CHAPTER 22

Anger

Her Pov.

I see, so Camille is a soul manipulator. Kinakabahan ako para kay Sheena. Her opponent is not just an easy one. Isang maling hakbang niya lang malalagay siya sa peligro.

Narinig na namin ang pag tunog ng bell hudyat na nagsisimula na ang laban. Mabilis ang pangyayari nakita nalamang naming nakasalampak na sa sahig si sheena at hindi niya magawang makagalaw.

Camille is controlling her soul. Bigla nalamang nasuntok ni Sheena ang sarili niya at sunod sunod ito. Halos ang pagtawa nalamang ni Camille ang naririnig namin sa arena.

This can't be? Sheena get up! Gusto kong sumigaw pero alam kong hindi din naman niya maririnig ang sigaw ko.

Napatingin ako sa mga kasama ko at ngayon, nakikitaan ko na sila nang kaba. Napansin ko pagpikit ni sheena at bigla nalamang tumilapon si Camille sa barrier. Matindig pagtama ang niya na naging sanhi ng pag crack nito. Ngunit bumalik din sa dati ang ayus ng barrier.

Dumura ng dugo si camille at ngayon si sheena na ang nakatayo at gumawa nang Air tornado. Halos ramdam namin ang matinding hangin dahil sa ginagawa niya.

Hindi paman nakakatayo si Camille nang mabilis siyang natamaan nang Air tornado. Kapansin pansin ang pilit niyang makahawala sa buhawi. Nagkaroon siya ng mga sugat sa katawan at rinig na rinig namin ang pag daing niya.

Napatingin ako kay Sheena at hindi ko siya nakikitaan ng awa sa mga mata niya ngayon. Tutok na tutok siya sa ginagawang pagpapahirap kay Camille.

"She's anger" dinig kong bulong ni Hance sa tabi ko.

"Yah, she's literally anger right now, ayaw na ayaw ni Sheena na nanapapahiya siya at sa ginawa nang kalaban niya kanina. Alam nating hindi na makakalabas pa sa arena na yan na hindi nag aagaw buhay ang kalaban niya" dagdag ni Bryle

"Ayaw ko na siyang galitin pa" sabi ko dahil nakakatakot pala talaga. Kahit ni isa sa kanila I think wala dapat akong galitin. Baka hindi na talaga ako makabalik pa sa mundo ko at maging bangkay nako dito.

Nakarinig kami ng matinding ingay at halos hugutin ko na ang hininga ko dahil sa nasaksihan. May tatlong Air Sword na nakatarak sa dalawang balikat at tiyan ni Camille ngayon. Wala nang Air tornado ngunit ang sinapit niya...hindi ko maipaliwanag kung mabubuhay pa ba siya.

"S-top" dinig naming lahat ang sinabi ni Camille

"I-surrender" dagdag niya at bumigay na ang katawan niya. Napahiga siya sa sahig at biglang nawala ang barrier.

Ngunit mukhang hindi pa din natatapos ang pag ganti ni Sheena. She summoned her magic sword at akmang sasaksakin pa niya si camille ng may isang kamay na pumigil sa kaniya para gawin yun.

"Stop! Sheena it's over!" Sigaw ni walter

"No! She will pay for what she did to me!" Pagwawala ni Sheena.

"Sheena! Please Stop! You will kill her!" Dagdag pa ni Lily at tinulangan na niyang umawat si Walter. Halos makahinga ako ng maluwag nang mapakalma na nila si sheena.

Mabilis namang bumalik sila sa pwesto namin at nagpatuloy ang event na parang walang nangyaring kaguluha. Unbelievable!

Tahimik lamang akong nakatingin sa isang tabi at pinagmamasdan sila Lily at Walter na pakalmahin pa si Sheena. Her anger issue is insane!

Napatin ako sa score board at mataas ang nakuhanh marka ni Sheena.  95...not bad para sa isang taong kayang makapatay ng wala sa oras.

