Chapter 25

Chapter 25: Tug Of War?

Aesha Point Of View.
Asan na ba yun? Kanina pa ko paikot-ikot dito sa school kakahanap kay Axel pero wala... Di ko sya makita. Kahit sa tambayan ng Mythical 5 eh wala sya.

Umuwi ba sya? Dumeretso ako sa parking lot para tignan kong andun ang kotse nya. Nang makarating ako sa parking lot ay nandun naman ang kotse nya kaya sigurado akong nandito lang sya sa loob ng school.

Bigo na naman akong naglakad papunta sa main building para ikutin na naman sa pangalawang pagkakataon ang building para hanapin si Axel. Pasalamat sya at wala akong klase ngayon kaya malaya akong hanapin sya.

“Nasaan kana ba?” saad ko habang pilit sinisilip ang isang bintana para tignan kong nasa loob ba sya nun. Inilayo ko ang mukha ko sa bintana na walang Axel akong nakita.

Asan na ba kasi iyong mokong na iyon. Saan na naman sya pumunta at parang pinapahirapan nya ako na hanapin sya? Hindi naman nya siguro sinadya ito. Di naman nya siguro inutos kay ma'am ito.

“Hahhhh!” halos lumabas na ang lalamunan ko dahil sa pagsigaw ko dahil sa gulat.

“Shhh... Shut up” saad nito at tinakpan nya ang bibig ko gamit ang palad ng kamay nya. Gulat na gulat akong nakatingin doon. Sino ba naman kasing hindi sisigaw kong hindi hahawakan ka bigla sa braso mo.

“Nagulat ba kita?” tanong pa nito. Inalis ko ang kamay nya na nakatakip sa bibig ko. Asar ko naman syang tinignan.

“Hindi pa ba halata? Ano bang kailanga mo sa akin?!” saad ko habang may inis sa kanya. Pinulot ko ang brown envenlope na nabitawan ko kanina dahil sa gulat sa kanya.

“I'm sorry... Hindi ko naman intensyon na gulatin ka eh...” saad nya sa akin habang nakalagay ang kanyang kanang kamay sa batok nya.

“Ano bang kailangan mo?” tanong ko na naman sa kanya. Kanina ko pa kasi tinatanong sa kany yan ngunit hindi naman nya sinasagot eh.

“I just saw you... Sino ba kasi yang sinisilip mo dyan...” saad nya at tinuro pa ang bintana kung saan ako sumisilip sa kanina. Nang tinitignan ko kung andyan ba sa loob si Axel.

“None of you're business Mr. Yrus” saad ko at tinalikuran sya para mag lakad nang muli at hanapin si Axel nang maibigay ko na ang brown envelope na ito.

Nagulat ako nang may humila na naman sa braso ko. Gulat na gulat ako at hindi ko alam ang gagawin ko ng makita ko kung gaano kalapit ang mukha naming dalawa. Kaunting galaw nalang at mag didikit na ang labi namin.

“Ano bang problema mo!” saad ko at tinulak sya. Mabuti nalang at binitawan nya ako. Hindi ko sya tinignan habang sinasabi ko iyon.

“I'm sorry... Can i come with you? Hindi ko pa kasi alam ang pasikot-sikot dito” saad nya. Tumingin ako sa kanya. Seryoso ang nakita ko sa mga mata nya.

“Wala ka bang klase Mr. Yrus?” tanong ko sa kanya. Umiling naman sya sa akin. Wala na akong choice kundi ang isama sya sa pag hahanap kay Axel.

“Masyado namanng formal ang Mr. Yrus just call me Krizzer and you are?” saad nya habang sinusundan ako ng mag lakad ako.

“Aesha...” saad ko at tumingin-tingin na naman sa may bintana nag babakasakali na nandoon na si Axel. Pero bigo na naman ako kasi wala na naman sya don. Saan ba pumunta ang isang iyon?

“Sino ba hinahanap mo?” saad nya at sinabayan na nya ko ng lakad. Hindi ko lang sya sinagot at panay parin ang lingon ko para mahanap si Axel.

“Si Collins yun ah” saad nitong kasama ko kaya napalingon ako sa kanya. Tinignan ko kung saan sya nakatingin at ayun nga nakita ko si Axel may kasamang babae.

“Aesha?! Wait for me!” sigaw nitong kasama ko ng mag lakad ako ng mabilis patungo sa pwesto ni Axel kasama ang isang babae. Ang saya pa nga nilang dalawa. Nagtatawanan pa sila na akala mo silang dalawa lang ang tao sa lugar na iyon.

