Chapter 13
Chapter 13: Remove her from TOTM
Axel Point Of View
Ano bang nangyare sa kanya? Punong-puno ng sulat ang katawan nya pati narin ang damit nya at ang pisnge nya. Habang nag dadrive ako ay kinuha ko ang cellphone ko.
[“Axel?"] naguguluhang saad sa akin ng kausap ko.
“Where are you?" tanong ko sa kanya.
[“At my house"] saad naman nya. Pag katapos nya sabihin yun ay pinatay ko ang tawag. Kung wala pa sila sa school. Who can be the one hurt her?
May pinindot akong button sa kotse ko at bumukas ang gate na nasa harap ng kotse ko. Nang bumukas ito ay pinaandar kong muli ang kotse ko papasok. Pinarada ko ito at bumaba ng kotse. Umikot ako para buhatin si Aesha at ilabas nang kotse.
Pag kabukas ko ng kotse ay mahimbing syang natutulog at may tumutulo pang luha galing sa mata nya. Malaman ko lang talaga kung sino ang may kagagawan nito malalagot sya sa akin. Dahil iyon ang rule na ginawa ko.
Kung ang isang tao ay kasama sya TOTM ang Mythical 5 lang ang may karapatan na manakit at mang bully sa kanya. Kung sino man ang lumabag sa rule ko ay mapaparusahan sya. Binuhat ko sya at pumasok ng bahay.
Nagulat ang tatlong katulong na kasama namin dito sa bahay. Lumapit ako isa sa mga kasambahay ko rito.
“Please changes her clothes and remove this thing at her" saad ko sa kanya at tumango naman ito sa akin. Nauna na akong umakyat para ilagay sya sa kwarto. Nang makarating ko ang kwarto ay tinulak ko ito at buti nalang ay nakabukas.
Nilapag ko sya ng dahan-dahan. Tinanggal ko ang salamin nya at nilapag sa side table. Umupo ako sa gilid ng kama na pinaglagyan ko sa kanya. Pinag masdan ko ang kamay at braso nya. May sugat sya mukhang nasagad ang ballpen na ginamit sa kanya.
Huminga ako ng malalim at tumayo na ako. Hinila ko ang kumotat kinumutan sya. May kumatok sa pintuan kaya tinignan ko iyon. Bumukas ito at ang isang katulong ang pumasok.
“Sir lilinisan na po namin sya" saad nya at tumango ako. Lumabas ako ng kwarto at dumeretso sa baba. Tinawagan ko agad si Ellen ng makarating ako sa bar section ng bahay na ito.
Kinuha ko agad ang isang baso at alak. Nilagyan ko rin ito ng yelo at tinagayan ng alak. Nang sagutin ni Ellen ang tawag ko ay hindi na ko nag dalawang isip at sinabi ko agad ang gusto kong sabihin.
“Erase Aesha in TOTM" saad ko at pinatay na ang tawag. Tinunga ko ang alak na sinalin ko sa baso na hawak ko.
“Kuya" napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. Walang gana syang nakatingin sa akin at lumapit sa pwesto ko. Tumalon sya para makaupo sa upuan.
“Who is she?" tanong nya sa akin. Mukhang alam nya na may bisita ako.
“Just a friend..." parang patanong na saad ko sa kapatid ko. Bigla syang ngumisi dahil sa sagot ko sa kanya. Limang taon na katulad nya ay mapang asar at matalas na ang utak.
“Are you sure?" tanong pa nito kaya tumango ako para mapaniwala sya sa sinabi ko. Babatukan ko na dapat sya ng dumating ang katulong na inutusan ko para asikasuhin at ayusan si Aesha.
“Tapos na po sir. May nag hahanap po sa inyo sir. Nasa may office room mo na po sila" saad nito bago umalis sa harap ko.
“You want to come?" tanong ko sa kapatid ko. Tumango naman sya at nauna pang maglakad palayo sa akin. Napa iling lang ako dahil sa ugali ng kapatid ko manang-mana sa akin.
Aesha Point Of View
Aray ko... Ang sakit ng katawan ko. Bakit ba palagi nalang nabubugbog ang katawan ko. Napakapa ako sa unan at kumot ko gusto ko pang matulog. Unti-unti ko naman minulat ang mga mata ko.
