Chapter 17 : Interesting
Taehyung's Point of View.
"Hoy, Taehyung, saan ka ba galing kagabi? Gabing-gabi na, lumalabas ka pa."
Napatingin ako kay Mama habang kumakain kami ng breakfast. "Ma, nagpunta lang po kami ni Jimin sa 7-11. Atsaka nagpaalam naman po ako sa 'yo." sagot ko at sumubo ng pagkain.
"Pumayag ba ako?" Tinignan ko si Mama ng 'are-you-serious' look.
Nilunok ko muna ang kinakain ko bago magsalita, "Ma, too late. Nakalabas na po ako kagabi."
"Hintayin mo muna akong pumayag bago ka umalis."
What the- "Ma, hindi na po ako bata. Hindi na kami bata ni Yeri." This conversation is so nonsense.
"Bata pa 'yang si Yerim, nag-aaral pa eh." Kung hindi 'yan pinatigil nang dalawang taon, edi sana graduate na siya by the time she's 19.
"She's literally 21. An adult." bumuntong hininga ako at nagpatuloy sa pagkain.
"Dapat magtrabaho ka na, Taehyung. Ano bang nakukuha mo sa pagmo-model?" Nagulat ako sa sinabi ni Mama. Akala ko supportive siya sa pagmo-model ko, pero hindi pala.
"Ma, kumikita naman ako do'n."
"Bakit hindi mo ituloy 'yung pagmemedisina mo? Si Jimin, hindi ba't mag-a-accounting 'yon? Graduate-graduate kayo, hindi niyo naman pala itutuloy 'yung course niyo. Sayang lang ang pinang-aral sa inyo. Dapat pala hindi ko na pinatigil si Yerim noon."
"I'm out." sabi ko na lang at tumayo mula sa lamesa. Hindi ko alam kung bakit napunta do'n 'yung usapan. Nagtanong lang siya kung saan ako pumunta kagabi, tapos napunta do'n 'yung topic? Hays.
"Taehyung, bumalik ka rito, kinakausap pa kita! Taehyung!"
Kinuha ko 'yung diary ni Emilia saka lumabas ng bahay. Tumawid ako papunta sa bahay nina Jimin na katapat lang ng bahay namin.
"Jimin!" pagkatok ko sa gate nila. "Jimin-ah!"
Maya-maya't lumabas na siya at pinagbuksan ako ng gate. "Ano ba 'yon? Agang-aga, Kim Taehyung!"
Bigla na lang ako umiyak at yumakap sa kaniya. Hindi ko napigilan 'yung luha ko. "Jimin hyung."
"Hala! Taehyung, w-what happened?" Hinila niya ako papasok sa bahay at pinaupo sa sofa.
Kumalas na ako sa yakap at pinunasan ang mga luha ko. "Sorry."
"Tell me what happened?"
Bumuntong hininga ako tapos kinwento ko sa kaniya 'yung nangyare kanina.
"B-bakit ako nadamay?" nakakunot-noong tanong niya. Nagkibit-balikat lang ako at pinatong ang ulo ko sa balikat niya.
"Oh, Taehyung, nandito ka pala." Agad din akong napabangon nang marinig ko ang boses ng nanay ni Jimin.
"Hi po, Tita." humaway ako kay Tita habang nakangiti nang bahagya.
"Tawagin mo na lang din akong Mom, okay lang naman." Tumawa ako nang bahagya dahil sa sinabi ni Tita. Ano raw?
"Mom, you're making him feel uncomfortable." sabi ni Jimin at ngumiti naman ako. Naiinlab na naman ako sa kaniya. I mean, I have been always in love with him. But I'm becoming more and more in love with him.
"Sorry, nagbibiro lang naman ako." Umupo si Tita sa kabilang sofa at binuksan 'yung TV.
Naalala kong dala ko pala ang diary ni Emilia. "Ay, Jimin, dala ko pala 'yung diary ni Emilia. Basahin natin?" sabi ko at pinakita sa kaniya ang diary.
"Ginagawa mong nobela 'yan, ha." tawa niya. "Sige, basahin natin."
Binuklat ko sa pahinang may bookmark at binuklat ulit sa sumunod na pahina.
Hulyo 27, 1914
Hindi ko batid kung bakit ngunit tinutukso ako ng mga tagarito na mananakop daw ako sapagkat may lahi akong Espanyol. Kasalanan ko bang Espanyol ang aking ama at Pilipino ang aking ina? Hindi.
