CHAPTER 16

Legendary Book

Ayanah POV

gusto kong magpakain sa lupa ngayon. Pwede naman seguro eh, nasa Fantasy World naman ako.

Where here at the Headmistress Office at napatingin ako sa mga taong nasa harapan ko at parang may kung anong lumabas sa itaas ng ulo ko dahil sa mga mapanuring tingin nila.

Nandito din si Queen Eloisa dahil nabalitaan niya kaagad ang nangyari.

"Fire and Water" napatingin ako kay Queen Eloisa dahil sa sinabi niya. "H-ow come that you have two powers?" Seryoso niyang tanong.

"Hindi ko po alam" mahinang sagot ko dahil hindi ko segurado kung anong mangyayari sa akin. Iniisip ko na baka ikulong nila ako sa dungeon tapos parusahan.

Lalatiguhin?

Bibitayin patiwarik?

O di Kaya naman ...papatayin?  Napalunok ako ng palihim dahil sa iniisip ko. Tangina mukhang dumagdag pa yata ang kaba ko dahil sa kung ano anong pumasok sa utak ko.

"Ayanah"

"Po!?" Medyo napalakas ang sagot ko dahil sa pagkabigla. Nagulat naman silang lahat sa akin lalo na si Queen Eloisa na siyang tumawag sa pangalan ko. 

"Prrftt.. halatang kinakabahan ka ah" napanguso naman ako dahil sa sinabi ni Bryle.

"Ano po ba yun..Your majesty?" Magalang na tanong ko. Naramdaman ko namang hinawakan niya ang kamay ko. Ang lambot!.. halatang walang ginagawa sa buhay.

"Iha.. don't worry wala kaming gagawing masama sayo...we just wanted to know kung paano mo nakuha ang dalawang kapangyarihan" napabuntong hininga naman ako.

"Hindi ko po talaga alam kung paanong nangyaring nagkaroon ako ng pangalawang kapangyarihan" pagaamin ko. Napansin ko naman na parang mas lalo silang napaisip.

"This is the first time that we encountered this..Tita" parang nagpantig ang tenga ko sa tinawag ni Headmistress. Tita?? ganon sila ka close??

"Jessica... that's why I  ask you to not let the other students knew about this. Seguradong magkakagulo ang lahat" parang nawala yata ang pagaalala ko sa sarili ko dahil sumama ang mood ko sa tawagan nila.

"Then what should we do?" Pagtatanong pa niya. Napansin ko namang may nakatingin sa akin. Hinanap ko kung sino yun at nakita kong nakatingin sa akin ng seryoso si Hance.

Pinandilatan ko naman siya ng mata. "What?" Walang boses na tanong ko sa kaniya. Pero ang lintik mukhang wala siyang pake at tinignan pa din ako.

Ako nalang ang umiwas ng tingin dahil parang bumibilis ang tibok ng puso ko dahil sa hindi ko mapaliwanag na rason.

"She should try to control it..Queen" naagaw ng pansin ko ang sinabi ni Walter. Queen Eloisa nodded her head to what he said. "She should..." I let out a heavy sigh dahil parang ako pa yata ang nagdala ng problema sa mga buhay nila.

"Don't worry Ayanah.. tutulungan ka namin para ma control mo ang dalawang kapangyarihan mo" napangiti naman ako ng bahagya sa sinabi ni Sheena.

"Tama! Tutulungan ka namin!" Sigaw pa ni Lily. Napansin ko naman ang pagngiti nila dahil don.

"Thanks guys" pagpapasalamat ko dahil kahit papaano hindi ko kinahaharap ang lahat ng ito ng magisa.

"Then it settled. You should choose what power you use for awhile para hindi na magtaka pa ang mga estudyante dito"

"Why not water?" Tanong ni Bryle.

"Idiot!... It should be Fire!" Kuntra ni Sheena sa kaniya.

"Maka idiot naman. Mukha ba akong tanga?" Tanong niya. Sabay naman na tumango si Lily at Walter na ikinatawa namin.

"Ouch! Ang sakit niyo manglait! kaibigan ko ba kayo?" Mas lalo naman kaming natawa sa pagdadrama niya.

"I should go..Kids bisitahin niyo ang palasyo if you have spare time okay.." biglang salita ni Queen Eloisa.

" I will visit you Tita" napangiwi ako dahil sa narinig.

"That's good to hear...I will wait for that" pagkatapos sabihin ni Queen Eloisa yun nagpaalam na siya sa amin at umalis na.