Teka hindi naman puti ang kulay ng kumot ko ahhh... Gray ang kulay nun. Napabangon ako sa pag kakahiga at pinag masdan ang buong paligid ko. Wala nga ako sa bahay wala ako sa kwarto ko. Hindi ganito kalaki ang kwarto ko. Syaka hindi all white ang kulay ng gamit ko.
Napatingin naman ako sa suot ko. Teka bakit hindi ako na ka uniform. Napayakap ako sa katawan ko? May nangyare ba sa akin. Pinakiramdaman ko yung sa baba pero wala namang masakit sa akin. Ano bang nangyare?
“Hey! Sulatan nyo ko isa lang nama akong basura!"
Basura? Basura nga pala para sa kanila ang isang katulad ko. Isa lang akong basura para sa kanila. Isang nerd na walang kwenta. Nalukot ko ang papel na hawak ko at binato kung saan. Pinunasan ko ang mga luha kong patuloy paring umaagos.
Bigla kong naalala. Biglang namuo ang mga luha sa mata ko pero pinunasan ko lang ito agad. Asan ako? Na alala ko may lalakeng nakakita sa akin. Sino sya? Saka andito siguro ako sa bahay nya. Napatingin ako sa side table. 4:30 na ng hapon. Hala! Dadalaw nga pala kami ni Ce kay mama.
Bumangon ako at inayos ang kamang pinaghigaan ko nakakahiya naman kasi sa may ari ng bahay. Pag baba ko ng kama ay may tsinelas kay sinuot ko nayun. Isang maikling short at hanggang tuhod ko ang t-shirt na puti na suot ko. Medyo hindi ako sanay sa short na suot ko pero anong gagawin ko ito ang nakasuot sa akin.
Teka... Sya ba ang nag palit ng damit sa akin?! Nakita nya?! Syaka wala na yung mga sulat sa katawan ko! Sya ba ang nag linis sa akin. Ramdam ko ang pag init ng pisnge ko dahil sa iniisip ko. Inalis ko nalang ang nasa isip ko at dahan-dahan lumabas ng kwarto.
Hala nakakaligaw saan ako dadaan? Andaming pwedeng daanan. Nakakaligaw... Sinubukan ko ang daan na nasa harap ko kaya nag lakad na ako. Limang minuto na akong nag lalakad pero parang bumabalik lang ako sa pwesto ko kanina.
Babalik nalang ako sa kwartong pinanggalingan ko pero ang daming pinto di ko na alam kung saan ang kwartong pinanggalingan ko kanina. Kaya tinuloy ko nalang ang pag hahanap kung nasaan ang hagdanan.
Ilang minuto pa bago ko matagpuan ang hagdanan. At nang sa wakas ay nakita ko narin ito. Para syang Grand Staircase yung feeling na isa kang prinsesa na nag lalakad pababa. Nasa gitna na ako ng hagdanan ng may mag salita sa likod ko. Napahawak agad tuloy ako sa gilid ng hagdanan dahil sa gulat sa kanya.
Humarap ako sa kanya at parang nakita ko na sya. Parang kilala ko pero imposeble na sya ito dahil mas bata to sa akin kaya mas bata naman to sa kanya.
“Kamukha ka ni—"
“Axel Jae Collins? Yes he's my brother" saad nya sa akin. So may kapatid pala ang demonyung iyon. Kung nandito ako sa bahay nila ibig sabihin sya yung lalakeng tumulong sa akin?
“Where he is?" tanong ko sa kanya. Syempre kailangan english dahil english ang sinagot nya sa akin kanina edi english rin tanong ko malay mo hindi nakakaintindi ng tagalog eh.
“Follow me i will bring you to him..." saad nya kaya ng maglakad sya ay sinundan ko sya agad. Nakadalawang liko kami nadaan pa namin yung part ng bahay nila na puro alak ang nakalagay. May bar section pa ang bahay nila. Ang yayaman nila.
Tumigil kami sa isang lugar na may pababang hagdan. Bumaba sya dun kaya naman sumunod ako. Pag baba namin may pintuan doon. Kumatok naman itong kasama ko doon ng tatlong beses bago buksan ang pintuan.
Nang pumasok sya ay nag dalawang isip pa ako kung susunod ba ako sa kanya. Pero sumonod parin naman ako sa kanya. Pag pasok namin nakita ko ang Mythical 5 pero kulang sila wala si Mark.
“You're visitor was awake. I see her while walking down at the stair case" saad nito. Kahit naman na marunong ako mag english. Parang dudugo parin ang ilong ko dito sa lalakeng ito.
