Chapter 15

Chapter 15: Coffee with Mark

Aesha Point Of View
Nag tataka parin ako kung ano yung importante nilang pag uusapan ni kuya. Huminga nalang ako ng malalim at pumunta sa tapat ng elevator.

Pupunta nalang muna ako ng cafeteria ng hospital para bumili ng kape. Okay lang na mag pa gabi ako ng uwi ngayon. Sabado naman bukas wala akong pasok. Makaka iwas pa ako dahil sa kakahiyan at kawalang hiyaan na ginawa ng kaklase ko kanina.

Pinindot ko ang button ng elevator. Nag hintay ako ng ilang segundo bago mag bukas ang elevator. Pag bukas nito ay nagulat ako ng makita ko si Mark. Ngumiti sya sa akin unti-unti naman akong ngumiti at pumasok sa elevator.

Tinignan ko yung mga button. Nakapindot narin naman ang first floor kaya tahimik nalang ako. Medyo nanibago ako na katabi ko ko si Mark kahit na hiningi nya ang permiso ko na pwede kaming maging mag kaibigan.

Bumukas ang elevator at sabay kaming lumubas. Mauuna na dapat akong mag lakad sa kanya ng hawakan nya ang kamay ko na syang ikinagulat ko at paghinto ng lakad ko.

“You want a coffee? Can you join me?" saad nya sa akin. Humarap naman ako sa kanya at dahan-dahang kong inalis ang pag kahawak nya sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya.

“If that you want... Sure" saad ko sa kanya. Ngumiti naman sya nag lakad na sya kaya nag umpisa narin akong mag lakad. Sinabayan ko sya ng lakad. Napansin ko na palabas kami ng hospital. Gusto ko magtanong kung saan kami mag kakape pero nanatili na lang akong tahimik.

“Sa Starbucks tayo..." saad nya habang nag lalakad kami. Tumango naman ako. Medyo naiilang parin ako na kasama sya. Kasi isa sya sa myembro ng Mythical 5 na nag pahirap sa akin at nilagay pa nila ako sa TOTM nila.

Halos isumpa ko na sila lalo na ang leader nilang si Axel pero nag laho lahat yun simula ng makita ko ang totoong ugali ni Axel kanina. Hindi naman pala sya kasama kagaya ng iniisip ko. May puso rin naman pala sya kahit papaano.

At yung tawa nya kanina nung tinanong ko kung sya ba yung nag bihis sa akin. Ang gwapo nya alam ko nung unang nakita ko sya nagwapuhan na ako sa kanya pero agad yung nawala nung nag kasagutan kami at binully nya ako.

Pero pag pakita nya lang sa akin ng kabutihan kanina lahat yun nawala at bumalik yung pag hanga ko sa kanya. Lalo na nung nakilala ko ang mga kapatid nya. Lalo na si Axeli na ayaw pa ako pa alisin kanina sa bahay nila.

“Why are you smiling like that?" bigla akong nabalik sa  reyalidad ng marinig ko ang sinabi ni Mark. Nakakahiya nahuli pa nya ako na nakangiti mg ganon. Bakit ba kasi sumulpot sa utak ko si Axel.

“Wala may na alala lang ako" saad ko sa kanya at tinignan kong nasaan na kami. Napangiti naman ako ulit nang matanaw ko na ang Starbucks. Malapit na kami ilang lakad nalang siguro.

“Mukhang masaya... Napangiti ka eh... You're look was good without you're eyeglasses. " saad nya pa. Huminga ako ng malalim dahil sa sinabi ni Mark may pumasok na naman kasi sa utak ko eh.

“You're look was better without an eye glasses."

Na alala ko na naman ang sinabi sa akin ni Axel kanina. Bakit ba kasi naalala ko sya hindi pwedeng lumala ang nararamdaman ko sa kanya hanggang crush lang to no...

So inamin mo rin na crush mo sya?

Ay bweset na bulate sa utak ko! Hindi no! Hindi ko sya crush. Wala naman akong sinabi na crush ko sya eh. Mali yung nasabi ko no...

“What's you're waiting for Aesha lets go inside..." pangalawang beses na to ahh... Ngumiti ako sa kanya at sumunod sa pag pasok nya sa starbucks. Puwesto kami ni Mark malapit sa may bintana.

Glass ang bintana kaya kita ang mga tao na nag lalakad sa labas. May mag kasintahan pa na nag lalakad ng mag kasama. Malapit narin kasi ang pasko at masaya ako na okay na si mama at kuya bago pa dumating ang pasko.

“Ma'am and sir can i take you're order?" saad ng waiter habang binibigyan kami ng menu ni Mark. Tumanggi naman ako ng iabot nya sa akin ang isang menu.

