Chapter 19 : Accidentally Sleepover

Taehyung's Point of View.

Naalimpungatan ako dahil sa katok sa pinto. Sino ba 'yon?

Babangon na sana ako nang makita ko si Jimin na natutulog sa tabi ko. Nanlaki ang mga mata ko. Teka, anong oras na ba?

Kinuha ko ang cellphone ko na nasa ilalim ng unan ko at tinignan ang oras. It reads 11:23 PM.

May kumatok ulit sa pinto kaya tumayo na ako at naglakad sa pintuan. Binuksan ko ang pinto at tumambad sa 'kin si Mama.

"Hindi ka pa kumakain ng dinner." sabi niya at sumilip sa loob. "Oh, nandito pa pala si Jimin?" gulat na sabi niya.

"Nakatulog kami ulit." tumawa ako nang bahagya.

"May maitutulog pa ba kayo n'yan mamaya? Gisingin mo si Jimin, kumain kayo ng dinner do'n sa baba."

"O-okay po." Umalis si Mama at sinara ko naman ang pinto.

Naglakad ako pabalik sa kama at umupo sa tabi ni Jimin. Pinagmasdan ko ang mukha niya. Ang pouty ng lips niya, ang sarap i-kiss.

Ay, ano bang pinagsasabi ko?

"Jimin. Jimin, wake up." Tinapik-tapik ko siya nang bahagya sa braso.

Dahan-dahan niyang minulat ang mga mata niya at umungot nang bahagya. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa 'kin. "Taehyung?"

I gave him a smile, "Ikaw naman ang nakatulog sa kwarto ko."

Napansin kong na-realize niya 'yon nang bigla siyang bumangon. "Shit, sorry. Anong oras na?"

"Mag-aalas dose na. Kumain ka na ba ng dinner? Sabi ni Mama, kain daw tayo sa baba. Tara?"

"Kumain na, pero sige, nagugutom ako ulit." Tumawa lang ako nang bahagya at hinila siya patayo.

Lumabas na kami ng kwarto at bumaba sa hapagkainan. May nakahain na roon para sa 'min ni Jimin.

Park Jimin's Point of View.

"Alam mo ba, Taehyung," panimula ko habang kumakain kami, "napanaginip ko 'yung unang pagkikita nina Emilia at Adrian."

Tumingin siya sa 'kin habang may nginunguya. Ang cute. "Talaga?"

Tumango ako, "Oo. Tapos ano, kamukha ko si Adrian at kamukha mo si Emilia. Ang weird." Pagkatapos kong sabihin 'yon ay tumawa siya nang pagkalakas-lakas.

"Weird nga. Gutom lang 'yan, kumain ka pa."

Ngumuso ako, "Totoo nga, seryoso ako."

Sumeryoso ang mukha niya. "Curious tuloy ako sa mukha ni Adrian. Parang ang gwapo eh."

"Syempre, kamukha ko nga 'di ba?" tumawa ako.

Hinampas niya ako ng tinidor, "Wow! Ang lakas ng confidence. Kumain na nga lang tayo." tapos may binulong pa siya sa ilalim ng hininga kaya hindi ko narinig.

Ang ipinagtataka ko lang. Bakit ko napanaginipan 'yon? Bakit kamukha ko si Adrian at kamukha ni Taehyung si Emilia? Ang weird talaga.

Third Person's Point of View.

The next day...

"Yeri, pakigisingin mo na do'n sina kuya mo, kakain na kamo." utos ni Mrs. Kim kay Yerim at agad naman siyang sumunod.

Umakyat siya sa kwarto ng kuya Taehyung niya at kumatok sa pinto bago buksan ito. Hindi siya nakapagsalita at nanlaki ang mga mata niya nang makita niyang magkayakap sina Taehyung at Jimin habang natutulog.

"Shet, ang cute. Ma-picture-an nga." Kukunin na sana niya ang cellphone niya mula sa bulsa ng short niya nang magsalita si Taehyung.

"Subukan mo lang, sasabunutan kita." Minulat ni Taehyung ang mga mata niya at kumalas sa pagkakayakap kay Jimin saka sinamaan ng tingin ang younger sister niya.

Tumawa nang bahagya si Yerim, "S-sorry. Kakain na raw."

"Susunod na kami, bumaba ka na do'n."

"O-okay. Bilisan niyo ha, baka gumawa pa kayo ng milagro d'yan." Dahil do'n ay hinagisan ni Taehyung si Yerim ng unan. "Joke lang, hehe." sabi ni Yerim at sinara ang pinto.

Taehyung's Point of View.

Tinignan ko ang oras sa cellphone ko na nasa ilalim ng unan ko. It's 8:23 AM.

Ginising ko na si Jimin at bumaba na kami sa hapagkainan.

