CHAPTER 34
Island
Ayanah Pov.
"Tama pa ba to?" Pagtatanong ko sa kasama ko dahil ang creepy nang paligid kong nasaan kami. He just looked at me and ignore what I said.
Mukhang hindi maganda yata ang gising nito kanina. Ikaw ba naman magising habang umuulan sa loob ng kwarto mo. Ang tanga naman kasi ni Bryle. Sa dami daming kwartong gigisingin niya bakit don sa isang umaapoy pa.
Ayan wala nang sa mood ngayon ang lolo niyo. Napasimangot ako habang nakasunod sa kaniya. Napatingin ako sa paligid namin. Parang gusto ko nalang yatang bumalik sa Academy, bakit kasi sa dami dami nang babagsakan nang pegasus dito pa. Pwede naman don sa exact place kung saan kami pupunta.
"Malayo pa ba tayo?" Pagtatanong ko ulit. This time he answered me.
"Malayo pa" napahawak ako sa tuhod ko sumasakit na kasi dahil kanina pa kami naglalakad. Pwede naman kaming lumipad gamit ang kapangyarihan ko but he told me na bawal daw.
May pa ka sacred kasi tong Island na to, hindi pwedeng gumamit nang kapangyarihan kapag nandito ka sa loob, Ewan hindi ko ma intindihan ang sinasabi nila kanina bago kami umalis.
"You tired?" Sinamaan ko siya ng tingin, ngayon niya lang napansin?
"Hindi" pagtatampong sagot ko. Akala ko lalapitan niya ako at tutulungan but he just walk at iniwan ako. Tangina!! Manhid!!
"H-oy sandali!" Sigaw ko at humabol sa kaniya. Ang lalaki nang hakbang akala mo naman kapre.
"Akala ko pagod ka?"
"Ayaw kong maiwan no" may bahid na inis kong sagot. Bigla naman siyang tumigil at gulat akong napatingin sa kaniya nang yumuko siya sa harapan ko.
"Give me your foot"
"H-uh?" Tinaasan niya naman ako ng kilay dahil sa naging reaction ko. Kahit nahihiya dahil baka madaming dumi ang paa ko tinaas ko nalang ito.
Naramdaman kong hinawakan niya ang paa ko at parang pinipisil ito. "Masakit pa ba?" Pagtatanong niya.
"Medyo" narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya at tumalikod sa akin. He tap his back kaya na gets ko kaagad ang pinupunto niya
"Sakay" sasakay ba ako? Napakagat ako sa ibabang labi ko nang palihim at wala nang nagawa pa. Sumakay ako sa likuran niya at nang okay na ang lahat. Bigla na siyang tumayo at buhat buhat na ako.
"Sleep..gigisingin nalang kita kapag nakarating na tayo sa tutuluyan natin" ewan ko dahil sa sinabi niya parang bigla akong na antok.
"Mabigat ako ah" pagpaalala ko sa kaniya. Baka kasi habang natutulog ako bigla niya nalang akong ihagis. Ide sira ang beauty ko non.
"Wala nga akong naramdamang bigat eh" napangiwi ako dahil ganon na ba talaga ako kagaan?
"Kumain ka nang madami sa susunod"
"Kumakain naman ako"pagdadahilan ko sa kaniya. Madami naman talaga akong kumain kaso hindi lang sa tiyan ko napupunta lahat nang taba.
"Pero kunti lang?" Hindi mo sure.
"Madami no" sagot ko.
"Kumain ka nang gulay"napangiwi ako sa sinabi niya. Ayaw ko nang gulay!hindi ko nalang siya pinansin pa at pinikit ang mata. Bahala na si batman, okay na to makakatulog na ako.
"Your asleep?" Dinig kong tanong ni Hance sa akin.
"Hmm" wala na akong lakas pa magsalita dahil inaantok na ako.
"Just sleep.. I'm just here"
alam kong may sinabi pa siya but I didn't hear it clear. After that nilamon na ako nang antok ko.
