CHAPTER 30
First Attack
Ayanah Pov.
Pilit akong tumayo at tumingin sa labas nang bintana, dito tanaw ko ang malakas na pagsabog sa Field at kung paano nag karoon nang malaking bitak sa lupa.
Attack?
"Lie! Make a barrier for the students!" Utos ko kay Lie at ginawa niya naman kaagad. Halos napaloob na sa Barrier ang mga kaklase kong hindi padin nagigising, I think they're cursed kaya hindi pa din sila nagigising even though I already killed the master mind of it.
Tumakbo ako palabas nang room at halos makasalubong ko ang ibang students na nagkakagulo. Halos hindi sila magkamayaw sa kakatakbo palabas nang building.
I tried to find the others but I can't find them, even Sheena.
"Shit!" Mura ko at sumunod na din pababa. Nang makalabas na ako bumungad sa akin ang maraming witches na nakikipaglaban sa mga estudyante.
Halos naihakbang ko pabalik ang mga paa ko nang sabay sabay silang napatingin sa gawi ko.
"Ayanah!" Hindi paman ako nakakareact when someone grab my hand at tinakbo ako palayo sa pwesto ko.
Tinignan ko ang taong yun at halos kumabog ang ang puso ko nang makita kong si Hance ito.
"Hance" mahinang usal ko sa pangalan niya, I know he can hear me but he refuse to say a word.
Dinala niya ako sa likuran nang school at pumasok kami sa gubat.
"Hance! Sandali!" Pigil ko sa kaniya dahil naguguluhan na ako.
"Shut up! At sumunod kanalang!" Pagpigil niya sa sasabihin ko at hinila na ako, wala na akong nagawa pa at sumunod na sa kaniya. Natatakot na ako.
Narating namin ang dulong bahagi nang gubat and there I saw all of them. Sabay silang lahat na napatingin sa amin at kita sa mga mukha nila ang kaseryosohan.
"What's happening here?..pls someone explain to me kung anong nangyayari?" Medyo inis na tanong ko sa kanila. Kanina pa ako gulong gulo, simula sa room hanggang sa makalabas ako sa building then I saw some Witches
"A-yanah...we need to hide you" kumunot ang noo ko sa sinabi ni Lily.
"Iha" napatingin ako sa gawi kung saan ang mama nila Hance. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.
"Ano pong ibig sabihin ni Lily?" Kita ko ang pagaalinlangan niyang magsalita. Bakas sa mukha niya na ayaw niyang ipaalam sa akin ang totoo.
"Ayanah"
"Stop Hance, kung itatago mo lang please stop!" Pigil ko sa kung ano mang sasabihin niya. I'm sick of him... palagi na lang akong nasasaktan dahil sa kaniya.
"We need to get out of here! I can sense them Tita" biglang sabi ni Headmistress Jessica. Napaiwas nalamang ako ng tingin sa kaniya dahil naalala ko lang lahat.
"Ok.. Ayanah we need to get you out of here.. please sana pagkatiwalaan mo kami" tumango nalamang ako sa kaniya bilang sagot. Mabilis kaming tumakbo papalayo sa school. Halos hindi ko alam kung saan kami papunta ngayon.
Napansin kong kaunti lamang ang sumama sa amin at nagpaiwan ang iba. Ayaw ko man silang iwan but they refused. They need to secure the school and the other students.
Nakarating kami sa ilog at halos napakalakas nang agos nang tubig. Hindi paman ako nakakareact nang biglang merong tulay na lumitaw sa harapan namin.
"Lets go" utos ng Mama ni Hance at sumunod kami sa kaniya. Nasa unahan ko si Headmistress and I know na nasa likuran ko si Hance kasama si Lily.
Walang gustong magsalita sa aming lima, hanggang sa makarinig kami nang isang malakas na tawa. Sobrang nakakatakot nito at parang nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan.
"Damnit!" Dinig kong mura ni Hance at hindi ko inaasahan na hinawakan niya ang kamay ko papunta sa likuran niya. Ngayon nasa likod niya na ako. Kitang kita ko kung paano naging alerto sila Lily at Headmistress.
Bigla nalamang merong malakas na hangin ang bigla nalamang naming naramdaman, halos mapahigpit ang kapit sa akin ni Hance at ako naman ay sa braso niya. Halos tangayin ako sa sobrang lakas nito.
Nang mawala na ang malakas na hangin ay kitang kita namin sa harapan namin ang tatlong Witches.
Takte, nasundan nila kami.
"Do you think you can hide her from us! We can smell her!" Biglang salita nang isang panget na wictch. Halos merong kulubot sa mukha niya at ang panget ng ipin niya. Hindi yata siya nag totoothbrush. Hindi ba yun uso sa kanila?
"You won't get her" madiin ngumit galit na turan ni Hance sa kanila. Mabilis naman silang tatlong nagtawanan.
"Kung gusto namin, may paraan..." After the first witch said it ay mabilis itong tumalon at nawalan sa paningin namin, huli na para maka react pa kami nang mabilis na tumilapon si Lily. Kitang kita ko kung paano siya tumama sa malaking puno at bumagsak.
"
Lily!" Sigaw nang Ina nila at dinaluhan niya ang anak.
