CHAPTER 17

Legend Unknown

Her Pov

Nandito na ako sa kwarto at ngayon nakaupo ako sa kama habang pinagmamasdan ang librong hiniram ko sa library.

"Ano bang espesyal sa librong to?" Naiinis na tanong ko sa sarili dahil nagtataka na talaga ako sa sarili ko kung bakit ko ba to hiniram. Muntik na nga ako mapahamak dahil dito kanina.

"Lie" tawag ko Kay Lie at bigla Naman siyang lumabas.

"Bakit?" Walang ganang tanong niya. Napataas naman ang kilay ko dahil mukha siyang pagod na pagod.

"Buong maghapon kana sa loob ng kwentas at nagpapahinga pagod ka pa din?" Pagtatanong ko dahil parang inaantok pa siya.

"Ewan ko...gusto ko lang matulog"after she said that bigla nalang siyang nahiga sa sarili kong kama. Parang sa kaniya ah!

Hindi ko nalang siya inabala pa at hinayaan nalang magpahinga. Mukhang Hindi din niya naman ako ulit matutulungan dito sa pinaggagagawa ko.

Kinuha ko ang libro at tinignan ang front cover nito. Sinubukan ko siyang buksan pero hindi ko magawa.

"Ano ba Yan! " Asik ko dahil sa inis. Tinignan ko nalang ulit ito at kalaunan may napansin ako sa unahan ng Libro. Bakit ngayon ko lang napansin Ito. Hinawakan ko ito pamilyar sa akin ang simbolong ito.

"Ang kwintas" mabilis akong napatingin sa kwentas na suot ko at kinuha Yun. Ngayon pinagtapat ko ang libro at ang kwentas.

"It's the same" bulalas ko. Kaparehang kapareha ang simbolo ng Libro sa simbolo ng kwentas.

I think this is the key to open this book. Wala namang mawawala kong susubukan ko. Nilagay ko ang kwentas sa libro at nagulat nalang ako ng umilaw na naman ito

Hindi talaga ako nasasanay sa mga kakaibang nangyayari dito sa mundong to. Nang mawala ang ilaw pakiramdam ko may nagsasabi sa aking basahin ang nasa loob nito.

Kabado man ginawa ko pa din ang utos ng instinct ko. Binuksan ko iyon at halos maubo ako sa alikabok.

"Cough* s-hit cough*" magrereklamo ta natalaga ako sa Headmistress about sa alikabok ng Library. Tangina! Pinagpagan ko ito at nang okay na..sinimulan ko nang basahin.

First stanza palang halos mapakunot na ang noo ko.

"The lost Mirtriniz?"hindi ko alam ngunit may kakaiba akong pakiramdam habang binibigkas ang mga salitang yun. Bakit nakaramdam ako ng pangungulila..

Tinuon ko naman ang pansin ko sa susunod na paragraph. "Friandan. Isang lugar kung saan ang mga taong biniyayaan ng mga Diyos at Diyosa ng kapangyarihan. Halos lahat ng mga mamayan dito ay nagkakaisa at walang gulong nangyayari"

"Limang kaharian ang siyang nahahati sa Lungsod ng Friandan. Ang Una ay ang kaharian ng Mirtriniz. Kung saan nang gagaling ang angkan na siyang namumuno sa buong Friandan. Nagsisilbi silang pinagkamakapangyarihang angkan sa lahat.  Pinamumunuan ni Haring Liam Mirtriniz at Reyna Kesha Mertriniz"napatigil ako sa pagbabasa ng matapos kong malaman ang pangalan ng Hari at Reyna.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil nakaramdam ako ng kalungkutan. Huli ko na nang mapansin kong may isang butil ng luha na palang tumulo sa pisngi ko.

"What's happening to me?" Usal ko dahil bakit...bakit ganito ang nararamdaman ko. Hindi ko naman sila kilala ngunit bakit Hindi sila mawala sa isipan ko.

