Chapter 30

Chapter 30: Ate Krix And Kuya Krix

Third Point Of View
Hawak-hawak ng isang babae ang isang litrato. Galit na galit syang tinititigan iyon. Bigla nalang kumuyom ang kanyang kaliwang kamay habang nakatingin dito.

“No!... No! Hindi ako makakapayag na mawala lang sa wala lahat ng pinaghirapan ko!”

Galit na saad nito at pinag punit-punit ang litrato na hawak nya. Tinapon nya iyon sa sahig hindi pa sya nakuntento at inapak-apakan nya pa ito. Nang makuntento sa ginawa nya ay tinigil na nya ang pag kaapak sa litrato.

“Tandaan nyo hindi kayo magiging masaya habang nabubuhay ako! Gagawa at gagawa ako ng paraan hindi lang kayo mabuo”

Saad nito habang nakatingin sa litrato na punit-punit na. Bumukas ang pintuan ng kanyang silid. Sinalubong naman nya ang pumasok at niyakap at humalik sya sa pisnge nito.

Aesha Point Of View
Nakahinga kami ng malawak nawala namang nangyareng masama kay Risha. Kulang lang naman daw sa pahinga ang bata at sa pag kain kaya nahimatay. Hindi narin naman sya icinonfine sa hospital.

“Sige na Mark at Aesha alam ko naman na mag kikita kayo sa park. Sige na alam kong may lakad kayo. Uuwi na kami ni Risha para makapag pahinga na sya” saad nito at humalik sa pisnge ni Mark.

“Mag iingat kayo” saad pa nito at yumakap sa akin. Yumakap naman ako sa kanya pabalik. Humiwalay naman ako agad sa yakap.

“Sige mauna na kami” nag pa alam na rin ako kay Risha. Yumakap at humalik pa nga ito sa akin bago sumakay sa kotse kasama ang lola nya.

“Saan tayo?” tanong sa akin ni Mark.

“Arcade?” patanong na sagot ko sa kanya. Ngumiti naman sya at hinila ako papunta sa kotse nya. Pinag bukas naman nya ako ng pinto.

Agad naman akong pumasok doon. Pag kapasok ko ay sinarado naman nya ang pinto at umikot para sumakay narin. Agad kong inayos ang seatbelt ko. Ganon rin naman si Mark at pina andar na nya ang kotse.

“ Mark diba may trauma ang mama mo? Mabuti naman at nakarecover na sya” pag oopen ko ng usapan sa aming dalawa. Masyado kasi kaming tahimik habang tinatahak namin ang daan papunta sa lugar na di ko alam kung saan kami pupunta.

“Nag papasalamat nga ako at nakarecover na sya. Anim na taon syang natrauma sa aksidenteng iyon Aesha pero teka paano mo nalaman? Hindi ko naman naiikwento sayo ang mama ko hindi ba?” nag tatakang saad nito. Napatakip naman ako ng bibig ko dahil doon.

Tinignan ko sya nakakunot ang noo nito. Inalis ko ang kamay ko na nakatakip sa bibig ko. Huminga ako ng malalim ano pa bang magagawa ko eh nasabi ko na edi sabihin ko nalang din sa kanya kung paano ko nalaman.

“Minsan kasi naming napag usapan ni Axel. Nung nag picnic kami sa isang lote yung lote na gagawing subdivision ng kompanya nyo” saad ko pa. Ilang minuto syang hindi sumagot kaya tumingin na ako sa kanya.

“Mark Galit ka ba? Hindi naman namin sinasadya na pag usapan iyon eh...” saad ko habang malungkot na nakatingin sa kanya. Sinulyapan nya ako saglit at binalik naman nya agad ang tingin sa daan.

“Hindi naman ako galit Aesha... Ang akin lang kung may gusto kang malaman sa akin mo nalang dapat tinanong handa naman akong sautin iyon eh” saad nya.

Napatahimik naman ako dahil doon. Totoo naman kasi ang sinabi nya dapat talagang sa kanya nalang ako nag tanong dahil buhay nya iyon.

“Sorry talaga Mark... Promise hindi na mauulit” saad ko na nakataas paang kanang kamay ko na animong namamatang makabayan.

“Oo na hindi naman kita matitiis eh” saad nya pa na nag pangiti sa akin.

“Salamat Mark... Pwede ba akong magtanong may gusto kasi akong malaman” tanong ko sa kanya at nakatingin lang ako sa kanya.

“Sige... Ano ba iyon?”

“Kanina kasi nabanggit ng mama mo na namatay ang ate mo na syang ina ni Risha... Ano bang pangalan nya?” tanong ko dito. Nakita ko pa na bumontong hininga sya.

