CHAPTER 5

New World

Ayanah POV

Nagising ako ng maramdaman kong may nakadagan sa ibabaw ko. Shit!! Mabilis akong bumangon at nakarinig nalang ako nang maliliit na daing.

"Aray! Ayanah naman hinay hinay lang kapag babangon ka" napangiwi ako sa sinabi ni Aqua.

"It's not my fault, sino ba ang natutulog sa ibabaw ng taong natutulog din?" Napaisip naman silang apat at sabay sabay na tinuro ang sarili nila.

"Kami?" Napailing nalang ako dahil wala na talagang pag asa.

"Bumalik na kayo sa necklace, mag-aayos pa ako. I need to go to school. Absent ako yesterday that's mean galit na galit na ngayon ang pinsan ko"

"Pinsan what's that?" Napatampal ako sa noo dahil bakit halos lahat hindi nila alam.

"Umalis na nga kayo! " Pagtataboy ko sa kanila. Hindi naman ako nakarinig pa ng ingay that's mean bumalik na nga sila sa loob nang necklace.

Nagsimula na akong magayos ng sarili at bumaba na. Nagtaka ako ng Hindi ko naabutan sila Mom at Dad.

"Manang sila Mom?" I ask nang makita ko siyang naghahain nang pagkain. Isang plato lang din ang nakita kong nakalagay sa mesa

"Hindi ba nila sinabi sayo?.. maaga silang umalis at sa sabado pa ang balik nilang dalawa" Napatahimik nalang ako dahil kahit pagsabi man lang sa akin hindi nila magawa.

Anak pa din naman nila ako, but why do I feel na parang hindi. Tinapos ko nalang ang pagkain ko at nagpaalam na kina manang na mauuna na ako.

Dumaan muna ako sa lumang bahay para magpahinga sandali. Maaga panaman at 9:30 pa ang start nang klase meron pa akong isang oras na vacant.

Tinawag ko sila Aqua pero ganon nalang ang gulat ko ng iba ang lumabas.

"Sino ka?" Tanong ko. Ibang FaiFairy ang nakikita ko ngayon. She's wearing a dress with a touch of a different color.

"It's us Ayanah" kumunot ang noo ko. Anong ibig niyang sabihin?

"We can be as one FaiFairy Ayanah" Kung ganon silang apat ito at naging isa lang? Napaisip naman ako ano pa kayang kaya nilang gawing apat. Simula kahapon madami nang nangyayari sa aking kakaiba dahil sa kanila.

"So what should I call you?"I ask her. Napatahimik naman siya at kita kong hindi niya din alam.

"Hmm..Lie.. I will call you Lie.. it's my second name so okay na din"bigla naman siyang ngumiti sa akin.

"Lie..I like it Ayanah" Hindi ko alam pero bigla nalang akong napangiti dahil sa sinabi niya. Ngayon ko Lang napansin ang cute pala niya kapag nagiging isa sila.

Bigla naman kaming tumahimik nang makarinig ako ng ingay.

"Ayanah there's someone here" bulong ni Lie sa akin. Tinanguan ko naman siya at sininyasang tumahimik. Nagtago kami sa likuran nang fountain at hinintay ang taong yun but to my surprise hindi ko aakalain na siya ang makikita ko.

Her looks it's not the same the way I saw her last time. Wala na ang suot niyang glasses at bagsak na bagsak ang buhok niya. Ngunit ang nakaagaw nang pansin sakin ang isang nilalang na katulad na katulad kay Lie.

Nakasunod lamang ito sa kaniya at tahimik silang naguusap na dalawa.

Tinignan ko ang ginagawa niya at nagtaka ako dahil may binibigkas siyang mga salita na Hindi ko maintindihan.

"Lie naiintindihan mo ba ang sinasabi niya?" Bulong ko Kay lie. She just nodded her head, that's mean she can understand different language?

"She's making a portal"

Portal? Kung ganon she also have a magic. Bigla nalang nagkaroon nang liwanag ang paligid at napalunok ako sa kaba nang may makita akong isang lagusan na lumitaw sa harapan niya.

She went inside and her FaiFairy.  Tinanguan ko naman si Lie at lumapit kami sa portal.

"Papasok ba tayo?"I ask her.

"Kung ano ang decision mo, susunod kami" dahil sa sinabi niya walang pag-aalinlangan akong pumasok at halos gusto kong masuka dahil sa matindig pagkahilo.

"Wahhhhhhhhhh" sigaw ko nang bigla nalang akong bumagsak sa lupa.

"Aray! N-abalian yata ako" bulong ko habang hawak hawak ang balakang ko. Shit ang sakit nang pagkabagsak ko. parang gusto kong magpatingin kaagad sa masahesta baka maayos pa. tangian ang sakit eh!

"Ayanah okay kalang?" Pagaalalang tanong ni Lie. Tinanguan ko nalang siya dahil baka mag alala pa siya lalo sa akin.

tumingin ako sa paligid at Hindi ko alam kung saan kami napadpad ni Lie.

"Mukhang dapat pala hindi na tayo pumasok Lie"

"Mukhang tama ka Ayanah, nakakatakot na dito" bigla nalang siyang lumapit sa akin at umupo sa balikat ko.

