Chapter Six

Nang mag-umaga, matapos magpaalam ni Abigail kay Mrs. Madrigal, dumiretso na ito sa kusina upang hanapin si Violy. Wala roon si Violy. Aalis na sana siya nang biglang bumungad sa pintuan si Lawrence, dire-diretsong pumasok at umupo sa dati nitong puwesto. Ipinatong nito ang mga siko sa mesa at tinapat ang mukha nito sa kanyang mga palad. Mukhang ngayon na nararamdaman ng lalaki ang epekto ng paglalasing nito kagabi.

"Violy! I need my coffee!" sigaw ni Lawrence.

Tumingin-tingin si Abigail sa paligid. Wala naman si Violy sa kusina. Napakamot sa ulo si Abigail. Siya na ba ngayon si Violy? Sige, siya na lang ang magtitimpla ng kape. Black, no sugar. Alam ni Abigail na ganoon ang gusto ni Lawrence sa kape nito.

Matapos itimpla ni Abigail ang kape, inilapag na niya ito sa mesa. Tinanggal naman ni Lawrence ang mga kamay sa pagkakatakip sa mukha nito at ininom ang kape. "Damn this headache. It feels like my head is being drilled by a bore," sabi ni Lawrence sa sarili.

"Gusto n'yo po ng paracetamol, sir?" alok ni Abigail.

Iniangat ni Lawrence ang mukha at sumalubong ang kilay nang nakita nitong nakatayo si Abigail sa tabi nito. "You're not Violy."

"Hindi po sir."

"Ikaw ba ang nagtimpla ng kape?"

Tumango si Abigail. "Opo, sir."

"Kasama na pala sa job description mo ang pagtimpla ng kape?" sarkastikong tanong ni Lawrence.

"Gusto ko lang po makatulong, sir."

"Well, I don't need your help," galit na turan ni Lawrence, tumayo at umalis sa kusina.

"You're welcome, sa pagtimpla ng kape mo," pahabol ni Abigail nang nakaalis na si Lawrence sa kusina. Siya na nga ang nagtimpla ng kape, siya pa ang sinungitan.

Dinampot na lamang niya ang kanyang bag sa counter table at lumabas na rin ng kusina. Lumabas na ng gate si Abigail at nagsimulang maglakad papalabas ng subdivision. Sa may 'di kalayuan, napansin niya ang dalawang sedan na nakatapat sa isa't isa, ang mga driver ng sasakyan ay nasa labas at mukhang nag-aaway. Hindi na niya sana papansinin 'yon ngunit nasilayan niyang si Lawrence pala ang isa sa mga nakikipagtalo. Dali-daling tinungo ni Abigail si Lawwrence nang nakita niyang mukhang magsusuntukan ang dalawa at pumagitna sa dalawang nagtatalo.

"Saglit po, Kuya!" malakas na sabat ni Abigail habang nakataas ang dalawang kamay upang awatin ang lalaking kasagutan ni Lawrence.

"Kaano-ano mo ba 'yang tarandatong 'yan?" sigaw ng lalaking mas malaki pa ang katawan kaysa kay Abigail.

"Boss ko po, Kuya," sagot ni Abigail habang hila-hila ang braso ni Lawrence papalayo sa nakaaway. "Pagpasensyahan n'yo na po. Medyo may hang-over pa kaya wala sa sarili."

"Sabihan mo 'yang amo mo, ha. Kung magpapakamatay siya, 'wag niya akong idamay!" sigaw nito bago pumasok sa sasakyan nito at umalis.

Marahas na binawi ni Lawrence ang braso nito sa pagkakahawak ni Abigail at padabog na pumasok sa sasakyan nito. Kumatok si Abigail sa salamin ng driver's seat at saka namang ibinaba ni Lawrence ang salamin. "Okay lang po kayo, sir?" nagmamalasakit na tanong ni Abigail.

"Puwede ba, 'wag ka ngang pakialamera," bulyaw nito.

"Okay na nga kayo, sir," sagot ni Abigail sa sarili niyang tanong. "Sige po sir, mauna na po ako." Hindi pa nakakalayo si Abigal nang narinig niyang bumusina ang sasakyan ni Lawrence. Nilapitan niya ito. "May kailangan po pa ba kayo, sir?"

"Get in the car. Ihahatid na kita," ma-awtoridad na utos nito.

At syempre, hindi na magawang tumanggi ni Abigail. Bukod sa makakatipid siya sa pamasahe ay makakapahinga pa siya. Nang pinaandar na ni Lawrence ang sedan nito, hindi napigilan ni Abigail ang magtanong dito. "Sir, abled na po ba kayong mag-drive?"

