Chapter 18
Chapter 18: It is because I Like You
Aesha Point Of View
Nag lakad ako papunta kay Axeli. Naupo ako sa tabi nya tinignan ko ang pinapanood nya. Spongebob? Mahilig pala sya sa ganyang palabas kahit naman ako.
Nakahiligan din namin ni Kuya Tyron ang manood ng Spongebob noon. Na alala ko pa nun palagi syang bumibili nang mga laruan na spongebob at binibigay nya iyon sa akin.
“Nonna” napalingon ako kay Axeli ng marinig ko iyon galing sa kanya. Kahit naman na di ko alam kung ano ang sinabi nya pakiramdam ko naman na ako ang tinatwag nya.
“You know Hyung carried you” mahinang saad nya pero narinig ko naman. Mukhang naintindihan ko ang sinabi nya... Kinarga ako ni Axel papunta dito. Nakakahiya na talaga pangalawang beses na itong nangyare.
“Where he is?” tanong ko sa kanya. Busy parin sya sa pag kain nya ng pop corn habang nanonood ng Spongebob.
“At you're back” napalingon naman agad ako ng sabihin nya yun. Nang lumingon ako yun nga nakita ko sya. Naka jeans na blue at black na t-shirt. Simple lang ang suot nya pero ang lakas ng dating nya.
Ang gwapo ng crush mo!
Oo nga— Hindi no bweset na bulate sa utak ko. Hindi sya gwapo at lalong hindi ko sya crush magaling lang sya mag dala ng damit. Binalik ko ang tingin ko sa t.v ganon parin naman ang pinapanood ni Axeli.
“Axeli... Aesha? Mabuti naman at gising kana... Nawalan ka nanaman ng malay sa daan... Mabuti nalang at nakita kita...” saad nya. Pag katapos ko kasi makita ang mga imahe na pumasok sa isip ko ay nawalan nalang ako ng malay.
Mga imahe na malabo at hindi ko makilala kung sino. Pati narin ang panaginip ko kanina. Ang isang batang pamilyar at sinasabi nya na Ako ay sya... Sya ay ako.
“Salamat... Mukha na yata akong pabigat sa inyo” saad ko sa kanya at yumuko dahil sa sinabi ko. Totoo naman kasi palagi nalang sya ang nakakakita sa akin kapag may nangyare sa akin na masama.
Para syang Knight in Shining Armor ko. Para sya yung prinsipe na nakahandang sagipin ang kanyang prinsesa sa oras na mapahamak ito. Pero hindi ako prinsesa... Hindi ako ang prinsesa sa buhay nya.
“Hindi ka pabigat Nonna right kuya?” napatingin ako kay Axeli ng sabihin nya iyon. Ngumiti sya sa akin nagulat ako ng yakapin nya ako kaya niyakap ko sya pabalik.
“Right kuya?” ulit pa ni Axeli habang nakatingin kay Axel. Hindi ko makita kung paanong titig ang ginagawa ni Axeli.
“Y-y-yeah” saad nito na parang kinakabahan. Pag katapos nito mabitawan ang salitang iyon ay lumunok sya. Under sa kapatid.
“You heard it Nonna” nakangiting saad ni Axeli at humiwalay na sa yakap. Bumalik sya sa upo nya at nag simula na naman kumain ng pop corn at tumutok na naman sa Spongebob na pinapanood nya.
“Can we talk?” napatingin ako kay Axel na sabihin nya ito. Nag taka naman ako kung bakit nag papa alam pa sya eh pwede naman kaming mag usap... Eh nag uusap naman kami.
“The two of you are talking” saad ni Axeli habang ang mga mata nya ay nakatuon sa t.v
“Privately” maikling saad ni Axel. Tinuon nya ang focus ng mata nya sa akin. Tumango ako at tumayo na ako para mag lakad. Sinundan ko lang sya kung saan sya pupunta. Nakarating kami sa garden ng bahay nila.
“I just want to know... Bakit ka nahimatay kanina?” saad nito habang nakatalikod sa akin. Pag kasabi nya nun ay ang syang pag harap nya.
Tsismoso rin itong isang to eh... Pero may karapatan naman syang malaman sabagay sya ang tumulong sa akin nang mawalan ako ng malay tao sa daan kanina.
“Hindi ko alam... Basta dumilim ang paningin ko at nawalan na ako ng malay” saad ko. Hindi ko naman kailangan sabihin sa kanya ang buong storya ko. Wala na syang karapatan na malaman iyon dahil wala naman syang estado sa buhay ko.