I think we are inside of the forest. Halos Puno Lang ang nakikita ko at wala nang iba. Kaunti lang din ang liwanag na pumapasok mula sa araw papunta dito sa loob ng gubat.

"We should fined something Lie para makalabas tayo dito" bulong ko sa kaniya. Tumango naman siya sa akin at nagsimula na kaming maglakad.

I think it's almost 5 hours na kaming palibot libot sa gubat hanggang sa makarating kami sa isang bayan.

Ingay at ibat ibang gamit ang nakikita kong binebenta. I think nasa pamilihan Kami napadpad.

Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko ang isang matanda na nagpalabas ng isang apoy sa kamay niya.

"Lie" tawag ko Kay Lie.

"Ayanah mukhang alam ko na kung nasan tayo napunta" Napatingin ako kay Lie at nagkatitigan lamang Kami.

"We are in the world of magic Ayanah" halong mahugot ko ang hininga ko dahil sa pagkabigla. Hindi ako mapaniwala na totoo pala talaga ang mga taong may kapangyarihan.

Akala ko sa mga Anime ko Lang nakikita yun. Nagsimula na kami ulit maglakad at napadpad kami sa isang lumang book shop.

Akmang papasok na kami sa loob ng shop para tumingin tingin nang bigla nalang may nagsalita sa likuran namin.

"Sino kayo?" Napahinto Kami ni Lie at tinignan ang taong Yun. Ngunit ganon nalang ang takot ko ng makita namin ang dalawang kawal na seryosong nakatingin sa Amin.

"We're just passer by Sir" magalang na sagot ko, but to my surprise bigla nalang sumigaw ang isa sa kanila. "Tagalabas!"

Napaatras ako nang tinapatan nila ako ng mga sandata nila.

"Ayanah!" Takot na tawag sa akin ni Lie.

"Lie.. I think hindi tayo welcome dito" halos lahat ng tao nakatingin na sa amin at ang sama nang tingin.

"Hulihin sila!!" After I heard that shout parang bigla nalang kusang kumilos ang katawan ko at tumakbo nang kusa.

"Ayanah malapit na sila"

"Shit! Lie kapag namatay ako dito isasama kita" pananakot ko sa kaniya.

Hindi ko alam kung saan ako papunta basta takbo lang ako ng takbo. I should get out of here. Tangina mukhang dito yata ako mamamatay.

Napatingin ako sa mga kawal na humahabol pa din sa akin but to my surprise bigla nalang akong may nabangga.

"Aw.. shit ano ba!" Sigaw ko sa kaniya dahil sa inis. Kabado kong tinignan ang humahabol sa akin at ang lapit na nila.

"Miss ikaw kaya bumangga sakin?" Napangiwi ako sa sinabi niya. Hindi ko na siya pinansin pa at akmang aalis na nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"Ano ba bitaw! " Sigaw ko sa kaniya.

"Ayanah!! " Kabadong tawag sa akin ni Lie.

"Shit!" Bigla nalang may humawak na mga kawal sa magkabilang kamay ko.

"Bitawan niyo ako! Ano ba I didn't do anything!!" Sigaw ko sa kanila at nagpumiglas.

"Anong ginagawa ninyo?" Dinig Kong tanong nang lalaking nakabangga ko. Kasalanan niya to eh kaya nahuli ako.

"Tagalabas po siya Mahal na Prinsipe" napatigil ako dahil sa narinig. Tama ba ang dinig ko? Prinsipe?.

"Pakawalan niyo siya. I know her" halos Hindi ako makapaniwala sa pinagsasabi niya. I he trying to save me?

Nakita Kong nagkatinginan pa ang mga kawal bago ako desisyonang bitawan. Napahawak ako sa pulsuhan ko dahil pakiramdam ko nagkapasa ako sa higpit nang hawak nila.

"Patawad mahal na prinsipe. Hindi po namin alam" yumuko ang kawal habang sinasabi niya Yun. Wow ngayon lang ako naka experience nang ganito.

"Makakaalis na kayo" utos niya dito at bigla nalang naglaho ang mga kawal. This time kaming dalawa nalang nang prinsipe kuno ang natitira dito.

"So you owe me your life this time" sinamaan ko naman siya ng tingin.

"It's your fault! dapat hindi nila ako mahuhuli kung hindi mo ko pinigilan" may inis na sagot ko sa kaniya.

"You should thank me first young lady" pangaasar niya. Dahil mabait naman ako, ako na ang nagpasalamat.

"Fine.. thank you"

"Then.. let's go" bigla niya nalang hinila ang kamay ko at dahil sa pagkabigla hindi ko magawang makapagsalita.

Huli ko nang napagtanto nakakahalati na kami nang lakad.

"What the hell!! Hey let go of me!" Sigaw ko sa kaniya.

"Wala akong gagawin masama sayo. I can't let you go wonder around here Baka habulin Ka na naman nang mga kawal" napatigil naman ako dahil may point siya. Hinayaan ko nalang siya kung saan niyaan ako dadalhin.

Bahala na talaga, sana makabalik ako sa mundo ko nang buhay.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top