“Aesha?” gulat na saad ni Axel at tumayo ng maayos. Tinignan nya ako ng maigi at biglang lumampas sa akin ang tingin nya. Mukhang kay Krizzer na sya nakatingin ngayon.

“Axel... Pinabibigay ni Ma'am Florancia ilang araw ka na daw kasing hindi pumapasok sa klase nya” saad ko at inabot sa kanya ang brown enevelope. Tinitigan nya lang iyon mas lalo ko namang inurong pa sa kanya ang envelope. Napakunot ang noo ko ng hindi parin nya kinukuha ang brown envelope na inaabot ko sa kanya.

“Bat kasama mo sya?” tanong ni Axel at tinignan ang kasama ko. Napalingon ako saglit kay Krizzer na masama ang tingin kay Axel. Anong problema nilang dalawa?

“Ahhmm... Axel sya si Krizzer Vince Yrus transferee sya kaklase ko sya sa ibang subject Krizzer sya si Axel.” pag papakilala ko sa kanilang dalawa. May humila sa akin sa gilid yung babaeng kasama ni Axel kanina.

Tinignan ko ang dalawa ang sama ng tingin nila sa isa't isa. Kung nakakapatay ang sama ng tingin kanina pa nakabulagta ang mga katawan nila at wala nang buhay. Ano ba talagang problema nila? Magkakilala ba sila?

“Mag kakakilala ba sila?” pabulong na saad ko habang pinag babalik-balik ko ang tingin kay Krizzer at Axel.

“Mag kakilalang mag kakilala... They are rival... Mag katungali sila” bulong sa akin ng babaeng kasama ni Axel. Napalingon naman ako sa kanya nginitian nya lang ako.

“I'm Cyarine Frazia Montaño. Pinsan ni Axel” saad nito at inabot sa akin ang kamay nya. Inabot ko naman iyon at ngumiti sa kanya.

“Aesha... Aesha Jae Marquez” saad ko naman. Ako ang unang bumitaw sa handshake naming dalawa. Pinsan? Mag pinsan lang sila.

Ohh ang saya mo kasi mag pinsan lang?

Oo— Ay este hindi. Ano namang pake ko kung hindi sila mag pinsan. Bweset na konsensya to. Binalewala ko ang iniisip o at tumingin kay Krizzer at Axel na nasa ganoon paring sitwasyon.

Ano ba talaga ng problema nila? Sa pag kakasabi ni Cyarine kanina mag kakompetensya silang dalawa. Mag katung gali, mag ka away kaya siguro ganyan ang tinginan nilang dalawa sa isa't isa. Hindi na ako nakatiis pa kaya lumapit na ko sa kanila.

“Axel...” saad ko at hinawakan ang ilalim ng polo ng suot nya at hinila iyon pero wala paring talab iyon nakatingin parin sya ng masama kay Krizzer.

“Axel!” hindi na ako nakatiis kaya sinigawan ko na sya. Gulat naman syang napalingon sa akin. Sinamaan ko sya ng tingin.

“Sige na kunin mo na itong envelope pinabibigay sayo to ni Ma'am Florancia” saad ko at kinuha ang kamay nya at pinahawak na sa kanya ang envelope.

“Bat ba ang sama ng tingin nyo sa isa't isa?” tanong ko pa habang nasa gitna nila akong dalawa. Umiling nalang ako ng wala akong makuhang sagot mula sa kanila.

“Sige na Axel mauna na kami ni Krizzer sa inyo” saad ko at tumalikod na sa kanya para mag lakad na palayo sa kanila ng pinsan nyang si Cyarine. Nang may humawak sa kamay ko at hinila palapit sa kanya.

“No! You were not coming with him!” saad ni Axel na nasa tonong galit pero mahinahon naman ang kanyang mukha.

“Ano bang problema mo?!” saad ko at pilit inaalis ang kanyang kamay na nakahawak sa akin. Pero ayaw nyang bitawan iyon.

“Hindi! Hindi ako papayag na sumama ka sa kanya!” sigaw pa nito habang masama ang tingin kay Krizzer na masama rin naman ang tingin kay Axel.

“Hindi mo sya mapipigilan na sumama sa akin Axel” saad ni Krizzer at hinawakan ang isang kamay ko at hinila ito pero hindi nag patinag si Axel hinila na naman nya ako pabalik sa kanya. Ano ako? Manika?

“Bitiwan mo sya Axel! Sasama sya sa akin!” matigas na saad ni Krizzer at hinila na naman nya ako.

“No! She will not going with you!” galit na saad ni Axel at hinila na naman ako. Ano ba ito nag lalaro ba sila ng Tug of War? At ako ang lubid na pinag aagawan nila?

