CHAPTER 18

Hidden Place

Her Pov.

Umusbong ang pagtataka sa dibdib ko ng magising ako ng wala sa loob ng kwarto. Huling alaala ko sabay kaming lahat natulog matapos naming kumain ng Dinner. Ngunit bakit andito ako ngayon sa gitna ng gubat?

"what's happening?" kinakabahan man pilit kong nilibot ang paningin ko sa paligid ngunit wala akong napansin na kakaiba. halos nagtataasang puno at halaman lamang ang napapansin ko. 

"bakit nandito ako?..Lie?" tawag ko kay Lie ngunit walang Lie na lumabas. halos balutin ako ng katahimikan at pilit parin siyang tawagin."LIE!" paulit ulit kong sinambit ang pangalan niya ngunit wala pa din. Napahawak ako sa dibdib habang hinahabol ang sariling hininga. Ngunit ganon nalang ang pagkunot ng noo ko ng may mapansin akong kakaiba. 

Mabilis kong kinapa ang leeg ko ngunit wala akong suot na kwintas. halos mapahilamos ako ng sariling kamay sa mukha dahil sa pagkalito. 

Paanong hindi ko suot yun? The last time I check kahit isang beses hindi ko yun hinubad.

Napalunok ako dahil sa kaba at pinilit natatagan ang loob. I need to get out of here. Natatakot na ako...

Kahit hindi ko alam kung saan ako patungo nagsimula na akong maglakad. Walang mangyayari sa akin kapag nag stay ako sa isang lugar. Kailangan kong makahanap ng daan palabas sa gubat na to.

Halos ilang oras na akong lalakad ngunit pakiramdam ko pabalik balik lang ako. Pagod at habol ang hiningang sumandal ako sa isang puno at naupo sa lupa.

"Shit! Nasan ba ako!!?" Naiinis na ako dahil gusto ko nang makalabas dito. Tinignan ko ang kamay ko at pilit na nagpalabas ng tubig para maibsan ang pagkauhaw ko ngunit walang lumabas.

"What the!! Pati ba naman kapangyarihan ko!?" Halos gusto ko nang magpagulong gulong sa pwesto ko sa inis.

"Tangina!" Malutong mura ko at pinikit nalang ang mata. Ngunit hindi pa ako nagtatagal sa pwesto ko ng bigla nalang may naramdaman akong kakaiba sa paligid.

Naging alerto naman ako at tahimik na nagmasid. Wala akong kalaban laban kapag biglang may sumugod sa akin ngayon. Kahit sandata wala akong makapa  sa katawan ko. Tanging kapangyarihan ko lang ang inaasahan ko ngunit pati ito hindi din gumagana.

"Sinong nandiyan!!?" Sigaw na tanong ko at napatingin sa kanang bahagi ng bigla nalang may kumaloskos.

"S-inong sabing nandiyan eh!!" Shit! Nauutal na ako sa kaba. Gusto ko nang maihi dahil sa takot ngayon.

Naghintay akong may lumabas at halos makahinga ako ng maluwag nang mapansin ko ang isang pegasus.

"A-nong ginagawa mo dito?" Tanong ko at dahan dahang lumapit sa nilalang na nasakatingin lang sa akin.

Hinawakan ko ang mahabang buhok niya at halos matuwa ako ng mapansin kong nagugustuhan niya ang ginagawa ko.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko. Alam ko naman na hindi niya ako sasagutin dahil isa siyang hayo--

"Dahil nandito ka" parang natuod ako at napatigil sa pagkapa ng buhok niya dahil sa narinig. Napakurap akong napatingin sa mga mata niya.

"I-kaw ba ang nagsalita sa utak ko?"

"Ako nga..kinagagalak kitang makilala binibini" halos manlaki ang mata ko sa gulat dahil hindi ako makapaniwala. Paano?? Paanong nakakausap ko siya!! Napailing ako at pilit na iniisip na guni guni ko lang ang lahat

"H-indi..pa-god lang ako...t-ama pa-god lang to" umatras ako at tumalikod sa kaniya. Akmang hahakbang na ako ng marinig ko ulit siyang nagsalita.

"Binibini.."

