Chapter 20
Chapter 20: Transformation
Aesha Point Of View
Monday na ngayon ibig sabihin balik skwela na naman. Sa isang araw na nagdaan walang ginawa si Rhea kundi ang kulitin ako at pilitin na nag kiss daw talaga kami ni Axel.
Oo hanggang ngayon hindi parin sya move on sa topic na iyon. Akala ko makakatakas na ako sa kanya ngayong araw dahil may pasok na pero hindi parin pala. Nalaman ko kasi kahapon na nag transfer sya sa Azian University.
Kaya wala na akong takas sa kanya. Pati nga rin si Ace nag transfer narin sa school. Si Kuya at Mama naka uwi narin kahapon dito. Di nga dapat ako papasok ngayon dahil mas gusto ko na bantayan silang dalawa para sa full recovery nilang dalawa.
Ngalang kumuha si kuya ng isang yaya para makapag bantay sa kanila ayaw daw kasi nila na mag absent ako sa school. Kaya ito ako ngayon inaayos ko na ang uniform ko para makapasok na ko sa school.
Lumapit ako sa may side table at binuksan ang isang lalagyan dun. Kinuha ko ang eyeglasses ko na wala namang grado. Mahaba ang palda ko at may kaluwagan ang blouse ko. Tinali ko na pa braid ang buhok ko na hanggang bewang ko na pala ang haba.
Nang matapos na ko ayusan ang sarili ko ay kinuha ko na ang sapatos ko. Sinuot ko na ito agad at kinuha ang bag ko. Pag katapos ay lumabas na ako ng kwarto at dali-daling bumaba.
Nakiusap pa nga si Rhea kay mama kahapon na dito muna sya tutuloy kasi wala naman daw siyang kasama sa condo nya pumayag naman si mama kasi may isa pa naman daw na kwarto. Si kuya at Ace ay mag kasama lang ng kwarto.
Kahapon nga pag uwi nila ay nakatikim nang batok si Ace kay Kuya dahil nadatnan nito na sobrang kalat ang kwarto nya. Dumertso ako sa kusina at nandoon na nga sila lahat mukhang ako nalang ang hinihintay nila.
“Good Morning ma... Good morning sa inyo” saad ko at nagkiss kay mama. Nakipag beso narin ako kay Rhea kahit na sa una ay hindi ako sanay. Sabi kasi ni Rhea yun daw ang latest na batian ng dalawang mag kaibigan.
Hindi ko alam dyan kay Rhea sumusunod kasi sya sa uso eh. Nagulat si Ace at Kuya nang makita akong nakasalamin ulit.
“Okay na yung itsura mo na walang salamin bakit nag suot ka ulit?” tanong ni Kuya. Umiling lang ako at naupo na sa tabi ni Rhea. Kinuha ko agad ang sandwich at kinagatan ito agad.
“ Pabayaan mo nalang sya Tyron...” saad naman ni Ace habang puno ang kanyang bibig ng pagkain. Yackkk!!!!
“Halikana Aesha... Una na tayong umalis” saad ni Rhea at tumayo. Hinila nya ako kaya napilitan akong tangayin ang dalawang sandwich sa ibabaw ng lamesa.
“Bakit kaba nag mamadali Rhea... 6:30 palang namam mamayang 8:30 pa ang umpisa ng klase natin” saad ko sa kanya habang nag papatangay parin ako sa kanya. Nasabi na nya kasi kung anong section nya at mag kasama kami doon.
Mag kaklase kaming dalawa kaya sobrang tuwa nito ng malaman nya na Section A rin sya. Wala na talaga akong takas sa kanya. Sigurado akong mas lala ang kakulitan nito kapag nakita nya si Axel.
Mag kaklase kami ni Axel pero minsan lang sya pumasok. Kadalasan syang nag ditch ng class o kaya nakatambay sa tamabayan ng Mythical 5. Mukha ngang dalawa sa isang linggo lang iyon pumasok at sana hindi na muna sya pumasok ngayon.
