Chapter 21 : Soulmate Tingling
Jimin's Point of View.
Nasaan ako? Malamang nasa Pilipinas. Pero mukha akong nasa dating panahon, maybe 1900s.
Wait, am I just dreaming? Well, probably.
"Ginoong Adrian! Maligayang bati." sabi ng isang babaeng kamukha ni Taehyung sa lalaking kamukha ko- I mean, Adrian.
"Salamat, binibini." ngumiti ang lalaki at namula naman ang pisngi ng babae.
Hala, kinikilig ako sa kanila. Ano ba 'to?
"Heto palang regalo namin ni Teresa para sa iyo." sabi ni Emilia at ngumiti na naman si Adrian. Palangiti pala 'tong lalaking 'to.
"Salamat ulit." Nagyakapan pa sila.Yikes.
"Saan mo nais pumunta, aking ginoo? Dadalhin kita roon at ililibre kita ng pagkain at kahit na anong gusto mo." Ang romantic talaga pakinggan kapag Filipino.
"Kahit saan basta't kasama ka." Ay, pucha! Bakit hindi ako gan'yan kagaling mag-punchline? Edi napapakilig ko na sana si Taehyung. Joke lang.
"I-ikaw talaga." nahihiyang sabi pa ni Emilia. Hala, pabebe. I can picture Taehyung being like this. "Sige, doon na lang tayo sa paborito kong kainan. Tara na?" tumango lang si Adrian at hinawakan ang kamay ni Emilia.
Ayoko na. Kinikilig ako, ano ba naman 'yan. Para kong pinapanood ang sarili kong makipaglandian kay Taehyung but with wig. Oh my god—
"Jimin! Jimin, gising na!" Naalimpungatan ako dahil sa sigaw na 'yon. Ang ganda na ng panaginip ko eh.
Kinusot ko ang mga mata ko at kinunot ang noo ko habang nakatingin kay Mom. "What?"
"Alas diyes na, nakahilata ka pa d'yan. Kumain ka na do'n."
Bumuntong hininga na lang ako at bumangon mula sa kama. Kinuha ko ang cellphone ko mula sa ilalim ng unan ko bago lumabas ng kwarto kasama si Mana at bumaba sa sala. Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin at inayos ang buhok at mukha ko. Ang gwapo ko pa rin.
Pumunta akong CR para maghilamos at magmumog. Pagkatapos ay pumunta na ako sa hapagkainan at umupo. May nakahain na para sa 'kin.
Habang kumakain ay naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko mula sa bulsa ng short ko. Ngumunguya pa ako habang kinukuha ito.
Taetae 💖:
JIMINNIEEE! GOOD MORNING!
tulog ka pa raw sabi ni Tita :(( may photoshoot ako ulit today so see u later na lang pag-uwi ko hehe
Kanina pang alas otso (8:00) 'yung text niya.
Me:
good morning. i just woke up, sorry :(( currently eating breakfast.
Taetae 💖:
oh, hi!! i'm currently taking a break. nakakapagod tumayo at mag-pose sa harap ng camera pero keri naman hihi
Me:
anong kinakain mo?
Taetae 💖:
cheeseburger hehe. nagpa-order ako sa mcdo ng cheeseburger w/ fries, spaghetti at syempre may cock
coke*** OMG
COKE YUN JIMIN PUTA SJDHSJDKSKSK
Muntik kong maibuga 'yung nginunguya ko. Bwiset na 'yan.
Me:
hmm, Taehyung 👀 HAHAHAHAHAHAHA TANGINA KA MUNTIK KONG MAIBUGA YUNG PAGKAIN KO
Taetae 💖:
nakakaineeeees 😤
Me:
HAHAHSHAHAHA AMPUTA UMORDER KA NG COCK? BSKDHDJDJS LECHE TAWANG TAWA AKO BWISET KA HAHSHSHA
Taetae 💖:
tama nAAA NAKAKAHIYA :(( bwiset ka!
i gotta go na, tapos na break ko. see you later
Me:
ako pang bwiset? HAHAHAHA sige na, see u later
Hindi na ako naghintay ng reply at nagpatuloy sa pagkain. Tawang-tawa pa rin ako.
