CHAPTER 26

Crazy

Her Pov.

Halos hindi ko lubos maisip na magiging magaan ang loob ko sa kanilang lahat. Halos tuwa at maiingay na tawanan ang naririnig ko sa paligid.

This place was so beautiful. Parang nanaisin ko nalamang tumira dito.

"Masaya ka ba Ayanah?" Napangiti ako sa tanong ni Sebastian bago ako abutan ng isang maiinom. They held a feast at ang dami nilang handa. Parang nasa isang piging ako.

"Sobra!"

" Mabuti naman at napangiti ka namin" They don't know how happy I am right now. Hindi ko to naramdaman simula nang makarating ako sa lugar na ito.

"Ayanah!" napatingin ako kay Louise nang tawagin niya ako. She's one of the pegasus at sobrang nagandahan ako sa kaniya. Tinawag niya ako at pinapunta sa pwesto nila. Nagpaalam naman ako kay Sebastian.

Nang makarating ako sa pwesto nila halos nanliit ako. Sobrang gaganda nila at halos nakaagaw ng pansin ko ang ibat ibang kulay ng buhok nila.

"Tikman mo ito Ayanah. Niluto ni Ina yan para sayo"  napatingin ako sa binigay ni Louise and I think I know this kind of food. Alam ko sweet potato to. Binalatan ko naman kaagad at medyo ma init init pa. Pagkatikim ko.. Sweet potato nga.. hahahaha

"Masarap?"mabilis akong tumango. Hindi ko aakalain na meron din palang pagkain ng mga mortal sa lugar na ito.

This place was a blessing!. Halos nakailang peraso ako bago ako nakaramdam ng uhaw. Mabuti nalang di ko pa naubos yung binigay na inumin ni Sebastian kanina.

Nakakatuyo pala talaga ng lalamunan ang pagkain na ito.

"Alam mo Ayanah. Masaya kami dahil nandito ka"

"And so am I. I'm happy that I'm here"

"Nong nabalitaan namin kay Sebastian na nandito ka. Halos hindi namin alam kung paano ka paghahandaan ng pagkain. Wala kaming pagkain na meron ang ibang palasyo.. ito lamang ang pagkain namin dito" I can see it. They're almost like a province to me. Ganitong ganito ang mga pagkain sa mortal world kapag nasa probinsya ka.

"Hindi naman ako mapili sa pagkain. Food is a blessing from above"

"Ngunit nagmula ka sa academya"

"More like to me. Your food is like a human food that them" napansin ko naman ang pagsilay ng mga ngiti nila sa kanilang labi.

Atleast I make them happy. Natapos ang kasihayan na halos lasing ang ibang mga kalalakihan. Nagpaalam na din ang iba na kailangan na nilang umuwi sa kani kanilang bahay.

Now I'm here at the house of Sebastian. Bahay niya pala ang kubong ito.

"Ayanah"

"Hmm" hinintay kong maysasabihin siya dahil napansin ko ang pagkaseryoso sa mukha niya.

"You should wake up" nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa sinabi niya. Napahawak ako sa ulo ko nang makaramdam ako ng sakit.

Nahihirapan na din akong makahinga habang nakatingin sa kaniya. Napansin kong unti unting lumalabo sa paningin ko si Sebastian.

Anong nangyayari?

"Please wake up" what's that voice?

"Ayanah"

"Stop! Stop!..." Naramdaman ko nalang ang pagbigat ng talukap ng mga mata ko at nilamon ako ng kadiliman.

Nang maimulat ko ang mga mata ko, white ceiling and the smell of medicine ang unang bumungad sa akin. Where am I?

"Ayanah! Thank God your awake!" Hindi ko alam anong nangyayari at nasa harapan ko ngayon sila Lily. Napatingin ako sa mga kasama namin at halos silang lahat ay nandito.

"Ayanah" napatingin ako sa tabi ko at nakita ko si Lie. Halos mugto ang mga mata niya at kapansin pansin ang pagiyak nito.

Naguguluhan ako. Paanong nandito ako..

"Why?" Bigla silang natahimik ng magsalita ako. Ang alam ko nasa harapan ko si sebastian. Alam kong nasa kubo kami.

"A-yanah what happened may masakit ba sayo?" Agarang tanong ni Sheena. Napailing ako sa kaniya.

"I think we need to give her some time. Kakagising niya lang" napatingin ako sa gawi nila bryle at sumalubong sa akin ang seryosong tingin ni Hance.

"Paanong nandito ako?" Pagtatanong ko.

"Ayanah it's almost a month nang mapasok ka sa white room and your faefairy come to us. On that moment we know.  May masamang nangyari sayo that's why we barge in to the white room and we found you almost half dead" pagkukwento ni lily

"At tatlong linggo kana simula nang mailigtas namin na walang malay" dugtong ni sheena.

So all this time.. It's all a dream..those moments..

"Ayanah" napatingin ako kay Lie dahil alam niya ang nasa isipan ko.

"We should go. She's already awake now " biglang salita ni Hance at parang pakiramdam ko na sinasayang ko lang ang oras niya. Is He mad?

"Kuya" aapila pa sana si Lily

"Let's go" wala na silang lahat nagawa pa at nagpaalam na sakin na babalik nalang sila mamaya.

Now kaming dalawa nalamang ni Lie ang nandito sa loob ng kwartong to.

"Lie it's all a dream" kusang nagsibagsakan ang mga luha ko. Those people..

"They're not real..nasa isipan ko lang sila" hindi ko matanggap. Akala ko totoo.

"Ayanah" naramdaman ko ang pagtabi sa akin ni Lie at ramdam kong nalulungkot din siya ngayon.

"Those moments..Nakaramdam ako ng saya don Lie. Sobrang saya ko don"

Naalala ko na naman ang mga nangyari. Don sa kubo, si Sebastian, si Louise yung ibang Pegasus. The garden..

"Lie..do you think there's a possibility that they are real?" I ask her. Hindi siya makapagsalita dahil kahit siya hindi niya din alam. Umaasa pa din ako.

"I need to go the library" decision ko at mabilis na inalis ang mga bagay na nakakabit sa katawan ko. Nagpunas din ako ng luha ko.

"Ayanah! Anong ginagawa mo" pigil sakin ni Lie.

"Lie..kailangan kong malaman if totoo silang lahat!"

"Ayanah!" Huling rinig kong sigaw sa akin ni Lie bago ako lumabas sa pinto. Kahit nanghihina tinahak ko ang daan papunta sa library.

Marami ding nakatingin sa akin dahil halos matumba na ako sa kakalakad. Nang makarating ako sa Library mabilis kong pinuntanan ang history section.

Tanda ko pa ang sinabi sa akin ni Sebastian. The First City. The First Kingdom.

Halos maubos ko ang mga libro ngunit wala akong mahanap na tungkol sa Mirtriniz. Why? Bakit walang record tungkol sa lugar na yon.

Pinuntahan ko ang librarian desk.

"Where's the section kung saan ang mga libro tungkol sa First Kingdom?"

"The Frendon?" Nagtaka ako dahil sa sinabi niya

"N-o the Mirtriniz" napansin ko ang pagkataka niya dahil sa sagot ko.

"I'm sorry but we don't know what your talking about miss" halos mawalan ako nang balanse dahil sa nalaman.

Wala..wala silang alam.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top