At isa pa, tapos nang sakupin ng mga Kastila ang Pilipinas, malaya na kami sa kanila. Ngunit kasalukuyang nasa pananakop kami ng mga Amerikano ngunit tahimik lamang ang Pilipinas.
Sandali lamang at ang dami ko nang sinasabi. Nais ko lamang ulit magkape.
- Emily.
Gusto kong tumawa. Pwede palang comedian 'tong si Emilia. Gusto lang pala niyang magkape. Oo nga pala, sabi ng doctor ay hindi muna siya iinom ng kape nang isang linggo.
"Naabutan niya 'yung Spanish era dito sa Pilipinas?" Nagulat ako nang magsalita si Jimin tapos malapit ba sa tenga ko, so para siyang sumigaw.
"Siguro." sagot ko na lang.
Wala akong alam sa Philippine history, I'm sorry.
"Wala pa ba rito 'yung love story nila ni Adrian?" tanong ni Jimin na may halong pagrereklamo.
"Wala pa. 19 pa lang siya rito, 21 siya noong nakilala niya si Adrian. Well, 'yon ang sabi ni lola Teresa kay abuela." Inayos ko ang upo ko sa sofa.
"Edi skip tayo ng 2 years."
Nag-pokerface ako bago magbuklat ng ilang pahina sa diary.
Desyembre 12, 1916
May napagtanto ako mula kay Teresa. Sinabi niya sa 'kin na may gusto siya kay Antonio. Sinasabi ko na nga ba. Ayos lang iyon dahil wala naman akong gusto kay Antonio. Matutuwa pa ako kung sila ang magkakatuluyan.
- Emily.
"Wow!" tanging reaksyon ko. "Jimin, do you think si Antonio talaga 'yung nakatuluyan ni Teresa—este, lola Teresa?"
"Most probably." sabi niya lang at nilipat sa susunod na page 'yung notebook. Atat talaga 'to eh.
Disyembre 13, 1916
Dahil sa nalaman ko kahapon patungkol kay Teresa ay hindi ko na pinansin si Antonio. Takang-taka tuloy siya kung bakit tila iniiwasan ko siya. Ang sabi ko sa kaniya'y itigil na niya ang panliligaw sa akin dahil wala siyang mapapala at hindi ko siya gusto. Ang sinagot niya, "Binibini, magtitiis ako kahit ilang taon pa ang abutin, kahit gaano pa katagal, sagutin mo lamang ako. Mahal na mahal kita." Hindi ko kinakaya ang kaniyang mga sinasambit, nasusura ako.
- Emily.
"OMG, Jimin! Nakakakilig naman pala 'tong si Antonio. Ang arte-arte pa ni Emilia, ayaw sagutin si Mr. Bitter." Tinitigan lang ako ni Jimin nang seryoso. Baka matunaw ako.
"Mas romantic pala kapag Tagalog 'no? Parang mas sincere pakinggan. Napakaganda ng wikang Filipino."
"Sumasang-ayon ako."
Tumawa siya nang bahagya, "Skip na nga natin. Kailan ba sila unang nagkita ni Adrian?" Atat talaga 'tong bestfriend ko.
Nag-skip ulit kami ng ilang pages at tumigil sa pahinang may drawing ng puso sa taas. Ito na siguro 'yon.
Pebrero 27, 1917
Sa buong talambuhay ko'y ngayon ko lamang ito naranasan. May nakilala akong lalaki, na sa tingin ko ay halos kaedad ko lang, kaninang umaga at pakiramdam ko'y iniibig ko na siya. Nakakasura pala pakinggan pero totoo ang sinasabi ko.
Ang pangalan niya ay Adrian. Napakagwapo niya. Kaso pakiramdam ko kanina'y magdudugo na ang aking ilong kahit anong oras sapagkat ang salita niya'y Ingles. Ngunit ayos lang iyon.
Nawa'y magkita kaming muli.
- Emily.
Napasinghap ako pero kaagad ding sumigaw nang hampasin ako ni Jimin, "Aray!"
"Nagulat ako sa 'yo."
Napanguso ako, "Sorry."
"Tandaan mo. February 27, 1917." sabi niya sa 'kin habang tumuturo-turo pa kaya hinablot ko ang daliri niya.
"Oh sige. Turo ka nang turo, baka manuno ka."
"Sorry naman." binawi niya ang kamay niya. "Next page na, natutuwa akong magbasa."
Tumawa ako saka binuklat ang diary sa susunod na pahina.
