no, he's baby talking.

"Okay, Chiminie will eat later." tumango-tango ako.

He shakes his head, "B-but I want eat now." he pouts. He's so cute, sasabog na ang puso ko.

I sighed. Hindi ko siya matiis. "Okay, okay, you're gonna eat."

Nilakad ko siya hanggang sa may makita akong 7-11. Umayos siya nang tayo at hinawakan ang dulo ng damit ko. No, no, sasabog na talaga ang puso ko. Ang cute niya.

Pumasok kami sa loob at binati naman kami no'ng guard, "Good evening po." Ngumiti na lang ako nang bahagya.

Dumiretso kami sa isang table at pinaupo ko siya sa upuan. "Stay here. What do you wanna eat?"

He blinks, "Anything." naka-pout niyang sabi.

Konti na lang talaga, sasabog na ang puso ko, Jimin. Konting-konti na lang.

"How about waffles? And coffee?" Para mawala 'yung pagkalasing niya.

Tumango siya, "Okay."

"Okay, stay here." Amoy na amoy ko 'yung alak sa kaniya.

Aalis na sana ako nang hilain niya ang damit ko. Lumingon ako sa kaniya, "Jimin?"

"Don't leave me." he said in pout.

Ngumiti ako, "I won't. Bibili lang ako ng pagkain mo."

He pouted even more. My heart can't take it anymore. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. "Come back soon, okay?" Tumango ako at binitawan naman niya ang damit ko.

Kumuha ako ng dalawang waffles at dalawang iced coffee saka pumunta sa counter.

"Hi, is that your boyfriend?" Kumunot ang noo ko dahil sa tanong no'ng cashier. Napansin kong ang lagkit ng tingin niya sa 'kin. I'm being hit on pero wala sa sarili si Jimin.

"Uhm, yes, that's my boyfriend." Hindi naman masamang mag-assume, 'di ba, self?

"Ah." tapos hindi na siya nagsalita at ni-punch 'yung order ko. "270 pesos po."

Nagbigay ako ng exact payment at nilagay ni kuyang cashier sa tray 'yung order ko. "Thank you."

May utang sa 'kin si Jimin na- kung ano mang kalahati ng 270.

(A/N: it's 135, Taehyung)

Bumalik na ako sa pwesto namin kanina at inilapag ang tray sa lamesa. Umupo ako sa tapat niya, "Oh, kain na."

Tinitigan niya lang 'yung waffles. "Do I have to pay you?"

"Yes, Jimin." No, Jimin, you don't need to.

He pouts, "I'll pay you later."

Kinuha na niya ang isang waffles at kumagat. Kinuha ko naman 'yung isa at kumain na rin.

Tahimik lang kaming kumakain hanggang sa napansin kong nakatitig siya sa 'kin. Natutunaw ako.

Itinikwas ko ang ulo sa kanan, "Jimin?"

(A/N: tikwas means tilt)

Nabalik siya sa ulirat, "Huh?"

"Are you okay?" tanong ko sa kaniya.

"Oh, yes, I'm okay." Kinuha niya 'yung bote ng iced coffee at uminom. "Sorry, masakit lang ang ulo ko."

"Ang dami mo kasing nainom eh. Soju at whiskey? Matindi ka." umiling-iling pa ako pagkatapos. "Buti naman at nahimasmasan ka na."

"Sorry for making you buy me food. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa 'yon." kinagat niya ang ibabang labi niya at tumingin sa baba.

I chuckled, "It's okay, Jiminnie. Sige na, ubusin mo na 'yan para makauwi na tayo."

"O-okay." He's so cute.
-

A/N:

can we all agree that vmin are whipped for each other? like omg HAHSHSHSHA

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top