Chapter 14
Chapter 14: Visiting Mom and Kuya
Aesha Point Of View
Nang pumara ang taxi sa harap ng hospital ay agad na nag bayad si Ce. Pag ka bayad nya ay agad akong lumabas ng taxi. Hinantay ko muna makalabas ng taxi si Ce bago ako pumasok sa Hospital.
“Bilisan mo Ce... Gusto ko na makita si mama at si kuya" saad ko kay Ce at nag mamadali na mag lakad papunta sa elevator ng hospital na ito.
Pipindutin ko na dapat ang button sa gilid ng elevator pero bumukas na ito kaya pumasok nalang agad ako. Pumasok naman si Ce at may kasunod sya na lalake at pamilyar sya sa akin.
“Ma-mark?" mahinang saad ko. Tumingin ang lalake sa akin at iyon nga tama ang hinala ko ng makita ko ang mukha nya. Si mark nga sya ang isa sa myembro ng Mythical 5 at kaibigan rin sya ni Axel.
“Oh Aesha nagkita ulit tayo" saad nito sa akin. Busy ako sa pag titig kay Mark kaya si Ce nalang ang nag pindot kung saang floor kami bababa.
“Anong ginagawa mo dito?" saad ko naman sa kanya. Inayos nya muna ang salamin nya bago sumagot sa aking katanungan.
“Nandito kasi ang lolo ko. Teka nag bago ang ayos mo... Wala na ang makapal mong salamin na humaharang sa mukha mo" nailang naman ako dahil sa sinabi nya.
Hindi na ako na kasagot sa sinabi ni Mark dahil bumukas na ang elevator kaya lumabas na kami ni Ce. Naiwan si Mark sa loob mukhang sa taas pa naka confine ang lolo nya. Pero VIP na sa taas... Siguro VIP ang lolo nya mayaman naman sila eh.
“Ano mo yun Aesha?" napatingin naman ako kay Ce kasi seryosong-seryoso ang pag kasabi nya sa akin nun.
“Kaibigan ko lang... Syaka schoolmate ko rin sya" saad ko naman sya. Tumango-tango naman sya. Tumigil kami sa isang pintuan at binuksan nya iyon. Nginitian ko naman sya at nauna na akong pumasok sa kanya sa loob.
Napatakbo naman ako kay mama ng makitang gising na sya at nakangiti sa akin. Nasa tabi nya si tita na maluhang nakatingin sa akin. Nang makalapit ako kay mama ay niyakap ko sya agad.
“Ma... Okay ba ang operation mo?" nag aalalang tanong ko at niyakap ko sya. Hinawakan naman ni mama ang kamay ko. Umalis naman agad ako ng yakap sa kanya na marinig ko na umungol sya.
“Sorry ma..." ngumiti lang sa akin si mama. Napatingin ako kay Ce ng abutan nya ako ng upuan. Nginitian ko naman sya at kinuha ang upuan na binigay nya. Tinapat ko ang upuan sa gilid ni mama at naupo.
“Okay naman ang operation ko anak... Kamusta ang pag aaral mo? Okay ka ba sa school mo?" ngumiti naman ako kay mama para sabihin na okay lang ako. Ayaw ko na sabihin kay mama ang mga naging pam bubully sa akin ng mga kaklase ko.
Alam kong sasama lang ang loob nya kapag nalaman nya pa yun. Mas okay lang na isipin nya na okay lang ako sa school. Sana wag lang umabot sa kanila ang balita na nabully ako lalo na kay kuya.
“Si kuya po?" tanong ko kay mama.
“Sa kabila nag papahinga sya." saad ni mama. Nag pa alam naman ako kay mama na pupuntahan lang si kuya. Tumango naman sya kaya tumayo na ako at lumabas ng room.
Kumatok muna ako ng isang beses bago buksan ang pintuan. Nakita ko si kuya na mahimbing na nakahiga sa kama. Dahan-dahan naman akong lumapit doon at naupo sa upuan na nasa tabi nya.
Hanggang ngayon hindi ko parin alam kung bakit ayaw mong umuwi sa bahay at hindi mo ko kinakausap o pinapansin man lang. Pero sabi naman ni Ce na ayaw mong nasasaktan ako tapos pinabantayan mo pa ako sa kanya. Ano ba talaga ang totoo mong dahilan kung bakit ayaw mo kung kausapin.
“Aesha?... Bakit ka umiiyak?" nagulat ako ng sabihin nya yun. Unti-unti nyang minulat ang mga mata nya at tumingin sa akin.
“Gising kana... Gusto mo nang tubig o makakain?" tanong ko sa kanya at tumayo para pumunta sana sa sofa upang kunin ang isang styro nang pag kain.
“Aesha..." saad nya sabay hawak sa kamay ko. Napatigil naman ako dahil dun. Hinila nya naman yun ng mahina lang kaya bumalik ako sa pag kakaupo ko.
“Sorry..." mahinang saad nya habang naka hawak parin sa kamay ko. Hinawakan ko ang kamay nya at ngumiti.
“Wala ka namang kasalanan kuya bakit ka nag sosorry?" saad ko. Mas lumapit pa ako sa kanya at inalagay ko ang kamay nyang hawak ko sa pisnge ko. Mas lalong tumulo ang luha ko.