“4 Coffee Americano... Dine in ang isa at take out ang 3. Thankyou ikaw Mark?" tanong ko sa kanya.

“Black Coffee" maikling saad nya sa waiter. Ngumiti naman ang waiter at umalis na sa harap namin.

“Para kanino yung tatlong coffee?" tanong nya at tumingin narin sa labas kagaya ng ginagawa ko.

“Kay Ce at kay Tita... Yung isa baka akin nalang din..." saad ko habang nakangiti. Nag reflect naman ang itsura ko sa glass na kaharap ko.

“This is you're coffee ma'am and sir" saad ng waiter at nilapag sa harap namin ang mga inorder namin kape. Umalis naman agad ang waiter sa harap naming dalawa ni Mark.

“Kamusta na ang lolo mo... Nabanggit mo kasi kanina..." tanong ko sa kanya at humigop ng kape. Nahihiya naman ako na itanong sa kanya yun eh. Pero makulit talaga ang mga bulate sa utak ko gusto nilang malaman eh...

“He's not okay... Critical parin ang condition nya... That's why  hindi ako nakakapasok madalas sa school. I'm busy with our business." saad nya at uminom ng kapeng inorder nya. Nalungkot naman ako ng marinig sa kanya yun.

Parang may kumirot sa puso ko na parang nasaktan ako doon. Mag papasko pa naman tapos nasa critical parin ang kondisyon nang lolo nya. Nakakalungkot naman yun...

“I'm sorry for that.  I will pray for you're grandfather" saad ko at ngumiti ng mapait sa kanya. Nginitian naman nya ako.

“Thankyou... Let's go... Lets back at the hospital." saad nya at binuhat ang mga kape na ititake out ko. Nag iwan sya ng pera sa lamesa namin. Kukuha na dapat ako ng pera sa sling bag ko ng pigilan ako ni Mark.

“Treat ko to... I ask you to come with me that's why i will be the one to pay this" he said. Ghod muntik na kong mag nose bleed dun ah...

“Pero—" agad nyang pinutol ang sasabihin kong pag kontra sa gusto nyang mangyare.

“No buts lets go" saad nya at hinila na ako palabas ng Starbucks. Wala na akong magawa kong hindi ang pabayaan sya na hilain na ako palabas.

Nang makalayo-layo na kami ay binitawan narin nya ang kamay ko. Mabagal lang kaming nag lakad na dalawa.

“I heard Jane hurt you this morning" saad nya na ikinagulat ko kay napa tingin ako sa kanya nang nagtataka kung paano nya nalaman ang nangyare sa akin kaninang umaga.

“Sinabi sa akin ni Yuri" saad nya. Napatango naman ako. Naalala ko kasi na nandoon nga pala sa bahay ni Axel ang buong Mythical 5 maliban lang sa kanya. Kasi busy nga sya sa kumpanya nila dahil na sa critical na kalagayan parin ang lolo nya.

“I'm glad Axel found you..." mahinang saad nya sa akin. Napangiti nalang ako. Nasa harap na kami ng hospital. Sabay na kami ng pumasok sa loob ng hospital.

“Kring!!!"

Napalingon ako kay Mark parehas nalang din kasi naming hinintay na mag bukas ang elevator. Kinuha nya yung phone nya at nag riring ito... Iyon siguro ang tumunog tumingin muna sya sa akin bago ulit ibalik ang kanyang tingin sa phone na hawak nya.

“Bakit ayaw mong sagutin?" tanong ko sa kanya. Nakatitig parin kasi sya hanggang ngayon sa phone nya. Isa pa itong elevator ang tagal mag bukas.

“Mauna kana... I have to do something important" saad nya at ngumiti bago nya ko talikuran at mag lakad paalis. Saktong pag alis nya ay ang pag bukas ng elevator. Pumasok na ako ng elevator at pinindot ang floor kung saan ang mga room ni kuya at mama.

Malungkot kaba kasi umalis si Mark?

Oo—ay hindi no bakit naman. Bweset talagang bulate na to sa utak ko kung ano-ano nalang ang sinasabi. Bumukas ang elevator kaya tuluyan ko na itong nilisan...

Wow ang lalim nung word na lumisan. Pag labas ko ay tinungo ko muna ang kwarto ni mama. Pag bukas ko ay tulog na si mama at nakahiga naman sa sofa si tita. Lumapit naman ako kay tita at tinapik-tapik ang balikat nito.

“Bakit iha? May kailangan kaba?" saad nito habang unti-unting minumulat ang kanyang mga mata. Naupo naman ito ng maayos sa sofa na kanyang kinahihigaan.

