Chapter 11 : Brawling

Habang nagbabantay si Emilia sa kaniyang panaderya, takang-taka siya kung bakit halos hinahapo na ang kaniyang kaibigan sa pagtakbo papunta sa direksyon niya.

"Teresa!"

"Emilia!" Bumuntong hininga nang malalim si Teresa bago magpatuloy, "Sina Adrian at Antonio ay nag-aaway sa parke."

"Ano?" Kumaripas naman ng takbo si Emilia at sinundan naman siya ng kaniyang kaibigan.

Bakit na naman ba?

Hingal na hingal sina Emilia at Teresa nang makarating sila sa parke. At doon ay nakita nilang nagsusuntukan ang dalawang lalaki.

"Adrian, Antonio, itigil niyo na iyan!" sigaw ni Emilia na siyang nagpatigil sa pagsusuntukan ng dalawang lalaki.

"Ipagpaumanhin, binibini. Nadala lamang ako ng aking galit." sambit ni Antonio at binitawan ang kwelyo ni Adrian.

"Ano bang ibig mong ipahiwatig? Bakit ka nagagalit?" tanong ng babae na tila nagtataka.

"Ako'y nagagalit sapagkat sa pagkahaba-haba ng panahong ginugol ko para sa iyo, binibini, sa huli ay hindi pala ako ang iyong pipiliin. Sobrang sakit ng aking damdamin. Halos tatlong taon akong nanligaw ngunit ito- itong dayuhang ito na sa konting panahon mo lamang nakilala ay siyang iyong pinili. Masakit sa damdamin, Emilia, sobrang sakit." hindi na napigilan ni Antonio ang pagtulo ng kaniyang mga luha.

Saglit na hindi nakapagsalita si Emilia dahil sa kaniyang mga narinig. "Ipagpaumanhin mo ngunit hindi ko sinabi sa iyo na ako'y iyong ligawan. Simula pa lamang ay sinabi ko na sa iyo na hindi kita gusto. Paumanhin ngunit kaibigan lamang ang turing ko sa iyo, Antonio."

"Kahit man lamang kaunti ay hindi mo ako nagustuhan?" Umiling si Emilia. "Kung gayon ay hindi ako makapapayag. Bata pa lamang tayo ay gusto na kita, binibini."

"Maaari bang tumigil ka na, Antonio? Hindi ba't narinig mo naman si Emilia? Hindi ka niya gusto." pagsingit ni Teresa kaya't napatingin sa kaniya si Antonio.

"Huwag kang sumabat dito, Teresa." Muling nabaling ang atensyon niya kay Emilia, "Ipagpaumanhin, binibini." Yumuko si Antonio at malungkot na naglakad palayo.

"Mahal, ikaw ba'y ayos lamang?" tanong ni Emilia sa kaniyang kasintahan.

"Ayos lamang ako, mahal."

"Kay sarap niyong panoorin talaga." pagsingit ni Teresa na siyang tinawanan lamang ng magkasintahan.

+++

Makalipas ang ilang buwan...

"Kay ganda ng aking kaibigan." sabi ni Teresa habang nakatingin kay Emilia na siyang tumawa lamang nang bahagya. "Ikaw ba'y handa na?"

"Handang-handa na." nakangiting sagot ni Emilia.

"Kung gayon ay halika na, naroon na raw ang sasakyan papuntang simbahan."

Tumayo na sila mula sa kaniyang kinauupuan at lumabas ng kwarto. Naglakad sila palabas ng bahay at sinalubong naman sila ng ina ng Emilia.

"Ang ganda ng aking anak. Mangungulila ako sa iyo, anak. Bisitahin mo kami paminsan-minsan, ha?" sabi nito sa kaniyang anak.

"Opo naman, ina. Hindi ko kayo malilimutan ni ama." nakangiting sabi ni Emilia.

"Osiya, halina tayo't lumulan sa sasakyan."

Sa simbahan ay marami nang bisitang naghihintay at nasasabik na makita ang babaeng ikakasal.

"Are you ready, my son?" tanong ng kaniyang amang dumayo mula Amerika para lamang dumalo ng kasal ng kaniyang anak.

"I am." nakangiting sagot nito.

"Nariyan na, nariyan na!" rinig niyang sambit ng mga bisita at mas lalo siyang napangiti.

Nakarating na nga ng simbahan sina Emilia. Bumuntong hininga si Emilia bago pumasok ng simbahan kasama ang kaniyang ina at matalik na kaibigan.