“Thanks Axl" saad naman ni Axel sa kasama kong lalake kanina na kapatid pala nya. Mag katunog pa ang pangalan nila Axel at Axl mga mahihilig yata sa A ang mama at papa nila.
“You can sit..." malamig na boses na galing kay Axel ang narinig ko kaya agad-agad akong naupo sa sofa na nasa tabi ko kanina.
“Thankyou" saad ko sa kanya. He just nod to what i said. Putik! Pati ako napapa english narin dahil dun kay Axl at kay Axel mga englishero sila mga bweset.
“Were sorry for what happen to you. But were not the one who behind that" saad nya pa sa akin. Konti nalang dudugo na talaga ilong ko sa mag kapatid na ito.
“I know... Si Jane ang may pakana nito" saad ko habang nakayuko.
“Thankyou for telling us who is the one behind the incident happen to you. She have to be punish" saad pa nya.
“Are you Aesha?" napalingon kami lahat sa maliit na boses na iyon. Tinignan ko sya kid version pa sya ni Axel. Titig na titig sya sa akin kaya napahawak ako sa mukha ko.
“Where is my eye glasses?" gulat na saad ko.
“You're look was better without an eye glasses." napatigil ako sa pag hahanap ng salamin ko ng sabihin iyon ni Axel. Kaya tumigil nalang ako ako at humarap ulit sa batang kamukha din ni Axel.
“Hi! I'm Axeli" saad nya sa akin at tumabi sa tabi ko. Yumakap pa sya na ikinagulat ko. Pero yinakap ko nalang sya pabalik.
“Hi! You're so Cute" i said. Nang humiwalay na sya ng yakap sa akin. Ngumiti naman sya pero hindi parin talaga sya umaalis sa tabi ko.
“Axel can i have a favor?" tanong ko sa kanya habang nakatingin parin kay Axeli na humiga na sa lap ko. Tumingin ako sa mga Mythical 5 na gulat na gulat na nakatingin kay Axeli na gustong gusto na hinahawakan ko ang buhok nya.
“What is it?" tanong nya sa akin. Napangiti naman ako dahil dun. Doon ko lang napag tanto na hindi naman talaga masama ang ugali nya.
“Pwede mo ba akong ihatid sa bahay? Hindi ko kasi alam kung nasaan tayo kaya di ko alam kung paano umuwi" saad ko sa kanya. Bumangon naman si Axeli dahil sa narinig nya.
“Are you going home? Can you stay a little bit more?" saad nito at nag pa pungay pungay pa ng kanyang mga mata sa harap ko. Ang hirap tiisin ang batang ganito ka cute pero kailangan ko nang umuwi. Dadalawin ko pa si mama at kuya sa hospital ngayon.
“Please?... 5 minutes more?" tanong pa nito sa akin. Ngumiti ako at tumango sa kanya. Napangiti naman sya kaya humiga na ulit sya sa binti ko at hinawakan ang buhok nya at pinadaan ko yun sa daliri ko. Wala pang ilang minuto ay mahimbing na syang nakatulog. Dahan-dahan akong umalis sa pwesto ko.
Nilagyan ko ng unan ang ulo nya. Medyo gumalaw sya pero hindi naman nagising. Napatingin ako sa kanila. Sinenyasan ako ni Axel na lumabas na ng pinto kaya lumabas na ako.
Nasa living room na kami ng huminto sya sa pag lalakad at inabot sa akin ang bag ko at isang plastic. Tinignan ko ang laman nun ang palda at blouse ko mga bagong laba pero hindi na masyadong natanggal ang tinta ng mga panulat sa blouse ko. Nahihiya man akong itanong sa kanya ito pero gusto kong malaman.
“Ikaw ba ang nag palit ng damit ko?" mahinang saad ko pero alam kong sapat na iyon para marinig nya. Napayuko ako dahil sa kakahiyan na tinanong ko.
“Hahhaha what?!" napatingin ako sa kanya dahil sa tawang iyon. Ngayon ko lang syang narinig na tumawa at ang gwapo nya tignan habang tumatawa. Hindi ko alam ang nangyayare pero bakit parang nag slow motion ang lahat.
“No... Our maids is the one who change you're clothes" napabalik ako sa reyalidad ng sabihin nya iyon. Namula naman ang mukha ko dahil sa kakahiyan na nangyare.