"Ano'ng akala mo sa akin, disabled? Of course I can drive."

"Si sir talaga, patawa," natatawang sabi ni Abigail. "Ang ibig ko pong sabihin, kung okay na ba kayo? Baka medyo lasing pa po kayo para mag-drive."

"No. I'm good. Saan kita ihahatid?"

Binanggit ni Abigail ang kanilang address. Malapit lang naman ito kung tutuusin, at madaraanan naman ang kalye nila kung sa opisina o sa hotel nito tutungo si Lawrence. Muli silang binalutan ng katahimikan. Hindi na naman nakatiis si Abigail at muling ibinuka ang bibig. "Sir, seatbelt po ninyo."

Hindi umumik si Lawrence.

Ilang minuto pa ang nagdaan at muling nagsalita si Abigail. "Iliko n'yo lang po sa susunod na kanto."

Narinig ni Abigail na bumuntong-hininga si Lawrence. "You know, hindi ka dapat pumapagitna sa dalawang lalaking nag-aaway. Baka ikaw pa ang makasalo ng suntok."

"Ay, 'yon po ba? 'Di na po kasi ako nakapag-isip nang maayos kaya po gano'n."

"Sa susunod, 'wag ka nang makialam."

"Sige po." Nang nakita na ni Abigail ang bahay nila, nagpababa na ito sa tabi. "Salamat po sa paghatid. Ingat po kayo," nakangiting sabi niya. Nang nakaalis na ang sasakyan ni Lawrence, hinawakan ni Abigail ang kanyang magkabilang pisngi at tinitigan ang papalayong sasakyan. Kahit sinungitan siya ni Lawrence, at least nagka-moment pa rin sila. Masaya na siya at kahit sa maiksing sandal ay nakasama niya si Lawrence Madrigal.

***

Nasilip ni Lawrence sa kanyang side mirror ang nurse na kanyang inihatid. Hindi pa ito pumapasok sa loob ng bahay nila at tila inaantay pa na makalayo nang husto ang sasakyan. Bumuntong-hininga na lamang si Lawrence. Matagal na niyang nakikita ang babaeng iyon na minsan ay dumadalaw sa bahay nila noong bata pa ito. Matalik na kaibigan ng kanyang lola ang lola ng babaeng iyon. Ano nga ba ang pangalan nito? Andie? Amy? Hindi niya alam. He was never good in memorizing names.

Hindi naman manhid si Lawrence para hindi niya mahalata na may gusto sa kanya ang babae. The way she looked at him longingly whenever he passed by the hall... The way she tried to catch a glimpse of him from the corner of her eye... He witnessed it all. Kaya naman madalas, hindi niya pinapansin ang babaeng iyon. He didn't date anyone he or his family employs. Maganda naman ang babaeng iyon. Frankly, he was quite shocked when he saw her again last year; she was all grown up and... pretty. Sa unang tingin, 'di mapapansin ang kagandahan nito, pero kapag tinitigan ang mukha nito nang matagal, saka mapapansin ang ganda nito.

But he never gave that girl a thought. He remained loyal and faithful to Vanessa all those years. But what did he get in return? Vanessa's unfaithfulness right smacked at his face! Damnit! It had already been a week and he still hadn't moved on.

He parked his car on his allotted parking space of the condominium and strode towards the elevator. Nang makarating na ang elevator sa palapag niya, lumabas na ito at dumiretso sa tinutuluyan. Binuksan niya ang mga ilaw at sumalpak sa sofa. Dinukot niya sa bulsa ang kanyang cellphone at tinawagan ang opisina.

Sa unang ring pa lang ay sumagot na agad ang kanyang tinatawagan. "Lisa, is there anything I need to address immediately?"

"Other than a few documents you need to sign, nothing," sagot ni Lisa sa kabilang linya. "Papasok ka ba ngayon?"

"I doubt it. Just send someone to deliver the documents. I'll sign it from here."

"And where exactly is 'here' Law?"

"My pad," tugon nito sabay pindot ng end call button. Humiga siya sa sofa at kusang pumikit ang kanyang mga mata.

Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya. Mag-aalas dose na ng tanghali nang narinig niyang bumukas ang pinto at may naglalakad papalapit sa kanya. Nang minulat niya ang kanyang mga mata, laking gulat niya na ang mukha ni James ang tumambad sa harapan mismo ng mukha niya na gahibla lamang ang layo.

"Ah fuck! What are you doing here James?" sigaw ni Lawrence.

