CHAPTER 31


Reason

Ayanah Pov.

It's been 2 day's since of that incident. Walang may alam kung paano nakapasok sa loob ng paaralan ang mga witches. They think there's a traitor among the students kaya nakapasok ang mga ito.

Until now they're still investigating of what happened. Nasa loob lamang ako ngayon ng kwarto ko, hindi pa din hinayaan sa ngayon ang mga estudyanteng pumasok kaya sa loob ng dalawang araw nakatambay lamang ako sa kwarto ko.

Ayaw ko na din munang makausap silang lahat, kung ayaw nilang sabihin sa akin sang dahilan kung bakit ako hinahanap at pilit na kunin nang mga mangkukulam na yun, ayaw ko na din silang makausap.

Sheena always check on me here in my dorm at kahit isang beses hindi ko siya pinagbuksan nang pinto. Nakaupo lamang ako sa kama ko habang nakatanaw sa labas ng bintana ko.

Inaayos na nang ibang Prof at estudyante ang ibang mga gusali na nasira. I can see here in my room sila Lily at ang iba na tumutulong sa pagaayos.

Napatingin ako sa gawi ni Hance at seryoso siyang tumutulong sa mga Prof sa pag construct ng building. Hindi ko alam na ganito pala nila gawin ang mga gusali dito, mas napapadali lamang sa kanila dahil gumagamit sila nang kapangyarihan nila.

"Lie...do you think meron kinalaman ang lahat nang to sa mga kapangyarihan ko?" I ask her when she just woke up. Napakamot pa siya sa mata niya bago sumagot.

"I don't know..."napasimangot ako dahil pakiramdam ko lahat nang tanong ko walang maynakakasagot.

Napansin ko namang tumabi siya sa akin at tumingin na din sa ibaba.

"Bakit hindi ka tumutulong sa kanila?"

"Gusto kong tumulong, but I don't want to see them" napansin ko ang bahagyang pagkalungkot niya. I just smiled on her para hindi na niya maramdaman ang kalungkutan ko..

"Ayanah..kung hindi tayo napadpad sa lugar na to..what do you think will happen to us?"biglang tanong ni si Lie sa akin na siyang nakapagpatigil sa akin. Napaisip ako sa sinabi niya. Ano nga bang mangyayari sa amin? Kung nasa mortal world pa din ba ako, hindi ko kaya mararanasan ang ganitong kalungkutan? Magiging masaya kaya ako?

"I think.. everything is fine"sagot ko sa kaniya. Hindi ko din naman kasi alam kung anong mangyayari sa amin. We're just trying to go with the flow. Hindi ko hawak ang kapalaran ko. No one knows what's going to happen next.

Baka sa susunod na araw, bigla nalamang akong mawala sa mundong to..but I hope does not won't happen. Takot yata akong mamatay.

Ayaw ko pang makita si kamatayan sa kabilang buhay, baka ibalik lang ako non dito dahil papalitan ko siya sa trono niya.

"Ayanah? Are you there?" Napatingin kaming dalawa ni Lie sa pinto nang marinig ko ang boses ni Lily. She knocked on my door but I'm still on silent.

"Ayanah...we know we did something to you...b-ut please can you open your door...dinalhan kita nang pagkain" alam pala niya bakit pa niya pinilit ang sariling niyang kausapin ako. I'm still mad at them, and I don't want to see them for now.

"Lily..I think we should give her some time again"

"But Sheena.."

"Please..." Bigla naman silang tumigil sa pagsasalita hanggang sa marinig ko nalamang ang paglapag nang kung anong bagay sa sahig.

After a min wala na akong narinig pang ingay sa labas.

"They already left"sabi ni Lie. Binuksan ko naman ng dahan dahan ang pinto ko at doon nakita ko sa labas ang pagkaing dala nila. I didn't hesitate to get it at lock my door again.

Hindi pa ako gutom.

Pabagsak akong nahiga sa kama ko at pinikit ang mga mata. I want to escape from here. Gusto kong magpakalayo layo, but my life is in danger kapag ginawa ko yun. Pilit pa din akong hinahanap nang mga witches.

I don't know why they want me, hindi ko din alam paano nila ako nakilala. Kibago bago ko palang sa lugar na to famous na kaagad ako. Ibang klase talaga ang alindog ko. Pati mangkukulam na nakukuha ko ang atensyon.

