CHAPTER 32


Mirtriniz

Ayanah Pov.

Balik na sa dati ang lahat, ngayon naglalakad ako sa hallway. Gusto ko mang pumasok but my feet doesn't want to. Dinala ako ng mga paa ko sa likod ng building.

Dito napakayapa, walang tao, at walang ingay. I'm just alone here. Sumandal ako sa pader at tumingala. Ano kayang mangyayari sa akin ngayong araw, sana wala nang gulo.

"Nandito kalang pala" tinignan ko ang taong nagsalita, at I saw Sheena while holding some paper bag. Again..dinalhan niya na naman ako ng pagkain.

"If that's a food, throw it away..hindi pa ako gutom"at nilagpasan siya. Napatigil naman ako nang bigla siyang magsalita.

"P-lease just this one..c-an you eat something" napabuntong hininga ako at hinarap siya ulit, this time I can clearly see her crying. Nakaramdam naman ako ng awa para sa kaniya, alam kong nahihirapan na sila and they just want to reach out to me.

"C-an you look yourself at the mirror, pumapayat kana Ayanah" naiinis na sabi niya sa akin. Alam ko, but anong gagawin ko kung ayaw nang sikmura kong kainin ang mga pagkaing dinala nila.

"It's non of your business" walang buhay kong saad. Gusto ko nang makaalis, ayaw ko siyang nakikitang umiyak.

"A-yanah please" sabay hawak sa braso ko. Inalis ko naman ang pagkakahawak niya at tinalikuran na siya.

"Just leave me alone please"yun nalamang ang nasabi ko at iniwan na siya. Naglakad ako pabalik sa loob ng building kung saan ang room ko.

Habang naglalakad sa hallway, nakasalubong ko si Headmistress. Yumuko ako at akmang lalagpasan na niya ako nang bigla siyang tumigil sa paglalakad.

Napansin kong sa harapan ko siya huminto kaya napatingala ako sa kaniya.

"Can we talk?" Bahagya pa akong nagulat, bago tumango sa kaniya. Huminga muna ako nang malalim bago sumunod sa kaniya.

Pumasok kami sa office niya, naupo naman ako sa bakanteng upuan at ngayon kaharap ko na siya. Walang gustong unang magsalita sa aming dalawa.

Nakatingin lamang ako sa kamay ko habang nakayuko. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya bago magsalita.

"D-id Hance tell you something?" Parang natuod ako sa tanong niya. Yun agad? Bakit ganon kaagad ang tinanong niya?

"Yes...he did" sagot ko nang mahinang boses. Alam ko din namang narinig niya ang sagot ko.

"I know you like him" alam mo naman pala . Tinignan ko siya ng diretso at kita ko kung paano siya ngumiti sa akin. I can clearly see how she smirk while looking at me.

"Can you stay away from him" hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Gusto niya akong lumayo sa buhay ni Hance?

"What?" Paguulit ko, baka kasi mali lang ang dinig ko sa sinabi niya.

"Mahina ba ang pandinig mo?... I want you to stay away from our lives. Nagiging papansin kana kasi, hindi porket importante ka sa paaralang to dahil meron kang dalawang kapangyarihan you can't do anytime about him..after all we're already engaged" naikuyom ko ang mga kamao ko nang palihim. Kaya ba niya ako gustong makausap para ipamukha sa akin ang lahat.

"Can't you see, me and him are perfect for each other, pumayag na sila Tita para sa aming dalawa..and You..you can stay being his fake cousin" i didn't know na ganito pala ang ugali niya. Akala ko..iba siya sa lahat nang babaeng nakilala ko.

"Hindi ko siya aagawin sayo if that's what you think" salita ko para mapanatag ang loob niya. Alam ko din namang wala na akong panlaban pa sa kaniya.

"That's good" parang na satisfy naman siya sa sagot ko. Napalunok ako at tinignan siya ng diretso.

"But, when he choose me over you..Hindi ko siya ibibigay sayo" seryoso kong saad. Bigla nalamang nawala ang ngiti sa labi niya at napalitan ito nang inis.

"Do you want to hear what exactly he told me?" Pagpapaalam ko sa kaniya. Mukha kasing siya lamang ang masaya sa estado nila ngayon. Kailangan nang magising nang babaeng to sa panaginip niya.