Taehyung's Point of View.
Mga ilang oras din bago natapos ang photoshoot. Umupo muna ako sa sofa at binigyan ako no'ng isang staff ng tubig. "Thank you po."
"Taehyung, I have question for you." Napalingon ako kay Minsung, 'yung manager ko.
"Ano po 'yon?" tanong ko at umupo naman siya sa tabi ko.
"Do you wanna take the full-time modelling now?"
Napag-isipan ko na 'yan noong bago ako mag-apply as part-time model.
Sabi nila sa 'kin, kapag full-time ang kinuha ko, I get to live in this company or building. Magkakaroon din ako ng sariling condo since halos araw-araw akong magkakaroon ng schedule. I will also get the chance to meet artists. Kaso kokonti 'yung time ko with my family and friends.
Kapag naman part-time, twice or thrice a week lang akong may photoshoot or schedule, minsan pa nga wala sa isang buwan. Wala rin akong makukuhang sariling condo since minsan nga lang akong may schedule. Also, walang contract ito. Kung kailan ko gustong tumigil, titigil ako.
That is why I chose the part-time modelling because I still wanna spend time with my family and friends. Although wala namang pinagkaiba 'yon sa full-time, they still get to spend their time with their family and friends. Ang pinagkaiba talaga ay mas mataas ang sweldo ng full-time kaysa sa part-time. Sila kasi ay every two weeks nakakatanggap pero kaming mga part-time ay every month.
"Uhm, what do I get if I become a full-time model?" tanong ko. Noon pa kasi nila akong pinipilit mag-full-time.
(A/N: As I've said in the disclaimer, this story is just part of my imagination. Wala akong alam sa modelling eklavu so, please bear with it uwu)
"Well, gaya nga ng sabi sa 'yo noon, magkakaroon ka ng sariling condo rito sa building. And also, I get to be your permanent manager." he smiled.
"So, ibig sabihin, pwede kang palitan since part-time model lang ako?" tanong ko. I'm confused.
"Silly." he chuckled. "Well, if you want to replace me, I'm fine with it." he smiled again. Napansin ko na nakatitig lang talaga siya sa 'kin, as in. I'm starting to be creeped out.
"Manager—"
"Just call me Minsung, Taehyung."
"Oh, uhm. Minsung, gusto ko lang mag-part-time kasi ayokong mapalayo sa kaibigan ko." Kay Jimin.
"I understand that, Taehyung. It's just that, lahat ng photographers na nakuha namin ay gusto kang kunin as their model. Modelling really is perfect for you. Maganda ang mukha mo, napaka-symmetric, magaling ka rin sa fashion, sobrang ganda mo manamit, magaling ka sa posing, ang ganda mo tignan sa kahit anong angle and everything. Kung hindi ka model, mapagkakamalan ka talagang model. Because you are really perfect for this job."
I'm suddenly speechless. Hindi ko alam ang isasagot ko. I've never been complimented like this, well, except Jimin. He always compliments me.
"Thank you, I-I have nothing to say." nahihiyang sabi ko. "It's been 9 months since I start working as model here, I'm really happy with my occupation. Being a part-time is enough for me." Ngumiti ako nang bahagya at tumayo mula sa sofa. "Uuwi na po ako, salamat."
Hahakbang na sana ako nang magsalita si Minsung, "Teka, Taehyung, hatid na kita."
"Hindi na po, salamat."
He chuckled, "Mr. Kim, 'wag ka nang mag-po sa 'kin, magkaedad lang tayo." Well, totoo 'yon. Mga ilang buwan lang ang tanda niya sa 'kin. "Hayaan mo akong ihatid kita. Manager mo ako, you should obey me. Saan ka ba nakatira?"
"No, seriously, hindi na. Kaya ko naman umuwi mag-isa." Shit, I need Jimin right now.
"Taehyung, I insist—" Hindi natuloy ang sasabihin kasi tumunog ang phone ko.
Jimin's calling. Thank goodness!
"Jimin?"
"Hi, Taetae. Pauwi ka na?"
Tumango ako kahit hindi niya nakikita, "Yes, pauwi na ako."