"Good morning. Kain na." pagbati ni Mama at ngumiti lang ako.

Magkatabi kaming umupo at kumuha na ng pagkain.

Habang kumakain ay tumunog ang cellphone ko mula sa bulsa ng short ko. Kinuha ko at nakitang tumatawag ang manager ko.

Hindi na ako umalis ng hapagkainan at sinagot ko na lang ang tawag. "Hello?"

"Mr. Kim Taehyung, I know you told me you can't come, but we need you today. Wala kaming mahanap na kapalit mo, so please be here at 10am." Ah, shit.

"S-sige po." matamlay na sagot ko.

"Pasensya na talaga, Taehyung. At least, may sweldo ka 'di ba?" I heard him laughed but I just chuckled.

"O-okay po, see you later."

"Thank you, Taehyung. See you later!" Binaba na niya ang tawag at binalik ko naman sa bulsa ko ang cellphone ko.

"May photoshoot ako mamaya. Can you come with me, Jimin?" tanong ko sa kaniya.

Nilunok niya muna 'yung nginunguya niya, "Yeah, sure, of course."

"Thanks." Ngumiti ako at nagpatuloy na sa pagkain.

"Kuya, anong oras alis mo?" tanong sa 'kin ni Yerim.

"Pagkatapos nito, maliligo na ako, tapos aalis na. Bakit?" sagot ko at uminom ng tubig.

"Gano'n? Sabay sana ako."

"Oh, bakit? Hindi ka ba masusundo ni Jungkook?" I smirked.

She blushed, "Sabi niya kasi, kitain ko na lang daw siya sa karinderya ni kuya Jin."

"Hmm, sige, sabay ka."

"Yey!" I ruffled her hair and sinabunutan nang bahagya. "Aray!" Tumawa lang ako.

Ala una pa pasok niya pero hindi na ako nagtanong kung bakit sobrang aga niyang aalis. If I know, magde-date lang sila ni Jungkook. 'Yung karinderya kasi ni Jin hyung ay malapit lang sa school nila.

Pagkatapos naming kumain ay agad na akong naligo tapos si Jimin ay umuwi sa kanila para doon maligo. Biniro ko pa nga siyang sumabay na sa 'kin sa pagligo, ayaw niya.

Habang naliligo, biglang sumagi sa isip ko 'yung sinabi ni Jimin na napanaginipan niya raw 'yung pagkikita nina Emilia at Adrian.

Sobrang nagtaka ako nang sinabi niyang kamukha ko si Emilia at kamukha niya si Adrian. Like, how is that possible? Unless, kamag-anak ko si Emilia. Pero hindi eh, ang kamag-anak ko ay si Teresa- I mean, lola Teresa.  Same with Jimin. How come na kamukha niya si Adrian? Unless magkamag-anak din sila.

"Kuya, bilisan mo!" Napalingon ako sa pinto.

"Oo, wait lang."

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na rin ako, siyempre. Lumabas na ako ng CR at pumasok naman do'n si Yeri.

Umakyat ako sa kwarto ko para isabit sa likod ng pinto ang tuwalya ko saka bumaba ulit.

Pagkababa ko ay nadatnan ko si Jimin sa sofa. "Hi."

"Hi, Taetae."

Ginawa ko ang routine ko habang hinihintay si Yerim. Nag-toothbrush, nagsuklay ng buhok at nag-makeup.

"Magsuot ka nga ng beret, bagay sa 'yo. You look handsome." Shit, tama ba ako ng narinig? He called me handsome?

"What color?" tapos pinakita ko sa kaniya 'yung collection ko ng head and hair accesories.

"Ang dami naman." he chuckled, "Red."

Kinuha ko 'yung red beret ko mula do'n at sinuot ito. "Like this?" Tinitigan niya 'ko for like 10 seconds. "Jimin-ah?"

(A/N: look at the multimedia)

Nabalik naman siya sa ulirat, "Oh. Yes, you look great. So handsome." Shet, Jimin, 'wag ka namang gan'yan. Baka sumabog na ang puso ko.

"Thank you." I smiled.

He smiled back. He's so fucking handsome. "No problem."

Maya-maya lang ay lumabas na si Yeri mula sa CR.

"Hoy, bilisan mo, iiwan ka na namin." biro ko kay Yeri.

"Hala! Wait lang."

"Bahala ka d'yan!" sigaw ko.

"Kuya!" Tinawanan ko lang siya.

Tumingin ulit ako sa salamin at inayos ulit ang sarili ko.
-

A/N:

fun fact: random lang minsan yung mga title kasi random lang din yung mga chapter HAHAHA like di ko talaga sila naiisipan ng title kaya kung ano-ano na lang xD

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top