"Just checking if you're still breathing," tugon ng kanyang pinsan. Umayos ito ng tayo at saka inabot ang hawak-hawak nitong folder kay Lawrence. "Heto, pirmahan mo at kailangan na 'yan ngayong araw."

Umupo si Lawrence at kumuha ng ballpen sa may drawer ng table na nasa tabi ng sofa. Kinuha niya kay James ang folder at binuklat ito para basahin bago pirmahan. "Bakit ka nga pala nandito? I thought Lisa will be the one to bring the papers."

"I volunteered to go here instead. Gusto kong makita kung buhay ka pa. 'Pag nagkataong natagpuan kitang hindi na humihinga, ako ang magiging sole heir ng kumpanya," biro nito.

"Yeah, yeah. You can have it. I don't give a shit"

James rolled his eyes. "Kailan ka papasok sa opisina? Nami-miss ka na ng sekretarya mo. I might ask the HR department to transfer her in my office kung hindi ka pa papasok."

"She's off limits, James," babala ni Lawrence habang pinipirmahan ang mga papel. "Don't go seducing her. It won't work." Tinitigan ni Lawrence si James. "Kababata natin si Lisa so don't you dare do anything stupid for once."

Itinaas ni James ang mga kamay. "Okay, okay. I was just kidding." Nang makita ni James na tapos na niyang pirmahan ang mga papeles, may ibang papel naman itong inabot sa kanya. "Read this"

Binasa ni Lawrence ang laman ng pahayagan at biglang nagdilim ang paningin niya. He crumpled the newspaper and threw it on the floor. "Are you here to taunt me, cousin? Kailangan mo pa ba talagang ipamukha sa akin ang pagtataksil ni Vanessa?" Laman ng pahayagan ang tungkol sa bagong love interest ng dating nobya. May kalakip iyong picture ng dating nobya at ng bagong lalake nito.

"No, Law," mahinahong sagot ni James. "I just want you to know na habang nagpapakalunod ka riyan sa alak, Vanessa is out there, openly flirting with her new boyfriend. Sino ang nagmumukhang kawawa, you think it's her?"

"Damnit! I know I'm pathetic, okay? What else do you want me to do?"

"I want you to be a man, Law, at harapin 'yang problema mo. You've been sulking around, wallowing in your self-pity. Do you think it'll bring any good to you? Move on, man."

"Madali lang 'yan sabihin para sa'yo dahil hindi ikaw ang hiniwalayan! Hindi ikaw ang nasaktan. Hindi ikaw ang pinagmukhang tanga at pinagtatawanan. Hindi ikaw ang iniwan para sa iba!" Lawrence stabbed his hands into his hair. "Hindi mo alam ang pinagdaraanan ko. Hindi mo 'ko maiintindihan."

"You're wrong, Law. I know exactly how you feel," giit ni James.

"You've been a womanizing bastard all your life, James. Ikaw ang nang-iiwan at hindi iniiwan."

"Oo, womanizer ako. Pero alam ko pa rin ang pakiramdam ng nasaktan at iniwan. At least Vanessa rejected your proposal. I was jilted by my supposed bride on the altar, remember? Or have you forgotten that little incident, cousin?"

Huminga nang malamin si Law. Oo nga pala. James was jilted by his bride a few years back. How could he forget? James was in the same depressive state that he was in right now. And he was the one who had hauled his cousin's ass back to reality. And he guessed James was doing the same for him.

"Malas yata tayo sa babae," sambit ni Lawrence.

James shrugged his shoulders. "Life's full of shit sometimes." Umupo ito sa katabing sofa. "But you don't dwell on those shits. You need to move on and get on with your life. Alam kong hindi madali 'yon. Pero 'yan ba ang gusto mo? Ang magmukmok at magpakalasing habang nagpapakasaya si Vanessa sa bago niyang lalake? Show her you weren't affected, that it's her loss nang iniwan ka niya para sa iba."

"May pagkukulang ba ako? Kaya niya ako iniwan?"

"Look Law. Both of you, with your professions, pareho kayong busy sa trabaho. Kaya nasabi ni Vanessa na nawawalan ka ng oras para sa kanya, which prompted her to look for someone else. I'm not saying what she did was right. But I guess pareho kayong may pagkukulang. Dapat no'ng una pa lang ay alam na ninyong dalawa ang magiging sitwasyon dahil sa mga trabaho n'yo."

Isang maliit na ngiti ang ibinigay ni Lawrence. "I never knew you had that wisdom in you, James. So are you free tonight?"

"Bakit, ide-date mo 'ko?" nakangising tanong ni James.

"Not on your life. Kailangan ko ng kasamang uminom," sagot nito na ginantihan naman ng buntong-hininga ng pinsan niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top