"I called because I feel like something is wrong. Gusto mo bang sunduin kita? May ikukwento rin pala ako sa 'yo."
Nanlaki ang mga mata ko. Was that a coincidence? Kasunod ng pagsabi kong 'I need him right now' ay tumawag siya. We are really soulmates.
"Yes. Please." Bumuntong hininga ako nang malalim.
"Okay, Taehyung. I'll be there. Hintayin mo na lang ako sa labas ng building, okay? See you."
"Okay." Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Binaba na niya ang tawag at binalik ko naman sa bulsa ko ang phone ko.
"Uhm, I gotta go." Naglakad ako papunta sa pintuan pero hinila niya ang braso ko. Fuck. "What?"
"Ihatid na kita. Please?"
"N-no, kaya ko na."
"Okay, uhm, kahit hanggang sa labas lang ng building." Ang kulit. "Please? Hindi ako titigil, Taehyung, hangga't hindi ka pumapayag."
I sighed heavily, "Fine, hanggang labas lang."
"Yes! Let's go."
Binawi ko ang braso ko at naunang lumabas ng photoshoot room or photography studio, whatever it is called.
Sumakay kaming elevator pababa. I'm really feeling uncomfortable right now. Hindi ako makahinga at feeling ko ay iiyak ako anytime. I badly need Jimin right now.
"Taehyung, are you okay?" tanong niya at tumango na lang ako habang hindi nakatingin sa kaniya.
Maya-maya lang ay nakarating na kami sa groundfloor. Naglakad kami papunta sa front door hanggang sa makalabas na kami.
"Dito na." sabi ko at bumuntong hininga. I can't breathe.
"May susundo ba sa 'yo?" tumango na lang ako.
Palakas nang palakas ang tibok ng puso ko sa kaba. Jimin, hurry up!
"Sige, samahan muna kita habang wala pa siya." Hindi ako sumagot at niyukom ang mga kamao ko. Pinagpapawisan na ako at sumisikip din ang dibdib ko. Jimin, nasaan ka na ba?
Ilang minuto ang lumipas nang may tumigil na tricyle sa tapat namin. He's finally here.
Nakita ko siyang nagbayad na at lumabas ng tricycle saka tumakbo papunta sa 'kin, "Taehyung." Lumapit ako sa kaniya at kumapit sa braso niya. "Hey, are you okay? Namumutla ka."
"Taehyung, are you okay?" Humigpit ang kapit ko kay Jimin nang lumapit si Minsung. Tumingin si Jimin kay Minsung at ngumiti naman 'yung manager ko sa kaniya. "Hi, I'm Yoon Minsung, Taehyung's manager."
"I know." Jimin's voice was deep and scary. "We got to go now. Thank you."
Inakbayan ako ni Jimin at tumalikod na kami. Naglakad na kami palayo do'n.
"Taehyungie, what happened? Pinagpapawisan ka at ang lamig ng kamay mo. Namumutla ka rin. Tell me what happened?"
"Nothing really happened, but I just started to be creeped out by Minsung. H-he complimented me but I felt weird. I-I don't know how to explain it. Alam mo ba kanina while he's talking to me, naisip ko I needed you and then bigla kang tumawag. Sobrang coincidence."
"I knew something was wrong. I don't think it's coincidence, Taehyung. It's called soulmate tingling." he winked.
Bigla akong napangiti dahil do'n. "Soulmate."
"Oh, hindi ka na namumutla at pinagpapawisan. Bumalik na rin sa normal ang temperature mo." he smiled.
"It's because you're my home. When I'm with you, I feel safe." Hindi ko alam kung bakit ko sinabi 'yon. I just need the urge to say it.
"Taehyung," he smiled, "you're my home, too."
Tumawa ako nang bahagya. Kinikilig ako. "Tara na nga, para tayong tanga rito sa gitna ng pavement."
Tumawa rin siya, "Wow, pavement? Sidewalk na lang eh." He's so cute. "Tara na!"
"Ay, Jimin, ano nga 'yung ikukwento mo?"
"Mamaya na lang, uwi muna tayo."
I giggled, "Okay."
-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top