Chapter 18 : Sad

Jimin's Point of View.

Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata dahil nakakasilaw 'yung ilaw ng florescent lamp. Nakatulog pala kami?

Lumingon ako sa kaliwa ko at nakita kong mahimbing na natutulog si Taehyung. Kitang-kita ko kung paano gumalaw pababa-pataas ang dibdib niya dahil sa paghinga niya. Tinitigan ko rin ang mga mata niya. Ang haba't ang ganda ng pilik-mata niya. He's so beautiful.

Bumangon ako at kinuha 'yung remote na nasa paanan ng kama saka ini-off ang TV.

"Jimin," rinig kong tinawag niya ang pangalan ko. Nananaginip ba 'to?

"Yes, Taehyung, I'm here." Hinawakan ko ang kamay niya at nanlaki ang mga mata ko nang hawakan niya ito pabalik.

"Stay. D-don't leave me."

"I won't. I will never leave you." Is he dreaming? "I love you, Kim Taehyung." I whispered.

"I-I love you, too." he whispered back that made me smile.

Suddenly, someone knocked on the door. "Anak, hanap si Taehyung ng mama niya." pagkatapos ay nagbukas ang pinto. "Oh, tulog?"

Tumango ako, "I'll wake him up. Baba ka na po, Mom."

"Oh sige." Sinara na ulit ni Mom ang pinto.

"Taehyung," inalog ko siya ng konti, "wake up." Umungot siya nang bahagya. "Taehyung, gising na." Tinapik ko nang bahagya ang balikat niya.

Dahan-dahan niyang minulat ang mga mata niya. I smiled. "Jimin?" Bumangon siya at napagtanto kong magkahawak pa rin ang mga kamay namin. I blushed and pulled away my hand.

"Hi."

"A-anong oras na?" tanong niya habang nagkukusot ng mga mata. So cute.

"Hmm," kinuha ko ang cellphone ko para tignan ang oras. "2:23 PM."

"Shocks! Sorry, nakatulog ako." he pouts.

"It's okay. Para namang first time mong matulog dito sa kwarto ko." I chuckled a bit. "Baba na tayo, hinahanap ka na raw ng mama mo." Tumango lang siya bilang sagot.

Bumaba na kami sa sala at nadatnan namin si Tita, 'yung mama ni Taehyung, na nakaupo sa sofa.

"Anak!" Tumayo siya at lumapit kay Taehyung. "Sorry sa nasabi ko kanina. Uwi ka na, wala kaming kasama ng papa mo sa bahay. Pumasok na si Yeri sa school, sinundo ni Jungkook."

Bigla akong napa-smirk. Feeling ko may something talaga sa kapatid ni Taehyung at kay Jungkook.

"Hindi ka pa naliligo 'di ba? Tara na, maligo ka na do'n." sabi ni Tita pero nakatitig lang sa kaniya si Taehyung.

"Sige na, Taehyung. Magkatapat lang naman bahay natin eh. You can come over here anytime you want."

"Jimin, nasa'n 'yung diary ni Emilia?" tanong niya habang namamalat ang boses.

Teka, nasa'n na nga ba 'yon? "Uhm, hanapin ko na lang tapos dalhin ko sa bahay niyo. Sige na, uwi ka na." Ngumuso lang siya at tumango bago sila umalis ng bahay.

"Jiminnie." pagtawag sa 'kin ni Mom pagkalabas nina Taehyung. Nag-hum na lang ako bilang sagot. "Are you in love?"

Bigla akong namula. "Y-yes."

"Then tell him. Life is short, anak. If you want something, do it. If you wanna say something, say it. Ako na'ng nagsasabi sa 'yo."

Ngumiti ako ngunit kaagad ding napawi ang ngiti ko. Tumingin ako sa sahig bago tumingin ulit kay Mom. "I-I can't, Mom. What if he doesn't like me back? I don't wanna ruin our 19 years of friendship."

She held me onto my shoulder, "Paano mo malalaman kung hindi mo pa nasusubukan? I'm not forcing you, anak, I'm just telling you. It's really up to you." she smiled and kissed my cheek, "Kain na tayo." I chuckled and nodded.

Hoseok's Point of View.

"Hoy, Jungkook! Ano bang ginagawa mo rito? Bibili ka ba? Ang daming costumers, oh." reklamo ko kay Jungkook kasi kanina niya pa tinititigan 'yung tulips.

"Wala akong pera eh." Napa-poker face ako dahil do'n.

"Hay nako!" umiiling-iling na sabi ko. "Since nandito ka lang din naman, tulungan mo kaya kaming magbenta." sabi ko kaniya at umiling siya.

