SIMULA


"Mahal na hari sinasalakay po tayo ng mga kalaban"-sigaw ng isang kawal ng makapasok ito sa kwarto ng hari.  Kaba at matinding takot ang Naramdaman Ng kawal. Hindi nila lubos na maisip na sa isang Hindi magandang pagkakataon sila sasalakayin.

" Ihanda ang lahat ng kawal!!"- sigaw nautos ng hari sa kawal. Kita ang ang pangamba sa mukha ng Hari habang iniisip ang magiging kalagayan ng kaniyang pamilya at sinasakupan.

"Masusunod po"- paalam ng kawal at mabilis na umalis sa silid ng hari. Naihilot Ng Hari ang kaniyang sintido upang makapag isip ng maayos.

Takot ang Hari sa mangyayari sa kaniyang anak na wala palamang kamuwang muwang mundo. Tinignan niya ang kaniyang asawa Kung saan kalong kalong nito ang kanilang anak na babae.

Hindi Ito matahimik ay kanina pa umiiyak. Batid Ng Hari na nararamdaman ng anak nila ang panganib na dumating.

Dahan dahan siyang lumapit sa kaniyang magina at marahang hinaplos ang munting pisngi Ng anak. Hindi na napigilan ng reyna na maiyak dahil batid niya ang dapat mangyari. Ang anak nila. Tinignan niya Ito at aliw na aliw Ito sa paghawak sa daliri Ng ama.

Kahit alam nila na ang angkan nila ang pinakamalakas sa buong friandan ang lugar kung saan sila naninirahan. Hindi pa din mawala sa Reyna ang takot para sa mga nasasakupan nilang handang magbuwis Ng buhay para mailigtas ang kanilang pamilya.

"Magiingat ka"- basag ng Reyna sa katahimikan. Tinignan Siya ng Hari at sumilay ang isang ngiti sa pisngi nito.

"Pangako"- sagot ng hari at sa huling pagkakataon dinampian niya ng isang halik ang asawa bago magpaalam upang tumulong sa pakikipaglaban.

Katahimikan ang bumalot sa apat na silok nang silid ng Reyna. Tahimik niyang binabantayan ang anak nang Naramdaman niyang may kakaibang nanangyayari sa kaniyang paligid. Huli na nang mapagtanto niya ang nangyayari ng Naramdaman niya ang mga halaman na siyang bumalibot sa kaniyang katawan.

Isang malakas na pwersa ang siyang tumulak sa kaniya upang mapasandal sa pader at hindi makagalaw. Pilit na nag pupumiglas ang Reyna upang makawala.

Napatingin Siya sa anak na nabitawan at ngayon ay nakalagay sa kanilang kama. Bakas sa mukha ng Reyna ang matinding takot ay pagaalala Hindi para sa kaniyang sarili kundi sa kaniyang anak.

Rinig ma rinig niya ang matinis na iyak Ng anak at parang pinipiga ang kaniyang puso sa nasaksihan. Gusto niyang lapitan Ito ngunit hindi niya Kaya.

May lumabas na mga salita sa bibig na Reyna at doon lumabas ang tatlong maliliit na nilalang na siyang alam niyang makakatulong sa kaniya ngayon. Tinanguan Siya Ng tatlo at nakita niyang nilapitan Ng mga ito ang kaniyang anak.

"Protect her" utos nito sa isipan niya at bigla nalamang naglaho ang tatlong nilalang kasabay ng pagkalaho ng kaniyang anak. Isang butil Ng luha ang lumandas sa kaniyang pisngi. Ayaw niya man mawalay sa anak ngunit Ito Lang ang nararapat. Kaligtasan ang nais niya at Yun ang susundin niya.

Ramdam na nang Reyna ang panghihina. Nahulat Siya Ng bigla nalamang mas humigpit ang mga halaman sa kaniyang katawan.

"Kinagagalak kitang Makita Mahal na Reyna" isang boses ang kaniyang narinig sa kaniyang harapan. Tinignan niya Ito at doon niya nasilayan ang isang mangkukulam. Nakasuot Ito ng isang mahabang kasuutan at kapansin pansin ang pangingitim Ng labi nito.

"Pakawalan mo ako " hirap na utos Ng Reyna sa kaharap. Ngunit ngumisi lamang Ito sa kaniya at may narinig siyang salita at huli niya na napagtanto dahil ang mga halaman ay naglalabasan Ng mga matutulis na tinik na siyang tumusok sa kaniyang katawan.

"Argg..Ahhhhhhhh "- daing niya dahil sa sakit. Lumandas ang kaniyang dugo sa kaniyang katawan at ang puting kasuutan nito ay naging kulay dugo.

"Ito na ang katapusan ng angkan niyo. Ano mang oras ay unti unti kanang mamatay" Malabo. Yan ang ang nasa isip Ng Reyna dahil Hindi niya na magawang pakinggan Ng tuluyan ang sinasabi ng kaharap. Ramdam niya ang panghihina Ng pandinig at panlalabo Ng paningin.

"H-indi.." hirap na sagot ng Reyna. Pilit niyang ininag ang kaharap upang tignan ang mukha nito.

"Ito na ang huli Mahal na Reyna" bago pa tuluyang mawalan Siya Ng hininga. Sa Kauna unahang pagkakataon wala na siyang magagawa pa.

Binigkas niya ang pinakamakapangyarihang spell na siyang isinalin sa kaniya Ng kaniyang amang Hari. Ang frosting spell ito lamang ang alam niyang makakatulong sa kanila.

Hindi alam ng mangkukulam ang nangyayari nang balutin sila Ng matinding liwanag. Pagkatapos ma cast ng reyna ang spell nabalot ang paligid ng yelp. Ang mga Tao ay biglang tumigil at naging yelo. Naramdaman Ng Reyna ang unti unting paninigas ng kaniyang katawan. At SA huling pagkakataon ngumiti Siya sa kawalan bago tuluyang naging yelo

Alam niyang dadating ang panahon na magbabalik Siya at papalayain niya sila sa sumpang Ito.

___________________________________________

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top