"You should go back to the necklace Lie, gusto ko na munang mapagisa"wala naman siyang nagawa at bigla nalamang naglaho sa harapan ko.

Bigla akong nagpakawala nang isang malalim na buntong hininga bago maupo ulit. I tried to think what should I do, pero ano nga ba? Ang tanga ko din naman eh.

Nagulat ako nang bigla nalamang may kumatok sa pinto ko. Hinintay kong magsalita ang taong yun, but that person knock again.

I alert my self. Hindi ko alam kung sinong tao ang nasa kabilang dako ng kwarto ko. Pinakiramdaman ko ang paligid, but I didn't feel any danger.

"Your awake?" Halos kumabog ang dibdib ko nang marinig ko ang boses niya. Sa loob nang dalawang araw kahit ni isa hindi siya pumunta dito, kahit sumama kila Lily Hindi niya nagawa but now, he's here.

"You didn't eat again" ramdam ko ang malumanay na boses niya, parang sinasabi niya sa aking kumain na ako. Ito na naman. Nagiging tanga na naman ako sa kaniya

"Ayanah.. Please don't be hard on yourself..c-an you atleast eat something" bilib din ako sa sarili kong katawan nakaya niyang hindi kumain nang dalawang araw. May sa halimaw yata ang tiyan ko. Hindi ako nagsalita o gumawa nang ingay. Nakikinig lamang ako sa mga sinasabi niya.

"Are you awake? Please..make a sound in there.."ano ako tanga. Manigas siya diyan sa labas. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko nang maalala ko kung paano siya magalala kay Headmistress. Nagawa niya akong iwan kahit sinabihan ko siyang tulungan ito.

Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya parang nahihirapan na siya sa labas. Rinig ko ang pagsandal niya sa pintuan ko. Lumapit ako sa pinto at sumandal na din, gusto kong marinig nang malinaw ang sasabihin niya. Kahit masakit...tatanggapin ko.

"Gusto kitang makausap, but I know you won't like to see me"alam mo pala bakit nagsasabi ka pa.

"That's why, I'm here... please listen kahit ngayon lang pakinggan mo muna ang paliwanag ko.."

Napayuko ako at pinagcross ang daawang tuhod. Natatakot ako sa ano mang maririnig ko mula sa kaniya. Baka hindi ko kayanin pa.

"When The times that we all ignore you.. there's a reason for that..ayaw kalang nilang masaktan pa"kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin?

"When you got discharged, we let Sheena accompany you, because they don't know how to face you"

"I know you saw us, sa hallway..Nagulat ako non, but I let it happen" dahil ginusto mo din. Dapat yata hindi na ako nakinig pa sa mga paliwanag niya. Mas lalo lamang akong nasasaktan.

"When your not awake..m-e and Jessica got engaged" parang pinagsakluban ako ng langit at lupa sa narinig. Kaya ba? Kaya ba ganon nalamang ang pagaalalaga niya kay Headmistress? Ang unfair naman nito. Bakit ganon nalang yun? Hindi man lang niya ako hinintay magising?

"I know I should not agreed with it, because there's someone who's already got my attention, who already hold my heart and the person I like to be with" sino? Hance sino? Nalilito na ako, he's giving me false hope again.

"Ayanah.. I'm sorry" hindi ko maintindihan..anong ibig niyang sabihin? Bakit siya nang sosorry? napatayo ako bigla. Akmang bubuksan ko na ang pinto ng kwarto ko nang wala na akong maramdamang presensya sa labas.

He left..he left me. Napaupo ako sa sahig at hindi ko na napigilan pa ang mga luha kong nagsibagsakan. Ganito nalang ba? Ganito nalang ba palagi ang mangyayari sa akin? Iiyak na naman ako..

Halos hindi matigil ang pagtulo ng mga luha ko at parang gusto kong maglaho ngayon din. Ang sakit..dapat nong una pala umamin na ako sa kaniya, dapat nong una pala sinabi ko na sasarili ko ang totoo. Sana..sana nandito pa din siya.

"Ang tanga ko" bulong ko sa sarili. Nang kumalma na ako ay napahiga nalamang ako sa sahig. Parang ayaw nang tumayo nang mga paa ko.

"What should I do now?" Tanong ko sa sarili.

The Witches are crazy to get me, I have this Identity with matching napakalabong origin, ngayon meron akong sirang lovelife at wala nang pagasa pang umusad. Hindi pa nagsisimula lumubog na ang barko. Ang malas ko naman sa buhay.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top