"Nandito ako" biglang bumungad sa harapan ni Headmistress ang isang witches at mabilis siyang nahawakan sa leeg. Napatingin ako kay Hance nang biglang lumuwag ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
Bigla akong nakaramdam nang lungkot dahil alam kong gusto niyang tulungan si Headmistress but he's stock with me right now.
"Help her" bakas sa mukha niya ang pagtataka dahil sa sinabi ko. I pointed where Headmistress is at mukhang nakuha niya ang gusto kong sabihin.
Ako na mismo ang kumawala sa pagkakahawak niya. "I will be fine, kaya ko ang sarili ko" kita kong nagaalinlangan siya but he still choose her. Mabilis siyang gumawa nang apoy at pinatamaan ang witch na kalaban ni Headmistress. I can see how worried he is when he grab the waist of Headmistress para hindi ito bumagsak.
Naramdaman ko namang merong susugod sa akin kaya gumawa ako ng water ball at sinalubong siya. Sobrang lapit nang mukha niya sa akin but I easily out the witch on a giant water ball.
Mabilis lamang siyang nakabawi nang walang kahirap hirap siyang nakawala. Tanginang mangkukulam to. Bakit ba ang lalakas nila.
Sinugod niya ako but, I run fast, alam kong sobrang bilis niyang tumakbo but I still challenge her to run. May nakita akong nakatubang puno at mabilis akong tumalon doon. Halos marinig ko ang pagkabangga niya sa puno dahil sa ginawa ko. Ay tanga!
"Ahhhh" galit na sigaw niya at ang sobrang tinis nito. Halos mapatakip ako sa tenga ko dahil sa ginawa niyang ingay.
I tried to summon a fire sword, alam kong apoy lamang ang makakatalo sa kanila. Yun naman diba? Yun kasi ang ginagawa nang mga napapanood ko sa mga movie noon, sinusunog nila ang mga mangkukulam.
Lumabas ako sa pinagtataguan ko at sinalubong ko siya.
"Ginagalit mo ako!"nakaramdam ako ng pandidiri at hindi takot nang makita kong tumalsik ang laway niya sa puno.ang dugyot niya.
"Kung makakabawi kapa" asar ko sa kaniya. Mabilis siyang tumakbo sa akin at sinangga ko ang mga matataliwis niyang kuko gamit ang espada ko.
Halos mapangisi ako nang makaramdam siya nang pagkapaso.
"Ahhhhhhhh"
"Ang tanga mo" sabi ko at ako na mismo ang sumugod sa kaniya. I swing my sword but she easily get away from it. Halos hindi siya mahuli nang espada ko.
Dahil sa inis ay gumawa ako ng fire ball habang pilit siyang pinapatamaan, halos hindi siya magkamayaw sa kakaiwas nito.
"Ahhhhhhh ang init!" Sigaw niya nang bigla siyang natamaan nang fire ball ko.
Alam kong napalayo na ako sa mga kasama ko, halos hindi ko na alam kung nasaan sila dahil bigla nalamang akong tumakbo kanina.
Hindi ko na pinalagpas pa ang pagkakataon at mabilis na sinugod ang mangkukulam, I easily got her with my sword at tumusok ito sa dibdib niya.
"AHHHHHHHHHH!!!!!!!" Halos bumulwak ang kulay berde niyang dugo at tumalsik sa akin. Mas diniin ko pa ang pagtarak nang espada ko at nilakihan ang apoy. Nang makita kong tinutupok na siya nang apoy ay lumayo na ako sa kaniya.
Napasandal ako sa puno at napaupo. Kaya ko naman palang mabuhay, kahit wala ang tulong nila.
Halos magiisang oras na akong nakaupo nang makarinig ako nang yabag, naalerto naman ako don. Hinintay kong makalapit sa akin ang taong yun nang bigla kong narinig ang boses ni Lily..
"Ayanah! Salamat at ligtas ka" mabilis siyang yumakap sa akin but all my attention ay nasa kay Hance na buhat buhat sa likuran niya si Headmistress. Napansin ko ang sugat sa paa niya.
Iniwas ko nalamang ang paningin ko sa kanila at tinuon yun sa kanina pang nagsasalita na si Lily.
"Hmm. May masakit ba sayo?"
"Nasugatan kaba? Nasan?"
"Lily.. Im fine" pagaasure ko sa kaniya.
"Are you sure?" Tumango nalamang ako sa kaniya. Tinulungan niya naman akong mskatayo at doon ko lang napansin ang matinding sugat sa kaliwang hita ko. Hindi ko napansin kanina dahil sa pakikipaglaban.
Halos mapasinghap si Lily dahil sa nakita. Sobrang laki nanf sugat ko at alam kong malalim ito.
"Ayanah may sugat ka! We need to heal i-"
"Ok lang Lily. Kaya ko pang maglakad.. kailangan na nating makaalis sa gubat na to" wala na siyang nagawa pa nang ako na mismo ang pumigil sa kaniya.
Inalalayan niya naman ako sa paglalakad at nauna na kaming dalawa. Nakasunod naman ang iba sa amin.
Napangiwi ako nang biglang kumirot ang sugat ko, shit! Endure it Ayanah..
Endure it..
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top