"The next match will be....Prince Hance Frendon and Charles Kyle Munsoz!"

Napatingin ako sa katabi ko nang tumayo na siya.

"Make it fast bro! Nagugutom na ako" reklamo ni Bryle sa tabi.

"Tanga! Pagkain na naman iniisip mo" bara sa kaniya ni Lily. Napailing nalang ako sa kanilang dalawa.

Napansin kong may nakatingin sa akin at nakasalubong ko ang tingin ni Hance.

"You won't give me a goodluck?" Napatagilid ko ang ulo ko dahil sa tanong niya. Ano daw??

"Huh?" Napansin ko ang pagiling niya dahil sa reaction ko.

"Nevermind just watch me"

"O-k" hindi seguradong sagot ko. Hindi ko kasi maintindihan anong sinasabi niya. Para siyang tanga.

"Prfft...hindi talaga uusad love life mo Ayanah" napangiwi ako sa turan ni Lily sa akin.

"Anong pinagsasabi mo diyan?"takang tanong ko. Para silang may mga saltik. Yung mga taong nawalan ng tornillo sa utak.

"Hayaan mo na si Ayanah. Medyo slow siya ngayon"

"Hindi yata ngayon lang. Palagi namang slow yan eh!" Aba pinagkakaisahan yata nila ako. Sinamaan ko naman silang lahat ng tingin. Buti nalang napansin nilang hindi na ako nakikipagbiruan sa kanila.

Tinuon ko ang pansin ko sa laban ni Hance at kanina pa pala nag sisimula. Napansin ko ang seryosong mukha niya at parang walang wala sa kaniya ang kalaban niya.

"Pustahan tayo?" Napataas ang kilay ko sa narinig ko mula sa mga kasama ko.

"Ilang minuto sa tingin niyo matatapos ang laban ni kuya?" Tanong ni Lily

"1min lilibre ko kayo one week" sagot ni Bryle

"3 mins, pag nanalo ako lilinisin mo yung kwarto ko" dugtong ni Walter

"Ako 2 mins. Pupusta ko yung bagong bigay ni ama na pegasus...ikaw ayanah?" Napatingin sila sakin.

"50secs?" Hindi seguradong sagot ko. Wala yun ang lumabas sa bibig ko.

Nakarinig kami ng sari saring reaction at napabaling sa gitna ang tingin.

"Hala tapos na?"

"Ganon nalang yun? Hindi pa nakaka isang minuto!!?" Hindi makapaniwalang sabi ni Lily.

"So I think.. nanalo ako?" Sabi ko sa kanila. Sabay sabay naman silang nagsilihis ng tingin sa akin. Kita mo tong mga to.

"You didn't watch me" halos malaglag ako sa inuupuan ko dahil sa narinig kong boses. Ang bilis niya naman yata.

"I did" pagrarason ko.

"Lie...tss" bigla nalang siyang umupo sa tabi ko at pinikit ang mata. Hala bakit pakiramdam kong kasalanan ko yata bakit to wala sa mood ngayon?

"Nako suyuan na kaagad wala pa nang label" halos marindi yata ako sa narinig ko kay walter. Anong sinasabi nito?

"Tanga! Aminan muna bago label"

"Maka tanga naman to! Isa kapa eh dapat hindi muna maging slow yung isa" sabay sabay naman silang tatlo na nagtawanan.

Hindi ko talaga maintindihan anong pinaguusapan nila.

"That's was fast!!... Oh our next match I think...it will be interesting... Please come here in the center Ms. Cloe Lane Hali and Ms. Ayanah Frendon"

Shit!! Narinig ko yata ang pangalan ko. Tumayo naman ako at nagsimula nang maglakat papunta sa gitna. Habang naglalakad ako ilang santo na yata ang natawag ko.

Please papa God, guide me and protect me.. st. Michael, st joseph, st blaise, padre pio....huhuhu please save me here!!!.....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top