Chapter 21
Chapter 21: Paper Conversation
Aesha Point Of View
Lulan na kami ngayon ng taxi at tinatahak na namin ang daan patungong school. Medyo ilang parin ako sa palda ko na above the knee. Hindi naman kasi ako sanay sa ganto eh.
Syaka di ko naman alam na gagawin ito ni Rhea. Syaka medyo di ako sanay gumamit ng make up. Kahit nga polbo hindi ako nag lalagay noon make up kaya.
“Ma'am nandito na po kayo” saad nung driver at inabutan ni Rhea ng isang libo ito bilang pangbayad. Hindi narin nya kinuha ang sukli at sabay lang kami lumabas ng taxi. Medyo kinakabahan pa ako dahil sa new look ko.
Napatingin lang ako ngayon sa harp ng gate ng AU parang ayaw ko kasi pumasok sa loob nahihiya ako. Syaka naalala ko yung ginawang pam bubully sa akin nila Jane.
“Sino sila? Ang ganda nila...” rinig kong saad ng isang estudyante habang nakatingin sa amin ni Rhea. Papasok narin sila sa loob ng school.
“Baka Transferees” saad ng kasama nito. Nagulat ako sa biglang pag hila sa akin ni Rhea kaya hindi na ako nakapalag pa sa kanya. Nang makapasok kami sa loob ay halos napunta sa amin ni Rhea ang atensyon
“Sino sila? Ang gaganda...”
“Baka mga transferees... Ang ganda nung girl na kulay brown na may highlights na red ang buhok”
“Sinong nakakakilala sa kanila? Ang gaganda...”
“Ang ganda nung girl na naka flower crown”
Narinig naming bulungan nila habang ang mga mata nila ay nasa amin parin ang tingin. Napayuko nalang ako dahil sa atensyon na binibigay nila sa akin. Noon parang hindi ako nag eexist sa eskwelahan na ito.
Palagi nila akong binubully noon lalo na ang mag kasinitahan na Jane at Kyle. Pero ngayon puro papuri ang binibigay nila sa akin na hindi naman ako sanay na lumalabas iyon sa bibig nila.
“Wag kang mahiya Aesha... Ang ganda mo kaya Chin up” bulong sa akin ni Rhea kaya napatingin ako sa kanya. Nakangiti sya kaya sinuklian ko naman ang ngiting iyon.
“Saan nga pala ang room natin Aesha?” saad nya sa akin at huminto sa kakahila sa akin. Napangiti nalang ako sa kanya. Ako naman ang humila sa kanya.
Medyo nahirapan pa ako sa una na hilain sya kasi mas matangkad sya sa akin ng kaunti. Pero nag pahila naman sya kaya hindi na ako nahirapan pa. Nang makarating kami sa tapat ng room namin ay naunang pumasok sa loob si Rhea na ikinailing ko.
Sumunod naman ako sa kanya. Halos malaglag ang panga ng mga kaklase ko nang makita nila kami ni Rhea. Lalo na si Clifford na isa sa mga nangbully sa akin noon. Yung inutusan ni Jane na halikan ako pero hindi natuloy kasi nailigtas ako sa kanya ni Thunder.
Kamusta na kaya yung kulog na iyon namimiss ko narin sya. Kamusta na kaya sya sa New York sana ayos lang sya doon. Napalingon ako sa pwesto ni Rhea nang lapitan sya ni Clifford.
“Miss transferee ka ba?” tanong nito kay Rhea. Gusto ko na tumawa dahil sa naging reaction ni Rhea. Tina asan nya lang ng kilay si Clifford na parang sinasabi nya ' Who You?'
“I don't talk to strangers” saad ni Rhea gamit ang boses nya na pag kamaldita. Ganyan ang ugali nya sa mga taong hindi nya kilala pero kung close na kayo napaka nyan... Napaa kulit.
“Ahh... Uhmm I'm Cliff—” hindi na natapos ni Clifford ang sasabihin nya ng talikuran sya ni Rhea. Gusto ko na talagang matawa sa reaction nya. Gulat na gulat sya at di mapakaniwala na tinalikuran lang sya ni Rhea.
Nang makita ako ni Rhea ay lumapit sya sa akin at doon ko nakuha ang atensyon nilang lahat. Pati na si Jane at Clifford. Sa reaction nila na nakita ko ay mukhang hindi nila ako makilala sa ayos ko.
Ganon ba kalala ang naging pag babago ko? Para hindi na nila ako makilala man lang? Para hindi nila marealize na ako si Aesha yung binubully nila? Malaki ba ang naging pag babago ko?
