Chapter 26
Chapter 26: Ice Cream
Aesha Point Of View
Ang ingay nilang dalawa. Nag kakasundo kasi sila sa lahat ng bagay. Ngayon nga napilitan akong sumama sa kanila sa mall dahil sa kakulitan nilang dalawa. Gusto daw kasi nila akong kasama.
“Anong mas bagay sa akin Cyarine? Etong pink or itong yellow?” saad ni Rhea at pinakita ang dalawang dress na above the knee. Pink ang isa at dilaw.
“I bet yellow” saad ni Cyarine. Binalik naman ni Rhea ang pink na dress at kinuha ang yellow na dress.
“Ikaw Cyarine anong bibilhin mo?” saad naman ni Rhea kay Cyarine. Ngumiti naman ito at nilabas galing sa likod nya ang above the knee na dress na kulay sky blue.
“Ikaw Aesha nakapili ka na ba ng sayo?” tanong ni Rhea. Umiling lang ako. Wala naman talaga akong balak na bumili eh. Sinamahan ko lang sila dahil pinilit nila ako eh.
“Why?” saad ni Cyarine sa akin.
“Ayaw ko lang hindi naman ako mahilig sa dress eh.” saad ko habang nasa harapan ko silang dalawa.
“Tayo na lang ang pumili ng para sa kanya Rhea” saad ni Cyarine at nauna ng tumingin ng mga dress. Napailing nalang ako.
Nag lalakad kaming tatlo papunta sa Greenwich doon kasi namin balak na kumain. Dalawang dress ang binili nila para sa akin hindi kasi sila mag kasundong dalawa kaya parehas nalang nilang binili.
Red at Black na above the knee ang dress na binili nila para sa akin. Nang makarating kami sa Greenwich ay naunang pumasok si Rhea dahil nagugutom na daw sya. Sumunod naman kami no Cyarine sa kanya.
“Ako na lang ang mag oorder” saad ni Rhea at pumunta na sa counter para mag order ng pagkain namin.
“Nameet mo na ba ang mga kapatid ni Axel?” tanong sa akin ni Cyarine habang hinihintay namin si Rhea.
“Oo nameet ko na yung dalawa nyang nakakabatang kapatid. Lalo na si Axeli... Nagiging close na nga aa akin yung batang iyon eh...” saad ko habang nakangiti. Na-aalala ko kasi kung gaano ka cute ang batang iyon pero biglang nawala ang mga ngiti ko ng ma-alala ko na nahuli nya kami ni Axel na nag kikiss nun.
“C-close kayo ni Axeli?” gulat na gulat nitong tanong sa akin. Kahit naguguluhan ay sumagot nalang ako sa tanong nya.
“Oo eh... Nagulat nga ako sa una pero cute at makulit si Axeli kaya magaan ang loob ko sa kanya” saad ko habang nakangiti.
“Ikaw palang... Kakaiba ka talaga... You're one of the kind Aesha”
“Huh? Hindi ko naintindihan?” naguguluhang tanong ko sa kanya. Medyo hindi ko kasi nagets yung sinabi nya.
“Ikaw palang kasi ang naging kaclose ni Axeli... Kahit ako hindi makalapit don... Ayaw nya sa mga babae kasi hayss hindi ko pwede sabihin eh si Axel nalang siguro ang mag sasabi sayo... Ikaw palang yung babaeng nakalapit sa kanya at naging close pa kayo” saad nya sa akin. Ayaw sa mga babae ni Axeli? Pero sa akin lumapit sya.
Siguro ang problema ni Axel ay tungkol sa pamilya kasi kahit isang beses hindi ko nakita ang mama at papa nya sa bahay nya. Dalawang beses na ako nakatungtong doon sa bahay nya pero kahit isang beses hindi ko nakita ang mama at papa nya.
“Guys nandito na order natin!” saad ni Rhea kaya napalingon kami ni Cyarine kay Rhea na ngiting-ngiti habang may dalawang waitress ang nasa likod nya at dala ang mga pag kain na inorder nya.
Nilapag iyon ng dalawang waitress sa lamesa namin. Pag katapos nun ay umalis na ang waitress at naupo na si Rhea sa isang upuan at sinimulan na namin kainin ang pizza na nasa harap namin. Habang busy sa pag kain ang mga kasama ko ay napatingin ako sa may glass window ng Greenwich.
“Mark?” saad ko at napatayo pa ako. Nagulat ang dalawa kung kasama dahil sa pag tayo ko. Nakatingin parin ako kay Mark na nasa labas at may kausap sa telepono.
“Rhea, Cyarine mauna muna ako sa inyo kailangan kong makausap ang taong iyon” saad ko at kinuha ang bag ko at mabilis na lumabas ng Greenwich.