“Lets go... I will drive you home..." saad nya at nag lakad palabas kaya sumunod ako sa kanya. Nagulat ako ng pag buksan nya ako ng pintuan ng kotse. Gentleman rin maman pala sya eh
“Salamat" saad ko at pumasok na sa loob. Nang makaupo ako ay sinarado na nya ang pintuan nakita ko na umikot sya at binuksan ang pintuan ng driver seat at doon sya naupo. Sinuot ko na ang seat belt ko ganon rin sya.
Tahimik lang kami sa buong byahe. Hindi ko alam kung bakit sinusulyapan ko sya. Kahit na hindi sya nakangiti bakit ang gwapo nya? Nasa lahi na ba nila yun?
“Please stop starring" saad nya sa akin na syang nag payuko sa akin. Bakit ko nga ba sya tinititigan eh nahuli nya pa tuloy ako. Nakakahiya naman.
Hindi ko alam kung bakit ang bilis naming makarating ng baha namin. Bababa na dapat sya pero pinigilan ko sya.
“Wag na ako nalang... Pero teka paano mo nalaman kung saan ang bahay ko?" nag tataka na tanong ko sa kanya. Kasi habang nasa byahe kami kanina wala naman akong nabanggit kung saan ang bahay ko kaya nag taka talaga ako.
“Huh? Hindi ba sinabi mo?" tanong nya kaya nag isip ako kung sinabi ko nga ba pero wala naman talaga akong maalala na sinabi ko sa kanya kung saan ang byahe ko.
“Wala akong ma alala na sinabi ko sayo. Hays.. Hayaan na nga lang natin salamat sa pag hatid... Ingat ka sa byahe" saad ko at binuksan na ang pinto ng kotse. Inalis ko ang seat belt at tuluyan ng bumaba ng kotse.
“Ingat ka" saad ko bago isara ang pintuan ng kotse. Nag wave ako hanggang sa mawala na sa paningin ko ang kotse ni Axel. Pumasok naman ako ng bahay. Pag pasok ko sa pinto nakita ko si Ce na nakaupo at nakayuko sya.
“Ce..." mahinang saad ko. Napatingin naman sya sa akin agad syang tumayo at lumapit sa akin. Nagulat ako ng yakapin nya ako.
“Saan ka ba galing? Kanina pa ang oras ng uwi mo pero wala ka parin. Kaya pumunta na ko sa school mo pero wala ka naman dun... Alam mo bang nag aalala na ko" saad nya habang nakayakap sa akin. Napangiti naman ako dahil may isa akong kaibigan na handang alalayan at alagaan ako.
“Syaka bakit ganyan ang suot mo?" takang tanong nya nang humiwalay ako sa kanya. Oo nga pala naka uniform ako ng umalis tapos ganito na suot ko ng umuwi ako.
“Wala may nangyare lang mabuti na ngalang at may tumulong sa akin" saad ko. Ayaw ko kasi sabihin sa kanya na nabully ako baka sabihin nya kay Kuya Tyron yun sigurado akong magagalit sya.
“Huh anong nangyare sayo? May masakit ba sayo?" nag aalalang tanong nya sa akin. Umiling lang ako at ngumiti sa kanya.
“Mag papalit lang ako. Diba sabi mo dadalaw pa tayo kay mama at kuya?" saad ko sa kanya na ikinatango nya kaya lumakad na ako paakyat ng kwarto. Nang makarating ako sa kwarto ay nilapag ko sa kama ang plastic at ang bag ko.
Nag hanap ako ng pantalon at nang t-shirt. Nag palit agad ako at kinuha ang rubber shoes ko. Humarap ako sa salamin at binuksan ang isang cabinet at kinuha ko ang isang eye glasses ko dun isusuot ko na sana ito ng may ma alala ako.
“You're look was better without an eye glasses."
Na ibaba ko ang salamin ko nang marinig ko ang boses na iyon sa utak ko. Inayos ko ang buhok ko at nag polbos lang at lumabas na ng kwarto. Pag baba ko ay naka ayos na si Ce. Nauna na akong lumabas sa kanya. Nag para kami ng taxi ayaw nya kasi gamitin yung kotse ni kuya.
Pag para namin ay pumasok na kami at na pahatid sa hospital kung saan na ka confine si mama at si kuya.
~~~~~~~~~~~~~~~~
I hope you enjoy. Please vote and comment.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top