“Pwede namang umuwi ka nalang kanina tita para nakapag pahinga ka naman... Nandito naman po ako para bantayan si mama" saad ko kay tita at naupo naman ako sa tabi nya. Ngumiti sya sa akin at hinaplos ang aking pisnge syaka sya ngumiti.

“Napaka bait mong bata Aesha napaka swerte ng mama at kuya mo sayo... Pero gusto kong bantayan ang mama mo kayo nalang kasi ang pamilya ko" saad nya pa sa akin at ibinaba na ang kanyang kamay. Ngumiti naman ako at kinuha ang isang kape na tinake out ko sa Starbucks kanina.

“Eto tita inumin  mo muna..." saad ko at inabot sa kanya ang isang kape. Ngumiti naman sya at kinuha ang kape na aking inaabot sa kanya. Nag paalam din ako na pupunta sa kabila para bigyan ng kape si Ce. Siguro naman tapos na silang mag usap ni kuya.

Nakaka curious nga yung pag uusapan nila eh... Parang napaka halaga talaga kasi pinalabas pa nila ako para lang maka pag usap sila.

Baka naman tungkol sayo yung pag uusapn nila?

Tama! Baka nga ang talino nitong bulate sa utak ko pero wala naman dapat silang pag usapan tungkol sa akin eh?

Baka may tinatago sila sayo?

Napahinto ako ng biglang sumagi iyon sa isip ko. Imposible naman na may tinatago sila sa akin. Kung meron man sigurado ako sasabihin agad sa akin ni kuya yun... Kahit si Ce kasi hindi naman nya ko kayang tiisin para hindi nya sabihin sa akin kung may tinatago nga sya sa akin.

Hays... Inalis ko nalang ang iniisip ko at pinag patuloy ko na ang pag lalakad. Pag tapat sa pintuan hindi na ko kumatok pa at binuksan nalang ito. Napatigil ako sa narinig ko

“Sya ang naging tulay kong bakit nakilala ni Aesha ang Mythical 5 at myembro si Mark ng Mythical 5" saad ni kuya.

Anong meron kay Mark at sa akin? Pati narin sa Mythical 5? Bakit nila kami pinag uusapan? Tungkol saan ba yung pinag uusapan nila. Tama kaya yung iniisip ko kanina na may tinatago sila sa akin. Totoo kaya?

“Aesha kanina ka pa ba dyan?" gulat na tanong ni Kuya Tyron sa akin. Hindi ko napansin na sa sobrang pag iisip ko napatagal ang pag kakatayo ko dito sa may pintuan. Ngumiti naman ako at umiling.

“Hindi kakarating ko lang. Kakabukas ko nga lang ng pinto hindi nyo ba napansin?" tanong ko at pumasok na sa loob at sinara ang pintuan.

“Ce kape oh..." saad ko at inabot sa kanya ang kape. Pinatong ko naman ang isang kape sa may lamesa. Kumuha ako dun ng mansanas at naupo sa isang upuan.

“Bakit tahimik kayong dalawa dyan? Ituloy nyo na yung pinag uusapan nyo kanina..." saad ko habang kinakagatan ang mansanas na hawak ko.

“Tapos na... Nag punta ka pa talaga sa Starbucks para bumili ng kape. May kape naman sa Cafeteria ng hospital. Di ka pa nagpaalam... Dapat nag pasama ka nalang kay Ace paano kung may nangyareng masama sayo? Wala kapang kasama pumunta dun?" mahabang sermon ni kuya. Napailing nalang ako sa kanya. Na operahan lang sobra na makasermon sa akin ahh...

“Hindi ahhh... May kasama naman ako" saad ko sa kanila at kumuha pa ng isang mansanas naubos ko na kasi yung kinakain ko.

“Sino? Ang tita mo ba?" tanong naman ni Ace kaya umiling ako para sabihin na hindi.

“Sinong kasama mo Aesha?" tanong ni kuya. Kaya ngumiti ako bago ko sabihin sakanila kung sino ang kasama ko kanina.

“Si Mark... Mark Hanazono" saad ko. Natahimik silang dalawa at nagulat ako nang mabitawan ni Ace ang kapeng hawak nya na kanina ay iniinum nya pa. Si kuya gulat naman sya sa sinabi ko na si Mark ang kasama ko. Ano bang meron? Kanina lang kaming dalawa ni Mark ang pinag uusapan nila. Narinig ko eh... Tapos ngayon gulat na gulat pa sila ng malaman nilang si Mark ang kasama ko.

Ano ba talagang meron?

~~~~~~~~~~~~~~~~~
Please support guys.... Kung may nag babasa man thankyou po sa inyo kung wala man... Wala na kung magagawa dun... Sa mga nag nabasa...
Belated Merry Christmas
🎉🎉🎉🎄🎄🎄🎄🎄🎉🎉🎉

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top