“Aesha!” rinig ko pang sigaw nila sa pangalan ko pero hindi na ako lumingon pa. Nag palingon-lingon ako para mahanap kung saan dumaani Mark. Nandito lang sya kanina pero bakit nawala sya agad saan sya pumunta?
“Mark!” sigaw ko at patakbong lakad ang ginawa ko palapit sa kanya. Taka nyang binaba ang phone nya at tumingin sa akin.
“Aesha?” nag tatakang saad nya sa akin. Nakahinga ako ng malalim dahil sa naabutan ko sya. Hindi ko alam kung bakit pero isa sa mga gumugulo sa isip ko si Mark dahil sa pag uusap namin ni Axel tungkol sa nakakabatang kapatid nito.
“May kailangan kaba Aesha?” saad nito at nilagay na ang phone nya sa likod ng pantalon nya.
“W-wala naman... Kamusta ka? Okay na ba ang lolo mo?” tanong ko sa kanya. Ngumiti naman sya sa akin.
“Halika doon tayo sa Dairy Queen mag usap habang kumakain ng ice cream. Treat ko” saad nya sa akin. Ngumiti ako sa kanya at sabay kaming nag lakad papunta sa Dairy Queen. Pumasok kami doon at nag hanal ng pwesto.
“Oorder muna ako” saad nya at pumunta sa may counter. Hinintay ko nalang sya na makabalik. Kinuha ko ang cellphone ko na nasa bag ko kasi tumutunog iyon. Binuksan ko iyon mga messages galing kay Rhea...
From: Rhea
Asaan ka? Saan ka pumunta at bigla kang umalis?
From: Rhea
Sinong Mark yung tinutukoy mo kanina?
From: Rhea
Uuwi nalang muna kami ni Cyarine. Ingat ka nalang sa pag uwi.
Inoff ko nalang ang phone ko at binalik sa sling bag ko. Hindi ko naman gustong iwan sila sa Greenwich eh kailangan ko lang na makausap si Mark eh. Gusto kong malaman kong tama ba ang nasa isip ko.
Pero napaka imposible nun. May pamilya ako. Tunay na anak ako tunay kong kapatid si Kuya kaya imposible ang iniisip ko pero kung ganon bakit lumilitaw sa isip ko iyon.
“Aesha?” napalingon naman ako sa bumanggit ng pangalan ko. Nakaupo na sa kaharap kong upuan si Mark. Nasa tapat na naming dalawa ang malaking jar na punong-puno ng ice cream. Cookies and Cream ang flavor at may dalawang stick-o na nakatusok doon.
“Huh?” yan lang ang naisagot ko kasi naman ang lalim na ng iniisip ko at hindi ko na napansin si Mark.
“Kanina pa kasi ako nakaupo dito. Kanina pa kita kinakausap pero nakatulala ka lang may problema ba?” tanong nito sa akin. Bweset nakakahiya hindi ko talaga sya napansin.
“Sorry may iniisip lang kasi ako eh” saad ko sa kanya at hinawakan ang kutsara at sumubo na ng ice cream.
“So kamusta kana? Ang lolo mo kamusta na? Okay na ba sya?” saad ko habang kumakain ng ice cream. Nakangiti nalang syang tumingin sa akin.
“Okay lang ako... Nagising narin sa wakas si lolo... Kailangan nya lang ng pahinga at gagaling na sya ng tuluyan. Ikaw kamusta ka? Patuloy parin ba ang pang bubully sayo sa school?” saad nito sa akin.
“Ayos narin naman ako ngayon... Wala na namang nang bubully sa akin.” sagot ko sa kanya.
“Mabuti naman yun kasi wala ako doon para iligtas ka...” saad nya kaya napatingin ako sa kanya. Napangiti nalang ako. Para kasing nakakabatang kapatid ang turing nya sa akin at hindi ko alam sa sarili ko na parang gusto ko syang tawaging kuya.
“Sa una hindi kita nakilala pero nung lumapit ka nakilala kita agad Aesha... Nung una salamin lang tapoa biglang pati ayos at buhok binago mo” saad nya pa habang tinitignan ako.
“Si Rhea kasi...” saad ko at tinuon ang mga mata ko sa ice cream na kinakain ko.
“Sinong Rhea?” tanong naman nya. Oo nga pala hindi pa nya kilala si Rhea.
“Kaibigan ko sya. Nag kakilala kami nung nagising ako sa hospital. Rhiannon Mendez ang full name nya” saad ko at umayos ng upo nang maubos ko na ang ice cream na binili nya.
“Anong nangyare sayo? Bakit ka nagising sa hospital?” tanong nya hawak-hawak nya ang kutsara at tinapat iyon sa lips nya na parang nag iisip sya ng isasagot kay Mark.