“Saan ka nakaupo be?” saad ni Rhea at may pahawak-hawak pa sya sa braso ko. Ngumiti naman ako at naupo sa upuan ko. Nang nakaupo na ako ay umupo naman si Rhea sa bangko na nasa tabi ng bangkong kinauupuan ko.
Kahit na nakaupo na kami ni Rhea ay nasa amin parin ang atensyon ng mga kaklase namin. Ang mga mata nila ay nakatutok parin sa aming dalawa ni Rhea. Medyo naiilang pa ako sa atensyon na binibigay nila sa amin.
Masyado na kaming center of attraction ni Rhea pero itong kasama ko parang wala lang sa kanya. Cool lang syang nakaupo sa upuan nya at nag cellphone na akala mo walang mga mata na nakatutok sa kanya.
“Wait Miss may nakaupo na dyan eh... Yung nerd namin na kakalase ... The ugly duckling in our section.” saad ni Jane at pumunta sa harap namin. Nakaturo pa sya sa upuan na kinauupuan ko.
Ako yung tinutukoy nya na Ugly Duckling ng Section A. Ano pa bang kinabigla ko dun pangit naman ang tingin nila sa akin simula noon pa wala nang pinagbago doon.
“Class back to you're seat we will start are class... Now!” saad ni Prof. Choi at pumunta sa harap kung nasaan ang lamesa nya.
“Where's Ms. Rhiannon Mendez? Can you come here at the front and introduce you're self?” saad ni Prof agad naman na tumayo si Rhea at pumunta sa harap.
Bawat hakbang nya ay nakatutok sa kanya ang atensyon ng mga kaklase ko lalo na ang mga lalake. Nang makarating sa harap si Rhea ay ngumiti sya bagoya mag salita upang ipakilala ang kanyang sarili.
“I'am Rhiannon Mendez but you can call me Rhea. 17 years living on this world. I'm transfer here because of my bestfriend... I hope i'm welcome here” saad nito nakabalandra parin ang ngiti nya.
“Of course you are welcome here Ms. Mendez... Ohhh i know you are the only transferee but who are that girl at the back sitting at the chair of Ms. Marquez?” saad ni Prof Choi. Nakatingin parin sya sa akin. Ngumiti naman ako at tumayo.
“I'am Aesha sir” saad ko at dahil doon nag bulong-bulongan na ang mga kaklase ko. Hindi sila makapaniwala nang sabihin ko iyon. Kait si Sir gulat na gulat dahil sa akin.
“Si Aesha ba yan? Ang ganda naman nya.”
“Talbog naman pala si Jane eh”
“Oo nga. Sya siguro yung girl na sinabi sa akin kanina. Yung girl na pinaguusapan ngayon sa buong campus”
“ She's perfect”
“ Quiet Class. You look beautiful today Ms. Marquez. The two of you can sit down we will going to start our class” saad ni Prof. Choi na nag patahimik sa mga kaklase ko. Bumalik narin si Rhea sa pwesto nya sa tabi ko.
15 minutes na kami sa klase ngayon. Medyo nawalan ako ng gana na makinig kay Sir kasi yung tinuturo nya napag aralan ko nung nakaraan. Nagulat kami lahat ng bumukas ang pinto ng malakas. Napatingin kami doon pati si Rhea na busy sa pag susulat ng notes nya.
“Mr. Collins you are 15 minutes late!” saad ni Prof sa kanya. Hindi sya pinansin ni Axel at dumertso lang papasok. Napailing-iling nalang si Prof dahil sa inasal ni Axel.
Napatingin tuloy ako sa kanya pero hindi ko nalang dapat ginawa kasi nag tama lang ang mata naming dalawa. Una akong umiwas dahil na alala ko lang yung nangyare nung Sabado.
It because I Like You
Ayan na naman sya umiikot na naman ang mga salitang iyan sa utak ko. Pati narin ang halik na iginawad nya sa akin ay nag lalaro sa isip ko. Napatingin ako kay Rhea ng kalabitin nya ako.
“Bakit?” mahinang saad ko baka kasi mahuli kami ni Sir at masigawan kami nyan mukhang bad mood na naman sya dahil kay Axel.
“May nag papaabot nito sayo” saad nya at inabot sa akin ang papel. Nag taka naman ako pero kinuha ko nalang iyon. Binuklat ko ang notebook ko at ginawa ko iyong pangharang para hindi mapansin ni Prof na may iba akong binabasa.