Naalimpungatan ako nang maramdaman kong binaba na ako ni Hance sa kama. I look at him at kita ko kung paano niya ayusin ang kumot bago ilagay sa akin.
"Sleep again" biglang utos niya nang mapansin niyang nakamulat na ako.
"What time is it?" Nnakakaramdam na kasi ako ng gutom, hindi ko namalayan na nakarating na pala kami, I think nasa isang kubo kami ngayon, kunti lang ang space nang kwarto but it's nice at napaka ganda sa mata at pakiramdam.
"Malapit nang lumubog ang araw" napatango nalang ako. Kaya pala, hindi pa kami nakakapananghalain simula kanina.
"I will find some foods, just stay here" paalam niya, hindi ko na siya inaabala pa at iniwan niya na ako. After he left bumangon ako. Nawala na ang antok ko dahil sa gutom. Naisipan ko namang libutin ang lugar kung nasaan kami.
Sumilip ako sa labas nang bintana at halos pinapalibutan kami ng mga matataas at malalaking puno, may natanaw pa akong mga ibon na nagsisiliparan.
Hindi na masama. Lumabas ako sa kwarto kung nasaan ako ngayon at unang napansin ko ang isang maliit na mesa. Nasa likuran nito ang lutuan at sa kabilang side naman ay ang pinto nang kubo at ang sala.
Maliit lang nga siya, but it's nice in here. Umupo ako sa bakanteng upuan sa sala at tinignan ang kabuuan nang kubo. Kumpleto naman ang mga gamit dito kaya wala na kaming proproblemahin pa.
Supply nalang talaga nang pagkain ang kailangan namin sa araw araw. I don't know kung saan si Hance hahanap nang pagkain sa kagubatang to, I think mga prutas lang ang mahahanap niya. Kung meron man.
After an hour sa kakahintay sa kaniyang bumalik, dumating din siya sa wakas, halos magulat ako dahil may hawak siyang sibat na merong nakatusok na dalawang isda don.
Kapansin pansin din na basang basa siya."sandali kukuha ako ng towel" tarantang turan ko at naghalungkat sa mga gamit namin nang pamunas. Mabilis ko namang nahanap yun at binigay sa kaniya.
"Saan ka ba nanggaling at basang basa ka?" Pagtatanong ko sabay kuha nang Isdang nahuli niya yata.
"May nahanap akong ilog sa malapit, good thing merong mga isda don" naitikom ko nalang ang bibig ko at nilagay ang mga isda sa kusina.
"Magbihis kana muna ba ka magkasakit ka"pagaalala ko, kasi naman alam kong pagod na pagod yan kanina sa kakalakad at buhat buhat pa ako tapos ngayon naligo nang wala sa oras.
"Concern ka ba sa akin?" Sinamaan ko siya nang tingin dahil sa tinanong niya. Hindi ba obvious?
"Magbihis ka nalang don" ayaw kong makipag talo pa sa kaniya, alam ko namang ako lang matatalo sa huli. Narinig ko naman ang pag ismid niya at bahagya nitong pagtawa. Siraulo talaga.
"Yes ma'am!" Akmang itatapon ko sa kaniya ang hawak kong sibat nang mabilis siyang pumasok sa kwartong nilabasan ko kanina.
"Tarantado talaga" bulong ko nalang sa sarili ko. Pinagtuunan ko nalang nang pansin ang mga isdang nasa harapan ko.
Ngayon anong gagawin ko dito? Hindi ako marunong maglinis nang isda. Napakamot ako sa ulo ko dahil halos mag tatatlong minuto ko nang tinititigan ang isda.
"Hindi maluluto ang isda sa kakatitig mo" nagulat nalang ako nang marinig ko ang boses niya. Tapos na pala siyang magbihis. lumapit naman siya sa pwesto ko at kinuha ang mga isda.
"Ako na ang magluluto. Alam ko namang hindi ka marunong"
"Marunong naman, hindi lang isda" bigla niya namang pinitik ang noo ko kaya napangiwi ako sa sakit.
