CHAPTER 3

Trouble

Ayanah POV

I'm here inside of the classroom and patiently waiting for the bell to ring. Kanina pa ako nagugutom dahil hindi ako nakakain ng umagahan.

Napatingin ako sa Prof. namin at halos lahat ng mga kaklase ko kanina pa humihikab dahil sa antok. Patigasan nalang talaga ng loob sa klase ng Prof. na to. Kaya halos lahat ng reklamo sa kaniya ang boring ng klase.

Hindi ko talaga alam Kung paano to nakapasok sa school akala ko pa naman matinding pag iinterview ang ginawa ni Kuya Kenji sa mga teachers dito.

I already new her lesson ano pa nga bang magagawa ko. Mahilig Kasi ako mag advance lesson sa bahay kasi wala naman akong nakakausap don. Kahit ang magulang ko makakasama ko lang sa breakfast tapos all the day hindi ko na sila makikita.

I'm hungry naiimagine ko na ang masarap na fried chicken nalumilipad sa isipan ko. Gusto ko yung maraming gravy then mushroom soup tapos samahan pa nang unli rice. Damn! nagugutom na talaga ako. 

Lumiwanag naman ang mukha ko ng marinig kong tumunog na ang kanina ko pang hinihintay, finally! makakakain na ako. 

"Class dismissed" dinig Kong Sabi ni Ma'am. Kaso napasimangot ako dahil naguunahan na naman ang mga kaklase Kong lumabas, hindi ko talaga alam kung bakit palagi silang naguunahan.

Nang mapansin Kong kaunti nalang akmang tatayo na ako nang marinig kong tinawag ni Prof ang pangalan ko. 

"Miss Montes"- kumunot ang noo ko dahil sumalubong sa akin ang seryoso niyang mukha. May ginawa ba akong kasalanan? As far as I know wala pa akong ginagawa sa kaniya para mapatalsik siya dito.

"Yes Prof? May kailangan po kayo?" Pagtatanong ko. hinintay ko siyang magsalita ngunit wala akong may narinig mula sa kaniya.

"Magiingat ka miss Montes" Napansin ko namang may binulong siya pero hindi ko marinig.

"Ano po?" Paguulit ko, pero umiling lang siya sa akin at ngumiti. Ang weird niya, what is she talking about? may saltik seguro to. alam kong boring ang klase niya pero sana matino din ang utak niya. 

"You can go" tinanguan ko nalang siya at lumabas na. Parang nadagdagan na naman kuryosidad ko dahil sa kaniya.

Hindi ko nalang yun inisip at kailangan ko na talagang makakain dahil kanina pa nagwawala ang mga alaga ko sa tiyan. Ngunit nang makapasok ako sa cafeteria gulo ang unang bumungad sa akin. Mga nagsisigawang estudyante ang iba naririnig kong nagpupustahan pa. Elite school ba talaga tong school na to or delinquent school. Mas masahol pa sa tambay sa kanto ang mga estudyante dito. 

Napatingin ako sa pinagpipyestahan nila at halos mahugot ko na ang hininga ko dahil may panibago na namang kinakawawa si Stacy. The self proclaimed Queen bee here.

Halos hindi ko na maaninag ang mukha ng estudyante dahil punong puno ito ng pasta sa mukha tapos ang basa pa ng suot niya. Bakat na bakat din ang bra niya sa damit kaya hindi naman magkamayaw ang mga manyakis na kumuha nang litrato.

Tutulungan ko ba siya o hindi? pagiisip ko... kasi kapag sumali ako, ako na naman ang pagiinitan ng lintik na Stacy na yun.  Umiling ako at napagpasiyahang wag nalang baka madamay pa ako. Pero halos murahin ko ang paa ko dahil naglalakad ito mag-isa papunta sa pwesto nila Stacy.

Gusto Kong kumain nang matiwasay hindi yung mapapasabak ako sa gulo. Nako naman oh, lagot ako sa pinsan ko na to. dadagdag na naman to sa iisipin niya. ngayon palang humihingi na ako ng pasensya Kuya Kenji. 

"Who are you-- oh another nerd" Kita ko ang ngisi sa mukha ni Stacy ngunit tinignan ko lang siya nang seryoso pabalik. Wala akong panahon sa mala plastic niyang mukha, halatang pina retoke eh.

Hindi ko siya pinansin at yumuko para iaabot ang kamay ko sa babaeng binubully. Tumaas ang kilay ko nang nakatingin lang siya sa kamay ko. I let out a heavy sigh and grab her hand para makatayo Siya.

"Sa susunod umiwas kana" bulong ko sa kaniya. Pero siya nakatingin lang sa akin na parang ako na ang pinaka walang utak na nilalang na takas sa mental. Talagang may sira na ang utak ko para pumasok sa gulong to. Baliw na seguro ako.

"Hey! Nerd kinakausap kita! sino ka para pakealaman kami?" Hinawakan ni Stacy ang balikat ko para makaharap Kami.

"One of a student here" pagsagot ko. Totoo naman eh, kita ko ang paglandas nang inis sa mukha niya

"Kinakausap kita nang maayos!" Akmang sasampalin niya ako nang mapigilan ko ang kamay niya. Kita ko ang pagkagulat Ng lahat nang naka saksi. Tinulak ko naman siya kaya nakasalampak na siya ngayon sa sahig.

"May I remind you.. your not the owner of this school para maghari harian lang dito. You should know your place missy" paalala  ko sa kaniya. 