“Aray masakit na bitawan nyo nga akong dalawa!” sigaw ko sa kanila. Pero parang wala lang sa kanila ang sinabi ko parang hindi nila ako naririnig. Ang sakit na kaya ng dalawa kong braso sa kakahila nila hindk ba sila naawa sa akin?

“Hey! Let go of Aesha nasasaktan na sya!” saad ni Cyarine at hinawi ang kamay ni Axel at Krizzer na nakahawak sa akin. Dahil sa gulat nilang dalawa ay nabitawan naman nila ako. Tinignan ko ang dalawang braso ko at medyo namumula iyon.

Mga bweset talaga itong dalawang ito. Ang sakit ah! Asar mga buang sila! Wala silang magawa. Nag laro pa sila ng Tug Of War tapos ako pa ang ginawa nilang lubid! Asar sila.

“Ouch/ What the heck!” sabay na saad nilang dalawa ng suntukin ko sa sikmura si Axel at sinipa ko naman sa tiyan si Krizzer. Ganti lang iyon no!

“Gumanti lang ako ss inyong dalawa no! Ang sakit kaya ng dalawa kong braso sa kakahila nyo! Ano akala nyo sa akin lubid? Nag laro pa kayo ng Tug Of War?!” saad ko habang ang sama ng tingin silang dalawa.

“Whahaha! What the heck! Epic! Ang epic ng face nyo!” saad nang isang boses kaya napalingon ako sa pwesto ni Cyarine. Tawang-tawa sya nakahawak pa sya sa tiyan nya at nakaturo pa ang daliri nya sa dalawang namimilipit parin sa sakit.

“Whahahaha!” hindi parin talaga tumitigil sa kakatawa si Cyarine. Tawang-tawa sya sa nangyare sa dalawa.

“Aesha!” napalingon ako at nakita lo si Rhea na tumatakbo palapit sa amin. Kasama nya ang dalawang kaibigan ni Axel na sina Trein at Yuri.

“Pare what happen to you?” tanong ni Trein habang tinutulungan si Axel na tumayo. Grabe napalakas yata ang suntok ko sa kanya.

“Krizzer?” patanong na saad ni Yuri ng makita nyang dahan-dahang tumayo si Krizzer. Nakahawak pa sya sa tiyan nya. Sinipa ko man lang sya doon kung hindi nila ako ginawang lubid hindi ko naman gagawin yan sa kanila eh.

“Nag sapakan ba kayo? Parehas kaypng napuruhan ha?” saad ni Trein at palipat-lipat ang tingin kay Axel at Krizzer ako naman tumahimik lang.

“Aesha anyare?” naguguluhang saad ni Rhea habang nakatingin parin sa dalawa. Sasagot palang ako ng si Cyarine na ang sumagot ng tanong.

“Whahah! My ghod di parin ako makarecover! Si Aesha kas sinapak nya si insan sa sikmura! Whahaha! Si Krizzer naman sinipa nya sa tiyan! Whahahah kung nandito lang kayo kanina nakita nyo kung gaano ka epic ang pag mumukha nilang dalawa! Whahaha!” saad ni Cyarine habang tumatawa. Napatingin naman sa akin na di mapakaniwala si Trein at Yuri.

“Nagawa ko lang naman kasi iyon kasi ginawa nila akong lubid eh... Hinihila nila akong dalawa.. ” saad ko habang nakangiwi.

“Amazona” saad ni Axel habang nakatingin sa akin. Napatingin naman ako sa kanya at sinamaan sya ng tingin.

“Parang di babae kung manipa” saad naman ni Krizzer kaya napatingin naman ako sa kanya at sinamaan rin siya ng tingin.

“Wow! You are unbelievable Aesha” saad ni Trein habang napapailing-iling pa.

“Hi! What's you're name? You're like an angel?” nakangiting saad ni Cyarine habang nakatingin kay Rhea na nasa tabi ko. Ngumiti naman si Rhea sa kanya.

“I'am Rhiannon Mendez just call me Rhea. Thank you for the compliment. Ikaw rin ang ganda mo!” saad nito kay Cyarine.

“Oh my ghod! Hindi pa pala ako nag papakilala sayo. I'am Cyarine Frazia Montaño. Pinsan ako ni Axel” saad ni Cyarine at nag beso-beso pa sila ni Rhea. Mukha silang mag kakasundong dalawa.

•~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~•
A/N: I hope you liked this Chapter! Thank you for reading this story and i just want you to know how to pronounce Cyarine it pronounce as 'Cayrine' . Thank you! Please support and vote this story! I love all of you very much!

Saranghaeyo! 😍😍❤❤❤😍😍

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top