"Wahhhhhhhhhh" matinis na sigaw ko at tumakbo papunta sa punong sinandalan ko kanina. Siniksik ko ang sarili ko doon habang nakatingin lamang sa pegasus.

Nakatingin na din siya sa akin at halos balutin ako ng takot ng magsimula siyang humakbang papalapit sa akin.

"Wag!! Di-yan kalang..." Utos ko ngunit nagpatuloy lamang siya sa paglapit sa akin."sinabing diyan kalang eh!!"gusto ko nang ibato ang suot kong tsenelas sa kaniya.

"Binibini ...wag kang matakot..wala akong masamang gagawin sayo"

"H-hindi ako naniniwala!!"

"Binibini...gusto ko lamang ipakita sayo ang lugar kong saan ako namamalagi" napalunok ako ng sariling laway at dahan dahang tumayo ng tuwid.

"H-indi mo ko sasaktan?" Naniniguradong tanong ko.

"Oo binibini" nakahinga naman ako ng maluwag dahil don.

"Kung ganon...ano bang gusto mo sa akin??" Hindi ko kasi maintindihan ang sinasabi niya. Anong lugar na gusto niyang ipakita.

"Kailangan mo lang sumama sa akin binibini at dadalhin kita sa lugar na sinasabi ko" napakamot naman ako sa ulo ko dahil nakaramdam na naman ako ng kuryosidad. Ito na naman ako..baka kung ano namang kapahamakan ang dadatnan ko nito.

"Malayo ba??"

"Wag kang magalala binibini makakabalik ka din" napakagat ako sa ibabang labi. "Ok sasama ako" disididong sagot ko sa kaniya. Napansin ko naman na tumagilid siya at parang sinasabing sumakay ako.

Umakyat ako sa likuran niya at humawak sa kaniyang leeg. Hindi nagtagal naramdaman ko ang pagkumpas ng pakpak niya at sinimulan nang lumipad

Halos mapanganga ako sa magandang tanawin na nakikita ko sa ibaiba.

"Wow"

"Maganda ba binibini" mabilis naman akong tumango dahil ang ganda..halos nakikita ko ang lahat na nasa ibaba. Ang ibang mga hayop na masayang nagtatakbuhan.

Napansin ko naman na parang pamilyar sa akin ang lugar kung saan niya ako dinadala. Natanaw ko ang lumang gusali at hindi nga ako nagkamali.

"Nandidito na tayo binibini"dahan dahan akong bumaba sa kaniya at nakatingin lamang sa bukana ng isang lagusan.

Hindi ko alam ngunit pakiramdam ko may nagsasabi sa sarili kong kailangan kong pumasok. Takot man ay nagsimula na akong maglakad papalapit sa lagusan.

Mabilis kong hinawi ang makakapal na baging at halos magtaka ako sa aking nakita.

"Maligayang pagdating binibini" napatingin ako sa kasama kong pegasus at ngayon nasa tabi ko na siya.

"A-nong lugar ito?" Tanong ko ngunit hindi niya ako sinagot. Lumapit ako sa isang statue at nagtataka ako dahil parang kakaiba siya.

Is this a real person? Hinawakan ko ito at halos manlaki ang mata ko dahil totoong tao ito.

"An--" hindi ko natapos ang dapat kong sabihin ng mapatingin ako sa paligid. Doon ko lamang napansin na napakaraming estatwa ang nandidito.

Anong nangyari dito?? Bakit naging estatwa ang halos lahat ng mamayan dito. Kapansin pansin ang mga yelong nakabalot sa kanilang lahat.

"Binibini" tumingin ako sa likuran ko ngunit ganon nalang ang pagkabigla ko ng sumalubong sa akin ang matinding liwanag.

Habol ang hiningang bumangon ako at takang napatingin sa paligid.

"Anong nangyari?" Litong tanong ko sa sarili dahil napansin kong nasa kwarto ko na ako ngayon at nakaupo sa sariling kama.

Mabilis kong kinapa ang leeg ko at napansin kong nandon na ulit ang kwentas na suot ko. Huminga ako ng malalim at humiga ulit.

Hindi ko alam kung panaginip ba iyon o totoo. Ngunit pakiramdam kong totoo lahat.

Napailing ako at naisipan nalang ulit matulog. Bukas ko nalang iisipin lahat yun. Pagod na pagod na ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top