Chapter 22 : Adrian's Birthday
Taehyung's Point of View.
Ngayon lang nag-process sa 'kin 'yung mga sinabi ko kay Jimin kanina. Kinikilig ako.
Kasalukuyang kaming nasa kwarto ko. Nagbibihis ako at nakaupo naman si Jimin sa kama ko.
"Taehyung," nag-hum lang ako biglang sagot, "may balat ka pala sa dibdib?"
Tinignan ko ang dibdib ko bago tumingin ulit sa kaniya, "Oo. Bakit?"
Umiling siya, "Wala lang. Sige, magbihis ka na." Kumunot ang noo ko bago magpatuloy sa pagbibihis.
Pagkatapos kong magbihis ay itinapon ko sa laundry basket ang tubal ko at umupo sa tabi ni Jimin.
(A/N: tubal means pinaghubaran, dirty clothes o clothes needed to be laundered)
"Magkwento ka na dali." excited na sabi ko.
"Napanaginipan ko ang birthday ni Adrian." sabi niya. Kumunot naman ang noo ko. Pangalawang beses na niyang napapanaginipan si Adrian.
"Anong nangyari?"
"Edi ayon, binigyan ni Emilia si Adrian ng regalo tapos nag-celebrate sila sa paboritong kainan ni Emilia, nilibre niya si Adrian ng kahit ano. Ang romantic nga tignan eh. Kaso I feel weird kasi 'di ba nga kamukha ko si Adrian at kamukha mo si Emilia."
Nag-cringe ako. "Baka figment of imagination mo lang na kamukha natin sila kasi hindi naman talaga natin alam kung anong itsura nila." sabi ko sakaniya.
"Wow, figment of imagination. Spell?" tumawa siya. "Pwede. Pero bakit?" Nagkibit-balikat lang ako.
"Magbasa na lang tayo ng diary ni Emilia. Game?" nakangiting sabi ko.
"Game!"
Kinuha ko mula sa mini book shelf ko ang diary ni Emilia at parehas kaming sumandal sa pader habang nakaupo sa kama.
Marso 08, 1917
Hi, it's Adrian. Emilia let me write in this diary once since it's my birthday.
Yes, today's my birthday. 24th year of existence. Emilia and her besfriend Teresa gave me a sweater and socks. They said they knitted them for 2 days and I think that's cute. At least they saved money instead of buying gifts. I will treasure those forever.
Anyway, Emilia and I went to her favorite restaurant. It's a Spanish restaurant. The dishes are delicious, definitely would go again if I would be given a chance.
After that, we also went to my favorite Art Museum. I told her I like photography and ask her to be my model, and she gladly said yes. I took pretty and cute photos of her while we were at the museum, some were candids. She's really beautiful. Modelling is literally perfect for her.
Later on, we went to the park. Actually, we're currently at the park wherein I'm currently writing this diary entry.
I'm so happy today plus the fact that I got to spend my birthday with her makes me even happier.
- Adrian.
* Sumakit ang aking ilong habang binabasa ko ito. Ayoko talaga ng Ingles. -Emilia
"Hala, Jimin! Ito ba 'yung napanaginipan mo?" tanong ko sa kaniya. I also noticed na magkasunod sila ng birthday ni Yoongi hyung.
"Oo, pero 'yung first part lang. Nagyakapan pa nga sila eh. Alam mo ba, noong tinanong ni Emilia kung saan gusto ni Adrian pumunta? Sabi ni Adrian, "Kahit saan basta't kasama kita." I admit, kinilig ako do'n. Kaso after no'n, nagising ako dahil sa sigaw ni Mama."
"Sayang." tumawa ako. "Napansin ko, parehas kayong mahilig ni Adrian sa photography."
"At parehas kayo ni Emilia na perfect for modelling." he chuckled.
Nagsisimula na akong maniwalang kamukha ko nga si Emilia at kamukha ni Jimin si Adrian. But part of me is convinced na figment of imagination lang ni Jimin 'yon. Hays.
We turned to the next page.
Marso 09, 1917
Umagang-umaga ay nanira agad ng araw si Antonio. Sinabi niya sa 'king sagutin ko na raw siya at maging nobya niya. Syempre'y hindi ako pumayag. Dahil do'n ay nagalit siya at dinamay niya pa si Adrian. Napapailing na lamang talaga ako.
- Emilia.
"What if may manligaw sa 'yo, magpapaligaw ka ba?" random na tanong ni Jimin.