“Pasensya na kung tiniis kita... Matagal akong nawalan ng oras para sayo at kay mama... Nawalan ako ng oras sa pamilya natin" saad nya at hinawakan ang pisnge ko. Pinunasan nya ang bawat luhang pumapatak galing sa mata ko.
Napangiti naman ako dahil eto na... Eto na yung pagkakataon ko na hinihintay na mag kaka ayos kaming dalawa kahit na hindi ko alam ang dahilan kung bakit nya ako hindi pinapansin at umalis pa sya ng bahay. Ayaw ko na ungkatin ang tungkol dun... Ayos na ako na mag ka ayos kami ni kuya.
Miss na miss ko na sya. Ang tagal narin nung mga dati naming bonding ni kuya. Miss na miss na rin sya ni mama at ng naghihintay nyang kwarto sa bahay na siguradong magulo dahil kay Ce.
“Bakit hindi ka na nakasalamin? Sino naman ang nakapag kumbinsi sayo na wag nang mag suot ng salamin?" nakangiti nyang saad sa akin. Pinunasan ko na ang luha ko gamit ang panyo ko.
“Wala... Nag sawa na kasi ako na nakasalamin eh..." saad ko ng nakangiti.
“Nag kakasayahan kayo ahh... Pero kailangan ko kasi kayong disturbuhin... May kailangan kaming pag usapan ng kuya mo Aesha" parehas kaming napalingon ni kuya sa taong nag sabi nun. Nakatayo sa may pintuan si Ce at nakangiti sa amin ni Kuya.
Pumasok naman sya at sinara ang pintuan. Dahan-dahan pa syang nag lakad palapit sa amin. Nang makalapit ay ngumiti sya sa akin at ibanalik nya ang tingin kay kuya. Nag titigan naman silang dalawa para silang nag uusap na gamit lamang ang kanilang mga mata.
“Aesha pwede bang pumunta ka muna kay mama? Importante kasi etong pag uusapan namin... Iwan mo muna kaming dalawa" saad ni kuya. Tumango naman ako at nag lakad na palabas ng kwarto ni kuya.
Tyron Point Of View
Tahimik lang kaming dalawa ni Ace habang hinihintay na tuluyang ma isara ni Aesha ang pintuan ng kwarto ko. Hindi maaring marinig ni Aesha ang pag uusapan naming dalawa ni Ace.
“Nakita nya ang picture..." naging masama ang tingin ko sa kanya ng sabihin nya yun.
“Paano nya nakita yun" mahinahon kong saad pero bakas parin sa tono ko ang galit dahil sa sinabi nya. Alam kong alam nya ang totoo at nag usap kami na itatago nya yun para hindi mawala sa amin si Aesha.
“Naiwan ko kasi na nakakalat sa may sala natulugan ko. Kasalanan ko yun pasensya na..." saad nya sa akin. Napapikit nalang ako sa inis dahil sa sinabi nya.
“Wala tayong magagawa nakita na nya... Na alala nya ba yun? Nag tanong sya? Nakilala nya ba yung batang kasama nya?" tanong ko sa kanya. Umiling naman sya.
“Hindi naman nya nakita ng maayos. Sinabi ko nalang na ako yun o kaya ikaw kasi hindi naman nya nakita ng maayos yung picture nayun." saad nya at napatango tango naman ako sa sinabi nya.
“Asan na yung picture?" tanong ko pa sa kanya. Malay mo tinabi nya pa baka makita pa ulit ni Aesha at malintikan pa kami pag nag kataon.
“Wala na... Sinunog ko na para wala na tayong ikakaba na makita nya pa ulit iyon." napahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi nya. Akala ko okay na lahat pero bigla akong napatingin ulit sa kanya dahil sa sinabi nya...
“Mag kakilala na sila ni Mark... Sabi sa akin ni Aesha mag kaibigan daw sila..." napatahimik ako dahil sa sinabi nya. Mag ka kilala na sila? Paano nangyare yun? Hindi naman nakikipag usap si Mark at wala naman masyadong kaibigan si Aesha na malapit kay Mark paano sila nag kakilala.
Napatigil ako sa kakaisip ng may maalala ako. Pwedeng sya ang naging daan para mag kakilala ang dalawa.
“Thunder" wala sa sarili kong saad. Narinig naman ni Ace ang sinabi ko.
“Thunder? Thunder Smith kapatid ni Trein ng Mythical 5 ba ang tinutukoy mo Tyron?" nagulat naman ako dahil sa sinabi ni Ace. Kilala nya si Thunder at ang kapatid nito na kaklase ko.
“Sya ang naging tulay kong bakit nakilala ni Aesha ang Mythical 5 at myembro si Mark ng Mythical 5" saad ko naman. Tinignan ko si Ace alam kong nagets nya ang sinabi ko. Hindi pwede na maging malapit pa sila sa isa't-isa.
Hindi namin kakayanin kapag nawala sya sa piling namin... Hindi ko kakayanin...
~~~~~~~~~~~~~~~~~~
A/N: I'm sorry for the slow update. But wait... Mukhang malapit na yata lumabas ang totoong pag katao ni Aesha... Please support and vote. Muah!
Belated Merry Christmas! 🎉🎉🎄🎄🎄🎄🎄🎉🎉
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top