CHAPTER 15
Strange
Ayanah POV
Para akong lantang gulay napalakad lakad ngayon sa hallway. Hindi ko alam kung nakatulog pa ba ako o wala. Halos ang laki ng eyebags ko sa mukha na aakalain kong isa akong panda.
Nagbilang na ako ng tupa sa utak ko kahit langgam nabilang ko na pati yata Alphabet nakanta ko na hindi pa din ako nakatulog.
Halos hindi ako dalawin ng antok dahil kahit napawala ko ang mga halaman sa paa ko hindi parin mawala sa isipan ko ang nangyari.
Ano bang nangyayari sa katawan ko? Ngayon nakakaramdam ako ng init. Hindi yung init nang katawan ah! Yung parang naiinitan ako.
Halos tagaktak na ang pawis ko sa mukha kong tutuusin hindi naman tirik na tirik ang araw.
"Ayanah!" Napatingin ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Lily kasama si Sheena. Napansin ko ding nakasunod sa kanila si Bryle napakunot ang noo ko dahil hindi ko kilala ang isa nilang kasama.
"Anong nangyari sayo? Okay kalang ba?" Alalang tanong ni Lily ng makalapit siya sa akin. Umiling naman ako sa kaniya dahil hindi ko din alam.
"Mukha kang bruha ngayon.. natulog Kaba?" Pagtatanong ni Sheena.
"What do you think?"pambabara ko. Mabilis naman siyang umiling sa akin kaya napasimangot ako. Tinignan ko ang kasama nilang hindi ko kilala at mukhang napansin din nila.
"Ah. Ayanah this is Walter.. Walter si Ayanah..cousin nila Lily at Hance" pakilala ni Sheena sa akin.
Napansin ko ang pagkunot ng noo ni Walter habang nakatingin sa akin. "Pinsan?..may pinsan ba sila Hance?" Napabuntong hininga naman ako dahil mukhang nagtataka na din sila.
"A-h oo pinsan namin siya...malayong pinsan" pagdadahilan ni Lily. Napansin ko naman ang mapanuring mata ni Walter kahit tumango tango
"Wala namang sinabi si Queen Eloisa na may kamag-anak pa pala kayo" napailing nalang ako ng palihim dahil mukhang hindi talaga naniniwala si Walter. "Wag ka nalang magtanong pa. Pinsan nga namin Siya.. Sabi eh!" Bweltang sigaw ni Lily sa kaniya.
"Prrftt .easy! Oo na! Pinsan niyo na nga!" Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Bryle sa kilid.
"Tigil niyo na yan! samahan niyo nalang ako." Agaw ko sa pansin nila.
"Saan ba?" Kuryusong tanong ni Lily.
"Library"...
Walang ganang nakatingin ako sa mga taong nasa harapan ko ngayon. Ang sabi ko kanina sa Library ako pupunta but I just found my self sitting here inside of cafeteria.
Bigla nalang kasi namin silang nakasalubong at dahil dakilang masunurin ang mga kasama ko isang salita lang ni Headmistress sumama na. Aalma na sana ako ng walang mudo akong hinila ni Lily at Sheena.
At ang mas kinaiinisan ko pa dahil kasama namin ngayon ang Headmistress. Nasa tabi niya si Hance at parang may sarili silang buhay na dalawa.
Halos agaw pansin naman sila dahil lahat ng estudyante nagsisimula nang magbulungan.
"Wag masyadong tumingin" I just rolled my eyes to Lily dahil sa binulong niya.
"Stop me lily.. para akong masusuka dahil sa nakikita ko" may bahid na inis na sagot ko sa kaniya.
"Bakit naman?" Sinamaan ko siya ng tingin.
"Are you making fun of me Lily?" Nakataas na kilay na tanong ko. Kasi simula nang makapasok kami kanina sa cafeteria hindi niya na ako tinantanan sa panunukso niya.
"Oh! I'm not!" Umiiling iling pa siya sa harapan ko. "kumain kanalang!" Asik ko at nilagyan ng punong kutsara ang bibig niya.
This time nakasandal na ako sa upuan at nag cross arm. Nakasalubong ko pa ang tingin ni Hance kaya mas lalong umiinit ang ulo ko.
Dumagdag pa siya sa nararamdaman ko ngayon, napansin ko naman ang hindi gamit na plato at ginawa itong pamaypay.