"He told me that he should not agreed with your engagement.. because he already have someone who got his attention"

"I don't know who exactly it is..He didn't say anything to me..but isipin mo na ang gusto mong isipin.. because I'm sure he will not choose you" tumayo na ako at yumuko sa kaniya.

"I will excuse my self Headmistress.." akmang aalis na ako nang bigla nalang niyang hinawakan ang leeg ko.

Gulat akong napatingin sa kaniya, sobrang higpit nang pagkakahawak niya sa leeg ko na siyang nagpahirap sa aking huminga. Pilit kong inaalis ang kamay niya but I can feel my body weaken

"I think you should die here...para na sa akin na lamang ang attention niya"

"L-et me-go!" Utal na salita ko. Ramdam kong nanlalabo na ang paningin ko. No!! Somebody please!! Save me!. Kahit nang hihina ay ginawa ko ang lahat para makawala. Pinainit ko ang palad ko at mahigpit na hinawakan kamay niya upang mabitawan niya ako.

"Ahhhhh" sigaw niya sa sakit dabil nalapnos ang kamay niya. Galit siyang napatingin sa akin. Ako naman ay kinapa ang leeg ko dahil ramdam ko hapdi nang pagkakahawak niya doon kanina.

Hindi paman ako nakakabawi nang maramdaman kong tumilapon ako sa kabilang bahagi ng opisina niya.

"Shit!" Mura ko. Parang nabali yata ang buto ko sa likod.

"You really have guts to fight me..I can't believe you" dinig kong sabi niya habang papalapit sa akin.

Napatingin ako sa mga mata niya dahil parang may kakaiba akong napapansin don. Her eyes is not the same anymore. Is she...

No way!..

"You...y-our a witch" bigla siyang ngumisi sa sinabi ko. Siya ba ang may kakagawan nang pag lusob nang mga mangkukulam nong isang araw?

"Oh..you knew it"

Pinilit ko ang sariling makatayo at hinarap siya. Ramdam kong kumikirot ang tagiliran ko, tinignan ko yun at may nakapa akong basa.

"Your blood smells good" nakaramdam ako nang takot.

Please...someone save me here.. please..

"No one came here for you...they won't hear anything"

Napakagat ako sa ibabang labi ko. Hindi ganito ang gusto kong mangyari ngayong araw. Bigla nalamang nagiba ang anyo niya. Mula sa makinis niyang mukha nagkaroon nang kulubot ang balat niya. Bahagyang kumulot din ang buhok niya.

Napangiwi ako dahil naalala ko ang halikan nila ni Hance sa hallway. Hance kiss this ugly person... Parang gusto kong mandiri nang wala sa oras.

"Ang panget mo" usal ko, bahagya naman siyang natigilan at tinignan ako nang masama.

"But when I got a taste of the blood of Mirtriniz I will became pretty..and Immortal" natigilan ako sa sinabi niya. Did I heard it right? Mirtriniz?

"Oh! I think you didn't know... that's right..your the last descendants of that blood line! Hahahahah"

Kaya ba? Kaya ba pilit nila akong kinukuha? Kaya ba gusto nilang matikman ang dugo ko?

"Shut up!..hindi yan totoo" sigaw ko sa kaniya at pinatamaan siya nang bolang apoy. Mabilis niya naman itong naiwasan.

"Hahahahaha...do you think you will kill me with that?" Nagulat nalamang ako nang nasa harapan ko na siya at nakangisi sa akin, hinaplos niya naman ang mukha ko gamit ang mahahaba niyang kuko.

Gumawa ako ng fire sword at mabilis na tinusok ito sa tiyan niya.

"Ahhhhh!!!!"matinis niyang sigaw sabay bitaw sa akin. Kita ko kung paano siya nahirapan sa pagalis nang espada ko sa katawan niya.

Nang maalis niya ito ay tinapon niya ang espada ko sa kabilang parte nang kwarto. Kita ko kung paano tumusok ito sa pader. Shit! Ang lakas non.

"I will kill you...and I will drink your blood!" Sigaw niya at mabilis na sumugod sa akin. Halos pagod akong iwasan ang mga kuko niya upang hindi niya ako makalmot.

Alam kong kahit kuko lang ang gamit niya at sobrang talim nito. Nakarinig ako nang yabag papalapit sa office niya. Mukhang hindi niya ito napansin.