"Sinasabing hindi magawang magdalang tao ng Reyna, ngunit batid nilang mag-asawa na hindi sila bibiguin ng kanilang Diyos. Kalaunan binigyan sila ng isang munting sanggol. Sinasabing ang sanggol na ito ang siyang magsisilbing kanilang protection sa lahat"

"Ngunit ng gabing maisilang ang sanggol lumusob ang mga itim na mangkukulam. Dahil sa takot na may mangyaring masama sa sanggol ginawa ng Reyna ang lahat para protektahan ang anak. Sa kahuli hulihang hining ipinataw ng Reyna ang makapangyarihang mahika nang kanilang Salin lahi"

Tinignan ko ang kasunod na pahina ngunit wala nang nakasulat. Nagtaka ako dahil kung gaano kakapal ang libro ganon din kaikli ng sulat nito.

"Tangina!" Mura ko at tinapon nalang sa sahig ang libro. Naiwan naman akong nakakunot Ng noo at nagtataka dahil Hindi ko alam kung anong nangyari sa sanggol.

Na curious ako sa sanggol na sinabi sa libro. Bakit sinasabi na siyang magpoprotekta sa kanilang lahat?

"Shield ba ang sanggol na yun?" Tanong ko sa sarili dahil para na akong timang dito dahil halos masabunot ko ang sariling buhok dahil sa inis.

"Ayanah! Nandiyan kaba?" Napaayos ako ng sarili dahil bigla nalang kumatok si Lily.

"O-o nandito ako!" Mabilis ko namang kinuha ang libro at tinago sa ilalim ng kama ko. Mabuti nalang naitago ko na ito bago pa buksan ni Lily ang pinto.

Habol ang hiningang ngumiti ako sa kaniya"ba-kit mo Pala ako tinawag?" Pagaagaw ko ng pansin niya.

"Sasabihan lang sana kitang kakain na" napatango naman ako at mabilis na lumapit sa kaniya. "ganon ba! Tara na gutom na din ako" sabay hila sa kaniya dahil napansin kong nakatingin pa din Siya sa loob ng kwarto ko.

"May kakaiba sayo" napahinto Naman ako dahil sa sinabi niya. Pilit ngiting hinarap ko Siya."a-no Naman Yun? Wala namang kakaiba sa akin ah" at umikot pa ako sa harapan niya para mapakitang wala talaga.

"Basta may kakaiba talaga" napabuntong hininga Naman ako at hinawakan ang balikat niya. "wala Yun. Kaya wag mo nang isipan Yun at nagugutom na ako" hinila ko naman siya papunta sa kusina. Napansin ko namang nandito din silang lahat at mukhang Kami nalang ang hinihintay nilang dumating.

Napataas ang kilay ko nang makita ko si Hance na kasama na namin ngayon."Hindi mo kasama si Headmistress?" Pagtatanong ko dahil ngayon ko lang nakitang Hindi sila magkasama.

Seryoso niya naman akong tinignan"bakit mo naitanong?" Nagkibit balikat Naman ako sa kaniya

"Wala Lang..ngayon ko lang kayong nakitang Hindi magkasama"

"Why?" Napatigil ako sa pagsandok at taka siyang hinarap.

Napansin ko din ang pananahimik ng mga kasama namin at sa aming dalawa lang nakatuon.

"Bakit why? Masama bang magtanong?" Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagbabago ng mood niya pero dali din namang bumalik sa pagkaseryoso.

Tama ba yung nakita ko kanina. Biglang lumambot ang expression niya.

"No" tipid na salita niya.

"Yun naman pala wala din namang masama..so bakit nga ba Hindi mo siya kasama?" Na curious lang ako. LQ sila?

"Do you want me to call her?" Sumama ang timpla ng mood ko dahil sa narinig. Inirapan ko siya at binaling nalang ang pansin sa plato ko.

"Why can't you answer me..do you want me to call...her?" Napakagat ako sa ibabang labi.

"N-no" Hindi ko alam kung bakit yun ang sagot ko. Lumabas nalang sa bibig ko ang salitang yun. Tangina!

"Good..now eat " halos hugutin ko ang hininga ko dahil sa ginawa niya. Nilagyan niya Ng ulam ang pinggan ko at halos lumuwa ang Mata ko sa dami ng sinandok niya.

Ngayon iniiisip ko na paano ko to mauubos??

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top