"Nope. Not interested." Sa 'yo lang ako magpapaligaw, Jimin. "Bakit?"
"Wala lang." Kinunot ko ang noo ko. Hala? "Kapag niligawan ka ni Minsung, umalis ka na agad d'yan sa company na 'yan." Nagseselos ka ba?
Hinampas ko siya nang bahagya, "Grabe ka naman, edi nawalan ako ng trabaho."
"Edi mag-apply ka sa iba." Umirap pa siya.
"Mahirap nang mag-apply, Jimin. Atsaka baka mapalayo pa ako lalo. Kung sakali man na ligawan ako no'n, hindi ko naman siya sasagutin. Ew, hindi ako interesado."
Nag-smirk siya, "Good."
I smirked back, "Are you jealous?"
Nanlaki ang mga mata niya, "Jealous? I'm not. I'm just protecting you."
Ngumiti ako, "Aww, thank you." I hugged him tightly. "You are the best!"
"Get off now." Tinulak niya 'ko nang bahagya at tumawa lang ako.
"Let's cuddle." nilahad ko ang mga braso ko sa kaniya.
Kinuha niya 'yung diary ni Emilia at hinagis sa 'kin, "Cuddle mo mukha mo. Magtigil ka." tumawa siya pagkatapos.
I pouted. Kinuha ko 'yung diary, "Nasa'n 'yung bookmark?"
"Ewan."
Nag-poker face ako saka nagkibit-balikat, "Hayaan mo na nga, marami pa naman ako rito."
Pumunta ako sa cabinet ko at binuksan ang pinakababang drawer. Kumuha ako ng isang maliit na bookmark at inilagay ito sa huling page na binasa namin. Pagkatapos ay binalik ko na ang diary sa book shelf ko.
"Ang dami mong libro." komento ni Jimin.
"Of course. 'Yung iba nga d'yan hindi ko pa tapos eh." I laughed.
Tinapik niya ang bakanteng pwesto sa tabi niya, "You said you wanna cuddle?"
Nagliwanag ang mukha ko. "Yes!" Tumalon ako sa kama at niyakap siya. He smells so good.
Hoseok's Point of View.
"Yoongs, sina Jin hyung oh." Nagulat ako nang biglang dumating sina Seokjin hyung at Namjoon kasama si Jungkook.
"Oh. Anong maipaglilingkod namin?"
"Bonding naman daw tayo, sa apartment namin, libre daw ni Namjoon." sabi ni Seokjin hyung. Yes, they live together in an apartment. Parang kami ni Yoongi.
"Good idea." sagot ni Yoongi, "Isara ko lang 'tong shop."
"Wala bang pasok si Namjoon ngayon?" tanong ko. English teacher kasi siya at hindi naman sabado ngayon kaya napatanong ako.
"Tinatamad, nabubwiset daw siya sa mga estudyante niya." sagot ni Seokjin hyung at sabay naman kaming tumawa.
It's been a long time since nag-bonding kaming pito. Mga 5 months na yata.
"Sandali, sabihan ko sina Jimin hyung at Taehyung hyung." sabi naman ni Jungkook at nilabas ang cellphone niya.
Bilib din naman ako sa friendship nina Jimin at Taehyung. Halos 19 years na raw silang mag-bestfriends. Grabe, going strong ang friendship nila. But I'm sure they're more than bestfriends, they're just oblivious.
Nagkakila-kilala kami noong highschool, 10 years ago. Magkakaiba kami ng grade level noon pero ang lupit ni tadhana at pinagtagpo niya kaming pito.
3rd year highschool noon sina Jimin at Taehyung, 1st year highschool si Jungkook, 4th year highschool kami ni Namjoon at 1st year college naman sina Yoongi at Seokjin hyung. And yes, we were all schoolmates.
"Sige raw, susunod na lang sila. Mauna na raw tayo sa apartment nina Namjoon hyung." anunsyo ni Jungkook at tumango na lang kami.
Naisara na ni Yoongi ang shop kaya ready to go na kami. Nag-tricycle na lang kami papunta sa compound ng apartment nina Namjoon.
Nasa backride sina Namjoon at Jin hyung, nasa loob naman kaming tatlo nina Yoongi at Jungkook. Nasa baby seat pa nga si Yoongi since siya ang pinakamaliit sa 'ming tatlo. Hehe, so cute.
-
A/N
feedback, please?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top