"You! Iniinis mo ba talaga ako?" Ngumisi naman ako sa isipan ko, pinakita ko sa kaniya ang nagtataka kong mukha.

"Do I? Hindi ko kasalanan Kung naiinis Ka"pang-aasar ko pa. Hindi ko na narinig pa ang boses niya kaya hinarap ko ang kaawa-awang nilalang na niligtas ko.

"You should change" hinila ko ang kamay niya at akmang aalis na kami nang maramdaman ko ang mabigat na kamay na humawak sa buhok ko.

"Damn!" mura ko dahil parang natanggal yata ang anit ko sa ulo. No one touch my hair like that! this brat!.

"Hindi pa ako tapos sayo. May I remind you too kahit hindi ako ang may-ari ng school mataas pa din ang position ng pamilya ko sa school, do you understand that!" Galit na sabi niya sa akin, tangina! ipakain ko pa sa kaniya ang pera ng magulang niya eh!. 

"Shit!" Mura ko pa ng mas hinila niya ang buhok ko. Narinig ko naman ang hiyawan nang lahat ng estudyante. May araw din kayo sa akin, tangina niyong lahat!.

"Stacy! Tama na Yan!"dinig kong sigaw nang babaeng niligtas ko. Hindi ko naman alam pangalan niya eh.

"Girls hawakan niyo yung isang babae"dinig Kong utos niya sa dalawang alipores niya. Tangina kapag ako nakawala sa pagkakasabunot niya babalian ko siya ng kamay, tapos ipapakain ko sa mga buwaya.

"Ano Huh? Lalaban kapa?" Bulong niya sa akin. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"In your face pathetic bitch!" Sabi ko Kaya mas nainis pa siya at halos manlumo ako nang iloblob niya ang mukha ko sa pinggan ng kung sino. Nalasahan ko pa ang ulam at halos gusto ko nang murahin nang marami ang babaeng to. Never in my life I expected to happened this. 

"Damn!" Hinawakan ko ang kamay niyang nakasabunot sa akin at dahil sa inis malakas ko siyang binuhat at binaliktad.

"Aww aray!" Daing niya. Ngumisi naman ako sa kaniya at pinunasan ang mukha ko ng panyo, buti nalang meron akong baon.

"Tangina ang dumi ko na tuloy" inalis ko ang salamin ko para malinisan ko din.

Nakasalampak pa din siya sa sahig at hirap tumayo, yun palang ang nagagawa ko parang hindi na siya makalakad.

"Serve your right missy" 

"ANONG KAGULUHAN ITO?" Napatahimik kaming lahat at napatingin sa pinto nang cafeteria. Doon nakita ko ang galit na galit na tingin ni Kuya Kenji.

Tumapat sa akin ang paningin niya at halos mahugot niya ang hininga sa pagkabigla. Ngunit kalaunan umusbong naman ang matinding galit na tumingin sa taong naka salampak pa din sa sahig.

Nako mukhang nagustuhan niya na ang sahig kaya hindi pa siya tumayo. Okay Lang mukha Naman siyang floor map.

"Sinong pasimuno nito?" Tanong ni Kuya at halos ngumiwi ako nang tinuro ako nang lahat ng estudyante. Napansin ko naman ang pag-ngisi ni Stacy sa akin, lintik tong babaeng to.

"N-o Dean Hindi po yan totoo. Ti-nulungan niya lang po ako!" Nag cross arm lang ako sabay upo sa bakanteng upuan.

Go girl! pagtanggol mo ako. Nandito Lang ako nakikinig.

"Dean maniwala ka sakin. Itong babaeng to ang gumawa nan lahat. Look at me sinaktan niya ako" pagdadrama ni Stacy at halos masuka ako dahil ang panget niyang umiyak.

"Totoo po ang sinabi ni stacy"

"Yes Dean"

"Parusahan niyo sila Dean"

Tangina pag ako talaga bumawi. Lagot tong mga to sakin. Mga mas masahol pa sa demonyo.

Nakita kong napahilot si Kuya Kenji sa sintido niya.

"Go to my office now"utos niya.

"Pati ako?" Tanong ko sa kaniya sabay turo sa sarili ko. Sinamaan niya naman ako Ng tingin

"Especially you young lady" sagot niya na ikinangiwi ko. Tangina talaga. 

Dumating Kami sa office niya at syempre dakilang pasaway ako humiga ako sa couch niya. Kaya ngayon nakatayo silang lahat.

"Miss Montes let them sit. Wag kang humiga at para makaupo kayong lahat" tinignan ko Lang si Kuya Kenji at napansin Kong nahihirapan na siya kaya dahil mabait ako umayos ako nang upo. Ngayon katabi ko na ang babaeng tinulungan ko at sa tabi niya naman sila Stacy.

"Now let start this. Sino ba talaga ang nagsimula" after kuya Kenji ask that. Nagkanya kanya na silang nagturuan.

Hindi ko Naman mapigilan na matawa kaya napatingin silang lahat sa akin..

"Hahahahah sorry my bad.. you all look like a fool to me"

"Miss Montes!" May diin na tawag ni Kuya sa surname ko. Tumahimik nalang ako at hinayaan na sila.

Natapos ang mahaba habang discussion at ang kinahahantungan Lang naman non ay. Community service.

Tangina wag naman sana mapunta sakin Yung mga banyo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top