"Mainit pa din? Hindi naman ah" napabuntong hininga ako sa sinabi ni Sheena at hindi nagsalita. Mas lalo ko pang nilakasan ang pagpaypay ko dahil mas lalo pa yatang uminit.
"Shit!" Mura ko dahil halos maligo na ako sa pawis ko.
"Balik na muna ako sa dorm..I want to take a bath" hindi ko na hinintay pang magsalita sila dahil mabilis akong tumayo at naglakad paalis.
Ng makarating ako sa dorm dumeretso ako sa banyo at hindi ko na magawang hubarin ang damit ko at naligo sa shower.
Napapikit ako ng maramdaman ko ang lamig ng tubig na dumampi sa balat ko.
"Damn" mura ko dahil pakiramdam ko kulang pa ang lamig. Mas nilakasan ko ang paglandas ng tubig at halos makahinga ako ng maluwag ng medyo gumaan na ang pakiramdam ko.
Minulat ko ang mata ko at hindi ko alam ngunit pakiramdam ko inaantok ako ng wala sa oras.
"L-ie" nanghihinang tawag ko kay Lie at kahit malabo ang paningin ko naaninag ko ang isang bulto ng tao.
"Lumaki ba si Lie?" Pinilit kong tignan kung si Lie ba ito pero huli na dahil unti unting nanghina ang katawan ko at bago ako mawalan ng malay naramdaman ko may sumalo sa akin.
"W-ho a-re y-ou" huling saad ko and the next thing I knew it's all black.
NAPASAPO ako sa noo ko ng magising ako. Shit ang sakit ng ulo ko. Parang may kung anong humuhukay sa sikmura ko at gusto kong masuka.
"AYANAH! GISING KANA!"
"Shut up lily" mahinang suway ko dahil parang narindi ang tenga ko sa sigaw niya. " Sorry" tinaas niya pa ang dalawang daliri niya na parang nag peace sign.
Napabuntong hininga nalang ako at umayos ng upo. Naramdaman ko namang tumabi siya sa akin.
"Kamusta pakiramdam mo?" Alalang tanong niya. "I'm fine"
"Anong nangyari sa akin?" Pagiiba ko ng usapan hindi ko kasi matandaan kong anong nangyari sa akin
"We exactly don't know. Nakita kanalang namin ni Sheena na nakahandusay sa sahig ng kwarto mo" kumunot ang noo ko. Kwarto? Ang naalala ko lang nasa banyo ako kanina. Inisip ko ang lahat bago ako mawalan ng malay. I remember that i saw someone inside of my room.
Alam kong meron talaga. Bago ako mawalan ng malay nakita ko ang bulto ng isang tao
"M-ay nakita ba kayong kasama ko?" Pagtatanong ko. Mabilis Naman siyang umiling sa akin.
"Wala naman... "
"Segurado Ka? Ang alam ko kasi kanina nasa banyo ako" napansin ko naman ang pagkataka sa mukha niya
"K-ung nasa banyo ka kanina...bakit nakita ka namin na nasa loob ng kwarto mo?"
"I don't know.." Napatahimik naman kaming dalawa. Napabuntong hininga nalang ako at akmang hihiga nalang ulit ng makaramdam akong masusuka. Mabilis akong bumangon at tumakbo sa banyo.
"Ayanah! Anyari sayo?" Dinig kong tanong ni Lily sa akin. Sinundan niya pala ako. Pilit akong sumuka pero walang lumalabas sa bunganga ko, parang hinahalukay ang tiyan ko.
"Shit!" Mura ko dahil ngayon ramdam ko na ang sakit hanggang sa dibdib ko.
"A-yanah!! Sheena tulong!" Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nahihirapan akong makahinga dahil parang binabalot ng apoy ang dibdib ko sa subrang init.
"Anon--Ayanah! What happened? Lily!" Naramdaman kong dinaluhan nila akong dalawa.
"W-ater" hirap na sabi ko. Mabilis naman akong inabutan ni Sheena ng isang basong tubig at mabilis kong ininom ngunit ganon nalang ang pagkabigla ko ng matunaw ang baso sa kamay ko.
Narinig ko ang pagsinghap ng dalawa habang nakatingin sa akin. Halos habol ko ang hininga ko dahil sa pagkagulat.
"A-yanah!! Y-ung k-amay mo" Napatingin ako sa kaliwang kamay ko at umaapoy.
"A-poy" huling sabi ko bago ako mawalan ng malay
"Ayanah!!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top