Dahil sa magiging awkward lang ako sa kanya kapag magkita kami dahil sa nangyare nung Sabado tapos nandito pa si Rhea sigurado akong mang aasar lang ito kapag nakita na nya si Axel.
Pag kalabas namin ng bahay ay nag lakad na kami palabas ng subdivisions at nag para agad-agad ng taxi. Nang pumara ang taxi ay agad nya akong hinila papasok sa loob. Pag pasok namin ay nag salita naman agad ako.
“Rhea dapat nag tricycle nalang tayo mas mura pa ang pamasahe” saad ko sa kanya pero umiling lang sya sa akin. Masyado pa namang maaga sigurado ako wala pang masyadong estudyante sa school.
“Saan po kayo ma'am?” saad ng driver sa amin. Sasagot na dapat ako kay manong na sa Azian University pero naunahan ako ni Rhea at nag taka ako sa kanyang tinuran.
“Sa Mall po tayo manong” sagot nito na ikinataka ko. Ang aga-aga pa sa mall? Anong pumasok sa isip nya? Syaka masasayang lang oras namin doon nakauniform kami kaya sigurado ako na hindi kami papasukin doon.
Ilang saglit lang nang tumigil na ang taxi. Nag bayad naman si Rhea at nauna sya lumabas. Saktong paglabas nya ay hinatak na naman ako nito palabas. Sarado pa ang mall ang aga pa kasi.
“Oh ano na yan Rhea sara—” di ko na natapos ang sasabihin ko nang hilain na naman nya ako at naglakad sya papunta sa may kanan. Hanggang sa huminto kami sa tapat ng isang salon.
Mendezallia Salon iyan ang pangalan ng Salon. Tinulak ni Rhea ang pintuan at hinila ako papasok dito. Pag pasok namin ay nag aayos na ang mga tauhan nito para mag handa sa kanilang pag bubukas.
Nginitian sila ni Rhea ganon rin ang ginawa ko. Nag tataka ako kung bakit kami nandito sa may Salon ni Rhea. Siguro may ipapayos sya pero wala na naman kailangan ayusin sa mukha nya ang ganda na nga nya eh.
“Where's my tita?” saad ni Rhea sa isang empleyado na nakatingin banda sa amin. Ngumiti sya at tinuro ang isang pintuan saktong pagturo nya dito ay ang pag bukas ng kwarto nito. Lumabas doon ang isang bakla pero aakalain mo na babae.
“Tita Ailla” saad ni Rhea at tumakbo sa pwesto nang Tita Ailla nya. Sinalubong sya nito ng yakap kaya nag yakapan muna silang dalawa.
“Is she Aesha?” tanong ni Rhea. Tumango naman si Rhea kaya lumapit sa akin si Tita Ailla nya at pinaikutan ako. Tinignan nya ako simula ulo hanggang paa na parang sinusuri nya ako.
“Maganda naman sya eh nakatago nga lang. Ayaw nya ilabas” saad nito at hinila ako at inupo sa isang upuan nakaharap ako sa salamin. Unti-unti nyang tinanggal ang buhok ko na naka braid.
Nilugay nya ito at nag slow cap sya at may tatlong lumapit sa kanya. Ang isa ay may dala na pang pedicure at manicure. Ang isa naman ay make up kits ang dala at ang isa ay yung mga gamit para sa buhok.
“Ayusan na natin sya.” saad ni Tita Ailla sa mga empleyado nya. “Darling relax kalang dyan okay?” saad sa akin ni Tita Ailla. Tumango naman ako sa kanya.
“Tita may kukunin lang ako para kay Aesha at Aesha maiwan muna kita dito... Babalik din naman agad ako” saad nya. Kaya tumango lang ako sa kanya dahil nag uumpisa na sa pag aayos sa akin ang mga empleyado ni Tita Ailla.