“Hindi ko alam eh... Wala kasi akong ma alala nung nagising ako sa hospital kahit ang pangalan ko hindi ko alam hindi ko rin kilala si mama at kuya. Sabi nila na aksidente daw kami kaya nawalan ako ng ala-ala.” sagot ko at ngumiti ng tipid sa kanya. Kukuha ulit dapat ako ng ice cream sa jar ko ng ma alala ko na wala na palang laman iyon. Binaba ko nalang ang kutsara sa tabi nito.
“Gusto mo pa ba? Waiter!” saad ni Mark. Napatingin ako sa kanya at akmang pipigilan sya pero nginisian nya lang ako at sinabi na sa waiter ang order nya na isa pang jar ng ice cream na cookies and cream para sa akin.
“Na alala mo na ba kung paano kayo na aksidente non?” tanong nya sa akin. Umiling naman ako sa tanong nya.
“Hindi... Hanggang ngayon... Hindi ko na naman pinilit na alalahanin pa ang nakaraan ko. Kontento na ako na nandyan si mama at si kuya. Pero simula ng mag kakilala tayo may mga ala-ala akong nakikita pero malabo ang mga mukha nila minsan napapanaginipan ko pa.” saad ko sa kanya na syang ikinagulat nya.
“Sir this is you're order. Enjoy” saad ng waiter at nilapag ang isang jar ng cookies and cream. Kinuha iyon ni Mark at nilagay sa harap ko.
“Salamat” saad ko at ngumiti lang sya. Sinimulan ko na namang kainin ang ice cream na nasa harapan ko ngayon.
“Pero ayaw mo na bang ma alala kung anong nangyare sayo noon?” tanong nya kaya tinigil ko muna ang pag kain at tumingin sa kanya.
“Gusto pero parang ayaw rin kasi pakiramdam ko pag nalaman ko ang nakaraan ko may mawawala sa akin at ayaw kong mangyare iyon. Sa kabilang banda gusto kong ma alala ang nakaraan ko para malaman ko kung sino yung mga taong malalabo ang itsura sa mga ala-ala ko na nakikita ko.” saad ko sa kanya na may lungkot na tono. Yun kasi yung nararamdaman ko. Feeling ko may mawawala sa akin sa oras na malaman ko ang nakaraan ko. Natatakot ako natatakot ako na malaman kong ano ang nakaraan ko.
“Ilang taon ka nang na aksidente ka Aesha?” tanong nya pa. Binilang ko kung ilang taon na ba simula na ng magising ako sa hospital na walang ma alala na kahit ano.
“Uhmmm... 11 years old? Oo 11 years old ako nun... 17 na ako ngayon eh tapos mag 18 na ako... Anim na taon narin pala ang nakalipas simula nun hindi ko narin napansin.” saad ko. Tinignan ko naman si Mark kasi bigla syang natahimik. Pag tingin ko sa kanya gulat na gulat syang nakatingin sa akin.
“Mark? Mark may problema ba?” saad ko habang winawagayway ang kaliwang kamay ko sa harap ng mukha nya. Napapikit naman sya ng dalawang beses at tinignan ako.
“11 years old ka nang ma aksidente ka... Ganon din ang edad ni Ka—” napalingon kami ni Mark sa cellphone nya ng tumunog ito.
Ring... Ring...
“Sige sagutin muna baka mahalaga” saad ko sa kanya. Bumuntong hininga sya bago kunin ang cellphone nya at sinagot ang tawag doon. Habang busy sya sa kausap nya ay inubos ko na ang ice cream na kinakain ko.
“She's there?! Okay... Tell her wait there i'm on my way” naptingin ako kay Mark ng ibaba nya ang cellphone.
“Aesha? Halika na ihahatid na kita sa inyo... Kailangan ko na kasing umuwi” saad ni Mark. Ngumiti naman ako sa kanya at sabay kaming lumabas ng Dairy Queen. Hanggang sa makalabas kami ng mall.
“Wait me here... Kukunin ko lang ang kotse”
“Mark wag na mag tataxi nalang ako. Alam kung kailangan mo na makauwi
alam ko naman na importante yang kailangan mong gawin” saad ko kaya naman tinignan nya ako na may pag aalala.
“Are you sure? Pwede naman kitang ihatid muna bago ako dumeretso sa bahay.” umiling ako sa sinabi nya.
“Sigurado ako... Sige na... Mag tataxi nalang ako” saad ko sa kanya at naulat ako sa ginawa nyang pag yakap sa akin. Gumanti nalang din ako ng yakap sa kanya.
“Mag iingat ka.” saad nya at bumitaw ng yakap sa akin.
“Ikaw rin...” saad ko at nag wave sa kanya bilang pamama alam.
•~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~•
A/N: Hi! To the one who reading this! Yes you! I'm appreciate that you reading this story! Thank you so much!
Sarang haeyo!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top