Sinadya kong mapalapit sa pinto, nang akmang susugudin niya ako ulit nang yumuko ako dahil sa malakas na pagtira niya ay siya na mismo ang nakasira nang pinto. Halos gulat siya sa nangyari, sabay kaming napatingin sa taong nasa labas ng kwarto.

Hance..alam kong puno na nang katanungan ang isipan niya ngayon dahil sa nangyayari.

"Hance!"sigaw ko sa kaniya at mabilis itinapon ang espada ko. Bigla naman siyang nabalik sa ulirat niya at sinangga ang ginawang atake ni Headmistress.

"Jessica?" Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa narinig ko. Is she giving her a chance. Tangina! Kalaban yan Hance!

"Alam kong mahalaga yan sayo but Hance! She's an Enemy!" Hindi ko na napigilan pa ang sariling sumigaw.

Mukhang nakuha niya naman ang ibig kong sabihin. Nakatingin lamang ako sa kanilang dalawa kung paano sila magpalitan nang atake. Halos gulong gulo na ang loob ng kwarto.

Gumawa nang malakas na hangin si Headmistress kaya napakapit ako sa sandalan nang upuan. Shit! I can hold it anymore..nang mabibitawan ko ang pagkakahawak nang meron kamay na humawak sa braso ko.

"S-hit hold on to me!" Sigaw niya kaya kumapit ako sa kaniya nang mahigpit. Nakahinga lamang kami nang bigla nalamang nawala ang malakas na hangin.

"You okay?" Tinanguan ko naman siya bilang sagot. Tinignan ko si Headmistress at nakasalubong ko ang masama niyang tingin.

"Ahhhhhh! Akin siya!" Dinig kong sigaw niya. Napatakip ako sa tenga ko dahil subrang tinis nito at parang mababasag ang eardrums ko sa kaniya.

"Stop it Jessica!" Napatigil kami pareho dahil sa sinabi ni Hance.

Kita ko kung paanong gulat na gulat siyang nakatingin sa katabi ko, kita ko kung paano lumandas sa mukha niya ang sakit habang nakatingin sa aming dalawa.

"N-o Hance..ako pa din to.. I'm your fiance right?" She step once but automatically she stop when hance pointed his sword to her.

"Don't come near us" tumingin ako sa taong katabi ko at nakahawak pa din sa braso ko. Bigla niya nalamang akong nilagay sa kaniyang likuran.

Palihim naman akong napahawak sa tiyan ko dahil nakaramdam ako ng kirot doon. Nakalimutan kong may sugat pala ako. Bakit ba palagi nalamang akong nasusugatan.

"It's her fault! H-ance p-lease listen to m-e"

"I told you to stop right there! Baka makalimutan kong naging Kaibigan kita" bigla siyang napatahimik sa naging turan ni Hance.

Napansin ko ang pagkuyom nang kamay niya at galit na bumaling sa akin.

"I will kill you" parang merong humukay sa kaluluwa ko dahil sa narinig. Bigla nalamang akong napaluhod at nahihirapang huminga.

"Fuck! What did you do!" Hindi ko na marinig nang klaro ang pinaguusapan nila. Halos nanlalabo na ang paningin ko. Kumapit ako kay hance, hindi ko alam kung nagaalala ba siya sa akin.

Shit! Lie!  I tried to call her again but ahe didn't response. Tangina!

"Hahahahahaa she will die! Kung Hindi ka lang din naman magiging akin might as well I kill her too"

"Damn!" Naramdaman kong lumuwag ang kapit ni Hance sa akin and the next thing I knew, nakahiga na ako sa sahig habang pilit na hinahabol ang paghinga ko.

I can hear some noises pero hindi ko na yun pinansin pa. Nawalan na ako nang lakas, nakatingin lamang ako sa kanilang dalawang naglalaban.

Is it the end for me? Dito nalang ba talaga ako?

"Hey!" Dinig kong tawag nang kusing sino at dinaluhan ako. Alam kong merong nilagay na kung ano sa katawan ko and someone carry me, but I can't clearly see that person face.

Gusto ko mang magsalita but all I want now is to rest. I close my eyes and let the darkness fill me.

I hope when I woke up, everything is okay.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top