Binuklat ko ang papel. Nagulat ako sa nakalagay. Nakilala nya ako? Baliw kaba Aesha paanong hindi ka nya marerecognize kong nag tama ang mga mata nyo kanina?! Masyado kang halata. Baliw!
You look beautiful Aesha. Can we talk later?
Naka sign pen pa sya. Kaya basang-basa ko ang sulat nya. Kinuha ko ang ballpen ko at nag sulat din doon ng isasagot ko sa kanya.
You look beautiful Aesha. Can we talk later?
I don't want. Talk to you're self
Sulat ko at pasimpleng inabot ulit yun kay Rhea. Nakita ko kung paano nya ito pasimpleng inabot kay Axel. Magaling talaga sa gawaing hokage si Rhea. Hinding-hindi sya mahuhuli ni Sir sa ginawa nya.
Nakita kong kumunot ang noo ni Axel kaya humarap nalang ako sa harap para makinig kay sir kahit na wala akong gana makinig sa kanya. Naramdaman ko na may inabot na naman sa akin na papel si Rhea.
Wala akong nagawa kundi ang kunin ito. Binuklat ko ito at nagulat talaga ako sa nakasulat. Napalingon ako kay Rhea pero wala naman akong makitang reaction nya mukhang hindi nya binasa ang sulat. Sunod naman na dumako ang tingin ko kay Axel at ngising ngisi pa ito habang pa cool lang na nakaupo sa upuan nya.
Why? Are you scared that i might kiss you again? Like the way i kiss you in our house?
Bweset. Hindi naman ako takot na halikan nya eh ayaw ko lang kasi na aakwardan parin ako sa nangyare noon. Lalo na sa sinagot nya na ' It is because I Like You'
Kung ganon nagustuhan mo yung kiss nya?
Bweset kang konsensya ka! Hindi ko naman nagustuhan yun eh. Asar naman bakit pati sarili ko inaaway ko na dahil sa kanya. Bweset ka talaga Axel!
Kung ganon bat ayaw mo makipag usap kay Axel?
Oo nga naman sabagay tama rin itong si Konsensya. Sige makikipag usap ako para patunayan sa kanya na hindi ako takot pero wag nyong isipin na kaya ako makikipag usap kami gusto ko na mag kiss kami ulit ha...
Why? Are you scared that i might kiss you again? Like the way i kiss you in our house?
No i'm not scared! Okay i will talk to you later.
Sulat ko at tinupi ulit ito. Inabot ko kay Rhea ang papel at inabot naman nya agad ang papel kay Axel nang tumalikod si Prof para mag sulat sa board. Binuklat ko narin ang notebook ko at nag umpisa na mag sulat para sa mga notes na nilagay ni Sir sa Blackboard na Green naman ang kulay.
Habang busy sa pag susulat ay nilapag ni Rhea ang papel na nakatupi sa ibabaw ng notebook ko kaya. Napahinto ako sa pag susulat. Binuklat ko naman ang papel para basahin ang nakasulat doon.
So can i kiss you later?
Baliw kana talaga Axel! Napapikit nalang ako dahil nag sisimula na akong mainis kay Axel. Napaka Baliw nya talaga.
So can i kiss you later?
No! Stupid... I will just talk to you
Reply ko sa sulat nya. Tinupi ko ulit ito at inabot kay Rhea. Katulad kanina pasimple nya rin yung inabot kay Axel na ngising-ngisi pa dahil sa kagaguhan nya.
Nag paalam na si sir kaya tumayo agad kami ni Rhea para lumabas. Hindi ko na hinintay ang reply ni Axel sa sulat ko sa kanya. Baliw kasi iyon eh! Pervert! Manyakis ang walang hiya!
Ginusto mo naman yung kiss nya eh
Bweset kang konsensya ka tumahimik ka nga dyan! Hindi ko nagustuhan iyon no! Asar!
Hindi nagustuhan? Pero hindi mo naman sya tinulak nung hinalikan ka nya.
Saad na naman ni konsensya ko. Bweset oo nga naman bakit hindi ko sya tinulak noon? Asar!
“Aesha... Kayo ahhh nag susulatan pa kayo ni Collins ha... Ano yung pinag usapan nyo?” saad ni Rhea habang may pasundot-sundot pa sa tagiliran ko. Eto na nga ba ang sinasabi ko hindi ako titigilan nito.
Napa faceplam nalang ako!
•~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~•
A/N: I hope you liked this chapter guys. I'm so thankful to the one who reading this and adding this story to their reading list. You make me happy guys... Please continue reading this story... And please read also the Devil Couple that story was finished.
Saranghaeyo!!! 😍😍😍❤❤❤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top