Pebrero 28, 1917
Sobrang saya ko ngayong araw. Nagkita kaming muli ni Adrian. Sa isang parke habang may kinakain pa akong tinapay at may iniinom na kape.
Napag-alaman ko ring marunong pala siyang mag-Tagalog. Pinahirapan niya pa akong mag-Ingles. Pero ayos lamang iyon para mabihasa ako sa Ingles.
Balik tayo. Pagkatapos kong mag-umagahan ay dinala niya ako sa isang museo ng sining at naglibot kami roon. Tinanong niya ako kung sinabihan ba ako ng mga magulang ko na huwag makipag-usap sa hindi kakilala. Ang sinagot ko ay magkakilala na kami kung kaya't maaari ko siyang kausapin.
Pagkatapos ay sinabihan niya akong para akong isang sining ngunit siya lamang daw ang dapat na makakita at makagagalaw sa akin. Naging iba ang pakiramdam ko roon kaya sinabi ko ay, "Ang bilis mo naman. Gaya nga ng sabi ko, kakakilala lang natin." hindi ganiyang eksakto pero parang ganiyan 'yung sinabi ko. At nagtaka ako sa sumunod niyang sinabi, "Kahapon mo lang ako nakilala, Esmeralda. Tinago ko man ang sarili ko sa 'yo noon, dala 'yon ng aking kaduwagang tanggihan mo." Sino si Esmeralda? Hindi ko siya naunawaan kung kaya't niyaya ko na lang siyang kumain.
Hanggang dito na lamang dahil napagtanto kong ang haba nitong aking kwento. Ipagpaumanhin.
- Emily.
Bigla akong kinilabutan do'n. Bakit 'yon sinabi ni Adrian kay Emilia? Anong relate ni Emilia kay Esmeralda?
"OMG, Jimin! Remember Esmeralda? 'Yung dalagang nagnanakaw ng bulaklak sa garden ni King Dongmin?"
"Ah, 'yung sa kwento ni Yoongi hyung about dun sa Smeraldo flower? Yes. Kinilabutan ako do'n sa sinabi ni Adrian."
"Same. Like, bakit? Anong relate?" Nanginig ako bigla.
"Alam mo ba 'yung reincarnation? Maybe King Dongmin is Adrian's past life and Esmeralda is Emilia's past life. Maybe, just maybe." Oo nga 'no? Maybe.
"That could be possible. Naalala ni Adrian 'yung past life niya but Emilia didn't." sabi ko naman.
Bumuntong hininga siya nang malalim, "Pahinga muna tayo. Gusto mong mag-movie marathon?"
"Sure!" Ngumiti ako at nilagay ko 'yung DIY bookmark ko sa huling page na binasa namin.
"Ano ba 'yang binabasa niyo, nobela?" Napalingon kami kay Tita. Hala, nandito nga pala siya.
"Ay, hehe. Hindi po." sagot ko na lang at tumawa nang awkward.
"Mom, we're just gonna go upstairs, in my room." pagpapaalam ni Jimin at tumango naman si Tita.
"Oh, movie marathon lang, ha. Baka mauwi sa kung ano." Nanlaki ang mata ko. Mauwi sa ano?
"Sa ano po?" sabay naming tanong ni Jimin.
"Sa... alam niyo na." she then smirked. Marumi lang ba ang utak ko or 'yon talaga ang ibig sabihin ni Tita? Jusko po.
"Mom, we're not going to do anything else." inis na sabi ni Jimin at hinila na ako patayo.
"Fine, fine. But if ever, use protection." Jusko po, mahabagin, bata pa ako.
"Mom!"
Tumawa si Tita, "Okay, okay, joke lang. Enjoy your movie marathon."
Umakyat na kami sa kwarto ni Jimin. Naloloka pa ako rin kay Tita.
"Halos 19 years na tayong mag-bestfriend pero ngayon ko lang nakita 'yang side na 'yan ng nanay mo." sabi ko sa kaniya habang sinasara ang pinto.
"She's weird sometimes." he replied.
"Parang ikaw?" Tumawa ako nang hinagisan niya ako ng unan.
"Dahil d'yan, ikaw ang mag-operate ng movie natin." Oo, may TV dito sa kwarto ni Jimin. A 64inch flat screen TV. Hindi lang 'yon, smart TV pa.
"Okay po, Jimin hyung." Parehas kaming tumawa bago ko i-operate 'yung movie namin.
Masaya talaga ako kapag kasama ko si Jimin.
-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top