Naiwan naman kami na parang dinaanan ng anghel dahil sa subrang tahimik. Napabuntong hininga ako dahil mukhang wala naman kaming gagawin pa dito. Ang sakit sa mata ni Headmistress at Hance.

"Alis na ako" paaagaw ko ng pansin nila.

"Samahan na kita" sabay kaming lahat napatingin kay Walter dahil sa sinabi niya, nagulat nalang ako ng nasa harapan ko na siya at inabot pa ang kamay sa akin

"Tara na" Hindi ko na magawa pang makapagsalita dahil hinawakan niya na ang kamay ko at hinila na ako palabas.

Naglalakad lang kami sa hallway at hinahayaan ko lang siyang hilahin ako sa kung saan.

"San mo ba ako dadalhin?"tanong ko dahil napapagod na ako sa kakalakad. Bigla naman siyang tumigil at hinarap ako.

Sumalubong naman sa akin ang nakangiti niyang mukha. " San mo ba gusto?" Inirapan ko naman siya dahil hindi niya din naman pala alam.

"Iwan mo na ako..May gusto pa akong puntahan" pagdadahilan ko dahil mukhang wala siyang balak na iwan ako.

"Hmm. San ba? Sasamahan na Kita" napangiwi ako dahil ang kulit din ng isang to. "teka nga! Bakit ba gusto mo kong samahan?" Taka kong tanong sa kaniya.

Napansin ko naman ang pagkamot niya sa batok. "wala Lang..gusto ko lang" halos mapanganga ako sa rason niya.

"Gusto mo lang?? O gusto mo ko?" Pagtatanong ko dahil iba ang kutob ko sa galawan niya eh. Kanina ko pa napapansin habang nasa loob kami ng office ni Headmistress.

"Paano kong.. oo?" biglang sumeryoso ang ang mukha ko habang nakatingin sa kaniya.

"Don't joke around Walter..Hindi nakakatuwa" tinalikuran ko na siya at handang iiwanan na siya ng bigla siyang nagsalita.

"It's not a joke Ayanah.. I like you" huminga ako ng malalim at nagsalita. "then stop it" at iniwan na siya don.

Nahihibang na siya...anong like? Kakakilala palang namin kung ano ano na ang sinasabi niya.

Wala sa sariling napadpad ako sa Library at dahil napansin kong wala namang tao pumasok na ako.

Hinayaan ko lang ang sarili ko at napansin kong nasa pinakadulo na ako nang Library, halos maalikabok na ang libro dito.

"Ang burara naman ng mga tao dito" bulong ko dahil hindi man lang nila magawang linisan.

Tumingin tingin lang ako sa mga libro ng may mapansin ako. "Ano to?" Takang tanong ko at kinuha ang naiibang libro.

Kulay ginto siya at halos balutan na ng alikabok. Pinagpagpag ko ito at tinignan. Halos hindi ko na mabasa ang title ng libro.

"Ano ba yan! Wala nama--" naputol ang sasabihin ko ng bigla nalang umilaw ang hawak kong libro.

"Shit" bigla ko nalang itong binitawan dahil sa gulat. Halos habulin ko ang hininga ko dahil sa kaba.  Hindi din nagtagal nawala na ang liwanag.

"Wag ko nalang kayang kunin o kunin ko?" But I choose the latter. Para din naman akong timang pupulitin ko din naman.

"What are you doing here?"

"Ay kabayo!" Sigaw ko dahil sa pagkagulat. Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko ang nakapamewang na matanda.

"Ahh...sorry po..hihiram po sana ako ng Libro" napataas ang kilay niya dahil sa sinabi ko. Napatingin siya sa librong hawak ko. Hinawakan ko naman ito ng mahigpit at nilagay sa likuran ko.

"Is that the book that you want to borrow?" Tumango naman ako sa kaniya. Nakita ko ang pagkalma ng mukha niya at halos magtaka ako ng bigla nalang siyang ngumiti.

"Go to the librarian desk at magpalista ka don kung hihiram ka ng libro" kahit nagtataka sa pagbabago ng mood niya napatango nalang ako kaagad.

"O-okay po" nagpaalam na ako sa kaniya at Dali daling pumunta sa desk at nagpalista para sa hihiramin kong libro.

Muntik na akong mapahamak dahil sa librong to. Bumalik nalang ako sa dorm para makapagpahinga.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top