“Mabuti nalang at nakita kita...” saad nya. Ngumiti naman ako sa kanya para masabi ko na nag papasalamat ako sa kanya.
“Oo nga eh... Palagi nalang ikaw ang nakakakita sa akin kapag nasa kapahamakan ako... Akalain mo naman na yung taong nambubully sa akin noon syang tumutulong sa akin ngayon." saad ko sa kanya ng nakangiti.
“Ginawa ko lang yun kasi wala akong choice kundi ang tulungan ka. Anong gusto mo pabayaan kita sa daan ng walang malay...” saad nya at pilit nyang iniiwas ang kanyang mata sa akin. Dahil dun napangisi nalang ako.
“Bakit iniiwas mo yung mata mo sa akin? Bat di mo ko matitigan” saad ko at humakbang ng isang beses patungo sa pwesto nya.
“Wag kang lumapit Aesha... Di mo magugustuhan ang gagawin ko sayo kapag humakbang kapa” saad nya na may bahid ng pag babanta sa akin.
“Kailangan ko na bang matakot?” saad ko at humakbang pa ng isang beses palapit sa kanya. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para asarin si Axel.
Yung pakiramdam ko na parang agan lang ng loob ko sa kanya. Yung pakiramdam na matagal na kaming mag kakilala at parang mag kaibigan pa kaming dalawa. Parang may malakas na enerhiya ang nararamdaman ko sa loob ng katawan ko .
Parang binibigyan nya ako ng lakas para mas lalo pang asarin si Axel. Hindi parin talaga mapakali ang mga mata ni Axel hindi parin nya ako kayang tignan sa mata ko.
“Ano Ax—” hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng maramdaman ko ang kamay nya sa bewang ko at kinabig nya ito palapit sa kanya. Palapit sa katawan nya at palapit ng kanyang labi sa aking labi.
Mulat na mulat paring ang mga mata ko habang titig na titig parin sa kanya. Nakapikit sya habang mag kalapat ang mga labi nya. Hindi ko alam ang gagawin ko naglalaban ang puso at isip ko.
Di ko alam kung sino ang susundin ko sa kanila. Sinasabi ng isip ko na itulak ko sya pero sinasabi ng puso ko na ituloy ko kasi gusto ko naman rin ang nangyayare. Hindi naglaon unti-unti kong ipinikit ang mga mata ko.
Unti-unting gumagalaw ang kanyang labi di ko alam ang gagawin ko kasi wala naman akong alam tungkol sa bagay na ito. Sinuod ko lang ang ginagawa nya. Kusang tumugon ang mga labi ko na akala mo naparang may sariling utak.
Sinuod ko ang puso ko na nagsasabi na namnamin ko nalang ang nangyayare ngayon sa amin ni Axel. Hindi ko alam kung bakit pamilyar ang mga labing ito. Para bang bahagi sya ng nakaraan ko na hindi ko maalala.
“Hyung... No—nna...” Napahiwalay kami ni Axel ng marinig namin ang maliit na boses na iyon. Gulat na gulat na nakatingin sa amin si Axeli. Naka awang pa ang bibig nya dahil sa nakita nya.
Yumuko ako dahil sa kakahiyan na nararamdaman ko. Biglang nag init ang mag kabila kong pisnge. Ramdam ko na nag bablush ako. Hindi ko na kailangan tignan pa sa salamin kung gaano kapula ang mag kabilaan kong pisnge.
Dahil sapat na ang pag iinit nang pisnge ko para malaman na sobra na ang pag kapula nito. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Axeli dahil sa nakita nya.
“Hyung... Why did you kiss Nonna?” tinaas ko na ang ulo ko sa pag kakayuko ko. Nakatingin sya kay Axel mukhang hinihintay nya ang sagot ni Axel maski ako hinihintay ko rin ang sagot nya kung bakit nya ako hinalikan.
Inaasar ko lang naman sya hindi ko akalain na hahalikan nya ako. Hindi pumasok sa isip ko na maari nyang gawin iyon. Hindi ko akalain na gagawin nya yun pero mas isang bagay ang biglang nag pagulo sa isip ko.
Bakit pamilyar ang halik nya? Hindi pa naman ako nahahalikan ng iba sya palang ang nakahalik sa akin wala nang iba pa. Pero bakit alam na alam ko na ang bawat galaw ng labi nya.