"Masakit yun ah!" Sigaw ko habang hawak hawak ang noo. Mamumula to..
"Alis! Sa sala kana tumambay" pagtataboy niya sa akin. Nakanguso naman akong umalis don at iniwan na siya.
Umupo nalamang ako ulit sa kaninang inupuan ko at tumingin sa labas. Halos madilim na ang paligid. Meron pa akong naririnig na mga ingay nang hayop mula sa loob nang gubat.
Tumingin ako sa mga bituin, sobrang dami nito at halos hindi mo talaga mabibilang. Sino namang tanga ang magbibilang nang stars?
Hindi ko alam anong mangyayari sa amin ngayon dito. Na mimiss ko na ang Academy, yung masasarap na pagkain don, yung loob nang room kahit hindi ako nagaaral nang mabuti. Yung kwarto ko..yung malambot kong kama na mimiss ko na yun.
"Lie" bigla namang lumabas si Lie sa kwentas ko. Bumungad sa akin ang nakangiti niyang mukha.
"Maganda yata ang pagtulog mo ah" I tap her head at mukhang nagpapalambing pa. Mabilis naman siyang tumango sa akin.
"Nagugutom kana?" Pagtatanong ko.
"Oo Ayanah. Hehehe" napangiti nalang ako.
"Ako din nagugutom na hahaha" pagbibiro ko. Napanguso naman siya, akala niya seguro bibigyan ko siya nang pagkain, ako nga walang pagkain eh.
"What's that smell?" Agaran niyang tanong at parang may sinisinghot sa hangin. Napatigil naman ako nang meron akong naamoy.
"Ang bango!" Pagsigaw niya at mabilis na pinuntahan kung saan nanggagaling ang amoy. Napansin kong sa kusina yun galing. Mabilis akong tumayo at pumunta sa kusina.
There I saw Hance while plating the foods he just cook.
"Lets eat " hindi pa man siya nakakaupo nang mabilis kaming naupo ni Lie. Napansin ko pa ang pagiling niya habang nakatingin sa amin.
"Damihan mong kumain" parang may kakaiba sa sinabi niya. Binaliwala ko nalang yun at nagsimula nang kumain.
masarap nga! ang galing talaga niyang magluto, akala ko talaga kunti lang ang alam niyang lutuin, akalian mo yun marunong magluto nang ulam yung taong apoy?
"It's good?" mabilis akong tumango sa kaniya, hindi ko magawang makapagsalita dahil puno nang pagkain ang bibig ko, sabi nila don't talk when your mouth is full.
naramdaman ko naman hindi niya ginagalaw ang pagkain niya at nakatingin lang sa akin. "Hindi ka kakain?"
"Kakain din, sadyang ang ganda mo lang tignan kapag kumakain ka" naramdaman ko ang pamumula nang pisngi ko, bahagya akong yumuko dahil sa hiya.
kahit sa harap nang hapagkainan. wala siyang tigil sa kakabanat. Ano bang sumapi sa isang to at naging ganito na? hindi naman to ganito dati, halos nga hindi na nagsasalita.
"K-umain kanalang" utos ko sa kaniya at ako na ang naglagay nang ulam sa pinggan niya.
"thanks"
"Welcome" nakangiti kong sagot. After we eat our dinner tumambay muna ako sa labas ng bahay kung saan kami nakatuloy ngayon, alam ko kasing nasa loob ng kwarto si Hance kaya dito na muna ako sa labas.
baka ano pang mangyari kapag nasa isang kwarto lang kami, masama yun, dalawa lang kaming nandito jusko!
Napansin ko naman ang isang Rabbit na biglang lumitaw sa harapan ko. Nakatingin lang ito sa akin, hindi ko alam but the rabbit jump again at subrang lapit niya sa akin.
"Saan ka galing?" pagtatanong ko, as if naman na sasagutin niya ang tanong ko.
Akmang hahawakan ko na uluhan niya nang bigla nalamang sumigaw si Hance.
"AYANAH STAY AWAY FROM THAT!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top