CHAPTER 7
Can't Go Back
Ayanah POV
"Kung umuwi nalang kaya ako?" Tanong ko kila Hance. Napatingin naman sila sa akin as if they saw an alien on my head dahil sa tingin nila.
"Ayanah..I'm sorry to say but you can't" halos manlumo ako sa sinagit ni Bryle.
"Bakit Hindi? Nabubuksan niyo naman yung portal so ibig sabihin pwede niyo kong matulungang makauwi" nakangiting sabi ko. Kasi diba may mga magic sila so Kaya nilang buksan yun.
Nakita ko ang pag buntong hininga ni Bryle at paghilot ng sintido ni Hance.
"We can't open it. I'm sorry Ayanah" malungkot na saad ni Bryle.
"Bakit?"naiiritang tanong ko.
"Every 6 months lang mabubuksan ulit ang portal" halos manlumo ako sa nalaman ko.
6 months?? Ibig sabihin sa anim na buwan ay titira ako sa lugar na to?
"You don't have a choice dapat una palang hindi kana pumasok sa portal kung hindi mo mapaninindigan ang mga nangyayari sayo ngayon" napangiwi ako dahil sa sinabi ni Hance.
"Oo na kasalanan ko na" sukong saad ko.
"I will talk to the Headmaster if they can guarantee that they will accept you to the academy. Kailangan mong sumama samin pumasok doon para mabantayan ka namin araw araw"
"Haba nang hair ko, instant bodyguard yarn?" Napatahimik naman ako kaagad nang sinamaan ako nang tingin ni Hance. Itong taong to Kung mang-asar daig pa ang komediante pero kung sumeryoso daig pa ang menopausal na babae.
"This is not a joke Ayanah. Your life is at risk dahil sa katangahan mo"
"Hoy! For your information kasalanan nang kapatid mo dahil na curious lang naman ako sa portal Kaya pumasok ako"
"You should know that curiosity kills the cat? Para Kang pusa at kapag hindi ka nag-ingat mamamatay Ka!"
"You! Kung hindi lang kita kailangan hindi ako sasama sayo!" Inis nasigaw ko sa Kaniya, kanina pa ako nagtitimpi sa kaniya.
"Then go! Walang pumipigil sayo! I'm happy that you will be gone wala nang sakit sa ulo!"
"Oy oy oy.. Tama na! Para kayong mag asawa kung mag away" nanlaki ang mata ko dahil sa narinig.
"We're not!"
Tinignan ko nang matalim si Hance dahil sabay kaming sumigaw. Gaya gaya amputa!.
"Oh Diba! Sabay pa kayo! Grabeng chemistry naman to"
"Shut up!"
"Hahahaha" tawa ni Bryle nang sumabay na naman kaming dalawa. Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa inis.
"Ikaw tumahimik kana naiinis na ako!!" Duro ko Kay Hance.
"Ikaw ang tumahimik babae" aba akmang itatapon ko sakaniya ang nahawakan kong vase ng bigla nalang pinigilan ako ni Bryle.
"Tama na. Magkakasikatan pa kayo.." inagaw niya naman sa kamay ko ang vase at binalik sa kinalalagyan nito kanina.
"Ang mabuti pa, dalhin na natin siya sa palasyo Hance" napairap nalang ako sa kanya.
"Tsk. Tara na.. Baka ipatapon ko sa kumukulong lawa ang babaeng yan"
"Aba--"
"Oh! Tama na Hance!" Awat sa akin ni Bryle nang susuntukin ko sana si Hance.
Nagsimula na Kaming maglakad at nakasunod lang kami ni Bryle kay Hance na nasa unahan namin.
"Mabait ba ang Queen at King Bryle?" Kasi baka mabully ako pagnagkataon. Maging muchacha pa ako ng wala sa oras.
"No need to be afraid, mababait sila and I think magustuhan ka nila, baka gawin kapa nilang anak"
"Eh! May sira kaba? Anong anak?" Pagtatanong ko. Itong taong to hindi ko alam kung anong pumapasok sa kokote niya kahit malit lang laman nang utak niya sana may sense naman diba?
"Anak. In short daughter-in-law" napatigil ako sa paglalakad at sinamaan nang tingin si Bryle.
"Never Bryle" nandidiri kong saad at iniwan na siyang natatawa dahil sa sagot ko.
Naramdaman ko namang hinabol niya ako at tumakbo sa akin.
"I'm just kidding! hahaha... wag kang magalit" pangaasar pa niya.
"Ewan ko sayo Bryle" napailing nalang ako dahil nagsisismula naman siyang matawa.
"Magtatawanan nalang ba kayo?" Napatingin kami kay Hance nang magsalita siya at ngayon nakatingin na samin ng seryoso.
"Hahaha chill Hance, naguusap lang kami" ano namang problema nang isang to, bakit ganyan makatingin sa akin.
"Shut up Bryle!" utos niya sa kaibigan at tinignan ako nang seryoso. Napansin ko naman ang pag-akto ni Bryle na zinizip ang bibig niya, siraulo talaga.
"You! come here?" Tinuro ko ang sarili ko dahil Baka nagkamali ako nang dinig. Tinaasan niya ako nang kilay.
"Sino pa ba ang tinutukoy ko?" Napangiwi ako dahil Ito na naman siya naiinis na naman.
"Ako nga sabi" wala na akong nagawa pa at lumapit sa tabi niya. nang magkapantay na kami nagsimula na siyang maglakad ulit.
Boring... Tangina parang dinaanan kami nang libo libong anghel dahil sa subrang tahimik.
Baka mapanis ang laway nang isang to dahil magkakalahating oras na pero hindi pa siya nagsasalita habang naglalakad kami.
"Eyes on the road" napaigtad naman ako at tumingin sa nilalakaran ko. Hindi ko napansin na nakatingin napala ako sakaniya nang ganon katagal.
"Pasensya na" bulong ko.
"No need. Ayaw ko lang sumalo nang tatangang babae kapag natalisod siya dahil hindi nakatingin sa dinadaanan" sumama ang timpla nang mukha ko dahil sa narinig.
"Pasensya na ha. Hindi kasi ako nakatingin sa dinadaanan ko" pagpaparinig ko.
"Ngayon alam mo na" lintik lang. Ilang mura dapat ang masabi ko sa utak ko bago ko mapatay ang hinayupak na to.
Nakakainis na siya. I really want to go back at hindi na siya makita pa ng mga mata ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top