“Hyung answer my question” nabalik ako sa reyalid ng marinig ko ulit ang boses ni Axeli.
“Get in side Axeli ihahatid ko na ang Noona mo” saad ni Axel at tumalikod na para bumalik sa loob at lumabas ng bahay nila wala akong nagawa kundi ang sundan sya.
“I have to go Axeli. Don't worry bibisatahin ulit kita para makapag kwentuhan ulit tayo” saad ko at hinawakan ang ulo nya at ginulo ang buhok nya bago ko tulyang sundan si Axel palabas ng mansion nila.
Paglabas ko ng Mansion nila ay nakita ko sya na nakasandal sa kotse nya at ako nalang ang hinihintay nya na lumabas ng mansion nila. Nang makita ko ay inalis na nya ang pag kasandal nya sa kotse at tumayo ng maayos.
Binuksan nya ang pinto na nasa tabi ng driver's seat. Lumapit ako sa kanya ng makarating ako sa harap nya ay hindi muna ako pumasok at tinitigan sya. Muli na naman nyang iniwas ang mga mata namin para hindi nya ako matitigan.
“Bakit mo ako hinalikan Axel?” saad ko habang ang aking paningin ay nasa kanya parin. Ang kanyang mga mata ay sa ibang direksyon parin nakatingin. Naiinis na ako dahil binabalewala nya ang tanong ko at tahimik lang sya. Kahit na maliit lang ako kailangan ko tong gawin.
Tumingkayad ako at hinawakan ang kanya pisnge at hinarap ko sa akin. Alam kong nagulat sya sa ginawa ko pero wala na akong pake dun. Kahit na nakaharap na ang mukha nya sa akin ay pilit nya parin nyang iniiwas ang nga mata nya.
“Look at me Axel and answer my question. Why did you kiss me?” saad ko sa kanya. Nahirapan na rin ako sa pag katingkayad kaya binitawan ko na ang panga nya at inayos ang pag kakatayo ko.
“Get inside Aesha ihahatid na kita sa bahay nyo...” saad nya. Napabuntong hininga nalang ako mukhang ayaw nya sabihin sa akin wala na akong magagawa tungkol don kaya pumasok nalang ako sa loob ng kotse.
Pag pasok ko ay agad kong inayos ang seatbelt ko at pinanokd si Axel na umikot para sumakay sa kotse. Nang buksan nya ang pinto ay sumakay sya agad at inayos ang seatbelt nya at pinatakbo na ang kotse palabas ng Mansion nila.
Tumingin nalang ako sa bintana. Tahimik lang kaming dalawa. Walang nag salita sa amin hanggang sa makarating kami sa tapat ng gate ng bahay. Humiga muna ako ng malamim at tinggal ang seatbelt at hinawakan ang pintuan ng kotse at binuksan ito.
Nang bumaba ako ay nagpaalam muna ako sa kanya at sinarado ang pintuan ng kotse nya. Tumalikod na ako sa kanya at hinalungkat ang bag ko para hanapin ang susi ng bahay. Nang makuha ko ito at nagulat nalang ako ng may kumapit sa braso ko. Naging dahilan ito ng pag kahulog ng susi ng bahay sa sahig.
Napapihit nalang ako paharap sa taong may kakagawan nito. Nagulat ako dahil agad nyang inilapit ang mukha nya sa mukha ko at agad na hinalikan ako. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil sa pag kabigla.
Mabilis ang pag gawad nya ng halik sa akin hindi katulad kanina. Kasabay din nun ang sobrang bilis ng tibok ng puso ko na akala mo hinahabol sya ng siyam-siyam na kabayo sa sobrang bilis ng tibok nito.
“It is because i like you...”
Sa sobrang pagkabigla ko hindi ko na napansin na wala na si Axel sa harap ko. Tanging usok nalang ng kotse nya ang huli kong nakita. Totoo ba ang mga narinig ko hindi ba ako nag kakamali lang.
“It is because i like you...”
Mga salitang paulit-ulit na umiikot sa isipan ko na syang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay ang bilis ng tibok ng puso ko. Napahawak nalang ako sa dibdib ko kung nasaan ang puso ko. Pinakiramdaman ko ang sobrang bilis ng tibok nito.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
A/N: I hope you liked it. Please read Devil Couple tapos na po yun... Thanks! Saranghaeyo 😍😍❤❤❤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top