“Kung ayaw mong sagutin ok—”

“Kambal ang unang anak ni mom at dad iyon ay sina Ate Krix at Kuya Krix ngalang sa kasamaang palad binawian ng buhay si Kuya Krix. Si Ate Krix lang ang naiwan kaya inalagaan nila ito nang maayos. Hanggang sa isilang ako at ang nakakabatang kapatid ko. Natuwa kami lahat ng ibalita sa amin ni Ate Krix na buntis sya. Nag daan ang ilang buwan kabuwanan na ni Ate Krix ng mabalitaan namin ang aksidente na nangyare kanila mom at dad kasama ang nakakabatang kapatid namin. Ang araw na iyon ay nanganak si Ate Krix hindi nya kinaya ang panganganak kaya binawian rin sya ng buhay. Sa isang araw hindi lang isa sa mga mahal ko sa buhay ang nawala sa amin pero kahit na ganon binigyan naman kami ni Ate Krix ng isang bagay na makakapag paalala sa kanya at iyon si Risha kaya inalagaan namin ng sobra ang batang iyon.”

Malungkot. Iyon lang ang masasabi ko ng marinig ko ang kwento tungkol sa mama ni Risha. Hindi na pala nya nakita ang mama nya dahil ng isulang sya nito ay binawian na ito ng buhay. Sa araw na kapanganakan ni Risha ay ang araw kung saan nag kawatak-watak ang pamilya ni Mark.

Namatay ang papa nya sa aksidente ang ate nya binawian naman ng buhay dahil sa panganganak ang mama nya natrauma sa aksidente pero ngayon naka recover na na isang magandang balita at ang nakakabatang kapatid nya na hanggang ngayon ay hindi pa nila nahahanap kahit na pina niniwalaan na patay na ito six years ago pa.

“Mark anong buong pangalan ng Ate Krix at Kuya Krix mo? Parehas ba na Krix talaga ang pangalan nila?” tanong ko pa.

“Hindi... Nickname lang nila iyon. Krixandra Driyane Hanazono Song ang buong pangalan ni Ate Krix si Kuya Krix naman ay Krixander Driann Hanazono. Si Ate kasi ang may gusto na parehas na Krix ang itawag sa kanila ni Kuya kahit na hindi naman namin ito nakasama dahil ilang araw lang naman ang itinagal ng buhay ni Kuya Krix dito sa mundo. Hindi namin sya nakilala si Ate pa kaya na kakambal nya.” saad nya at hininto ang kotse.

Doon ko lang nakita na inihinto nya uto sa isang Arcade. Lumabas kami ni Mark nang kotse pinakatitigan ko ang Arcade at nakita ko ang pangalab nito na naka big letters pa na nakadikit sa taas ng pintuan nito.

'Arcade World' basa ko sa aking isipan. Sumunod naman ako kay Mark ng mag lakad sya papunta sa may pintuan papasok ng Arcade World. Pag pasok namin ay nakita naming ang iba't ibang game machine.

Agad ko namang nilapitan ang basketball machine. Na alala ko ng unang beses ko iyong malaro kasama si mama at kuya Tyron.

ΦFlashbackΦ

“Kuya! Ma!  I Want to play that!” saad ko habang nakaturo sa basketball machine. Pumunta muna kami ni kuya sa may counter nitong Arcade at bumili sya ng dalawang card.

Agad nyang iniswipe sa may machine ang card ganon rin sa katabi nito na nasa tapat nya. Hinawakan ko ang bola at nag aalinlangan na ishoot ito sa ring.

“You didn't know how to play this?” tanong ni kuya na ikinalingon ko. Ngumiti lang ako sa kanya at muling tinignan ang hawak kong bola at ring. Alam ko sa sarili ko na hindi ako marunong pero ang katawan ko alam na alam kong paano laruin iyon.

“Wow! Hindi ako makapaniwala na natalo mo ako Aesha” saad ni kuya nang matapos kami sa nilalaro namin.

ΦEnd Of FlashbackΦ

“Hey Aesha! Gusto mo ba mag laro nyan kanina kapa nakatingin dyan eh” napalingon naman agad ako kay Mark.

“May sinasabi ka Mark?” nag tatakang tanong ko.

“Kanina pa kita tinatanong kong gusto mo mag laro nyan kasi tinitignan mo” saad nya. Napalingon naman ako sa may machine ng basketball at muling tumingin kay Mark.

“Game... Pataasan tayo” yaya ko sa kanya. Ngumisi naman sya at naunang nag lakad palapit sa machine kaya sumunod naman agad ako sa kanya.

“Ako pa ang niyaya mo Aesha di ka mananalo sa akin” saad nya na ikinailing ko. Tumapat ako sa isang machine ganon rin sya. Nilabas nya ang card nya at iniswipe sa akin ganon rin sa kanya.

“Ang matalo may parusa.” saad ko at humarap na sa may machine para mag shoot. Nang tumunog ang machine at nahulog ang mga bola ay inumpisahan ko na mag shoot ng mag shoot ganon rin si Mark.

Tira lang ako ng tira ng bola at umayon naman ang mga ito sa akin. Dahil pumapasok sila sa ring. Napangiti ako ng mag umpisa na gumalaw galaw ang ring.

Woah! Ang galing!”

Ang galing nung babae!”

Oo nga pare ganyang babae ang type ko!”

Ang galing nung boy!”

Ang gwapo!”

Ang galing nilang dalawa!”

Rinig naming react ng mga tao sa paligid namin. Mukhang nakuha na namin ni Mark ang atensyon nila.

•~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~•
A/N: Please Vote And Comment! Thank you for reading this story ang please support this! I love you all!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top