Hinatid si Emilia ng kaniyang ina sa altar at niyakap ito. "Mahal kita, anak."

"Mahal din po kita, ina."

"Hi." pagbati ni Adrian sa kaniyang kasintahan habang nakalahad ang palad nito sa kaniya.

"¡Hòla!" nakangiting bati ni Emilia bago ipatong ang palad sa palad ng kasintahan.

"Bago natin simulan ang seremonyang ito, mayroon ba ritong tumututol sa kasalang magaganap?"

Tahimik ang lahat nang biglang may sumigaw. "Ako. Ako'y tumututol sa kasalan!"

"Antonio?" gulat na sambit ni Emilia at niyukom naman ni Adrian ang kaniyang kamao.

Ang mga bisita ay tila nabigla at walang imik.

"Bakit tila hindi ako kumbidado sa kasalang ito? Nakakasakit naman kayo sa damdamin." Umakto pa siyang nasasaktan at hinawakan ang dibdib.

"Pakiusap, umalis ka na, Antonio." saad ni Adrian habang nakayukom pa rin ang kamao.

"Aba'y bakit? Nais ko lamang makita ang aking mahal na si Emilia." nakangiting sagot nito. "Dapat ako ang nariyan at hindi ikaw, Adrian. Ako dapat ang pakakasalan ni Emilia. Siguro... siguro kung hindi ka sumulpot ay malamang sa akin ikakasal si Emilia."

"Kahit hindi man sumulpot sa buhay ko si Adrian, hinding-hindi ako magpapakasal sa iyo."

"Bakit, Emilia Imperial? Magandang lalaki naman ako, matipuno at matalino. Hindi pa ba sapat iyon?" Unting-unting lumalapit si Antonio kay Emilia kaya't hinawakan siya ng kasintahan.

"Antonio, pakiusap, umalis ka na." pagmamakaawa ni Emilia, "Nakikiusap ako sa iyo."

"Gusto kong nakikiusap ka," ngumiti ito nang matamis, "ngunit hindi kita susundin." at sumeryoso ang ekspresyon ng mukha nito.

"Antonio, pakiusap, umalis ka na rito." pagsingit ni Teresa at hinila si Antonio ngunit kumalas lamang siya.

"Huwag mo 'kong utusan, Teresa!" sigaw ni Antonio.

"Hindi kita inuutusan, pinapakausapan kita." sagot naman ni Teresa.

"Itigil niyo na iyan, pakiusap. Nais ko lamang naman ng matiwasay na buhay, ng mapayapang kasal. Hindi ninyo na ginalang ang simbahan." umiiyak na sambit ni Emilia habang nakayakap sa kaniya si Adrian.

"Kung sana'y ako ang pakakasalan mo ay walang mangyayaring ganito." Naglabas ng baril si Antonio at itinapat ito kay Adrian, "Hindi natin natuloy ang ating duelo. Ituloy natin ngayon."

Umiling si Adrian, "Umalis ka na lang, pakiusap."

Hinila niya ang gatilyo ng baril na nakatapat kay Adrian, "Hindi ko nais ang pakikiusap mo."

"Mahabagin, hijo, umalis ka na rito." pagsingit ng pari ngunit hindi siya nito pinansin.

Ang mga magulang ni Emilia at Adrian ay lumapit at hinila si Antonio ngunit naiputok na ang baril.

Sa halip na si Adrian ang tamaan ay humarang si Emilia at siya ang nabaril.

"Emily! No, no, please?" Yakap-yakap ni Adrian ang kasintahang dumudugo ang kaliwang parte ng dibdib.

"Anak!" kumaripas ng takbo ang mga magulang niya sa kaniya.

"Emilia, h-hindi ko sinasadya." pag-iyak ni Antonio.

"Hayop ka talaga, Antonio!" sigaw ni Teresa.

Agad nilang binuhat si Emilia papunta sa sasakyan para dalhin sa malapit na ospital.

"Emily, no! You are not going to die. We are still going to marry. Please?"

Umubo ng dugo ang babae, "Magkikita tayong muli, Ginoong Adrian. Te amo, mi amor."

"M-mahal din kita. H-huwag mo 'kong iwan, pakiusap."

Magkikita tayong muli, aking mahal.
-

A/N:

sorry, this is so lame. feeling ko anytime dudugo na ang ilong ko HAHAHAHA.

the 2nd part has come to its end. sana'y nagustuhan niyo kahit ang corny omggg sorry naman :(( sobra akong nag-cringe habang tina-type ko 'to hehe

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top