"Ayoko, may part-time pa ako kay Jin hyung eh. Sige hyung, alis na ako. Bye!" Tumawa pa siya bago umalis. Siraulo talaga.

"Tignan mo 'yung bata 'yon, tumambay lang dito, hindi naman pala bibili." nag-tsk pa si Yoongi habang gumagawa ng bouquet ng chrysanthemum. "Eto oh. That would be 150 pesos." iniabot niya 'yung bouquet sa costumer.

Nagbayad na 'yung costumer at sinabing, "Thank you. Next time ulit."

"Babe, hindi ka ba nababagot dito? Tayong dalawa lang dito, ayaw mo bang mag-hire ng isa pang assistant?" tanong ko sa kaniya.

Tumingin siya sa 'kin at umiling, "Nope. Kung maghi-hire ako ng assistant, hindi kita maso-solo."

Hindi ko napigilang mamula dahil do'n. "Gano'n? O-okay."

"Kilig ka naman d'yan?" tumawa pa siya. "Paabot ng isang paper bag."

Kumuha ako ng isang paper bag at lumapit sa kaniya, "Kiss muna." Ngumiti siya at hinagkan ako sa pisngi. "Good. Here." Nilapag ko sa palad niya ang paper bag.

"Uhm, nakakaistorbo po ba ako?" Napatingin kami do'n sa isang costumer. Shet! Nakakahiya.

"Ay, pasensya na po. Anong sa inyo?"

Taehyung's Point of View.

Manager-nim:

Good evening, Taehyung-ssi. I would like to inform you that you have another photoshoot tomorrow. Be here at 8:00am. Don't be late. Thank you.

Me:

hello po, manager. hindi ko po alam kung makakatuloy ako bukas, masama po kasi ang pakiramdam ko. hoping for your consideration.

Manager-nim:

Gano'n ba? Sige, sabihan ko na lang sila. Magpahinga ka nang mabuti. Get well soon.

Me:

salamat po.

Hindi naman talaga masama ang pakiramdam ko pero I'm just feeling sad today. Alam kong nag-sorry na si Mama pero naiisip ko pa rin 'yung sinabi niya kanina. I really thought she's supportive of my modelling. Hindi pala. Pero ito naman talaga ang gusto ko, modelling. Hindi ko gustong maging doctor or nurse, pero pinilit nila akong kunin kong course ay medicine. Kaya ito, I graduated with a major of medicine.

Damn. Tapos nadamay pa si Jimin kanina. Math major si Jimin at balak niya sanang mag-accounting kaso hindi na niya talaga kaya. Gusto na lang niyang maging photographer. What if i-recruit ko siya do'n sa company namin? Para magkasama kami. Hehe.

Nakakatawa na hindi namin tinuloy 'yung course namin. Sayang lang. Kaya kayo, oo kayo, dapat sigurado kayo sa course na kukunin niyo. Ituloy niyo 'yan para maging proud ang magulang niyo sa inyo, okay?

Muling nag-vibrate ang cellphone ko kaya binuksan ko ito. Uy, nag-text si Jimin.

Jiminnie 💖:

nahanap ko na yung diary ni emilia, nasa kwarto ko lang pala. labas ka dali, iabot ko sayo.

Napangiti ako. Napawi ang lungkot ko nang mag-text siya.

Me:

tinatamad akong lumabas. akyat ka na lang dito sa kwarto ko hehe, magpaalam ka lang kay mama

Jiminnie 💖:

gago ka talaga! oo na, eto na.

I giggled. He's so fricking cute.

Me:

hihi thanks, labyu <3

Maya-maya lang ay may kumatok sa pinto. "Taetae, it's Jimin."

"Bukas 'yan."

At nagbukas nga ang pinto at tumambad ang napakagwapong si Jimin. Shet. "Oh, ito na." Hinagis niya sa 'kin 'yung notebook. Ang sakit.

"Aray ko, ha." Kinuha ko 'yung diary ni Emilia at nilapag sa sidetable. "Dito ka muna." tinapik ko ang bakanteng pwesto sa tabi ko.

"Ayoko. Nagpaalam akong saglit lang ako."

"Naalala mo ba 'yung sinabi mo sa 'kin? You can tell them but they can not say no. O baka naman ayaw mo na sa 'kin?" I pouted fakely.

"Drama mo! Oo na." tumawa siya at umupo sa tabi ko. Yey.

"Let's cuddle." sabi ko sa kaniya at yumakap sa kaniya. Niyakap niya rin ako sa pabalik at nag-humming ng kanta. Ang ganda ng boses niya.

I sniffed into his chest. Jimin smells like home.
-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top