( 1 hour passed )
Napatingin ako sa may relo ko ng matapos sila sa pag aayos sa akin. 7:35 na ng makita ko ang oras sa aking relo. Napatingin ako sa kuko kulay red ang kulay nito at parang may nail art. Ang kuko ko naman sa paa ay nilinisan lang ayaw ko kasi palagyan ng cutics iyon.
Ang aking buhok ay kinulayan ng brown at nilagyan ng highlights na kulay pula na mas lalong bumagay sa akin. Hindi naman ako nilagyan ng makapal na make up ni Tita Ailla dahil bagay naman daw sa akin ang light make up.
Hindi nya narin ako nilagyan ng blush on dahil mapula-pula naman ang aking pisnge nababaliwala yun noo dahil sa magulo kong buhok. Nilagyan ako ng pink na lipstick ni Tita Aille hindi nya iyon kinapalan dahil bagay naman daw sa akin ang kulay pink.
Binawasan nya rin ang kilay ko at ginawaan iyon ng korte na mas bumagay sa hugis ng aking mukha. Hindi ako makapaniwala ng makita ko ang aking mukha sa salamin.
“You're so beautiful Sweetheart... Sabi ko sayo eh tinatago mo lang ang ganda mo eh...” saad ni Tita Ailla bago nya hawian ang aking buhok at iniligay sa likod ng aking tainga.
“Tita I'm here! Is she done na ba? We were going to late na kas—” saad nito na napatigil pa ng tumayo ako at harapin sya. Di ko alam kung nagustuhan nya ba o hindi dahil sa reaksyon nyang nakatitig lang sa akin.
“Rhiannon darling... Youre friend was so beautiful...” saad ni Tita Ailla at hinawakan ako sa magkabilang balikat at mas lalo pang iniharap kay Rhea. Napapikit-pikit pa sya bago ako niyakap.
“Ang ganda mo!” saad nya sa akin habang yakap-yakap ako. ” Eto pala magpalit ka” saad nya at inabot sa akin ang brown na paper bag. Sisilipin ko na muna dapat ang hawak kong paper bag nang ipag tulakan nya ako papasok ng banyo.
“Rhea...!!” saad ko pero tinulungan lang ni Tita Ailla si Rhea sa pagtulak sa akin papasok ng banyo. Dalawa sila isa lang ako kaya naipasok nila ako sa banyo. Napatingin ako sa relo ko at 7:43 na kailangan ko nang mag madali.
Kinuha ko ang palda at blouse sa loob ng paper bag at nag simula ng mag bihis. Katulad rin ito ng uniform ko ngalang above the knee ang palda at medyo hapit sa akin ang blouse. Sinilip ko ang paper bag at may medyas doon kaya kinuha ko iyon at sinuot narin.
Hanggang tuhod ko iyon. Nag mistulang korean student ako sa suot ko. Nang maayos ko ang damit ko sa paper bag ay lumabas narin ako ng banyo. Nang lumabas ako ay nahuli ko silang lahat na nakatingin sa akin.
“Hindi ba bagay? Mag papalit nalang ako... Hindi naman ako sanay na mag suot ng ganito kaikli na palda at kahapit na blouse.” saad ko at tumalikod pero boses ni Rhea ang nag pahinto sa akin.
“Hindi lang bagay Aesha... Bagay na bagay sayo” saad nito na naging dahilan kung bakit ako napaharap sa kanila.
“Rhiannon was right you are gorgeous, sexy and center of attraction” saad ni Tita Ailla na nag payuko sa akin. Hindi ko naman akalain na magiging ganito ang ayos ko.
“Sige tita thankyou! Mauna na kami malelate na kasi kami sa school” saad ni Rhea at hinawakan ako sa kamay at hinila. Bakit ba ang hilig manila nito?
“Salamat po tita Ailla!” saad ko sa kanya ngumiti naman sya sa akin at nag wave.
•~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~•
A/N: I was hoping that you are reading this story... First i was so thankful to the one who reading this story. Second thank you for the one who added my story in you're reading list you make me happy and smile guys... Third i love you all!
Saranghaeyo!!! ❤❤❤😍😍😍
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top